Chapter 05

1821 Words
Lilo "Physiology is the study of how the human body works, right?" Nilikod niya ang kamay at tumingin sa amin. Nakasuot siya ng eyeglasses. Kahit basahan siguro na damit ang isuot ng lalaking ito ay babagay sa kaniya. He had sea rover-blue eyes. He had manly, peppered stubble. He had a devil-may-care outlook and a stellar smile. Ang guwapo ni Lyndon. He is almost perfect. . .kaya lang ang gaspang ng ugali niya pagdating sa akin. Pero sa ibang estudyante dito ay napakabait niya sa kanila. Kanina pa nagbubulungan ang mga kasamahan namin dito sa classroom. Para silang mga oud na hindi mapalagay sa kanilang mga upuan. "Mayroon pa bang simpling definition ng phycology? Sinong makakasagot ay--" Naputol ang sinasabi ni Lyndon nang may magtaas ng kamay. Tiningnan niya ang nasa kabila namin at tinuro. "Yes," sabi niya sa kalmadong tuno. "Kapag nasagot ko po ba Sir ay idi-date ninyo ako?" tanong niya kay Lyndon. Napanganga ako sabay singhap ng mahina. Pero ang mga kasamahan niya ay sinupurtahan siya. Si Lyndon ang tipong napakakalmado sa tuwing nagtuturo. Malayong malayo ang ugali niyang pinapakita sa akin sa tuwing kami ang magkausap. Ngumiti siya at tinaas ang kamay para patahimikin ang lahat. "Girls. Let's be serious. Behave, okay." Nadismaya ang nasa kabilang grupo nang hindi niya patulan ang nagtanong. Muli niyang tinawag ang nagtaas ng kamay at pinasagot. Aba, pumagitna pa talaga ang walang hiya. Wagas kung makangiti kay Lyndon. Sinagot niya iyon ng simple tulad din ng sagot ni Lyndon kanina. Pinalakpakan siya ng mga kagrupo niya. "Mayroon pa bang gustong sumagot?" ulit na tanong ni Lyndon. Mabilis hinawakan ni Yassi ang kamay ko at tinaas. Nanlalaki ang mga mata ko nang madako ang tingin sa amin ni Lyndon. Pinipilit kong hinihila ang kamay pababa pero mas malakas si Yassi. Nilingon din kami ng mga iba pang estudyante kaya napilitan akong tumayo. Namumula ang mga pisngi ko at pakiramdam ko ay hindi ako makakapagsalita. Namawis ako lalo nang tingnan ako ni Lyndon. Alam ko kasing may mga estudyante dito ngayon na nakita kami noon sa pasilyo papunta ng cr. Nasa mga bisig niya ako sa mga oras na iyon kaya para akong hihimatayin ngayon sa hiya. Lumunok ako. Nang sipain ni Yassi ang likod ng binti ko ay inapakan ko ang kaniyang paa. Napangiti ako ng wala sa oras nang marinig ko siyang dumaing sa sakit. Pero nang tumingin ako kay Lyndon ay seryoso itong nakatingin sa akin. Nalusaw ang mga ngiti ko sa labi at napatayo ng maayos. Napatikhim ako at lumunok ng malakas. Si Lyndon ay humalukipkip habang nakasandal and puwitan sa mesa. Masama pa naman ang pakiramdam ko, simula nang magising ako kaninang umaga ay para akong lantang gulay. "Like what you said Sir, physiology is the study of how the human body works, It describes the chemistry and physics behind basic body functions, from how molecules behave in cells to how systems of organs work together. It helps understand what happens when your body is healthy and what goes wrong when you get sick. Here is my simple definition of phycology." Pinagsiklop niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib sabay tango. Pero nang lumingon ako sa kabilang grupo ay masama silang nakatingin sa akin lalo na iyong panay disturbo kay Lyndon. Hindi ko sila pinansin at muling bumalik sa upuan. Malalim akong huminga sabay kapa ng leeg. Bakit ako pinagpapawisan ng malapot? Para akong hindi nakakain ng ilang araw sa sobrang tamlay ko. "Okay class! Dismissed!" Pagkarinig ko nito ay muli akong napabuntong hininga. Mabuti na lang at natapos na din ang lectures namin. Kailangan ko ng pumunta sa banyo dahil para akong nasusuka. He tried to talk to me but I avoided him. Wala ako sa mood at ayaw kong pag-usapan ang huling encounter namin sa hagdanan noon. "Lilo, may sakit kaba? Namumutla ka kanina pa ah?" tanong ni Yassi. Hinawakan ako sa magkabilang braso at tinitigan ng maigi. Umiling ako. "Hindi ko alam. Wala naman akong lagnat eh pero iwan ko parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko." "Mamaya pagtulog mo sa gabi ay uminom ka ng gamot para hindi matuloy kung lalagnatin ka bukas." Payo ni Danika. Tumango ako sa kaniya. Kinapa ni Yassi ang leeg ko. "Wala ka namang sinat Lilo. Pero pinagpapawisan ka. Dahil lang siguro ito nang sagutin mo ang tanong ni Sir." Ngumiti siya at siniko ako. "Aminin, tulad ka rin namin na nagpapantasya sa kaniya. Ang guwapo talaga ng professor natin every Friday. Sana Friday na lang araw araw!" Nag-apir silang dalawa kaya umirap ako sa hangin. "Ang kalmado niya magsalita at ang bait bait. Ang swerte talaga ng makakabihag ng puso niya. Ano kayang tipo niya sa babae? Matalino? Mayaman? Maganda?" Kinagat ni Danika ang ibabang labi at nangunot pa ang noo habang iniisip kung anong tipong babae ni Lyndon. Sinundot ni Yassi ang kaniyang noo. "All of the above sa sinabi mo Dani. Alangan naman magkagusto siya sa pangit at pobre!" Napailing ako. Nagbangayan na naman itong dalawa at umabot pa sa panlalait. Tinaas ko ang kamay sa kanila. "Tumigil na nga kayo! Mababaliktad ang sikmura ko sa inyo!" Agad silang natahimik at umupo sa magkabilang gilid ko. Hindi pa nag iilang sandali ay heto na si Dalia. Patakbong lumalapit sa amin, malakas na tumitili at may hawak na bouquet ng bulaklak. "Girls! Girls!" Nanghihina na ako. Para akong naduduling. Tinaas ni Dalia ang kamay sa amin at pinakita ang singsing. Para siyang nanalo sa lotto sa sobrang pagkatuwa. Nagniningning ang mga mata at abot tainga ang mga ngiti. "Nagpropose na sa akin si Alex. After graduation natin ay magpapakasal na kami! Ang saya saya ko!" Tinaas niya sa amin ang daliri. Hindi ko makita ng maayos ang diamond niya dahil naduduling ako mula sa hilo. "Congrats Dalia! Sa wakas ay binigyan ka rin niya ng singsing!" sabi ni Yassi na may kasamang tili. "Ang tagal mo rin itong hinintay Dalia. Highschool pa tayo noon eh. Congratulations!" sabi rin ni Danika. Napailing ako. Masyadong nagmamadali itong si Dalia. Taon pa ang lilipas bago ang graduation namin, baka maghiwalay pa sila. Pinilig ko ang ulo. Ang bitter ko lang siguro. Ako, pang one night stand lang ng bilyonaryong iyon eh, mabuti pa si Dalia dahil binigyan ng singsing. "Congrats!" Tiningala ko si Dalia. Nagsalubong ang mga kilay niya at agad natigilan nang makita akong nanghihina. "May sakit kaba Lilo?" Tumango ang dalawa sa kaniya nang hindi ako makasagot. "Huwag ka na kayang pumasok. Umuwi ka na lang, ang putla mong tingnan. Para kang lantang gulay ngayon." Hinilot ko ang sentido at inabot ang bag. "Uuwi na nga ako. Sabihin ninyo kay Prof masama ang pakiramdam ko ha." Bilin ko sa kanila. Dala ang mga gamit ko ay pinilit kong maglakad palabas ng campus. Nang nasa tapat na ako ng gate ay may biglang humila ng braso ko. Muli akong nahilo sabay lingon sa taong humawak sa aking braso. Malalim akong napahinga nang makita si Lyndon. "What happened to you? Are you okay?" Ayaw ko ng makipag-away sa kaniya. Tumango ako. "Masama ang pakiramdam ko ngayon Sir kaya uuwi na lang ako." Dumiin ang kamay niya sa braso ko. "Namumutla ka. May clinic naman dito sa Campus bakit hindi ka muna magpatingin bago umuwi sa inyo." Muli akong umiling sa kaniya. "Okay lang po ako. Mas gusto kong umuwi na lang at magpahinga." Hinila ko ang braso kaya nabitiwan niya iyon. "Eliana Alohi." Tinalikuran ko siya at tumayo sa gilid upang mag-abang ng jeep. Makakauwi kaya ako nito? Bahala na nga. Muli na naman niya akong nilapitan at kinausap. Binalingan ko siya. "Lumayo ka nga sa akin. Baka kung ano pang isipin ng mga estudyanteng makakakita sa atin, Sir." He tsked. "Ano naman ang iisipin nila ha?" Bigla akong natauhan. Binasa ko ang mga labi pagkatapos ay muli siyang binalingan. "Okay lang po talaga ako, Sir. Umalis kana." "Magalang kana ngayon ha! Ano nga iyong tinawag mo sa akin noon? Ah, demonyo, mayabang." Ngumisi siya. Namulsa at wala yatang balak na iwan ako dito. Talaga namang demonyo siya ah! Alangan namang tawagin kong anghel. Patawa siya! Kahit masama ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa ring umirap sa hangin. "Mayroon ka pa bang tinatawag sa akin na hindi ko nalalaman, Eliana Alohi?" Dahil sa inis ko mula sa pangungulit niya sa akin ay binalingan ko siya at tiningnan ng masama. "Oo, mayroon pa. Para kang binalatan na kamoteng kahoy at buhay na lalaking manika!" Nagsisimula na naman akong asarin ni Lyndon. Malas lang dahil masama ang pakiramdam ko. Mahina siyang tumawa. Tinaas ang mga kamay at pinagmasdan kung tama nga ako. Ang puti puti kasi ng lalaking ito. Para siyang hindi naarawan, manang mana siya sa balat ng kaniyang ina. "Because I'm white so you called me that kamoteng kahoy. I am not offended anyway. Halika na nga, ihahatid na kita." "Hindi. Huwag na. Kaya kong umuwi." "I said. I will drop you home." "Ang sabi ko hindi na po. Mas lalong sasama ang pakiramdam ko kapag hinatid mo ako." "Eliana Alohi!" Hinawakan niya ako ulit sa kamay pero agad ko iyong hinila nang makita ang jeep na paparating. "Salamat na lang po Sir. Mauuna na ako sa inyo." Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Nagtuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng jeep. Napangiti ako nang mawala na siya sa aking paningin. Mas mahihilo ako kapag siya ang naghatid sa akin. Pagkarating namin ng Pasig ay agad akong bumaba. Pero bigla akong nahilo kaya napasandal ako sa nakasunod sa akin. Inalalayan niya ako. "Miss, okay lang po ba kayo? Miss?" Hindi na ako makapagsalita at nakapikit na ang aking mga mata. "Miss!" "Miss, okay ka lang?" "Miss!" Ito lang ang naririnig ko hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay. Nagising ako sa malamig na lugar. Nang idilat ko ang mga mata ay agad kong nahulaan na nasa hospital na pala ako. Ano bang nangyari sa akin? Huli ko ng naalala nang himatayin ako habang pababa sa jeep. Tuyo ang lalamunan ko. Dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa paligid. Nginitian ako ng nurse nang makita niyang gising na ako. "Gising kana pala Hija?" Lumapit siya sa akin at sinuri ako ulit. "Ano pong sakit ko?" Muli siyang ngumiti. "Ilang taon kana, Hija? May asawa kana ba?" Mabilis akong umiling. "Wala po. Wala pa akong asawa." Napasinghap siya kaya natigilan ako. "Ba-bakit po?" tanong ko na may kasamang nerbiyos. Hinawakan niya ako sa kamay. "You are pregnant Hija kaya ka hinimatay." I frozed. Namimilog ang aking mga mata at hindi ko magawang ikurap nang marinig ang sinabi ng nurse sa akin. Buntis ako? Paano? Paano nangyari gayong isang beses lang naman nangyari ang bangungot na iyon? Bumalong ang luha ko sa mga mata kaya nataranta ang nurse at agad akong hinawakan sa kamay. "Bakit ka umiiyak? Hindi kaba masaya Hija. Magkakaanak kana." Muling dumaloy ang luha ko sa mga mata. Paano ako magiging masaya kung isa akong disgrasyada?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD