Chapter 5: Truth Or Dare

2098 Words
CHAPTER 5 – TRUTH OR DARE   SANDRO HERRERA’S POV     Biglang prumeno ang bus kung saan lahat ng pasahero ay nagulat. Napatanggal tuloy ako ng sunglasses. Akala ko may nasagasaan na.   "Shocks!" Halong reaction ko rito at emosyon sa pag-alala ng nakaraan, sa napakasakit na sinapit ni Miko sa kamay ng tiyuhin ko. Napahawak ang kaliwang kamay ko sa aking dibdib kasabay ng paghawak ni Miko sa aking kanang kamay.   "Chubby Cheeks okay ka lang?" Si Miko. And he called me again with that name. I'm sorry for what happened before Miko. I really do.   "Oo, Mi-Miko.."   "Nauutal ka't nanginginig. Are you sure that you are okay?" Sabay punas ni Miko sa butil ng luha kong pumatak sa aking pisngi.   Hindi na ako nakapagsalita pa, parang slow-mo ang sandaling ito, natigil ang mundo naming dalawa habang kaming dalawa'y nakatingin sa isa't isa.   "Miko, okay lang ba na sumandal ako sa iyong balikat?"   Ngumiti ng malumanay lamang ito sa akin sabay hawak sa aking ulo't dahan-dahang niyang isinandal sa kanyang balikat.   "Pahinga ka na muna Chubby Cheeks..."     ----- (Playing on the radio, Pusong Ligaw by Michael Pangilinan) Di kita malimutan Sa mga gabing nagdaan Ikaw ang pangarap Nais kong makamtam Sa buhay ko ay Ikaw ang kahulugan Ikaw pa rin ang hanap ng Pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at Pupuntahan Pag ibig mo ang hanap ng Pusong ligaw Mula noon, bukas at Kailanman Ikaw at ako'y Sinulat sa mga bituin At ang langit Sa gabi ang sumasalamin Mayroong lungkot at pananabik Kung wala ka'y kulang ang mga Bituin Aasa ako, (aasa ako) Babalik(babalik) Ang ligaya Aking mithi(sa kin mata) Hanggang sa muling(Hanggang) Pagkikita(pagkikita) Sasabihin mahal kita Ikaw pa rin ang hanap ng Pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at Pupuntahan Pag ibig mo ang hanap ng Pusong ligaw Mula noon, bukas at Kailanman Mula noon, bukas at kailanman Mula noon bukas at kailanman -----   Muling nagbalik sa aking balintataw ang mga sandaling minarkahan ng sugat sa pisngi si Miko nang dahil sa pag-amin kong MAHAL KO SIYA sa tiyuhin ko.   September 30, 2009   Mabuti na lang nagtungo ng bahay ang Lola ko na nakatira sa katabing bahay, humingi ng saklolo sa kanya ang aking Ina. Manadali naming dinala si Miko sa Municipal Health Center ng Itogon, sarado na ito ngunit kamag-anak namin ang officer in charge rito kaya mabilis nilang nabigyan ng emergency medical assistance si Miko dahil malayo pa kung sa Baguio namin siya dadalhin.          Patungo na kami ng Irisan, Baguio City upang ihatid si Miko, si Marcus parin ang nag-drive.   "Chubby Cheeks, I'm sorry na kailangan mo pang pagdaanan ito..." Bigkas ni Miko habang nakasandal ito sa aking kaliwang balikat.   Hindi ako nakapagsalita sa nabigkas ni Miko bagkus napahagulgol na lamang ako, siya na nga itong nasaktan, at ako pa itong iniisip niya...   "Shhh.. I don't wanna hear you cry... Please, Chubby Cheeks..."   "Sorry Miko... sorry..."   "Huwag... Please don't say that.. It's not your fault.."   "Magkakaroon ka tuloy ng napakalaking scar sa mukha nang dahil sa akin..."   "I'll be fine. It's just a scar... You are more important than anything else. Kaya huwag ka nang umiyak. Okay?"   Hindi parin ako makatahan sa pag-iyak, lalo na nang marinig ko ang mga katagang un.   "Miko..."   "Shhh.. Chubby Cheeks...."   Alam niyang hindi parin ako mapanatag kaya kinantahan na lamang niya ako nang gumaan ang aking pakiramdam. ----- Ikaw pa rin ang hanap ng Pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at Pupuntahan Pag ibig mo ang hanap ng Pusong ligaw Mula noon, bukas at Kailanman Mula noon, bukas at kailanman Mula noon bukas at kailanman -----   "Miko, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka..."   "I will always be here for you, no matter what... I promise..."   "Ano ung title ng kinanta mo?" Naging okay na rin ang pakiramdam ko.   "Pusong Ligaw ni Jericho Rosales."   "Na-in-love ako sa kanta..."   "Ako sa kinakantahan ko.." Mahina niyang pagkakabigkas, nabuhayan ang puso ko dahil narinig ko ito. -----     Tarlac na pala kami, I'm sure sa Tarlac City station ng Partas ang susunod na bus stop. Hindi parin ako makaidlip kahit napakakomportable ko ngayon sa balikat ni Miko. Na-miss ko siya ng sobra, and it was my fault kung bakit kami nagkahiwalay ng landas.   FLASHBACK   October 24, 2009   Saturday afternoon around 04:00, katatapos ko lang kumain ng barbecue sa Burnham, I'm on my to University of Baguio para mag-assist sa mga players ng Men's volleyball team. That time, patawid na ako ng pedestrian sa intersection ng Mabini Street at Session Road nang may biglang humablot sa aking cellphone habang kausap ko rito si Mama.   "My goodness, SNATCHER, MAGNANAKAW!!!" Sigaw ko, habang hinahabol ko ang binatilyong kawatan. Hindi ako makatakbo ng mabilis sa pagiging chubby ko, hingal na hingal ako hanggang sa tuluyan nang mawala sa aking paningin ang gagong magnanakaw na 'yon.   Feeling frustrated, tulalang nakatitig sa mga tinapay na naka-display habang nakatayo't pagod na pagod sa harapan ng Victoria's Bakery along Mabini.   "Ang iPhone 3GS ko, gone with the wind! Haaaay, kung minamalas ka naman oh!"   "Sandro?" Boses ng isang lalaki. At si Arjay na kaklase ko ng Ethics at miyembro ng Men's volleyball team pala ito.   "Arjay, ikaw pala. Ang malas ko, nadukutan ako ng cellphone."   "Nahuli na ung snatcher."   "Talaga?"   "Doon oh, nandoon si Zie, kausap ang mga pulis." Habang itinuturo ni Arjay kung saan ang mga ito.   "Zie?"   "Kasama siya sa volleyball team. Actually, siya ung nakahuli sa magnanakaw."   "Talaga? Salamat sa kanya." At sabay naming pinuntahan ito ni Arjay.   Naka-all black, sapatos na Nike, shorts, t-shirt, cap, at pati ang kanyang backpack, ang super hero na naglitas sa akin sa pagkakabaon sa utang, hindi pa kasi bayad ang ini-snatch kong iPhone 3GS. Hmmm, gwapo, matangkad mga nasa 5'11, at chinito, ito ang unang pagkakalarawan ko kay Zie na may pagkakahawig sa Korean actor na si Ji Chang Wook.   "But wait, na-meet ko na ba siya before?" Bulong ko sa aking sarili dahil parang pamilyar ang kanyang mukha sa akin.   "Sandro, your phone." Si Zie sabay abot nito ng aking iPhone.   "Salamat, ikaw pala ang nakahuli sa gagong ito!" Pasasalamat ko sa kanya sabay batok ko sa binatang dumekwat nitong iPhone ko.   "Sorry po, nangangailang lang talaga..." Iyak ng binata. Pinatawad ko na lamang ito, tutal naibalik naman ang aking cellphone.   Sabay-sabay na kaming nagtungo ng UB gym at may 30 minutes pa naman bago magsimula ang laro. Na-curious lang ako kung bakit ako kilala ni Zie kaya natanong ko na rin siya habang kami ay naglalakad.   "Have we met before?"   "Yes. Remember last month sa Spade?"   I paused while trying to recall.   "Oh I remember, you are the guy sa CR?"   "Oo. I'm Ezekiel Montemayor Jr." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili at nakipagkamay sa akin.   "Sandro Herrera."   "Nursing ka diba?"   "Yes. Paano mo nalaman?"   Ngumiti lamang ito't hindi sumagot.   "So Sandro, makakasama mo na kami sa team hanggang finals?"   "Oo. Iyon ang sabi sa akin sa Athletics Office."   "Uncle mo si General Herrera?"   "Oo. Kilala mo si Tito Ferdz?"   "Minsan na rin ako nakapag-duty sa PNP Regional Office, naka-display ang family picture niyo sa kanyang opisina kaya pamilyar ka't nakwe-kwento ka niya sa akin, at next week doon na naman ako ma-a-assign."   "Oh I see, buti kinaya mo mag-duty sa office niya."   "Oo naman, petiks nga eh tapos hindi pa siya masyadong istrikto."   "Talaga lang????"   "Oo naman."   "Okay, sinabi mo."   "Bakit?"   "Wala....."   "Sandro-Sandro, wait!" Si Zie sabay hila nito sa akin.   Bababa na kami ng hagdanan nang mapansin ni Zie na may bote ng mineral water sa hahakbangan ko, mabilis niya akong hinila nang hindi ako madulas at maaksidente sa hagdan. Natumba tuloy kaming dalawa't nadaganan ko si Zie. Awkward dahil maraming dumaraan, kita nila ang muntikan nang pagtatama ng aming mga mukha sa isa't isa. Papaano ba naman, nakapatong ang mga binti ko sa kanya, umbok ko sa umbok niya, dibdib ko sa dibdib niya, at kulang na lang dumampi ang mga labi ko sa labi niya.   "So-sorry Zie." Bigkas ko na unti-unting umaangat mula sa pagkakadagan ko sa kanya. At itong si Zie naman ay nakatingin pa sa nagkadikit na umbok naming dalawa kaya minadali kong tumayo. Hahaha. Tinulungan ko siyang makatayo sabay pagpag sa alikabok na kumapit sa kanyang damit.   "Ako na magpapagpag sa likod mo." Ika ko.   "Salamat." Si Zie.   "Ako dapat magpasalamat. Muntik na ako dun."   "Friends na tayo?" Hala, 'yon talaga ang banat? Sige ba. Hehehe.   "Ba't naman hindi. Sige libre kita mamaya dahil nahuli mo ung snatcher at niligtas mo ang buhay ko ngayon."   "Maliit na bagay, kahit huwag mo na akong ilibre pa basta friends na tayo. Tara na sa gym."   Napapaisip tuloy ako sa kanya. Bahala na, tutal mabait naman itong si Zie.   "Uhmmm, Sandro dinner tayo mamaya kung okay lang sayo?" Si Zie habang papasok kami ng gym.     -----     It was 7:30 PM nang sinundo ako ni Zie sa tapat ng aking inuupahang apartment, sa baba lang ako ng Hotel 45 nakatira along Valenzuela Street. Lumabas na ako ng gate nang may narinig na akong bumubusina sa labas. Bumaba siya sa kanyang sasakyan upang salubungin ako't pagbuksan ng pinto ng kanyang kulay itim na Hummer.   Naka-black long sleeves ito, fit sa magandang katawan ni Zie. Napabulong tuloy ako sa sarili ko kung saan kami pupunta nito. Samantalang ako, naka-red polo shirt lang.   "Gara ng sasakyan mo." Panimula ko.   "Sakto lang."   Yamanin kaya sakto lang daw sa kanya ang Hummer. Hahaha. Medyo naiilang tuloy ako, mas komportable pa ako sa RAV4 ni Miko.   "Uhmmm Zie, saan pala tayo?"   "Sa Manor tayo."   "Doon talaga?" Mukhang sa mamahalin pa kami pupunta, sa Baguio Country Club na lang kaya? Hahaha. "Nakapag-pa-reserve na ako."   "Sige, favourite ko dun ung steak nila."   "Sure."   Before the dinner was served, nakapag-kwentuhan pa kaming dalawa about sa family namin, hobbies, studies, tungkol sa paglalaro ng chess at lalong-lalo na ang scrabble which is pareho rin pala kaming addict sa game na ito.   "Naka-ilang Scrabble competition ka na?"   "Siguro Zie, hindi ko na mabilang, kasi bata pa lang ako sumasali na ako sa mga tournament."   "Parati ka sigurong champion?"   Ang galing niyang manghula. Actually, hindi pa ako natatalo. Hahaha, yabang ko 'no? Hehehe.   Nginitian ko na lamang siya sa tanong niya.   "Sandro I'll be honest with you."   Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, sinabi niya kasi kanina na magdi-dinner kami just to consume the gift certificate na binigay sa kanya which is about to expire na this weekend. Tapos, biglang seryoso na siya?   "Yes."   "Sandro, I like you..." Nagulat ako sa sinabi niya kasi ang alam ko straight siya. Weh! Sinundo ka't nakapormal, straight??? Hindi ko talaga halata sa kanya, sa akin straight siya. At 'yon bigla tuloy akong nasamid habang umiinom ng wine.   "Are you okay?" Si Zie.   "Oo. I'm sorry, what did you say?" Kunwari hindi ko narinig.   "Pwede ba kitang ligawan? Sandro, gusto kita."   Diyos ko Lord, totoo ba itong naririnig ko?   "Akala ko kasi Miko---. Ah sorry, nawawala tuloy ako sa sarili ko." What the hell with me? Why is Miko bothering my head?   "I like you Sandro, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan kita't makilala pa?"   "Akala ko may girlfriend ka."   "Ba't mo naman nasabi?"   "Sa itsura mo, hindi ka magkaka-girlfriend?"   "Hindi dahil iba ang gusto ko at ikaw 'yon."   "Bakit ako pa? Mataba ako and I'm not attractive."   "No, you are not fat. Don't lower your self-esteem. You look good and charming to me. I'm bisexual, nagka-girlfriend at boyfriend na rin ako. Pero hindi ako nagtatagal sa lalaki and when I saw you, I feel that you are for keeps and worth the wait Sandro."   Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya. Mabuti na lang, nag-ring ang kanyang cellphone at mukhang importante ang kanyang tawag.   "I'll just answer this call."   "Take your time Zie, punta lang ako ng wash room."   "Thanks."   Magugustuhan ako ng isang kagaya ni Zie? Siya lang naman ang nag-iisang anak ng Governor ng Batanes at pinakamayan ang angkan nila sa kanilang probinsya. Bakit ako? Ako na hindi pa nagkakaroon ng relasyon, ako na sa tingin kong walang magkakagusto. At ngayon mayroong isang lalaking gaya ni Zie na mayroong lakas ng loob na sabihing gusto niya ako???   How about Miko?   ----- EARLIER (September 25, 2009 at Spade)   "Miko, shot na ni Sandro!" Si Railey na atat na patagayin ako.   "Hindi na niya kaya Tol."   "Sige Railey, pass muna ako." Ika ko.   "Okay Sandro, Truth or Dare?" Tanong ni Railey.   "Dare."   "Marcus ikaw ang huling nag-pass, anong ipapagawa mo kay Sandro?"   "Railey gusto kong ilagay ni Sandro itong dalawang candy sa bibig ni Miko."   "Andali naman niyan dre." Pag-angal nilang lahat.   "Wait lang kasi kayo.. Gusto ko gamit din ang kanyang bibig."   "Sandro-Sandro-Sandro!" Silang lahat except Miko. Ano 'yan, cheer niyo ako para pampalakas ng loob? Haaaay, hindi ako makatingin kay Miko.   "Magkano ang bill natin?" Tanong ko kay Railey. Hindi na ako nakatingin pa kay Miko sa sobrang hiya ko. "Nasa 7K na Sandro." Alam kong may ATM sa labas kaya pwede akong mag-withdraw at may 2K pa ako sa wallet ko, pero ung 5K kasi eh allowance ko 'yon next month. Pinagpapawisan na tuloy ako.   Biglang hinawakan ni Miko ang aking kamay sabay abot nito ng dalawang Snow Bear na candy.   "7K masyadong malaki Sandro, gawin mo na lang..." Si Miko.   Napatingin ako sa kanyang mga mata, ni hindi ako makapag-bigkas ng kahit isang salita.   "Buksan mo na ang candy..."   Bumibilis ang t***k ng puso ko, bumilis ng bumilis hanggang sa ito na lang ang naging tanging musikang naririnig ko. Nakatingin lamang ako sa kanyang mga mata habang dahan-dahan kong pinapasok sa aking bibig ang dalawang piraso ng candy.   Pumikit ang aking mga mata nang marahan niyang hawakan ang aking pisngi hanggang sa maramdaman ng aking labi ang pagdampi ng kanyang labi't maranasan ko ang una kong halik sa mga mainit na labi ni Miko. Diyos ko, mahal na mahal ko ang lalaking ito........      To be continued...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD