Chapter 9: Your Love Is Like Drug

2394 Words
CHAPTER 9 – YOUR LOVE IS LIKE DRUG   SANDRO HERRERA’S POV     Nagulat ang lahat sa sinabi ni Miko, halos mahulog ang panga ng ilan sa kanila at hindi makapaniwala lalo na ang mga kababaihang may pagtingin din sa kanya.   “Miko, are you crazy??? Is this a joke? Tapos na ang prank games, kanina pa!” Reaksyong parang talunan ni Jenna. Oh yes, she is a sore loser!   “Stop it Jenna, tapos na tayo!” Si Miko.   “Itong baboy na ito magugustuhan mo?” Dagdag pa ni Jenna sabay duro niya sa akin habang nakaupo.   Hindi ko alam kung sasagutin ko si Jenna, tinapunan ko na lamang siya ng nakamamatay na tingin, at napag-isipang lisanin na lang ang  kinatatayuan ko palabas ng gate, ngunit ako’y natumba’t nadapa nang unatin ni Jenna ang kanyang binti’t sinadya akong patirin nito. Hindi pa nakuntento si Jenna’t tumayo ito saka ibinuhos pa ang hawak-hawak niyang beer sa akin.   Sa inis ko’y natadyakan ko si Jenna at humandusay rin ito. Natawa pa ang ilang kaklase naming babae sa itsura nito nang matumba. Halatang walang may gusto sa kanya.   “Sandro!” Sabay na pagkakabigkas nila Miko at Zie, at nag-unahan ang dalawang tulungan ako. Lumapit din si Johnson upang tumulong. Nagalusan ako sa aking kanang kamay nang ako’y madapa, at nakitaan ko sa mata si Miko ng pag-aalala nang malingon ako sa kanya kaya mas mabilis itong nakalapit sa akin upang ako’y tulungang itayo.   “Tara, iuwi na kita Chubby Cheeks.”   Napaatras pa si Zie nang iharang ni Miko ang sarili nito sa kanya.   “Kaya ko na ang sarili ko Miko.”   “I have a first aid kit inside.” Si Johnson.   “I’m okay Johnson kahit huwag na.”   Nang makita nila Jonas at Leon na walang tumulong kay Jenna ay agad naman silang tumayo upang tulungan ang kanilang kaibigang ibangon ito.   “Put*ng-ina mong baboy ka, hindi pa ako tapos sayo bakla!” Pagmumura ni Jenna habang inaawat siya ng dalawa niyang kaibigan.   “Jenna tumigil ka na!” Bigkas ni Jonas at Leon sa kanya.   “Iuwi niyo na muna si Jenna.” Seryosong pagkakasabi ni Johnson kina Jonas at Leon.   “Johnson ako na lang ang aalis. I’m sorry for what happened.” Bigkas ko sa kanya.   “Please stay Sandro, you don’t have to leave.”   “Hindi na, aalis na ako. Paalam.”   Mabilis akong naglakad papalabas ng gate, kaagad naman akong sinundan nila Miko at Zie. “Sandro, ihahatid na kita.” Si Zie.   “Ako na ang maghahatid sa kanya bro.” Sambit ni Miko kay Zie.   “Kaya ko na ang sarili ko kahit hindi niyo na ako ihatid pa.” Ika ko sa kanilang dalawa habang mabilis na naglalakad.   Pagkalabas ko ng gate ay nagkataon namang magkatabi pa ang sasakyan ng dalawa. Kaagad namang binuksan ni Miko ang kanyang sasakyan nang matapat ako rito.   “Halika na Chubby Cheeks, ihahatid na kita.”   “Miko, hindi na. Hindi na tayo pwedeng magkasama.”   “Chubby Cheeks, please kailangan nating mag-usap.”   “Miko, huwag mo na akong pahirapan...” Halos bumagsak na ang luha ko sa pagkakasambit ko nito sa kanya.   Nainis naman si Miko nang pumagitna sa aming dalawa si Zie.   “Ako na ang maghahatid sa kanya. Halika na Sandro.”   “Ano ba bro ang kulit mo!” Bigkas ni Miko kasabay ng malakas na pagtulak nito kay Zie sa inis niya.   “Ano ba, ha! Ang kulit ng lahi mo, ayaw nga niyang sumama sayo!” Gumanti rin si Zie at tinulak ng mas malakas si Miko.   Sa inis siguro ni Miko kay Zie ay nasuntok na lamang niya ito sa mukha, gumanti rin si Zie sa kanya hanggang silang dalawa’y magbugbugan na. Sinubukan ko silang awatin ngunit nahirapan ako.   “Miko, Zie, tama na! Please tama na!”   Lumabas ang lahat ng mga bisita’t tao sa loob nang mapansin nilang nagkakasakitan na ang dalawa, at naunang umawat sa kanila si Johnson.   “Awat na mga bro.” Si Johnson habang pinaglalayo ang mga ito.   “Ako na lang ang maghahatid sayo Sandro.”   “Hindi na kailangan Johnson, si Zie na ang maghahatid sa akin.” Kahit madurog man ang puso ko’t alam kong masakit para kay Miko ang sabihin ito, but I have no choice. Binuksan na ni Zie ang sasakyan niya’t agad na akong pumasok dito.   “Sandro...” Si Miko na gustong lumapit pa’t pigilan ako, inakbayan na lamang siya ni Johnson nang hindi na ito humakbang pa.   Pagkaandar ni Zie ng kanyang sasakyan, nilingon ko pa si Miko sa labas, kita ko ang bakas ng lungkot at panghihinayang sa kanyang mukha.   “Mahal mo siya ano?” May lumbay na pagkakabigkas ni Zie.   Napatango na lamang ako kasabay ng mabilis na pag-agos ng luha sa aking mga mata.   Mabilis na pinaharurot ni Zie ang kanyang sasakyan mailayo lamang ako sa lugar kung nasaan si Miko.   “Sandro, sa akin ka na lamang umuwi kahit ngayong gabi lang?” Bigkas ni Zie habang nagmamaneho.   “Sige...”     -----     “Sinusundan niya tayo.” Si Zie habang nakatingin sa salamin. Napalingon naman ako sa likod at nakita ko ang sasakyan ni Miko na nakasunod sa amin.   Mas binilisan pa ni Zie ang kanyang pagmamaneho’t iniliko-liko nito sa iba’t ibang daanan ang sasakyan hanggang sa hindi na kami nasundan pa ni Miko.   Mga ilang sandali lang ay nasa loob na kami ng Camp John Hay kung saan narito ang condominium na kanyang tinitirahan. Habang ipina-park ni Zie ang sasakyan, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo na para bang umiikot ang kapaligiran ko, ipinikit ko lamang ang aking mga mata’t huminga lang ako ng malalim, trying to concentrate at labanan ito.   “Chubby Cheeks are you okay?” Miko??? Tama ba ang naririnig ko?   “Chubby Cheeks, I love you, I love you, I love you...” Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Miko hanggang sa imulat ko ang aking mga mata’t nakita ko siya sa aking tabi.   “Miko???”   “Sandro are you okay? Si Zie ito.”   “Hindi ikaw si Miko.” Giit ko pa. Hinawakan ko ang kanyang pisngi habang nakatitig ako sa kanyang mga mata.   “Ikaw si Miko...”   “Sandro halika na, you need to rest.” Biglang naging si Zie na ang nasa aking harap.   Si Miko lang aking nakikita kanina, at kung bakit ganoon? Am I hallucinating?   Habang nasa elevator kami ni Zie patungo sa kanyang pad, napapaisip na ako kung bakit nag-iiba-iba ang aking pakiramdam though it feels so good and I really don’t know why.   “Marami ka bang nainom?” Si Zie, pambasag niya ng katahimikan.   “Ah, konti lang naman Zie.”   “Did they give you something?”   “What do you mean? Like drugs?”   “Yup.”   “Wala naman.”   “How about the brownies na ibinigay sayo ni Jenna, kumain ka ba nito?”   “Oo. Nakatatlo ako. What about that?”   “It may contain cannabis.”   “Cannabis?”   “m*******a edibles.”   Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kung meron man, kailangan ko na lamang itong itanggi sa kanya. “Wala naman siguro. I’m okay Zie, hindi lang ako sanay uminom ng alak, at ganito talaga ako kapag nakakainom.”   “Okay, pero ‘yang sugat mo kailangan nating gamutin ‘yan mamaya.” Sabay hawak nito sa aking kamay.   “Oo. Salamat.” Sagot ko.   It was on the 6th floor, ang pinakamataas na palapag ng gusali nang bumukas ang elevator, at sa tapat lamang nito ang pad ni Zie. He opens the door using a censor key card, unang bumungad ang kanyang kitchen, living and dining area. Maganda at simple lang ang kanyang pad, it has two bedrooms at dinala niya kaagad ako sa kanyang kwarto.   Una kong napansin sa kanyang gamit ang kanyang Polaroid instant film camera na nakalapag sa lamesang katabi ng kanyang kama. May fascination ako sa mga ganitong camera kaya napakialaman ko agad ito at sinubukan kong kumuha ng larawan.   “Umupo ka muna diyan sa bed. You can try that camera, and have your photo in an instant.”   