Lilo Nagising akong mabigat ang pakiramdam. Mabigat rin ang talukab ng aking mga mata kaya kahit anong dilat ko ay hindi bumubukas. Ang labi ko ay makirot nang subukan kong ibuka ang bibig. Malalim akong bumuntong-hininga at muling binagsak ang katawan sa higaan. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Huling naaalala ko ay gumagapang ako patungo sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong sa mga taong nakakakita sa akin. May humawak sa aking mga kamay kaya pinilit kong dinilat ang aking mga mata. "Miss, gising kana. May masakit ba sa iyo? Sandali at tatawagin ko ang doctor." Mabilis akong umiling sa lalaking nasa tapat ng kama ko. Nandito pala ako sa hospital at siya siguro ang nagdala sa akin dito nang mawalan ako ng malay. "O--okay lang a--ko " Napangiwi ako nang sumilay ulit an

