Chapter 7: He Can't Be My Ex

2814 Words
  CHAPTER 7 – HIS CAN’T BE MY EX   SANDRO HERRERA’S POV     "Chubby Cheeks, please say that you are okay?"   "Miko, okay na ako. Don't worry hindi na ako mawawala sa'yo."   "Thank God that you are okay, kung kasama lang sana kita sa mga panahong 'yon, I will take care of you 24/7."   "Hindi ka parin talaga nagbabago. I miss you so much!"   Binigyan lamang niya ako ng malumanay na ngiti sabay abot niya sa akin ng kanyang panyo.   "Punasan mo mga luha mo, and smile."   "Ano bang araw ngayon Miko?"   "Saturday, 17th of December 2016."   "This will be the most memorable day before the year ends."   "We have a lot of catching up to do Chubby Cheeks, tara meryenda tayo sa labas."   "Diba kumain kana kanina?"   "Tara na, uhmmm, gusto ko ulit kumain hotdog."   "Sige, tara."   Habang nagpapa-ihaw kami ng hotdog.   "Tanong ko lang Sandro, naaalala mo pa ba noong huli tayong magkita?"   "Noong mawalan ka ng malay sa loob ng Men's locker room?"   "Hindi 'yon."   "Talaga?"   "Oo."   "Kailan?"   "Isipin mo."   "Sabihin mo na."   "Basta isipin mo muna."   "Hmmm, doon sa may locker room talaga ang natatandaan ko."   "I'll give you time to think, at kung hindi mo parin maalala, sasabihin ko sayo mamaya."   Napapaisip na tuloy ako pero wala na talaga akong maalala pa.   "Pero Chubby Cheeks, aminin mo, gustong-gusto mo ako noong College days? Hehehe."   "Sige na, hindi ko naman maitatanggi 'yon. Hindi nga lang kita gusto, mahal pa kita."   "Hanggang ngayon pa ba???"   Hala itong si Miko, hahaha. Hindi tuloy ako makapagsalita, at bigla tuloy akong namumula sa harap niya.   "Chubby Cheeks?"   "Hmmm, basta."   "Oh hotdog mo." Si Mikong nakangiti sabay abot nito ng bagong ihaw na hotdog.   "Salamat. Bilisan pala nating kumain, papaalis na ang bus."   Nag-CR muna ako't nauna nang umakyat si Miko ng bus, habang nakaharap sa salamin at nag-aayos ako ng buhok, biglang sumagi sa isip ko ang tanong sa akin ni Miko kanina at naalala ko na ang araw na huli kaming magkita and that was Friday, December 17, 2010 exactly 6 years ago. Lulan ako ng bus papunta ng Tagudin, Ilocos Sur noong araw na 'yon upang mag-duty sa hospital at nasa 3rd year colloge na ako that time, nasa bandang Bacnotan, La Union ako nang mapalingon ako sa may bintana at nakita ko si Miko, nakatayo siya sa isang waiting shed, naka-police uniform siya at mukhang doon siya na-assign, nagkatinginan nga kami sa mga mata. Nagulat na lamang ako nang makita kong dali-dali niyang pinaandar ang motor na nasa kanyang tabi't hinabol ang bus na sinasakyan ko.   Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, napapaluha ako't hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.   "Miko...." Bulong ko.   Hanggang sa may maramdaman akong humawak sa aking kamay at napalingon ako sa taong may hawak nito.   "Zie..."   "Baby, is there something wrong?" Si Zie.   Nobyo ko na si Zie noong araw na 'yon and that time, bumitaw na ako kay Miko. At sabi ko sa sarili ko, matututunan ko ring kalimutan ang unang lalaking minahal ko.   Naglalakad na ako patungo sa aming bus, napansin ko ngang sumisenyas na nga sa akin si Mikong bilisan ko nang maglakad paalis na ang bus kaya binilisan ko nang maglakad. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may isang lalaki akong nakasabayan sa pag-akyat, tumama pa ang aking braso sa kanyang braso sa pagmamadali naming umakyat ngunit mas nauna akong nakaakyat sa kanya, hindi ko na ito nilingon o pinansin.   "Wala nang bakante, kung gusto mo standing ka muna't may bababa sa Villasis?" Pagkakasabi ng kundoktor.   