Ngumiti lamang ako’t sinubukan kong mag-selfie at bigla akong nagulat nang mag-flash ang camera, sadyang magugulatin lang talaga ako rito.   “Can we have a photo together?” Si Zie, napatango lang ako’t inabot ko sa kanya ang camera. Umupo siya sa tabi ko, pinatay muna niya ang flash nito, and then he take a photo with me.   Tuwang-tuwa siya nang makita niyang lumabas ang larawan naming dalawa.   “Isn’t cute? I’ll be keeping this in my wallet.”   Napatango na naman lamang ako habang nakangiti sa kanya. Pakiramdam ko kasi, mauutal na ako kapag ako’y nagsalita. At kinakabahan ako dahil tumitindi na ang aking nararamdaman. They fed me with that brownie at gusto lang talaga nila akong maging wasted. I hate them...   “Sandro, okay ka lang?”   “Y-yes.”   “Anyway, kukuha lang ako ng panggamot diyan sa galos mo.” Si Zie, at pumasok siya sa banyo upang kumuha ng gamot sa kanyang medicine cabinet.   Natahimik lang ako marahil sa kakaibang nararamdaman ko’t pag-iiba ni Zie ng kanyang anyo sa paningin ko. Pilit kong kinokontrol ang aking sarili, linalabanan ang aking isip pati ang aking paningin, subalit hindi ko na madaig ito, at si Miko na ang nakikita kong anyo nito sa kanya. At sa paglabas niya ng banyo, all I can see is Miko Manalo in him.   Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa makalapit ito’t hinawakan ang may galos kong kamay. Wala akong imik, nakatitig lamang ako sa kanya and the feeling is real, he is Miko and I wanna kiss him and make love with him.   “Miko....”   Hinawakan ko ang kanyang pisngi, dinama niya ang paghaplos ko’t ipinikit ang kanyang mga mata, at sa pagmulat niya ng kanyang mapupungay na mga mata’y hinalikan niya ako ng buong pagmamahal.     -----     Hinawakan ko ang kanyang pisngi, dinama niya ang paghaplos ko’t ipinikit ang kanyang mga mata, at sa pagmulat niya ng kanyang mapupungay na mga mata’y hinalikan niya ako ng buong pagmamahal.   “Sandro, I’m not Miko...” Bigkas ni Zie kasabay ng pagbitaw niya sa aking labi. Nang imulat ko ang aking mga mata’y si Zie nga ito at hindi si Miko Manalo na lalaking iniibig ng buo kong pagkatao.   “I’m s-sorry Zie..”   “It’s okay.. You need to rest. If you want to take a shower doon muna ako sa kabilang banyo.”   “Y-yes.. I need to take a shower... Zie may pasa ka, I’m sorry..” Muli kong hinawakan ang kanyang pisngi.   “Okay lang ‘to, lalagyan ko na lang ng yelo.” Pagkakasabi niya, kasabay ng kanyang pagtayo, at nagtungo na ito sa kabilang kwarto.   Nahiga muna ako sa kanyang kama’t pinagmasdan ko ang kanyang kisame hanggang sa may bumulong sa aking tabi.   “Mahal na mahal kita Sandro..” Boses ni Miko. Bigla akong napaupo at muli kong narinig ito.   “Sandro, I love you... Sandro...” Bumubulong lang na tinig ni Miko Manalo.   “Miko tama na.. Tama na...” Hanggang sa makita ko siya sa aking tabi, nakatitig sa aking mga mata. Napatayo na lamang ako’t nagtungo ng banyo upang maghilamos.   Nang mabasa ko ang aking mukha’y nakaginhawa ako, wala na akong naririnig at muli akong naghilamos pagkatapos kumuha ako ng bagong toothbrush sa gilid ng salamin. Bigla akong nagulat nang makita ko si Miko sa may salamin, binalewala ko na lamang ito at ako’y nag-toothbrush. Habang ako’y nagsisipilyo muli ko na namang narinig ang boses ni Miko.   “Chubby Cheeks, I love you...”  Napapikit ako.   “Mahal rin kita Miko...” Sa aking isip.   Nagtungo ako sa kabilang kwarto ngunit nasa loob ng banyo si Zie at naliligo. Muling nagpakita si Miko sa kama’t nakaupo ito at nakatiting lang siya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tila sasabog na ang isip at damdamin ko. At si Miko, si Miko lang ang nakikita ko. Ayaw ko nang imulat ang aking mga mata dahil kung saan-saan ko na lamang siya nakikita.   “Sandro, mahal na mahal kita...” Gusto kong sumigaw dahil kahit sa pagpikit ko’y nakikita’t naririnig ko ang taong mahal ko.   Lumabas ako ng pad ni Zie dahil nakikita ko si Miko sa ano mang sulok nito, maski sa hallway nakita ko rin siya, at pagbukas ng elevator siya rin ang nakita kong lumabas rito. Muntik na akong matumba pagpasok ko rito nang maramdaman ko ang pag-ikot ng aking kapaligiran.   “Oh my God, my God.. Please, help me..”   “Sandro....” Ang boses ni Miko at paulit-ulit kong naririnig na parang musikang hindi matigil.   Nang bumukas ang elevator sa ground floor ay dali-dali akong lumabas ng entrance. Oh my God, maski ang security guard ay si Miko na rin ang nakikita ko. Mabuti at may dumaang taxi at pinara ko ito.   “Kuya sa m-may V-valen-z-zuela S-street, s-sa Z-zonta P-park na lang.” Nauutal ako, nauutal ako! Haaaaay... At nang malingon sa akin ang driver, si Miko ang nakita ko! I wanna cry... Kinalma ko na lamang ang sarili ko hanggang sa makababa na ako ng taxi sa may Zonta Park.   Bigla kong binatukan ang aking sarili dahil nakalimutan kong hindi na pala ako nakatira dito sa Valenzuela Street. “Sa P-pacdal n-na pala a-ako..” Bigkas ko habang pinagmamasdan ko ang pamilyar na sasakyan na naka-park sa may crossing tapat ng dati kong apartment.   Nakita kong bumukas ang gate ng apartment at lumabas rito ang isang lalaki, nakita ko si Miko, pero si Miko ba talaga? Si Miko rin ang nakita kong dumaan, ung dalawang lalaking dumaan naging dalawang Miko. Umandar ang sasakyang nakapark sa may crossing, RAV4 ito at sa tingin ko parang ito ang sasakyan ni Miko o baka imahinasyon ko na naman ito? Wala na tuloy akong tiwala sa mga nakikita’t naririnig ko. Mabuti at hindi ko narin naririnig ang boses ni Miko. Hanggang sa natigil ang sasakyan at si Miko ang nakita kong lumabas. Napansin ako ng lalaki.   “Sandro.” Malakas na pagkakabigkas nito’t mabilis itong lumapit sa akin. Si Miko, si Miko ba ito? Hindi ko alam.   “Chubby Cheeks akala ko tuluyan ka nang sumama sa kanya...” Malungkot na pagkakasabi nito nang makalapit na siya sa aking harapan.   Tama ba itong naririnig ko o siya ba talaga itong nasa harapan ko? I don’t trust anymore my sense of sight and hearing and so I walked out. Mabilis akong naglakad papalayo sa kanya.   “Sandro wait! Sandro!” Bigkas nito habang hinahabol ako.   Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa tumakbo na lang ako’t natigil sa sobrang pagod sa tapat ng Hotel 45 Upper Session Road na hindi rin kalayuan sa pinanggalingan ko. Hinihingal-hingal ako’t halos mawalan ako ng malay habang nakatayo. Ngunit nasundan pa rin ako ng lalaking humahabol sa akin kasunod ng pagdaan ng isang grupo ng kalalakihan at nakita ko si Miko sa kanilang lahat.   “Chubby Cheeks, huwag ka nang tumakbo. Halika na, sumama ka na sa akin..”   “Ikaw b-ba t-talaga ‘yan M-miko?”   “Yes of course. What’s happening Chubby Cheeks, are you okay? You look so tired, iuwi na kita.”   “No. My mind is p-playing me again. L-look at those g-guys, they all l-look l-like M-miko and you, y-you..” At biglang umikot ang palid ko’t ako’y natumba. Nasalo niya ako ngunit natumba rin kaming dalawa hanggang sa maramdaman kong ako’y nasa kanyang bisig na.   Ramdam kong mawawalan na ako ng malay.   “If you are n-not Miko, p-please don’t hurt me.”  Bigkas ko habang nakatitig sa kanyang mga mata’t napansin ko ang malaking pilat sa kanyang pisngi.   “Chubby Cheeks, ako ito si Miko...”   “If you are Miko.. I’m b-begging you to k-kiss me..”   “Sandro...” Mahina nitong pagkakabigkas kasabay ng kanyang paghaplos sa aking pisngi.   “Miko.. Kiss me...” At hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa aking mga labi, at sa pagpikit ko’y tuluyan na akong nawalan ng malay...       To be continued...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD