CHAPTER 8 – THE CONFESSION
SANDRO HERRERA’S POV
Habang ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa amin nang dahil sa nakakagimbal na pangyayaring sinabi ni Vhon at sa naging reaksyon ko rito, biglang lumapit itong si Railey sa amin na natatawang pumapalakpak!
“I think guys, we have a winner! And it’s Vhon!”
“Sorry Sandro, it’s just a prank.” Si Vhon.
“Walang nangyaring masama kay Miko.” Dagdag pa nito.
Parang gusto kong suntukin sa mukha si Vhon, ngunit kumalma na lamang ako dahil ayoko ng gulo. Mabuti na lang at pinatigil na ni Johnson ang hindi nakakatuwang prank game na sinimulan nilang walang pahintulot ang mismong may kaarawan.
“Guys we are here to enjoy and not to make fun of people. Railey and Vhon, I want both of you to leave now! Tara sa loob Sandro.”
Hindi ko na pinansin sila Vhon at lalong-lalo na si Railey na alam kong may pakana nito. And good for him dahil napaalis siya!
“I’m sorry for that Sandro. I can’t imagine what they have done, to think Miko is Railey’s best friend and that is not a good joke.” Ika ni Johnson habang tinutulungan ko siyang magprepare ng pagkain sa lamesa.
“Miko and Railey are not in good terms kaya ganoon ang asal nun sa kanyang kaibigan.”
“Anyway, let’s eat.” Si Johnson, but he didn’t noticed na hindi pa na-set ang mga chairs sa may lamesa. Halos dinala na lahat ng mga bisita sa labas ang mga upuan nang matapos silang kumain.
While we are arranging the chairs, Jenna came inside at nakipag-kamustahan sa akin. Sadly, it results to a sarcastic conversation.
“Okay naman ako Jenna, how about you and Railey?” Akala niya siguro hindi ko alam ang ginawa nila kay Miko.
“We are just friends and I don’t know kung sinong mga makakati ang dilang nagkakalat ng rumor about sa aming dalawa, andami kasing pakialamero diyan sa paligid diba?” Sa tono ng pananalita niya’y para ako itong pinatatamaan niya.
“Hindi naman siguro magiging interesado ang mga tao sa paligid na pag-usapan kayo ni Railey until he opens his mouth and tell Miko that you have s*x with him. So how is that?”
“Sabihin mo nga sa akin Sandro, may gusto ka ba sa boyfriend ko?”
“Sino kay Railey?”
“Stupid.”
I just gave her a sarcastic smile.
“Railey is not my boyfriend!”
“So sino ang boyfriend mo ngayon, hiwalay naman na kayo ng kaibigan ko diba?”
“Sabihin mo bakla ka, makati ka and most of all malandi ka!”
“Please Jenna, get yourself a mirror!”
“Is there something wrong here?” Si Johnson na biglang lapit matapos mag-ayos ng mga upuan, halata kasi sa tono ng boses ni Jenna na nang-iiskandalo siya.
“Wala. We’re okay Johnson, diba Sandro?”
“Ewan ko sayo Jenna.”
Kinausap at pinagsabihan nila Leon at Jonas si Jenna na maging kalmado lang at huwag na muna masyadong uminom ng alak. Nakarami na pala ito simula kanina kaya ganoon na lamang ang asal niya. Nakisalo narin sa amin si Jenna, nang hindi puro alak ang laman ng tiyan nito ika ni Leon.
Mabuti na lang perfect ang ihinandang steak ni Johnson, saktong-sakto sa wine, at naging okay narin kami ni Jenna, kusa rin itong lumapit at nag-apologize. Hanggang sa nag-start ang dinner sa masayang kwentuhan at tawanan. Napag-usapan ng lahat ang tungkol sa naging immersion namin sa Barlig, Mountain Province, kami kasi ni Johnson ang magkasama sa isang family kaya naparami kami ng kwento. Medyo na-interrupt lang ang usapan nang may biglang tumawag sa aking telepono and it was Miko, I cancelled it thrice pero hindi ko rin siya natiis and Johnson insists me to answer my call, mamaya ko na lang daw ituloy ang pagkukwento kaya nagpunta ako ng banyo upang sagutin ang tawag ni Miko.
“Chubby Cheeks ba’t mo ako iniiwasan, may nagawa ba ako?”
“Miko I’m sorry, wala kang kasalanan. Alam mo naman ang sitwasyon, mainit ang mata ng Tito Ferdz sa ating dalawa at ayaw kitang mapahamak.”
“Chubby Cheeks, I miss you so much... Wala na akong pakialam kung saktan man ako ng uncle mo o pahirapan pa.. The feeling of not being with you is torturing me.. Sandro, mahal na kita....”
-----
“Miko, I’m sorry.. I’m sorry for everything and for all the pain that I have caused you.. I’m already dating someone else and I’m starting to like him. Miko, I’m sorry.”
I know I am being unfair, hindi lang kay Miko kung hindi rin sa sarili ko. At nang sabihin niyang mahal niya ako, mas lalo lamang akong nasaktan dahil magiging sobrang hirap at sakit ng paghihiwalay naming ito...
Inayos ko ang sarili ko bago ako bumalik sa mga kaklase ko, ngunit hindi parin tumigil sa pagtawag sa aking telepono si Miko hanggang sa i-silent mode ko na lamang ito upang hindi kami ma-istorbo. I don’t want to do this, hurting him is killing me, pero kung may masamang mangyari sa kanya, mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Mayroon ng cake at iba pang deserts ang sini-serve pagbalik ko sa dining area, nawalan ako ng upuan dahil may pumasok pang ilang bisita. Gusto kong tikman muna ung chocolate cake ni Johnson nang biglang mag-offer si Jonas ng brownies.
“Try this Sandro, specialty ‘yan ni Leon.”
“Thanks.”
I don’t know pero ito na ang pinakamasarap kong natikmang brownie, bigay lang ng bigay si Leon hanggang sa makatatlong piraso ako nito. Weakness ko ang brownies kaya hindi ko ito natanggihan.
“Diba perfect?”
“The best Jonas.”
“Jonas ung brownies ko?” Si Leon.
“Binigay ko na kay Sandro ung tatlo.”
“What??? Isa lang sana!” Gulat ni Leon.
“Bakit???” Si Jonas.
“Sobra ung tatlo, malakas pa naman ‘yon?”
“Malakas saan, Leon?” Tanong ko.
“Ah, malakas sa carbs. Alam mo na ‘wag masyado dapat sa matamis baka mag-gain ka lalo ng weight niyan.”
“Okay lang, nakaka-isang box nga ako. Mas-masarap siya kumpara ung nabibili sa SM, sorry halos maubos ko na.”
“It’s okay Sandro.” Si Leon.
“Inabot sakin kanina ni Jenna, she told me to share it to Sandro bago siya lumabas.” Si Jonas.
“Mag-usap nga muna tayo sa labas Jonas. Excuse lang Sandro.”
Hindi ko alam kung ba’t ganoon na lamang ang reaksyon ni Leon, parang kinain ko lang ung tatlong brownie nito. Sumunod ako sa kanilang dalawa’t lumapit ako sa grupo nila Jenna, kita kong nagbukas ang tanggero nilang si Macoy ng bote ng vodka.
“Join us Sandro, wait lang kuha kita ng upuan.” Si Macoy.
“Salamat.”
“Tumagay ka muna.” Si Jenna, tumayo ito sa kanyang upuan, at sinundan si Macoy sa likod ng bahay kung saan ito kumuha ng upuan.
“Shot mo muna.” Si Jonas sabay abot nito ng shoting-glass na linagyan niya ng alak.
Naka-tatlong tagay lang ako nang maramdaman ko ang malakas na tama ng alak kaya nag-pass muna ako kay Macoy. Nataong naglapag ng lechon sa lamesa ang kuya ni Johnson kaya ito muna ang pinansin ko’t hindi muna ang alak. Kwentuhan lang kami, tawanan hanggang sa medyo makaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko, I don’t know but it feels so good, ngunit hindi ko napansin na may sira pala ang upuang dinala nila Jenna at Macoy, dahil dito bumagsak ako sa sahig nang bumigay na ang silyang inuupuan ko. Hiyang-hiya ako, instead na tulungan nila akong bumangon ay pinagtawanan pa nila ako, lalong-lalo na itong si Jenna na mukhang sinadya niyang dalhan ako ng sirang silya.
“Ahahahahahahahaha! Ang baboy-baboy mo kasi, ayan tuloy bumagsak ka! Ahahahahahahahaha!” Halakhak ni Jenna. Si Johnson pa ang lumapit sa akin at ako’y kanyang tinulungang bumangon.
Ngunit kahit pinagtawanan nila ako ay parang wala lang sa akin, hindi ko alam, para akong naka-droga sa aking pakiramdam, tatlong shot lang vodka ang aking nainom.
Madilim na’t pasado alas sais na nang isa-isa nang buksan ang mga bote ng beer, ibinuhos ang mga tira-tirang alak sa sinisigaang sanga ng kahoy nang mas tumindi pa ang pag-alab ng apoy nito. Hindi ko ba alam kung ano ba talaga ang swerte ko at sa tuwing may inuman ay hindi nawawala ang Truth or Dare na laro. Umiwas muna ako rito’t nagpunta sa tabi ni Johnson sa may bonfire. Medyo iba narin ang pakiramdam ko at habang tumatagal ay para akong naha-high. Vodka lang naman ang nainom pero bakit ganito ang pakiramdam ko?
“Sandro okay ka lang?”
“Okay lang ako Johnson.”
“Kung gusto mong magpahinga, doon ka muna sa kwarto ko?”
“Hindi, okay lang ako.”
“Sure?”
“Yup.”
“Sandro may gusto sana akong sabihin sayo...”
“Ano ‘yon?” Bigla akong kinabahan dahil parang may ibig sabihin si Johnson sa sinabi niya.
“Uhmmm, Sandro...”
“Oh bakit?” Napangiti pa ako, kasi parang seryoso na nagbibiro itong si Johnson.
“Sandro, halikan mo nga ako?”
“Hala, Johnson. Hahaha.”
“Hahaha. Biro lang, hindi kasi ako convinced na okay ka.”
“Okay lang ako Johnson.”
“Sige, sali tayo sa Truth or Dare.”
“Seryoso ka? Kaya nga nandito tayo kasi parang iniiwasan natin ung laro. Hehehe.”
“Tayo ka na diyan. Try lang natin, halika na partner.”
“Okay.”
Pagtayo ko’y biglang nahulog ang aking cellphone, bago ko ito ibulsa’y napansin ko ang napakaraming tawag ni Miko’t isang text message mula sa kanya.
“I know you are not seeing someone else. Chubby Cheeks, I love you.. There has not been a single day when I haven’t missed you much. There is not one person in this world that I want more than I want you.. I love you.. I love you.. I love you...”
-----
“Sandro, is there something wrong?” Pansin ni Johnson ang pagluha ng aking mga mata.
“Wala ito.. Tara sali na tayo sa kanila...”
May bote silang pinapa-ikot habang nagkakatuwaan sa larong Truth or Dare. Papunta na kami sa kanila nang i-suggest ni Macoy na gawin ito habang ang lahat ay nakapalibot sa bonfire. Muli silang nagbukas ng tig-iisa kaming beer, nagpatuloy ang laro’t nagpatugtog na lamang kami ng Reggae, at pagkatapos ng kanta’t kung sino ang may hawak ng pinagpasapasaang empty bottle ng vodka ang siyang taya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, ako’y nagulat nang biglang makita ko sa aking tabi si Zie.
“Oh Zie.”
“Nagulat ka. Hehehe.”
“Bigla ka kasing sumulpot. Hehehe. Kanina ka pa?”
“Kararating ko lang pero kumain muna ako sa loob.”
“Akala ko kasama mo ang Mama mo?”
“Pagod daw siya, bukas na lang daw kami lalabas.”
“Oh I see.”
Biglang lumapit sa tabi namin si Jenna.
“Sandro, pasensya ka na pala kanina. Nadala la lang ako.”
“You don’t need to apologize.”
“Okay, tabi na lang tayo.” Wow parang close naman daw kami. Masyado na atang maraming nainom na alak ang babaeng ito.
“Sandro may sasabihin ako sayo.” Si Jenna sabay lapit ng kanyang bibig sa aking tenga.
“Okay.”
“Natikman mo na ba si Miko, malaki ba ung sa kanya?” Bulong ni Jenna’t napaurong pa ako sa gulat sa tanong niya.
“Hala, wala ah. Ba’t mo ba sa akin tinatanong ‘yan?”
“Wala pa kasing nangyayari sa amin.” Natawa pa ako sa sinabi niya.
“Hahaha. Problema mo na ‘yon.”
“Hello, ikaw pala si Zie, ako pala si Jenna, diba varsity ka sa Men’s volleyball?” Pinakilala na ni Jenna ang sarili niya kay Zie.
“Yes.” Tipid na sagot ni Zie na parang ayaw nitong makipag-usap kay Jenna.
“Zie may girlfriend ka na?” Si Jenna. Haaaay, parang mas malandi pa sa bakla ang babaeng ito.
“Wala, pero may nililigawan na ako, at sana sagutin na niya ako.” Sagot ni Zie, at napatingin ito sa akin. Kunwari hindi ko narinig ang sinabi nito’t napatingin na lamang ako sa boteng pinagpapasapasahan ng lahat at kung kanino titigil ito.
Nang malingon ako kay Zie at titigan siya’y bigla akong nagulat nang maging si Miko na ito sa paningin ko.
“Miko???” Nagulat si Zie nang tawagin ko siyang Miko.
“Sandro, are you okay?” Si Zie.
“Tang’na ka Sandro, si Zie ‘yan ung kaklase ni Miko.” Natatawang si Jenna.
“Hindi eh, siya si Miko...” Bigkas ko na parang nag-iiba ang pakiramdam ko hanggang sa ibalik ko ang tingin ko kay Miko’t biglang na siyang naging si Zie.
“Marami ka na bang nainom Sandro?” Tanong ni Zie.
“I’m okay, don’t worry Zie.”
Nagulat na lamang ako nang iabot sa akin ni Jenna ang bote’t natigil na ang music sa akin. Ibig sabihin ako na ang taya sa laro.
“Sandro, Truth or Dare?” Tanong ni Macoy. At biglang singit si Jenna.
“Macoy ako na magtatanong.”
“Okay. Go ahead Jenna.” Si Macoy.
“Sandro, Truth na lang may tanong ako.”
“Hindi Jenna, Dare na lang ako.”
“Okay fine. Sasabihin ko sayo ang gagawin mo.”
Inilapit ni Jenna ang bibig nito sa aking tenga’t ibinulong nito ang ipapagawa sa akin.
“I’m such a LOSER, TANGA na lang ang magkakagusto sa akin. Gusto ko sabihin mo ‘yan ung malakas na malakas.”
“No Jenna.” Pagtanggi ko, ngunit parang hindi ako nainsulto o na-offend sa sinabi ni Jenna. Parang gusto kong gawin ang pinapagawa niya. Bigla akong napatitig sa may bonfire, mas lumalim pa ang pagtitig ko rito ako, tinatantya ang aking sarili dahil para bang mas nag-iiba pa ang pakiramdam ko, para ba akong naha-hyper na.
“Sandro ano na? Katuwaan lang naman. Say it! Heto isa pang brownie pulutan mo.” Sabay abot ni Jenna ng brownie na galing sa supot sa bulsa ng kanyang bag.
“Sandro, go na!” Si Jonas. At napatayo na ako’t tumingin sa kanilang lahat na parang nag-aalinlangan kung gagawin ko ba ang pinapagawa ni Jenna o hindi.
“Sandro, kung hindi mo kaya huwag mong gawin.” Si Zie, sabay hawak nito sa aking kamay.
Bumitaw ako sa kamay ni Zie, at huminga ako ng malalim.
“I AM SUCH A LOSER! TANGA NA LANG ANG MAGKAKAGUSTO SA AKIN!”
Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ko.
“Ahahahahaha! Loser ka naman talaga!” Si Jenna.
Biglang dumating si Miko at napalingon ang lahat sa kanya.
“TANGA NA KUNG TANGA pero gusto kita!”
To be continued...