LXIII. HABANG SERYOSO NA nakikinig si Troy sa phone talk nina Lady at Lord ay hindi niya mapigilan na mapatitig sa kaibigan. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis ba siya sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Habang nakaharap siya rito, hinawakan nito ang mukha niya. Pinisili-pisil pa nito. Naramdaman niya na nanggigigil ito sa kaniya. Hindi niya naman ito masisisi lalo pa at aminado siyang magandang lalaki siya. Umusog ito sa kinauupuan nito para sumandal sa balikat niya. Napangiti naman siya sa ginawa nito kaya inakbayan niya rin ito at sinandal ang kaniyang ulo sa ulo nito. Hindi naman niya mapigilang mapangiti. Natutuwa lang siya sa bango ng kaibigan. Masasabi niyang amoy mamahalin talaga. Hindi natagal, tumayo na si Lady. Ang ginawa niya, tumayo na rin at isinandal ang katawan

