LXI. KASAMA NI TROY si Lady sa likuran ng bahay nito. Magkasama silang nag-iihaw ng barbeque na tinimplahan ng ina niya. Si Lady naman ay abala sa pagma-marinade ng sugpo para sa mahal na kasintahan. Lumapit muna si Troy sa kaibigan at tiningnan ang ginagawa nito. Tinitigan niya ang itsura nito at at hindi niya maitanggi na sobrang seryoso nito sa ginagawa. “Mukhang masarap, ha?” pagpuri ni Troy. Ang lapad ng ngiti niya. Tinulak ni Lady ang kaibigan gamit ang balakang nito. “Stay away from me! Mine your own business, Mr. San Miguel!” Kinurot ni Troy ang pisngi nito. “Ang taray mo talaga. Pwede bang tikman iyang ginawa mo? Nakakatakam lang, ha?” “Hell no! This is for my husband only! My love potion ito. I want him to make fall in love with me more. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin? D