Hindi ko ba alam kung bakit ako nininerbyos habang naglalakad patungo sa aking upuan hanggang sa makarating na ako sa tabi ni Miko bigla ko na naman kasing naamoy ung pabangong Paco Robanne.   "Natagalan ka ata sa CR?" Si Miko.   "Oo nga. Hehehe."   "Nag-ayos ka pa, hindi na kailangan pogi ka na."   "Ikaw talaga."   "Sandro palit nga tayo, kung okay lang diyan muna ako sa pwesto mo?"   "Naiinitan ka na siguro 'no?"   "Slight. Hehehe. Tutok ko lang ung aircon sa akin."   "Okay lang kasi nilalamig na rin ako dito sa gilid kanina pa." Sabay tayo ko't pumwesto na ako sa kanyang upuan.   "Sandro, last na 'to. Hehehe." May request pa si Miko. Haha.   "Ano 'yon?"   "Na-low battery kanina 'tong phone ko, may power bank ka?"   "Meron." Sabay abot ko nito sa kanya't bigla akong napahikab.   "Salamat. Inaantok ka pa Chubby Cheeks, itulog mo muna. Pwede kang sumandal sa aking balikat."   "Gusto ko sumandal sayo, pero hindi na baka pagtinginan pa tayo."   "Hahaha. Eh ano ngayon. Sige na na-miss kita eh."   Pagkasuot ko ng aking sunglasses, muli kong ginawang unan ang kanyang balikat. Hehehe.   "Maiidlip na rin ako Chubby Cheeks, kwentuhan na lang tayo mamayang lunch." Sabay suot ng kanyang sunglasses.   "Oo, at marami kang dapat ikwento sa akin Miko."   "Ikaw kaya dapat magkwento sa akin..."   "Oo, sige mamaya.. At naalala ko na pala ung huli nating pagkikita. Saglit lang un diba?"   "Yup..." Mahina niyang bigkas.   "6 years ago."   "Bakit hindi ka bumaba ng bus Sandro?"   "Sorry...." At napaangat ako mula sa kanyang balikat at napatingin ako sa kanya. Hindi ako pinansin ni Miko, sa labas lang siya ng bintana nakatingin.   "Miko, sorry na..."   "You don't have to... Sige na pahinga muna tayo and we will talk later."   "Hindi ka nagtatampo?"   "Matagal na 'yon, at nandito ka na." Sabay ngiti nito.   "Ikaw talaga.."   Dahil busy kami sa pag-uusap ni Miko, hindi ko nahalata na may lalaki na palang nakatayo sa harapan ko. Nakaharap siya sa kabilang bintana kaya hindi ko pansin ang kanyang mukha. Hindi ko makita kung pogi kasi maganda ang tindig ng kanyang katawan, parang si Zie kung nakatalikod.   Bigla akong kinalabit ni Miko at napabulong ito.   "Sandro, si Zie sa harap mo."    -----   Bigla akong kinabahan, at napahinga ng malalim, nananalanging hindi si Ezekiel Montemayor Jr. ang lalaking nakatalikod sa harapan ko. Height niya, mukhang magkasingtangkad sila. Nang huli ko siyang makita 2 years ago, medyo long hair siya’t nakatali ang kanyang buhok sa likod at pareho sila ng lalaking nasa harap ko, ganyan na ganyan itali ni Zie ang kanyang buhok. Mahilig si siya sa Levi’s na pantalon at hindi siya nagsusuot ng ibang brand ng sapatos kundi Nike lamang except kung naka-formal ito, the same rin sila, naka-Levi’s at Nike. Oh no, parehas sila ng jacket, alam kong may black leather jacket si Zie na ganyan na ganyan din ang style at Fred Perry ang brand niyan for sure. And the bag, I bought him a colour black North Face bag 4 years ago, regalo ko sa kanyang birthday and it is exactly the same sa bag ng lalaking ito. I’m becoming more nervous.  He can be 90% Ezekiel Montemayor Jr. and I am praying na maisasalba pa ako ng 10% kong chance na hindi ang ex-boyfriend ko ang lalaking nasa harapan ko. But what Miko said it’s Zie so, 1% na lang ang chance ko. Lord, please he can’t be Zie. Ayoko pa siyang makita o makausap....   “Sandro are you okay?”   “Ye-yes, o-okay lang ako.” Bigkas ko’t hinawakan ni Miko ang aking kamay.   “Nanginginig ka. At anlamig ng kamay mo.”   “Wala ito, nauuhaw lang ako. May tubig ka pa?”   “Okay lang sayo, nainuman ko na? Hindi ko pa naman nakakalahati.” Sabay abot nito ng kanyang mineral water na nasa gilid ng kanyang upuan.   “Salamat.”   “Para mo na akong nahalikan niyan. Hehehe.” Pabiro nitong sinabi habang ako’y umiinom.   “Okay lang, ikaw lang naman.” Bigkas at ngiti ko. Nakaginhawa pa ako sa tubig ni Miko.   “Hindi mo ba napansin, si Zie ‘yang nasa harapan mo.”   Lord, anong isasagot ko kay Miko? Pwede ko bang sabihin sa kanya, who is Zie? Okay, alam ko na.   “Zie, Who?”   “Ezekiel Montemayor, diba nalipat ka sa Men’s Volleyball team before?”   “I’ve been with the team twice kaya nakalimutan ko na ang kanilang mga mukha’t mga pangalan. But yes, I remember Zie Montemayor. Pero sigurado ka bang siya ‘yan?”   “Napansin ko lang, but I’m not sure.” Medyo nakaginhawa ako sa sinabi niya. Haaaaay...   “Hindi siya siguro ‘yan.” Bigkas ko.   “Gusto mo tawagin ko?”   “Miko huwag, siguro mamaya na lang kung siya man ‘yan.” Mabilis kong pagpipigil sa kanya.   “Oh bakit?” Nagtataka na tuloy si Miko.   “Nakakahiya, ikaw naman.”   “Hahaha, ikaw talaga, wala naman sigurong kaso kung mapagkamalan ko ito.”   “Medyo inaantok pa ako, I’ll just take a nap Miko, wala pa talaga akong tulog.”   “Okay, ako rin, nap muna tayo Chubby Cheeks.”   Hindi na tuloy ako makatulog, nakatingin pa rin ako sa lalaking nasa harapan ko’t patuloy na pinagmamasdan ito, at nanumbalik na naman sa aking alaala ang mga kaganapan 6 years ago. Ang huling pagkikita namin ni Miko, ang sandaling tuluyang paglimot sa kanya habang kasama ko si Zie’t hawak-hawak nito ang aking kamay..   ----- FLASBACK (Friday, 17 December 2010, inside Partas Bus going Tagudin, Ilocos Sur)   “Zie...” Malumanay kong pagkakabigkas sa pangalan ng aking nobyo.   “Baby, is there something wrong?” Pag-aalala ni Zie, pansin kasi nito ang pamumugto ng mga luha sa aking mga mata.   “Wala may naalala lang ako.”   “Kung ano man ‘yan huwag ka nang malungkot.”   “Don’t worry, I’m okay Zie.”   “Sandro, okay lang ba sayo na huwag ka na lang tumanggap ng mga case study ng mga kaklase mo? Halos gabi-gabi ka na kasing puyat.”   “Zie, alam mo naman na dito ako kumukuha ng pang-allowance ko.”   “Baby nandito naman ako.”   “Zie, ikaw na nga nagbabayad ng apartment natin, ayoko namang iasa sayo lahat.”   “Ayaw parin bang sumuporta ng Tito Ferdz mo sa pag-aaral mo?”   “Simula nang piliin kong mag-nursing at hindi kunin ang kursong kanyang gusto, hindi na ako nakatanggap pa ng suporta mula sa kanya. Mabuti narin ‘yon upang wala akong maging utang na loob sa kanya.”   “Baby relax... Birthday mo na pala bukas baby, anong gusto mong lutuin ko para sayo?”   “Kahit adobo lang, okay na sa akin.”   “Diba favourite mo ung walang vinegar, ung pure lemon lang?”   “Oo, salamat.” Pagkakabigkas ko’t muli akong lumingon sa may bintana, hindi ko na nakita pa si Miko. Siguro hindi na niya kami nahabol pa.   “Umidlip ka muna saglit baby ko, mukha ka paring inaantok, gisingin kita mamaya kapag malapit na tayo sa hospital.”   Hindi na ako nagsalita pa’t sumandal na lamang ako sa kanyang balikat.   “I love you...” Bigkas ni Zie, at ramdam kong mahal na mahal niya ako.     END OF FLASHBACK -----   Gerona, Tarlac na pala kami, napansin ko ang Isdaan mula sa bintana, ito ang restaurant na pinuntahan namin ni Zie nang mag-celebrate ako ng aking 21st birthday.   Papalapit ang kundoktor sa lalaking pinaghihinalaan kong si Zie, at inabot nito sa kanya ang ticket nito. Tinignan muna nito kung magkano ang kanyang babayaran, at saka niya kinapa ang kanyang wallet sa kanyang likuran. Nang makabayad na ito’y biglang may tumawag sa kanya, sinagot niya ang kanyang telepono kaya hindi niya naibulsa ng maigi sa kanyang likuran ang kanyang black leather wallet at nahulog ito sa sahig.   “Hello, hindi ba malinaw na nakapag-file na ako ng leave ng December 18, it’s my personal holiday. Goodbye!”   Parang kinurot ang puso ko nang marinig ko ang kanyang boses at makita ko ang larawan sa loob ng bumukas niyang wallet sa sahig.   “Zie....” Mahina kong pagkakabigkas sa kanyang pangalan.   Hindi ko alam kung pupulutin ko ba ang wallet nito, at saka iaabot sa kanya, dahil kita ko ang larawan naming dalawang magkasama rito. Hindi parin niya pinapalitan ang display pic nito sa kanyang wallet.   Mahal pa ba ako hanggang ngayon ni Zie?     --   “Kuya ung wallet mo nahulog.” May kalakasang pagkakabigkas ng binatilyong katabi ko, napakapa muna si Zie sa kanyang likuran sabay tingin nito sa may sahig at saka pinulot nito ang kanyang wallet nang makita niya ito.   “Thanks.” Bigkas ni Zie, pasasalamat niya sa katabi ko. Hindi sinasadyang masulyapan ako nito’t natigil ang kanyang mga mata sa akin. Mabilis ko namang nailihis ang aking paningin sa labas ng bintana, ngunit pansin kong tila nagbago na ito ng kanyang posisyon, at ngayon naman ay halos sa amin na siya nakaharap na parang ako’y kanyang pinagmamasdan. Siguro winawari niya ako, kung ako ba ang ex-boyfriend niyang si Sandro Herrera o ibang tao ako?   Since I lose weight and attained this toned body wala nang nakakilala sa akin, even Miko did not recognized me. Then how about Zie? Maybe or maybe not, siguro iwasan ko munang magsalita because I’m sure he will recognize my voice, pero ngayon pa lang na suot-suot ko pa itong sunglasses ko ay parang nakikilala na niya ako.   Napasandal na lamang ako sa balikat ni Miko’t ipinikit ang aking mga mata nang hindi na ako maalintana pa ni Zie. Ngunit nang maipikit ko na ang aking mga mata’y biglang nailarawan sa aking isip ang litrato naming dalawa ni Zie sa kanyang pitaka. And that photo in his wallet was taken 7 years ago in his condo sa may Camp John Hay, I am so wasted that time pero tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan akong namumula sa dami ng alak na aking nainom noong gabing iyon.   ----- FLASHBACK   Tuesday, 27 October 2009   04:00 PM nang matapos akong tulungan ni Zie na maglipat ng aking mga gamit sa linipatan kong apartment. Halos araw-araw kasi akong puntahan ni Miko sa dati kong tinutuluyan, alam kong malalaman at malalaman ng tiyuhin ko kung patuloy parin kaming nagkikita ni Miko kaya minabuti ko nang lumipat. Cost cutting na rin ako sa budget para sa aking rent, hindi ko na rin kaya ang upa sa may Valenzuela. Okay na rin sa Pacdal, tahimik, my apartment is just beside St. Joseph Church and one ride lang papuntang town.   Pagkababa sa akin ni Zie in front of our school, agad na siyang umalis dahil makikipagkita pa ito sa kanyang Ina na kadarating lamang from Basco, Batanes at kasalukuyang nagpapahinga ito sa hotel.   I’m on my way papuntang Athletic’s Office nang makasalubong ko sa daan sila Leon, Vhon, at Jonas ang tatlong pamintang BFF ni Jenna which is Miko’s ex-girlfriend. Mga kaklase ko sa Community Health Nursing ang mga beking ito last semester, okay naman sila sa akin, at agad nga nila akong nilapitan.   “Dre may lakad ka?” Si Vhon na siyang unang lumapit sa akin.   “After ko sa Athletic’s Office, wala na, pauwi na ako. Bakit?”   “Pupunta kami ngayon kina Johnson sa may Camp 7, may pa-house party siya ngayon.”   “Tatlo ang Johnson nating kaklase, si Johnson ba na varsity ng tennis?”   “Exactly!” Sabay na pagkakabigkas nila Leon at Jonas. Halatang-halata ko sa kanila na may gusto sila kay Johnson. Hehehe. Magandang lalaki kasi si Johnson, half Filipino-German, Superman ang tawag sa kanya ng lahat sa Nursing Department dahil kamukha nga niya si Superman. Hindi nila alam na siya ang partner ko sa Community, nasa MTW group kasi silang tatlo, kami naman ni Johnson TThS group. Hehehe.   “Nakakahiyang pumunta, hindi naman siya nag-invite.” Ika ko sa kanila.   “Pare lahat tayo invited. Nag-post siya sa kanyang f*******: account, his party is exclusive para sa mga ka-block-section niya sa Nursing.”   Wait, kung ka-block-section ang mga invited, it means hindi invited ang tatlong ito. Hehehe. Never mind, mabait naman si Johnson.   “Sige ba, how about Jenna, sasama ba siya?” Biglang nagkaroon ng konting katahimikan nang banggitin ko ang pangalan nito.   “Nauna na ang gaga.” Bigkas ni Jonas.   Pagdating ko ng Athletic’s Office, eksaktong naroon naman si Johnson and he personally invited me. He told me na kaninang Lunch pa raw nagsimula ang kanyang birthday party.   Palabas na ako ng office nang muli akong lapitan ni Johnson.   “Partner, halika na’t sabay na tayo, baka hindi ka naman tumuloy sa party ko.”   “I said yes, ikaw naman partner. Kasama ko kasi sila Vhon, Jonas at Leon, hinihintay nila ako sa may gate, sasabay na lang sana ako sa kanila.”   “Isabay na natin sila.” Si Johnson sabay kindat nito. Kung maka-kindat ang partner kong ito eh parang si Miko lang. Hehehe.   Nagulat naman sila Vhon, Leon at Jonas nang daanan namin silang tatlo ni Johnson. Pinasakay na sila ni Johnson sa likod naming dalawa at tuwang-tuwa naman ang tatlo.   “Johnson, dre salamat ha?” Si Leon.   “Tol, maraming chicks dun?” Si Jonas.   “Pre, unli ang shot mamayang gabi?” Si Vhon.   “Si Jessa na Miss Nursing, andun din ba dre?” Bigkas pa ni Leon.   Pinipigilan ko na lamang ang pagtawa ko sa tabi ni Johnson habang nagtitinginan kaming dalawa. Napapangiti na lamang si Johnson at hindi na alam kung ano ang isasagot sa kanila. Maging totoo na lang kaya sila sa kanilang mga sarili? Haaaay, buhay nga naman. Hehehe.   Pagdating namin ng Camp 7, namangha ako bahay nila Johnson, isang napakalaking Cabin, Western style at dalawa lang sila ng kanyang half-brother na nagtratrabaho sa PMA ang nakatira rito. May kanya-kanyang table ang mga bisita, gumagawa na rin sila ng bonfire, halos lahat ay nagsimula nang uminom ng alak at iilan na lang ang kumakain sa loob. And I was surprised nang makita ko si Railey sa isang grupo, hindi na rin ako nagtaka nang makita ko siyang kasa-kasama nito si Jenna.   “Mag-early dinner na kayo sa loob. Tawagan ko lang saglit ang San Miguel para sa unli-beer natin mamaya.” Si Johnson.   “Take your time birthday boy.” Sagot ko.   “Sandro, close pala kayo ni Johnson?” Parang nang-iintrigang si Leon.   “Oo nga, pansin namin kanina pa.” Si Vhon.   “Tapos kami hindi man lang niya kausapin. Kayong dalawa lang ang nag-uusap kanina on our way here.” Si Jonas.   “Kaibigan ko na ‘yan si Johnson since First year.” My answer to them.   “Wow!” Sabay-sabay silang tatlo.   “Tara kain na tayo.” Ika ko sa kanila. Papasok na ako ng pintuan nang hawakan ni Vhon ang aking balikat.   “May nabalitaan pala kami kanina Sandro.” Si Vhon na parang makahulugan ang kanyang pagkakabigkas.   “Ano ‘yon?”   “Diba kaibigan mo si Miko Manalo, Jenna’s ex-boyfriend?”   “Yes. He is my friend.”   “Isinugod siya sa Notre Dame Hospital dahil natagpuan siyang duguan sa kanyang kwarto. Nag-attempt daw siyang mag-suicide kaninang umaga.” Kwento ni Vhon.   “Si Miko???” Halos mapalingon lahat ng bisita sa lakas ng pagkakabigkas ko. Bigla akong napaupo sa pinakamalapit na monoblock chair. At sunod-sunod nang umusbong ang aking mga luha.     To be continued...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD