CHAPTER 4 – HE’S NAUGHTY
SANDRO HERRERA’S POV
Bakit ba napaka-emosyonal ko? Siguro, kung si Miko ang naging boyfriend ko baka hindi ko pinagdaanan ang mga hirap at pasakit sa naging tatlong taon naming relasyon ni Ezekiel. Pero, bakit masakit parin, nasasaktan parin ako ng nakaraan?
Mahal ko pa ba si Zie??? Hindi na siguro, dahil kung mahal ko pa siya, aasa parin akong magkakabalikan kami ngunit hindi na...
At kung naging kami ni Miko? Baka hanggang ngayon ay kami paring dalawa... Mahal niya ako, alam ko at ramdam ko 'yon, dahil tinanggap niya ako bilang kaibigan even though I'm not straight..
"Miguel Konrad Manalo, bakla ako... At kung ayaw mo na akong maging kaibigan, maiintindihan kita..." Ito ang mga katagang ibinigkas ko nang mag-come-out ako sa kanya. Muli na namang nanariwa sa isip ko ang araw na iyon.
-----
FLASHBACK (September 30, 2009)
05:30 PM na nang natapos ang laro, nasa Upper Session Road kaming naglalakad when Miko invited me to have a sip of hot chocolate sa may Igorot Stairs.
"Miko may problema ako sa amin."
"I'm sorry to hear that, what's the problem?"
Sasabihin ko na sa kanya ang problema ko sa Tito ko ngunit biglang nag-ring cellphone ni Miko.
"Sagutin ko lang 'to."
"Okay..."
"I'm sorry Jenna, hindi na talaga tayo pwede. Masaki tang ginawa mo. Good bye." Si Miko habang may kausap sa telepono.
"Anong nangyari?"
"Hindi ba alam mo na? Kaya ko nga sinapak si Railey noong sa Spade."
"Haaaay.. Kamusta na kayo ng best friend mo?"
"Hayaan mo na 'yon. Tara sa may Choco Republic, inom muna tayo dun ng mainit na tsokokate, libre ko."
What was that? Break na ba sila ni Jenna? Parang hindi tsokolate ata ang gusto kong inumin kundi champagne. Hehehe.
"Sandro, what is your problem?"
"Dun na lang natin pag-usapan sa may Choco Republic."
Hot Swiss Choco, my favourite! Alam na talaga ni Miko ang gusto ko. Halos araw-araw na niya kasi akong ayain na mag-tsokolate rito.
"Chubby cheeks, tell me your problem."
"Miko, maalala mo noong nag-inuman tayo last September 25 sa may Spade?"
"Noong Biyernes 'yon diba?"
"Oo. At lasing na lasing tayong lahat that time."
"Miko, may nagpadala ng mga larawan sa Tito ko, at ung mga kuha pa eh, noong time na nagkakatuwaan na tayo."
"That was when we are playing Truth or Dare?"
"Oo. Maalala mo nang hinalikan mo ako sa ilong?"
Tumango lamang ito.
"Miko someone took photos that moment, and I don't know who did that and who give it to my Uncle."
"Who the hell did that?" Pagtataka ni Miko.
"Wait lang Sandro, order lang ako ng spaghetti sa taas."
"Sige.."
EARLIER (Friday, 25 September 2009 at Spade)
Malakas ang tugtog, maraming naghihiyawan, nagsasayawan sa kani-kanilang table. Naka-limang bote na kami ng tequila, nagsuka na nga ako ng dalawang beses sa comfort room, ngunit ang mga kasamahan ko'y buhay na buhay parin.
"Okay ka lang?" Si Miko.
"Yup."
"Miko shot mo na." Si Railey habang inaabot nito ang para kay Miko.
"Tol pass muna ako." Sagot ni Miko.
"Okay, dahil nag-pass si Miko mga pre.."
"Okay DARE ako Railey.."
"Anton, ikaw ang huling nag-pass kanina. Anong dare mo kay Miko?" Tanong ni Railey.
"Okay Miko, halikan mo sa ilong si Sandro."
Napatingin sa akin si Miko, at ako naman ay kinabahan, at mas lalo pang namula.
"Okay lang sayo Sandro?"
"Halik na Miko!!!" Sabay-sabay silang lahat.
"Sige na..." Pumayag ako, tumingin pa siya sa aking mga mata bago niya ginawa ito. Nang nailapit na ni Miko ang mga labi niya sa aking ilong ay pumikit na lamang ako hanggang sa maramdaman ko na ang pagdampi nito sa akin.
He is the first guy to kiss me, sa ilong.. And still, wala pang nakakahalik sa aking mga labi and no one dared to kiss me yet. I'm such a loser, walang may gusto sa akin eh dahil mataba ako...
Pagdilat ko ng aking mga mata'y kita ko parin si Mikong nakatingin na parang pinagmamasdan niya ako. At bigla naman na akong nakaramdam ng matinding pagkahilo, hindi ko na rin ata kayang uminom kaya magpa-pass na rin ako mamaya.
"CR lang ako." Paalam ko kay Miko.
"Samahan kita?"
"Hindi na, kaya ko pa sarili ko."
Pagpasok ko na ng CR ay doon na ako kamuntikan nang matumba, mabuti na lang at may isang lalaking nakasalo sa aking likuran.
"Bro okay ka lang? Tulungan na kita.."
"Salamat.."
"Diba, taga UC ka?"
"Oo.."
"Same here, Zie nga pala bro."
-----
"Sandro."
"Taga UC rin pala ako, nakikita kita sa may Athletics Office kaya pamilyar ka sa akin." Si Zie.
Pero siya, hindi pamilyar sa akin, ngayon ko nga lang ito nakita eh.
Matangkad, maputi, chinito, maganda ang katawan at higit sa lahat gwapo, iyan ang una kong pagkakalarawan kay Zie. Tutungo na ako sa loob ng cubicle nang muli niya akong alalayan.
"Alalayan na kita bro, baka matumba ka pa." Alok nito sa akin kasabay ng paghawak niya sa aking balikat papasok ng cubicle.
"Salamat kaya ko na ang sarili ko, sige.." Hmmm, gusto pa ata niya akong samahan dito sa loob. At paglabas ko'y kita ko na hindi pa umalis si Zie, naghihilamos ito nang makita na niya akong tumabi sa kanya upang maghugas ng kamay.
Biglang may pumasok, at si Miko na nag-aalala na baka kung napaano na ako.
"Akala ko na kung anong nangyari sayo... Sandro, okay ka lang ba?"
"Oo, alalayan mo na lang ako papunta sa table natin."
Grabe, medyo nawala ang tama ko nang makita kong naghahalikan ang dalawa naming kasamahan, si Anton at Marcus na parehong straight! Ayaw siguro nilang magbayad ng bill. Hahaha. Kasi kapag nag-Dare ka at ayaw mong gawin, ikaw magbabayad ng bill. At kapag Truth naman at hindi convinced ang karamihan, pay the bill as well, kaya wala pumipili ng Truth para safe. Or better itagay mo na lang nang hindi mapahamak ang iyong bulsa. Hehehe.
"Miko, shot na ni Sandro!" Si Railey na atat na patagayin ako.
"Hindi na niya kaya Tol."
"Sige Railey, pass muna ako." Ika ko.
"Okay Sandro, Truth or Dare?" Tanong ni Railey.
"Dare."
"Marcus ikaw ang huling nag-pass, anong ipapagawa mo kay Sandro?"
"Railey gusto kong ilagay ni Sandro itong dalawang candy sa bibig ni Miko."
"Andali naman niyan dre." Pag-angal nilang lahat.
"Wait lang kasi kayo.. Gusto ko gamit din ang kanyang bibig."
"Sandro-Sandro-Sandro!" Silang lahat except Miko. Ano 'yan, cheer niyo ako para pampalakas ng loob?
Haaaay, hindi ako makatingin kay Miko.
"Magkano ang bill natin?" Tanong ko kay Railey. Hindi na ako nakatingin pa kay Miko sa sobrang hiya ko.
"Nasa 7K na Sandro." Alam kong may ATM sa labas kaya pwede akong mag-withdraw at may 2K pa ako sa wallet ko, pero ung 5K kasi eh allowance ko 'yon next month. Pinagpapawisan na tuloy ako.
Biglang hinawakan ni Miko ang aking kamay sabay abot nito ng dalawang Snow Bear na candy.
"7K masyadong malaki Sandro, gawin mo na lang..." Si Miko.
Choco Republic @ Igorot Stairs
"Oh heto na ang favourite mong spaghetti with meatballs." Si Miko sabay lapag nito ng pagkain sa lamesa, ngunit hindi ko siya narinig.
"Sandro? Anlayo ng tingin mo..."
"Ha?"
"Natutulala ka na naman."
"Inaalala ko kasi ung mga nangyari noong Friday.."
"Alam mo Chubby Cheeks may hinala na ako. Kaninang nasa taas ako habang umu-order, naglalaro na sa isipan ko si Railey."
"Ba't naman niya gagawin 'yon?"
"Diba si Tito General mo ay kaibigan ng Daddy ni Railey?"
"Hala, ung totoo?"
"Hindi mo alam? Hindi ko pa pala nasabi sayo."
"Hindi ko talaga alam.. Anong pangalan ng Daddy ni Railey?"
"Col. Rodrigo Mangubat."
"Si Uncle Rudy ang Daddy ni Railey?"
"Oo."
"Miko, hindi ko alam ang gagawin ko. Buong araw nakapatay ang cellphone ko. Nag-message sa akin sa f*******: ung kasambahay namin sa Itogon, at galit na galit daw si Tito. Birthday pa naman niya ngayon, nasa bahay silang lahat and they are expecting me na umuwi this afternoon... Natatakot ako, hindi ko alam Miko baka anong gawin niya sa akin..."
"Wala tayong ginagawang masama kaya wala ka dapat ikatakot."
"Miguel Konrad Manalo, bakla ako... At kung ayaw mo na akong maging kaibigan, maiintindihan kita..."
"Sandro? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bakla ka o hindi wala akong pakialam kaya don't say that."
"Sorry Miko..."
"Sige kumain na tayo.. Pupunta tayo ngayon ng Itogon at kakausapin natin ang Tito mo."
Ang Tito Ferdinand ko ang siyang tumayong Ama ko simula noong bata pa ako, anak ako ng Mama ko sa pagkadalaga't hindi siya pinanagutan ng tunay kong Ama, wala rin akong balita sa kanya at ni larawan wala ako. Si Tito Ferdz, hindi rin nakapag-asawa pero maraming babae, dalawa lang sila ni Mama na magkapatid, may problema sa kanyang p*********i si Tito kaya hindi rin siya magkaanak sa ibang babae, I'm the only child sa family kaya silang lahat ay nakatutok at nakabantay sa mga galaw ko. Ayaw nga ni Tito na mag-Nursing ako, dahil ang gusto niya'y pumasok ako ng Philippine Military Academy o kaya mag-Criminology tapos mag-SAF, mabuti na lang tumutol ang Lolo't Lola ko kaya hindi ako natuloy mag-PMA o Crim. Si General Ferdinand Herrera, ang PNP Cordillera Administrative Region Head, at wala na siyang ibang pinangarap kung hindi ang sundan ko ang kanyang yapak. Alam lahat ito ni Miko, dahil halos lahat ng tungkol sa buhay ko'y nai-kwento ko na sa kanya.
"Gusto mo pa ba ng meatballs?" Alok ni Miko sa natitira niyang pagkain.
"Busog ka na?"
"Sayo na, alam ko namang paborito mo 'yan."
"Salamat... At maraming salamat dahil kahit ganito ako okay lang sayo.."
"Sandro, kaibigan kita, at kahit ano ka pa, gay, bi or straight, I don't care. Mabuti kang tao at mabuti kang kaibigan and that's what matters to me... Oh heto, kainin mo na itong isang natitirang meatball." Sincere words from Miko, sabay subo niya sa akin ng meatball. Napapalingon tuloy sa amin ung dalawang waitress.
"Miko oh, pinag-uusapan na tayo dun sa may counter, tignan mo ung dalawang babae."
"Hayaan mo sila. Tara na?"
"Sige..." Sabay tayo naming dalawa.
"Pero wait lang, mga Miss boyfriend niya ako, boyfriend niya ako.." Si Miko sa mga waitress.
"Miko tumigil ka."
"Mahal ko 'to boyfriend ko siya."
"Miko."
