Lilo
Palagi akong tulala at nawawala sa sarili, sa tuwing may tatawag sa pangalan ko ay bigla na lang akong mapapaigtad. Simula nang malaman kong nagdadalang tao ako ay araw araw na akong nakakaramdam ng takot.
Hindi ako nakakatulog ng maayos at hindi nakakakain. Itago ko man ito sa aking pamilya ngayon ay malalaman rin nila kapag lumaki na ang tiyan ko.
Kaya naglakas loob akong puntahan ang tatay nitong batang nasa sinapupunan ko.
"Miss, may appointment po ba kayo rito?" Hinarang ako ng security guard sa labas ng entrance nitong malaking building.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na loob para magpunta rito sa SFZC (Salcefuedez Free Zone Company).
Isa lang kasi ngayon ang tumatakbo sa isip ko. Ang makausap si Lyndon Salcefuedez at sabihin sa kaniyang nagdadalang tao ako. Dapat niyang malaman itong pinagbubuntis ko. Panagutan man niya ako o hindi ay ang mahalaga, nasabi ko sa kaniya. Hindi ko nilihim at hindi ko tinago.
Ngunit sa isang parte ng aking puso ay umaasa akong pananagutan niya. Dahil kapag hindi niya iyon ginawa ay sigurado akong sa impyerno ang bagsak ko kapag nalaman ito ng pamilya ko.
Tiningnan ko ang guard. Pawisan na ako dito sa labas ng building dahil ayaw niya akong papasukin.
"Kuya, gusto ko pong makausap si Lyndon Salcefuedez."
Ngumisi ang guard sa akin. "Miss, ang president po ng kompaniya ang tinutukoy ninyo. Hindi naman kapanipaniwalang business partner niya kayo base sa itsura ninyo, Miss." Pinasadhan niya ako ng tingin.
Sa simpling sout ko ngayon ay malabong may maniwala dito na kilala ko nga ang may ari nitong kompaniya.
Muli akong nakiusap.
"Papasukin ninyo na ako kuya, please po. Pakisabi na lang sa kaniya ang pangalan ko."
Umiling siya sa akin. "Bawal disturbihin si Sir kapag ganitong oras ng trabaho, Miss. Bumalik na lang kayo sa susunod kapag may appointment na kayo."
Nairita ako kay kuya guard kaya pinilit kong humakbang papasok.
"Sabihin ni'yo sa kaniyang Eliana Alohi ang pangalan ko! Wala akong appointment at wala akong balak kumuha ng appointment na sinasabi mo! Alis nga diyan Kuya dahil kailangan kong makausap si Lyndon!"
Muling napailing ang security guard. Nilapitan kami noong isa at tinulungan niya ang kasama para harangin ako.
"Marami ng babae ang pumupunta rito at hinahanap si Sir. Iyong iba ay nagpapanggap na girlfriend, iyong iba naman ay asawa raw niya, at ito pa miss ang malala ha, noong nakaraang buwan ay may pumunta ulit. Buntis raw siya at si Sir ang ama ng pinagbubuntis niya! Nakakapagod na magbantay rito sa entrance lalo na kung may makukulit na gaya mo, Miss! Sino ka rin ba sa buhay ni Sir? Girlfriend? Asawa?"
Napaawang ang mga labi ko. Ganoon pala kababaero ang President ng kompaniyang ito kaya maraming babae ang naghahabol sa kaniya.
Masama ko silang tiningnan. Ayaw nila akong papasukin, sige ito ang katapat nila!
"Lyndon Salcefuedez!"
Nagsisigaw ako sa labas kaya nilapitan nila ako ulit at hinawakan sa magkabilang braso. Nilayo nila ako sa pinto pero hindi ako tumigil sa kasisigaw ng pangalan ni Lyndon.
"Wait gentlemen!"
Natigilan ang dalawang security sa pagbuhat sa magkabilang braso ko nang may magsalita sa likuran namin.
Lahat kami ay napalingon at agad nilang nabitawan ang braso ko nang makita ang nagsalita.
"Sir Charlie, pasensya na po kayo. Makulit kasi itong si Miss kaya pinapaalis namin."
Inirapan ko ang mga security. Hindi ko kilala itong tinawag nilang Charlie pero base sa itsura niya at pananamit ay alam kong nagtatrabaho siya rito.
"Be gentle. Kilala siya ni Sir Lyndon."
Natahimik ang dalawa. Namaywang ako at binalingan sila. Masama ko silang tiningnan na may kasamang panakot.
Itong si Charlie ay hulog ng langit sa akin. Iwan ko kung kilala niya ako pero nagpapasalamat akong bigla siyang dumating.
"Pasensya na po kayo, Miss. Sumusunod lang po kami sa utos ni Sir."
Hindi ko sila pinansin at lumapit ako kaagad kay Charlie.
Hinawakan ko siya sa pulsuhan. "Dalhin mo ako sa office ni Lyndon, gusto ko siyang makausap."
Natigilan siya. Muling hinila ang pulsuhan sa akin. Bumulong sa aking tainga.
"Magkakilala ba talaga kayo ni Sir?" tanong niya.
Natigilan ako sabay tingala sa kaniya. "Akala ko ba ay kilala mo ako kaya dinipinsahan mo ako sa mga guwardiya?" balik tanong ko sa kaniya. Nangunot pa ang aking noo.
Umiling siya. "Naawa lang ako sa iyo miss. Pero kung talagang magkakilala nga kayo ni Sir ay sasamahan kita sa kaniya."
Magkasunod sunod akong tumango.
"Magkakilala nga kami. Tara na! Wala na akong oras. Mali-late pa ako sa klasi ko mamaya!"
Mukhang mabait naman itong Charlie kaya hindi nagdalawang isip na samahan niya ako sa Presidential office ni Lyndon.
Marami kaming nakasalubong na mga staffs at ginagalang itong kasama ko. Mataas siguro ang posisyon niya dito sa kompaniya o sadyang gusto lang ng mga staffs dahil mabait siya.
Nang nasa tapat na kami ng pintuan ng opisina ni Lyndon ay tinuro niya ako.
"Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya.
"Eliana Alohi." Nginitian ko siya.
Mabilis siyang kumatok. Pero tumalon ang puso ko nang marinig ang sumagot. Nandito nga siya sa office.
Binuksan ni Charlie ang pinto sa maliit na spasyo at sumilip sa loob.
"Sir, may naghahanap po sa inyo. Eliana Alohi ang pangalan."
Napalunok ako. Ngayon ay biglang umurong ang dila ko at baka wala na akong masabi kapag nagkaharap kami mamaya.
Pumikit ako at mabilis na huminga ng malalim.
"Let her in," ulit niyang sabi.
Binalingan ako ni Charlie at niluwangan niya ang pinto. Tumango siya sa akin at nagsenyales na pumasok na ako sa loob.
The design of his office room is so manly. Nakaupo siya sa itim na swivel chair at nakatutok ang mga mata sa computer.
He had viking-gold hair and had bristly eyebrows.
He was, well, different from all others. He was handsome, not perhaps in the conventional sense, but he had that appearance which could make him stand out in the crowd.
His face had that faraway look in it, which cannot be described in words. Often, you could see a hint of pain in his sparkling eyes, which would disappear as suddenly as it emerged.
Nang iangat niya ang mga mata sa akin ay nanuyo ang lalamunan ko at nakaramdam ng ginaw. Palagi akong nalilito kapag natititigan ako ni Lyndon. Maraming beses ko na itong sinabi at heto naman, inulit kong muli.
"Sit." Tinuro niya sa akin ang itim na couch sa kaniyang harapan.
Muli akong napalunok at dahan-dahan na lumapit doon. Nang makaupo ako ay siya naman ang tayo niya at lumapit sa akin.
He is huge. Nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing makakaharap ko siya. Everything in this man was expensive, unlike me, simple and nothing.
"How are you, Lilo?"
Nakagat ko ang ibabang labi nang tawagin niya ako sa palayaw ko. Pakiramdam ko ay magkaibigan na kami.
Humigpit ang mga kamay ko sa sling bag na nasa kandungan ko kaya nasundan niya iyon ng tingin.
Ngumisi siya, ay hindi ko alam kung ngisi ba iyon o ngiti?
"Why are you so nervous? Wala ka namang kasalanan sa akin. Tell me, why are you here?"
Hindi ko na dapat patagalin itong pakay ko, dahil kapag pinatagal ko pa ito ay baka hindi ko na masabi sa kaniya.
Nag-ipon ako ng lakas na loob at tumingin sa kaniya. Umigting ang kaniyang mga panga nang makitang seryosong seryoso ako ngayon.
Binuka ko ang labi pero natikom ko agad nang manginig ito.
Napayuko ako. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata.
"Buntis ako, Lyndon." Mahinang mahina ang boses ko.
Iwan ko kung narinig niya dahil hindi siya sumagot. Naramdaman kong pinagpapawisan na ang mga palad ko. Nang itaas ko ang mukha sa kaniya ay nanatili itong nakatitig sa akin. Wala man lang akong nakuhang reaksyon mula sa kaniya.
"Buntis ako." Ulit ko.
Finally, he moved. Sinandal niya ang likod sa couch at tinitigan ako ulit.
"So?"
Para akong sinabuyan ng mainit sa tubig mula sa pagkapahiya. Isang salita lang ang sinagot niya sa seryosong sinabi ko.
Kumuyom ang mga kamao ko at halos mapunit ko ang sling bag.
"Anong koneksyon ko sa ipinagbubuntis mo?"
"Ikaw ang ama, Lyndon."
Natigilan siya. Muling umupo ng maayos at pinagkatitigan ako lalo.
"Paano ako nakakasigurong ako nga ang ama niyan?" Nginuso pa ang plat kong tiyan.
Muli akong lumunok. Ang hirap magpaliwanag lalo na kapag hindi interesado ang kausap.
"I-ikaw. . .ikaw lang naman ang nakasama ko." Napayuko ako ulit. Nakakahiya itong ginagawa ko pero wala na akong pagpipilian.
Para ko siyang pinipikot.
Ngumisi siya at tumayo.
"Who knows, after that night you ended up again with someone else on the bed."
Napatayo ako. Malaking insulto itong ginagawa niya sa akin. Nag-init ang mga mata ko pero pinigilan kong umiyak. Hinding hindi ako iiyak sa kaniyang harapan.
Hindi ko naman kailangan na pakasalan niya ako. Ang gusto ko lang ay panindigan niya itong batang nasa sinapupunan ko at magpakilala siya sa pamilya ko. Ito lang sana pero iba pala ang inabot ko sa kaniya.
"Wala kang kwentang kausap."
Ngumisi siya ulit. "Gusto mo ng financial support? Magbibigay ako. Pero kung talagang buntis ka, for now I will not acknowledge that baby. Hindi ako sigurado kung ako nga ang ama niya."
Muling kumuyom ang mga kamao ko.
"Isaksak mo sa baga mo iyang financial support na sinasabi mo!"
Hindi na ako nagtagal at mabilis lumabas mula sa presidential office niya. Wala akong nahita sa demonyo na iyon kun'di insulto.
Napabuga ako ng malakas na hininga sabay laglag ng mga luha sa aking mga mata nang makalabas mula sa building.
Mas mabuting minura na lang ako ni Lyndon kaysa sabihin sa akin ang mga salitang iyon.
Mas masakit ang inabot kong insulto sa kaniya kaysa sampalin ako sa magkabilang pisngi.
Umiiyak akong naglakad papunta sa terminal ng mga tricycle. Nauuhaw ako at nahihilo pero pinilit ko pa rin maglakad.
Hindi ako pumasok sa eskuwela at pumunta sa tahimik na Lugar.
"Mama, ano na po ang gagawin ko?" Umiiyak ako sa harapan ng lapeda ni Mama. Paulit ulit ko siyang tinatanong kung anong maari kong gawin.
Naguguluhan ako. Natatakot ako. Masisira ang kinabukasan ko nang dahil dito sa batang nasa sinapupunan ko.
Ano kaya kung ipa-abort ko na lang siya?
Muli akong humikbi at magkasunod sunod na umiling.
Hindi ko kaya. Walang hiya man ang kaniyang ama pero dugo ko pa rin siya at laman. Handa akong masira ang kinabukasan ko basta mailabas ko lang siya ng buhay at malusog.
Nagtagal ako sa lapeda ni Mama. Umiyak ako nang umiyak sa kaniyang harapan at humingi ng tawad.
Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom at uhaw ay wala akong balak na umalis dito sa sementeryo.
Bumili ako ng ice at matagal ko iyong dinikit sa mga mata kong namamaga. Hindi ako puwedeng umuwi ng bahay na ganito ang itsura ko.
Hindi ako mapalagay at araw araw akong natatakot, nenerbiyos at nagkakamali.
"Lilo, okay ka lang ba apo?"
Nilapitan ako ni Lola at hinawakan sa kamay.
"Isang linggo ko ng napapansin na wala ka sa sarili mo, apo. May problema kaba? Sabihin mo kay Lola."
Ang hina ko. Hindi ko napigilan ang mga luha at dumaloy iyon sa pisngi ko. Napaupo ako sa sahig at tahimik na umiyak.
Hinawakan ako ni Lola sa magkabilang pisngi at pinahid ang luha ko sa mga mata. Hinawi niya ang buhok ko at hinanap ang aking mga mata.
"May problema ka, alam ko, nandito ako para makinig," ulit niyang sabi sa akin na may pag-aalala.
"Patawad po, Lola. . .patawad po.."
"Bakit ka humihingi ng tawad ha? May nagawa kabang kasalanan?"
Napahagulgol ako ng iyak. Magkasunod sunod akong tumango sa kaniya.
"Lola, hindi ko sinasadya. Hindi ko po sinasadya. . . bu-buntis po ako.." Nanginig ang mga labi ko nang masabi ang lahat.
Napasinghap siya. Pero pareho kaming nagulat nang may mabasag na plato sa tapat ng pinto.
Sabay kaming lumingon ni Lola at laking gulat ko nang makita si Papa na nakatayo doon.
"Anong. . .anong sabi mo? Buntis ka? Buntis ka?"
Humawak ako sa braso ni Lola nang makitang nanlinsik ang mga mata ni Papa.
Sa isang iglap ay nilapitan niya ako at hinila sa braso upang patayuin.
"Sinong ama?! Sinong nakabuntis sa iyo?!"
Umiling ako. Natatakot ako ngayon kay Papa. Namumula ang buong mukha niya at halos durugin pati buto sa braso ko.
Nang hindi ako sumagot ay malakas niya akong sinampal. Napasubsob ako sa sahig. Pumutok ang labi ko dahil nabangga iyon sa gilid ng kama. Nalasahan ko ang katas sabay pamamanhid ko.
"Fermin! Uminahon ka nga!" sigaw ni Lola.
"Tumabi ka diyan Inang at papatayin ko ang batang iyan! Mas mabuting mapatay ko siya kaysa magkalat ditong disgrasyada ang anak ko!"
Muli akong lalapitan ni Papa para saktan pero hinarang ni Lola ang katawan niya sa akin.
"Para mo ng awa Fermin! Tumigil kana!"
Tumama sa binti ko ang paa ni Papa kaya napangiwi ako sa sakit.
"Matigas ang ulo mo at hindi ka nakikinig! Anong napala mo sa pagiging suwail mo Eliana Alohi?!" ulit na sigaw ni Papa.
Pumasok din ang madrasta ko at dinaluhan si Lola. Nang masulo ako ni Papa ay muli niya akong sinaktan.
Umiiyak si Lola at nagsisigaw ng tulong pero wala na siyang nagawa.
Kinaladkad ako ni Papa palabas ng bahay namin. Nakasabunot siya sa buhok ko at hindi tumigil sa pananakit sa akin.
"Umalis kana dito at huwag ng babalik! Wala akong anak na malandi! Wala akong anak na disgrasyada!"
Tinulak niya ako sa kalsada kaya napahiga ako sa semento. Wala na akong lakas at duguan ang mukha mula sa mga kamay ni Papa.
Pinagtitinginan lang ako ng mga tao sa kalsada at hindi man lang tinulungan. I crawled. I asked for help but no one dare to help me.
Nang hindi ko na makayanan ang sakit sa katawan ay binagsak ko ang mukha sa semento at nawalan na ako ng malay.