PARENT'S
IT'S ANOTHER day for me, and it's saturday meaning wala akong pasok, sabado at linggo ang ginawa kong rest day para naman maalagaan ko rin si Dylan.
I'm in the bathroom, naliligo para naman marefreshen ang utak ko, Grant is still asleep, he's probably tired because of our bonding yesterday.
Matapos maligo isinuot ko lang ang simpleng dress na kulay puti tas may paw prints na design, naisip kong mag adopt nang aso kung papayag si Grant.
Nagsusuklay ako habang palabas sa banyo nang biglang may yumakap sa beywang ko.
He sniffed my neck and my hair.
"My wife smells amazing."komento niya.
"Thank you."yun lang ang sinabi ko bago ikinalas ang kamay niya sa beywang.
"Where's my goodmorning kiss?" He pouted like a child.
Looks like his in a good mood.
"Later." Sabi ko at kumindat rito.
Naglakad na ako palabas sa kwarto namin at saka kumatok sa kwarto ni Dylan, binuksan ko ang pinto at pumasok.
"Goodmorning, baby."bati ko.
Naka upo ito sa kama niya habang kinukusot ang mata gamit ang kamay.
"Goodmorning po."sabi niya.
I gave him a kiss on his cheeks.
"'Come let's take a bath, punta tayo sa bahay ni Lolo and Lola."sabi ko.
"Talaga po?"Tanong nito.
Tumango lang ako.
Bibisitahin muna namin sila mom bago pumunta sa ospital kong saan naka confine ang parent's ni Grant.
"Sige po!"masiglang sabi niya saka tumalon sa kama at naunang pumasok sa banyo.
Tinawanan ko lamang siya saka na sumunod.
Matapos siyang paliguan binihisan ko siya nang simpleng polo shirt at pants saka pinasuot ng sapatos.
"I'm done na po mama!"sabi niya.
"Okay, let's go!"masayang sabi ko.
Lumabas na kami sa kwarto saka nagtungo sa kusina.
Hindi ko pa pala na sasabi kay Grant.
"Hon,Aalis kami at bibisitahin sila Mom, sama ka?" I asked.
"I'll come with you."sabi niya.
"Okay, magbihis kana."sabi ko naman.
Tumango lang ito, nag antay kami ng ilang minuto saka siya lumabas.
Naka kulay puting longsleeve at white na khaki shorts, nakatupi hanggang siko ang longsleeve na suot.
D*mn men he looks hot.
Aish, shut it Avi.
Nakaputi kami lahat, mukha tuloy kaming dadalo sa kasal dahil pare pareho ang outfit namin.
I grab my purse in the coffee table, doon ko kasi yun nilagay kahapon.
Saka na kami umalis sa Unit at sumakay sa elevator.
Hawak ko sa kabilang kamay ang purse saka naman hawak ni Grant ang kamay ko sa kabila, nasa kanan naman niya si Dylan.
Kung titignan sa mga hindi nakakakilala sa amin magmumukha kaming masayang pamilya, masaya nga ba?
I erase those thoughts,maybe i should enjoy this moment right? May hangganan din ang lahat.
Pinagbuksan kami ni Grant ng pinto, pumasok naman kami.
We're using his limo kaya naman pangceleb ang dating namin.
Nagdrive na yung driver papunta sa tinutuluyan nila mom na Exclusive suite, ang mas maganda sa suite nila may face detector which is under my Tita Presley chains of hotels.
My mom big sister not to mention she's in japan with her family, gusto niya nga akong mag manage sa company niya but sadly nasa pangangalaga ko na ang company ni Dad.
"Hindi ba busy sa company mo?" I asked.
"No, kaya naman nilang magtrabaho kahit wala ang CEO."he proudly said.
"Uh huh? How about the projects or proposals na kailangan i approve?" Tanong ko uli.
He rested his head on my shoulder saka inamoy-amoy ang leeg ko.
"I want to have time with you two, gusto kong bumawi sa mga panahong wala ako sa tabi niyo."sabi niya, tinapunan ko ng tiningin si Dylan na busy sa paglalaro sa iPad nito.
Agad na hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.
"Okay."Yun lamang ang lumabas sa bibig ko.
Ilang minuto lang ang tinagal ng pagdadrive pa punta doon sa hotel.
Nang makarating lumabas na kami saka na tinanong ang room number nila mom.
Pinapasok naman agad kami nila mom alam kong ininform sila ng taga front desk about sa amin.
"Lolo!Lola! alam niyo po ba nakakuha po ako ng 5 starts sa school!" Sabi ni Dylan.
"Talaga ba apo ko? Ang galing naman pa kiss nga si lola!"masayang sabi ni mom.
Nginitian ko lang si mommy habang pinapaulanan ng halik si Dylan.
Nasa balkonahe sila Dad at Grant mukhang may importanteng pinaguusapan.
"Mom, hindi po kami mag tatagal, bibisitahin din po namin ang parent's ni Grant, i want to see them after 3 years."sabi ko.