"Biro lang, hayaan mo sila. Hehehe."
"Baby tara na.." Dagdag pa niya. Hahaha.
-----
Pagbaba namin sa may kalsada, agad na pumarada sa aming harapan ang RAV4 na sasakyan ni Miko, at si Marcus ang driver nito.
"Ang bilis naman ni Marcus." Bigkas ko.
"Nag-message na ako sa kanya ahead of time. Sige na, pasok na Chubby Cheeks." Sabay bukas ni Miko sa pinto ng sasakyan.
"Tol, dito ka na sa harapan, magmumukha akong driver niyo." Si Marcus.
"Miko sa harap ka na." Sabi ko.
"Mag-uusap pa tayo Sandro... Ipag-drive mo na lang kami Marcus."
"Basta ung deal natin Tol." Si Marcus.
"Oo na.... Sandro, saan ba ung sa inyo, taga Itogon rin 'yang si Marcus."
"Uhmm, doon lang malapit sa bahay nila Mayor, sasabihin ko rin kung malapit na tayo."
Quarter to 8 PM na nang makarating na kami ng Itogon, hindi na lang kami nag-park malapit sa aming gate nang baka mapansin pa kami, at marami ring naka-park na bisita rito. Nasa daan palang kaming naglalakad, bumubungad na ang malakas na videoke, may mga ilang bisita na papalabas na, siguro tapos na ang dinner.
"Hindi ko akalain, bahay niyo pala ito Sandro?" Si Marcus.
"Sandali lang, huwag muna kaya tayong pumasok?" Mungkahi ko sa kanila, nag-aalala lang kasi ako, andami pang bisita, kilala ko kasi si Tito, hindi nito nako-control ang kanyang galit kahit may mga tao pa sa kanyang paligid.
"Bakit?" Si Miko.
"Tawagan ko muna si Mama."
"Sige." Sagot ni Miko.
Pagbukas ko ng aking cellphone ay eksaktong tumawag si Mama. Ilang beses na raw siyang tumatawag sa akin, mabuti at nagbukas na ako ng telepono ika niya. Kokonti na lang daw ang bisita't mga matalik na kaibigan na lang ni Tito Ferdz ang kasama nitong nag-iinuman. Tinanong ko si Mama kung galit pa ang Tito ko, at ang sabi niya'y hindi na raw nababanggit ni Tito ang tungkol sa nakita niyang mga larawan bagkus hihintayin na lang daw niya ang paliwanag ko rito. Sinabihan ko na rin siyang magpahinga na dahil maaga pa ang therapy niya bukas sa Baguio. Hindi pa makalakad si Mama sa pagkaka-aksidente namin last year nang mahulog ang bus na sinasakyan namin nila Mama sa may Sablan, Benguet... kaya naka-wheelchair pa rin siya hanggang ngayon. And we were lucky dahil kaming dalawa lang ni Mama ang naka-survive sa aksidente.. maliban sa tumama ng malakas ang ulo ko't nagkaroon ng traumatic brain injury, walang malay ng ilang araw and I was in coma, nawala rin ang mga alaala ko and suffering retrograde amnesia until now... at sa awa ng Diyos mga galos at sugat lamang ang inabot ko't hindi na ako nagkaroon ng mas malalang fractures...
"Tara na?" Ika ko sa kanilang dalawa.
"Okay na ang Tito mo?" Si Miko.
"Hindi pa rin ako kampante Miko. Uhmmm, Marcus okay lang ba kung huwag ka nang tumuloy sa loob ng bahay, kahit sa may garden ka na lang muna?"
"Sige."
"Pero kung okay na tatawagin rin kita."
"Kakausapin lang namin ang Tito ni Sandro't magpapaliwanag tungkol sa nangyari sa Spade."
"Baka gusto niyo tulungan ko na lang kayong dalawa na magpaliwanag?" Mungkahi ni Marcus.
"I think mas okay un." Pagsang-ayon ni Miko at pumayag rin ako.
Pagpasok pa lang namin ng pinto'y nagsitinginan na ang lahat ng mga kumpare ni Tito Ferdz, katabi niya si Tito Rudy na Daddy pala ni Railey. Nasa may mini-bar beside our dining hall silang lahat na nag-iinuman habang kumakanta ng videoke. Natigil ang kaibigan ni Tito na kumakanta nang mapansin niyang tumayo ito sa kanyang kinauupunan. At bigla akong napaatras nang mapansin kong may baril na nakapatong sa katabing lamesa ni Tito Ferdz.
