Chapter 6: Set You Free

2070 Words
CHAPTER 6 – SET YOU FREE   SANDRO HERRERA’S POV     The Manor Hotel, Baguio City   Napahawak ako sa aking labi habang nakaharap sa salamin, sinubukan kong maghilamos nang matanggal ko na sa aking sistema si Miko ngunit hindi ko parin siya kayang alisin sa aking isipan. Hanggang sa mag-ring din ang aking telepono and it was Miko who is calling..   "Hello..."   "Sandro nasaan ka?"   "Miko...."   "Chubby Cheeks magkita tayo... Magkita naman tayo, please? Miss na miss na kita, sobra..." Parang hinihiwa ang dibdib ko nang marinig ko ang malungkot niyang boses...   Hindi ko kinaya kaya ibinaba ko na ang telepono.   -----   EARLIER   Friday, 02 October 2009   Nang umuwi ako ng Itogon, masinsin akong kinausap ni Tito Ferdz.   "Sandro, ikaw ang inaasahan ng pamilyang ito na magpapatuloy ng lahat kaya huwag mo naman sana kaming biguin. Habang maaga pa, putulin mo na ang ugnayan mo sa Miko na 'yan."   "Hindi ko kaya Tito..."     Saturday, 10 October 2009   Gabi na ako nakauwi ng Itogon dahil 8 PM natapos ang laro nila Miko, at siya narin mismo ang naghatid sa akin. Hanggang gate na lamang kami, hindi ko siya mapapasok dahil kasama na naman ni Tito Ferdz na nag-iinuman ang kanyang mga kaibigan.   "Miko, salamat sa paghatid mo."   "Walang anuman, hindi ako mapapanatag kung hindi ako sigurado na safe ka na nakauwi."   "Mag-ingat ka, malayo pa ang uuwian mo."   "Okay lang ako, huwag mo akong alalahanin..."   Dumaan na lamang ako sa likuran ng aming bahay nang hindi ko madaanan sila Tito na nag-iinuman sa may mini-bar. Pagpasok ko sa kwarto ni Mama, naabutan ko rito sila ni Tito Ferdz na nagtatalo.   "Kung hindi mo mapagtitino ang anak mo, ako ang gagawa nito." Si Tito kay Mama.   "Ano pong gagawin niyo, sasaktan po ninyo ako? Sige, gawin po ninyo."   "Sandro, binabalaan na kita. Nababalitaan ko parin na nagkikita kayo ng Miko na 'yon!"   "Ano pong masama kung nagkikita kami? Magkaibigan po kami ni Miko at wala po kaming ginagawang masama!"   "Feliciana, pagsabihan mo 'yang anak mo!" Si Tito sabay labas ng pintuan.   -----   Friday, 16 October 2009   Maaga akong nakarating sa amin mga after lunch, suspended kasi ang klase dahil masama ang panahon. Si Miko ulit ang nagmagandang loob na ihatid ako, ngunit hanggang check point na lang kami sa tapat ng Municipal Hall dahil naroon ang mga pulis na bata-bata ng tiyuhin ko, at baka makita pa kami ng mga ito't magsumbong sa kanya.   Pinagsuot na lamang ako ni Miko ng kanyang kapoteng nakatago sa likod ng kanyang sasakyan at kinuha narin nito ang extra niyang payong nang hindi ako mabasa ng ulan.   "Chubby Cheeks mag-ingat ka sa daan."   "Mag-ingat ka rin sa pagmamaneho, call me when you are home Miko."   "I will... Sige ingat..."   "Ikaw din....."   At napabulong ako ng "I LOVE YOU MIKO" nang simulan ko nang maglakad patungo sa aming bahay. Mga ilang sandali lang nang mapalingon ako sa kanyang sasakyan at nakita kong hindi pa ito umaalis, nakabukas ang kanyang bintana't pinagmamasdan ako nito sa loob ng kanyang sasakyan habang ako'y naglalakad. Napansin ko ang pagngiti at pagkindat nito sa akin hanggang sa salubungin na ako ng mga pulis na under ng Tito Ferdz ko.   "Sir Sandro ihatid na namin kayo."   "Sige Kuya, salamat."   Pagbukas ko ng pinto'y ang tiyuhin ko ang una kong nakita. Napalingon ito habang pinupunasan niya ang kanya Kalibre 45 na baril.   "Nandiyan ka na pala Sandro."   "Kamusta po si Mama?"   "Okay naman ang Mama mo. Ang kaibigan mo kaya? Okay kaya siya ngayon habang pauwi?"   Paakyat na ako ng kwarto ko ng bigla akong kinabahan, bumaba ako ng hagdanan at kita kong may kausap sa telepono si Tito.   "Itapon niyo sa bangin..."   Ito ang unang katagang narinig ko sa kanya.   "Tito... Ano pong ginawa niyo kay Miko???"   "Siguraduhin niyong hindi na humihinga 'yan!"      -----     "Sandro, nariyan ka pala pamangkin."   "Ano pong ginawa niyo kay Miko!!!"   "Don't be paranoid, hindi si Miko 'yong pina-salvage ko. That was the rapist of the former Miss Itogon."   Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig kong hindi si Miko ang pinapatay nito.   "So makikinig ka na sa akin Sandro?"   "Huwag po ninyong gagalawin si Miko."   "Iyon ay kung susunod ka sa gusto ko?"   "I hate you!" Sabay walk out ako paakyat ng aking kwarto.   -----   Monday, 19 October 2009     09:00 AM, pinatawag ako sa Athletics Office, at naka-receive ako ng notice na maililipat na ako ng Men's volleyball team effective 23 October 2009. Ibig sabihin sa unang laro nila Miko ng semi-finals ang huli naming pagsasama which is on the 22nd of October. Alam ko namang may mga mata si Tito Ferdz dito sa school, he is a friend of the school's president. Nawalan tuloy ako ng ganang pumasok sa 10 AM na klase ko.   Naglakadlakad na lang ako paakyat ng SM hanggang sa bumaba ako sa may Igorot Stairs, at nag-order ng Hot Chocolate sa may Choco Republic.   "Pogi, asan na 'yong boyfriend mo na parati mong kasama?" Tanong ng waitress pagkalapag niya ng order ko sa aking mesa.   "Wala..." Bigkas ko't ngumiti na lamang ako sa kanya.   Hanggang sa makarinig ako ng boses na tumatawag sa aking pangalan sa aking likuran.   "Sandro...."   Napalingon ako't naroon nga si Miko.   "Miko..."   "Diba may klase ka pa?"   "Wala akong ganang pumasok."   "What happened?"   Hindi ko masabi sa kanya ang bad news, mas maganda na lang siguro na hindi niya malaman baka mahihirapan pa ako nitong magpaalam sa kanya.   "Chubby Cheeks, I have something for you...." Sabay labas nito ng paper bag sa kanyang backpack.   "Ano 'yan?"   Pagbukas ko ng paper bag, isang pulang Girbaud polo shirt ang aking nakita.   "Maalala mo?"   "Miko ito 'yong isinukat ko sa may fitting nang mapadaan tayo sa may Girbaud."   "Bagay nga sayo eh."   "Malaki ung naisukat ko, XL ang size nun. Pwede pa siguro ang medium sa akin."   "Large 'yan."   "Oo baka masikip sa akin ang medium, salamat ha?"   "Makita lang kitang nakangiti, sapat na sa akin un Chubby Cheeks..."   "Ikaw ha, ang mahal kaya nito. Oh 1,299 pesos."   "Don't look at the price..."   Napangiti na lang ako sa kanya, siguro abot tenga na ngiti. Hehehe.   "Now, that's priceless.. Chubby Cheeks..." Pertaining to my smile.   "Salamat talaga."   "Isukat mo sa loob ng restroom."   "Sige..."   Nagtungo ako ng restroom upang isukat ito. Perfect at sakto lang sa akin, Miko hindi ko alam kung papaano magpaalam sayo.... Binuksan ko ang faucet at ako'y naghilamos.   -----   Saturday, 24 October 2009, The Manor Hotel, Baguio City   Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, suot-suot ko ang red polo shirt na ibinigay ni Miko, ito pa talaga ang isinuot ko. Muli akong naghilamos, at paulit-ulit ko itong ginawa ngunit hindi ko parin matanggal sa aking systema si Miko. Nag-ring na naman ang aking telepono, at siya na naman ang tumatawag. Pinatay ko na lamang ang aking telepono dahil mas lalo akong mahihirapan kapag maririnig ko pa ang boses niya.   Bumalik na ako sa table namin ni Zie at tapos na siyang makipag-usap sa telepono.   "Sandro, anong gusto mong dessert?"   "Ikaw na ang bahala."   "Okay."   Muli niyang tinawag ang waiter at nag-order siya ng tig-isa kaming blueberry cheese cake. "Okay lang sayo?"   "Yes. That is my favourite."   "Mabuti naman kung ganun. Uhmmm, Sandro.."   "Yes?"   "Alam kong kaibigan mo si Miko Manalo."   "What about Miko?" Mahina kong pagkakabigkas.   "I think you should call your Uncle."   "Bakit?"   "But please, promise me na huwag mong babanggitin na ako nagsabi sayo kahit kanino. I'm just concerned, kaklase ko rin siya."   "Makakaasa ka..."   "Si Andrew ung kaibigan ko. Narinig daw niya na may kausap ang Uncle mo sa kanyang office na parang ipapa-salvage ata nila ang kaibigan mo bukas."   "WHAT??????"   END OF FLASHBACK   -----   Napauwi ako ng Itogon nang matapos kaming mag-dinner ni Zie, halos lumuhod ako sa harapan ng tiyuhin ko, at nagsusumamong huwag niyang gagawan ng masama si Miko.   Kapalit ang buhay ng lalaking mahal ko ay ang paglayo ko na sa kanya ng tuluyan...   "Bus stop, ung mga gustong mag-meryenda at mag-CR, 15 minutes lang po." Si mamang kundoktor. Tarlac City bus station na pala kami, hindi man lang nagising si Miko sa malakas na boses ng kundoktor. Halos bumaba ang lahat ng pasahero pati ang dalawa kasama namin dito sa backseat. Naiwan na lamang kaming dalawa.   Napapatingin tuloy ako sa suot-suot kong red polo shirt ngayon, dahil ito ung binigay sa akin ni Miko. Pinagmasdan ko ang maamong hitsura ni Miko habang natutulog, magaan sa pakiramdam na makitang wala na ang malaking pilat niya sa mukha. Gustong-gusto ko siyang halikan sa labi gaya nang una niya akong mahalikan. At iyon na siguro ang pinakamasayang sandaling nangyari sa aking buhay... At kung wala sanang nagpadala ng mga litrato kay Tito Ferdz baka sana naging kami pa ni Miko at siya ang una kong naging nobyo...   "Dibale ikaw naman ang First kiss ko Miko..." Mahina kong pagkakabigkas habang patuloy ko siyang pinagmamasdan...   Haaaay, sumasabay pa itong kanta sa radyo....   ----- (Playing on the radio: Set You Free by Side A, Jun Reyes)   We often fool ourselves And say that it's love Only cause when it's gone We end up being lonely So how are we to know That it just isn't so That we just have to let each other go -----   "Hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang iwan kita noon, hindi ako makakain, hindi ako makapag-aral, at halos lahat ng subjects ko bumaba... Ngunit alam kong hindi mo magugustuhan na mapariwara ako kaya unti-unti ko ring ibinalik ang aking sarili..."   ----- There were many times When we shared precious moments But later realized They were only stolen moments So how are we to know That it just wasn't so That we just had to let each other go  -----   "Lahat ng lugar kung saan tayo pumupunta, kung saan tayo nagkukulitan, nag-aaral, kumakain at nagpapalipas ng oras, sadya kong iniwasan dahil alam kong hahanapin mo ako sa mga ito.. Minsan nakita kitang mag-isa sa may Rose Garden sa Burnham Park. Gustong-gusto kitang lapitan sa mga oras na iyon... Maalala ko after nating kumain ng lunch doon tayo parating nag-aaral at kapag gumagabi na after ng klase bumabalik ulit tayo roon para pagmasdan lang ung fountain.. Alam mo noong magkasakit ako ng cancer 3 years ago.. Doon ako parating naglalakad mag-isa, at naaalala kita.."   ----- If loving you is all that means to me When being happy is all I hope you'd be Then loving you must mean I really have to set you free "Siguro kung hindi ako nakaligtas sa sakit ko, hindi ako payapang nawala sa mundong ito.." Each day we meet my love for you Keeps growing stronger But every time we meet Makes leaving you so much harder So how are we to know That this just wasn't so That we just have to let each other go -----     "Ikaw ang naging inspirasyon ko sa panahong hirap na hirap akong makipag-laban sa sakit kong Lymphoma.. I visited all the places na pinupuntahan natin.. Alam mo every time na matapos akong mag-chemotherapy, from SLU Hospital parati akong pumupunta sa may Choco Republic bago umuwi ng Itogon, nag-oorder ako ng mainit na Swiss choco tas kumakain ako ng spaghetti with meatballs..."   ----- If loving you is all that means to me When being happy is all I hope you'd be Then loving you must mean I really have to set you free -----   "September 25, 2013 exactly 4 years nang nasabi ko sa sarili ko, na ang araw na ito ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko dahil September 25, 2009 kasi nang una akong mahalikan, at 'yong lalaking mahal na mahal ko pa ang nakauna sa mga labi ko.... but you know what happened? Nag-spread na raw ung cancer ko malapit sa aking puso and I have to undergo extensive chemo.. Halos tumawa pa ako, tumawa lang ng tumawa sa harapan ng oncologist ko nang marinig ko 'yon.. This is not happening to me, I can't die sabi ko sa kanya..."   ----- Letting go is not an easy task When smiling feels like I must wear this lonely mask It hurts deep inside And I just cannot hide That there's anguish at the thought That we should have to part -----   "Nagpunta ako ng Baguio Cathedral, hamagulgol ako ng humagulgol sa harapan ng Panginoon asking to extend my life dahil hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa taong nasaktan ko ng labis, sa taong alam kong minahal ako but I choose to hurt him and I hurt him badly..."   ----- If loving you is all that means to me When being happy is all I hope you'd be Then loving you must mean I really have to set you free If loving you is all that means to me When being happy is all I hope you'd be Then loving you must mean I really have to set you free -----   "I'm so sorry Miko....."    Hindi ko kinaya, masyado na akong naging emosyonal, umagos na ang luha ko't hindi ko na napigilan. Tatayo na ako't lalabas ng bus nang biglang hilain ni Miko ang aking kamay. Nakita ko ang mga nakapikit niyang mga matang punong-puno ng luha at narinig nito ang lahat ng sinabi ko.   Niyakap ako ng mahigpit ni Miko.   "Chubby Cheeks.... Don't say that you are leaving me again.... Please, this time hindi ko na kakayanin..."  To be continued... Thanks for the VOTE // COMMENTS  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD