62. NAPABUNTONGHININGA NA LANG si MaCo habang nakatanaw sa kumukutitap na bituwin sa kalangitan. Nasa sa labas siya ng gate ng bahay nila habang ang kapatid niya ay nasa kuwarto nito. Gusto lang niya malibang kahit saglit. Wala kasing pagbabago sa tuwing sinasalubong nila ang bagong taon. Para sa kaniya, plain and simple. Napatingin naman siya sa mga batang naglalaro sa kalsada habang nagpapalakasan sa tunog ng turutot. Naghahabulan din ang ilan sa mga mga bata na mas dumagdag ng ingay sa paligid. Napangiti naman siya nang makita na sobrang saya ng mga magulang na tinitingnan ang mga anak ng mga ito. Napasabi tuloy siya sa sarili niya na kung maging ina man siya ay maging katulad siya ng mga magulang na nakikita niya sa kalsada. Kailanman, hindi siya magiging katulad ng mga magulang niya