"Miko, Marcus labas muna kayo." Nanginginig ang boses kong pagkakasabi sa kanila.
"SANDRO! Halika rito!" Halatang marami nang nainom si Tito sa boses niya.
"Kuya akala ko mag-uusap kayo ng maayos ng anak ko." Bigkas ng aking Ina.
"Manang, ipasok mo muna sa loob ng kwarto si Feliciana."
"Opo Sir." Pagsang-ayon ng aming kasambahay.
"Kuya huwag mong sasaktan ang anak ko..."
"Madam, tara na po." Si Manang.
Tila naging poste na ako sa aking kinatatayuan habang pinapalabas ko ng pinto sila Marcus at Miko.
"Labas na kayo.. Miko.. Marcus..." Pero tila walang gumagalaw sa aming tatlo.
"LAPIT!!!!!" Sabay kasa ni Tito sa kanyang baril.
"Lumapit kayo Sandro, at ng dalawang kaibigan mo, kung ayaw mong tamaan sila ng bala!"
Nakatingin lang sa amin ang tatlo kumpare ni Tito na mga pulis, at sa tabi naman ni Tito si Tito Rudy na parang minamatyagan lamang kaming tatlo. Kita naming may mga baril sila sa kanilang tagiliran. Inilapag na ni Tito ang kanyang baril sa may lamesa nang makalapit na kaming tatlo sa kanya, at binuksan niya ang drawer nito kung saan niya inilabas ang isang brown envelope.
"Ipaliwanag mo ang mga larawang ito Sandro!"
"Tito, wala pong ibig sabihin 'yan, nagkakatuwaan lamang po kami sa mga oras na 'yan."
"Kayong dalawa upo!" At agad-agad na umupo sila Miko't Marcus sa dalawang bakanteng upuan.
"Ikaw anong pangalan mo?" Si Tito kay Marcus.
"Marcus po." Nanginginig na boses nito.
"At ikaw?"
"Miko po Sir."
"Anong relasyon mo sa pamangkin ko???"
"Tito magkaibigan lang po kami ni Miko." Sambit ko.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko Sandro!"
Kita ko ang pagpipigil ni Miko, pansin ko ang kanyang kamao na para na niyang gustong sapakin si Tito. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata't kita ko ang pamumugto nito ng luha. At hindi sumagot si Miko. Kinuha ni Tito ang kutsilyo na nakapatong sa center table na siyang ginamit nilang panghiwa ng lemon, saka siya lumapit kay Miko.
"Tinatanong kita iho, anong relasyon mo kay Sandro?" Sabay hawak sa leeg ni Miko't tutok ng kutsilyo sa kanyang leeg.
"Tito tama na. Magkaibigan lang kami." Bigkas ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
"Sige tutal, ayaw sumagot nito. Ikaw na lang ang tatanungin ko Sandro."
"Tito, ilayo po ninyo 'yang kutsilyo sa kanya..."
"Isang tanong, isang sagot Sandro, at kapag nahuli kitang nagsisinungaling, gigilitan ko ito sa leeg!"
Kita kong naihi na sa kanyang kinauupuan si Marcus sa sobrang takot na niya siguro. Hindi na pinansin ito ni Tito at nagpatuloy lamang siya sa pagtatanong.
"Boyfriend mo ba itong si Miko, Sandro??" galit nag alit na boses ng tiyuhin ko.
"Hindi po..." nanginginig kong sagot.
"Mahal mo ba siya???" Hindi ako makasagot sa tanong.
"SANDRO!!! Mahal mo ba si Miko????"
"OPO, MAHAL KO PO SI MIKO, kaya huwag ninyo po siyang sasaktan!"
"Put*ng-ina mo BAYOT KA!" Sabay hiwa niya ng kutsilyo sa pisngi ni Miko.
"Aaaaaaaaaaaaaah..." Paghuhumiyaw ni Miko sa tindi ng sakit.
END OF FLASHBACK
To be continued...
Thanks for the VOTE // COMMENTS