"You should, hindi ko na alam kong anong kalagayan ni Balae ngayon, just send my regards to her and her husband."she said.
"Opo, mom."sabi ko nalang.
Ilang oras lang ang itinagal namin sa suite nila mom saka na kami nagpaalam para puntahan ang parent's ni Grant.
Sumakay na kami sa limo ni Grant saka naman ito pinaandar ng driver.
Nasa isang pribadong ospitak kami na pagmamay ari ng kaibigan ni Grant, nandito rin ang mom at dad niya, Nang makapasok kami agad namin tinanong kung anong room sila inilagay.
"Nasa room 508 po sila Mrs Valleser, kumaliwa po kayo agad pag tungtung nang elevator sa fifth floor."sabi nung lalaking nurse.
Tinanguan siya ni Grant, ngumiti naman ako. Grant instantly put his arm on my waist, natigil naman ako sa kakangiti.
"What?" Istriktang saad ko.
"Stop smiling."Cold na sabi niya.
"Eh ano naman? Alangan namang simangutan ko siya?" Sabi ko.
"It's jus- ugh what ever."sabi nito saka kinarga si Dylan at naglakad na patungo sa elevator at sumakay.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Is he jealous? Aish! Bat ka nagiisip ng mga ganyan Avi, nagagalit lang siya yun lang wala nang iba.
I shake my head saka na sumunod sakanila na kanina pa ako hinihintay.
"Gusto mo pa lalo siyang ngitian?" He asked.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan Grant? Ngumiti lang ako, bat mo ba nilalagyan ng malisya?!"sabi ko.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dylan, halatang hindi nito nagugustuhan ang nangyayari.
"Are you two fighting po?" He asked.
Agad naman kaming umiling saka ngumiti sa kanya.
"No, baby."sagot ko.
"Ah okay po."sabi niya.
Inirapan ko si Grant kinunotan naman niya ako ng noo, tanggalin ko kaya yang kilay mo!
Pumasok na kami sa kwarto nila, agad na sumalubong sa akin ang mommy ni Grant, medyo tumanda ito sa edad niya noon pero maganda parin naman, ang dad niya naman ay nakahiga sa kama, puno ng aparato mukhang siya siguro ang napuruhan ng husto.
"Goodafternoon po, mom,dad."bati ko.
Nilingon kami ng mom niya, agad naman tumulo ang luha nito saka ito tumayo at hinagkan ako.
"Hija! Look at you, you're so pretty! You really look like your mom."sabi niya.
"Oo nga po sabi nila."nasagot ko nalamang.
"How are you?" She asked.
"I'm fine po."sagot ko.
Hinagkan niya din si Grant at hinalikan ang pisnge nito.
"I'm glad that you two are in good terms now, i hope magtagal kayo." Sabi niya, itinuro niya si Dylan sa gilid ni Grant.
"Is he...oh my!? My grandson! My apo!"maligayang sabi niya.
Agad niyang niyakap si Dylan na yumakap din naman sakanya saka pinunu ng halik ang pisnge nito.
"Ang laki niya na! I haven't seen him for what? How old is he?" She asked.
"3 po, turning 4 this coming july."sagot ni Grant.
"Oh, i see..no doubt it's your son, mi hijo, he looks like you very much."sabi niya.
"It's genes mom, genes!" Pa humble na sabi niya.
Yep! He's acting weird when his mom's around.
"Yeah, yeah."sabi niya.
"Come, come! Have a sit! You have a lot of stories to tell me pa!"sabi niya saka kinarga si Dylan.
Umupo kami sa sofa.
"How was your married life, mi hijo? I didn't know nagtagal kayo ng 3 years."sabi niya.
He probably didn't know about our divorce 3 years ago, siguro sila mommy lang at daddy ang nakakaalam.
"Ahm..actually po, naghiwalay kami."sabi ko, nilingon ko si Grant, nakatingin din ito sa akin.
"What? Bakit naman, i thought you two are in good terms?" She asked, nalilito ito.
"We are mom, but i have reasons why i choose to split with her instead of continuing our marriage."He said.
"But we already fix our marrige, mom you see? May anak na po kami."agap ko agad para mawala ang pagtataka niya sa paghihiwalay namin.
"I hope it won't happen again, mi hijo, hija...kung may pag aawayan man kayo ayusin niyo agad wag niyong idala sa hiwalayan, they said happy wife means happy life, so please wag agad kayong mag hiwalay okay? Promise me."sabi nito saka hinawakan pareho ang kamay namin at agad niya iyon ipinagsiklop.
Napatingin kami sa isa't isa ni Grant.
"I'll make sure that won't happened again mom, i promise."sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti nalang ako bilang pagsang ayon.
Nagpatuloy kami sa pagkekwentuhan, nang biglang sumagi sa isip ko ang quotang sinabi ni mom.
'Happy wife means happy life'
Ang tanong masaya nga ba ako?
--