Lilo
Tinanggal ko pa ang isang heels at binato iyon sa papalayo niyang sasakyan. Nanggigigil ako sa kaniya sa inis at gusto ko siyang durugin dito sa mga kamay ko.
"Walang mudo! Palibhasa ay anak mayaman! Ano ngayon kung mayaman ka! Ano ngayon kung guwapo ka!" Natigilan ako mula sa pagsasalita nang mabanggit ang huling salita.
Sandali! Pinuri ko yata siya. Umiling ako at nagbuga ulit ng hininga.
"Ang pangit pangit mo kaya! Ambisyoso ka! Akala mo guwapo ka! Mukha kang binalatan na kamoteng kahoy! Buhay na lalaking manika!"
Nalaglag ang mga balikat ko. Para akong baliw dito sa gilid ng kalsada habang nakikipag away sa hangin. I am only creating a trouble to myself.
Hinilot ko ang sentido. Nang may dumaan na taxi ay agad kong pinara at nagpahatid sa amin.
Bago ako pumasok sa compound namin ay nagbihis muna ako. Hindi puwedeng makita ng madrasta ko itong mamahalin kong suot.
Binalot ko iyon sa plastic bag at tinapon ang kaniyang paper bag. Dumaan ako sa bakery at bumili ng tinapay.
Pasado alas nuebe na ng gabi nang makauwi ako sa bahay.
"Ginabi kana Lilo, saan kaba nagpupunta?" tanong ni Papa habang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
Lumunok ako.
"May dance show po kami sa school 'pa kaya ako ginabi. Pasensya na po," sagot ko. Nanginig pa ang kamay ko.
Nginuso ng madrasta ko ang hawak kong plastic bag.
"Tinapay ba iyang dala mo? Akin na nga."
Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kaniya at binigay ang dala kong tinapay.
"Sige po, matutulog na ako." Paalam ko sa kanila.
Tumango lang si Papa. Ang madrasta ko naman ay hindi na ako tinapunan ng tingin.
Pagpasok ko sa kwarto ay tulog na si Lola. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo.
Hinubad ko ang suot at nagbihis ng pantulog. Pagod na pagod ako ngayon kaya bukas na ako maliligo tutal ay wala namang klasi.
Matagal akong tumitig sa lumang ceiling ng kwarto namin. Hindi maalis sa isip ko si Lyndon. Naiinis ako sa kaniyang magaspang na ugali ngunit itong traydor kong puso ay iba ang sinasabi. Pawang papuri ang tinitibok niya para kay Lyndon.
Nagtabon ako ng mukha sabay batok ng sarili. Hindi kana nakakatuwa Eliana Alohi!
Pabaling baling ako ng higa hanggang sa dalawin ako ng antok.
Kinabukasan ay nagising ako ng late. Kung 'di pa ako kinatok ng madrasta ko ay wala na akong balak na bumangon sa kama.
"Lilo, tanghali na! Bumangon kana nga diyan! Pagkatapos mong kumain ay ligpitin mo ang kusina. Aalis ako mamaya kaya iyong sinapay ko sa labas ay huwag mong kalimutang kunin!"
Magkasalubong ang mga kilay kong bumangon sa maliit kong kama. Kung hindi lang ako nag-aaral ay gusto ko na talagang umalis sa bahay na ito. Gusto kong bumukod na kami ni Lola para hindi ko nakikita ang pagmumukha nila ni Papa.
Mahigit isang dekada na kaming magkakasama sa bahay pero ni minsan ay hindi kami nagkaroon ng masayang samahan. Mainit ang dugo niya sa akin at hindi ako tinuturing na anak. Mas lalo naman ako, silang dalawa mismo ni Papa ay kinamumuhian ko! Kung hindi ko lang naiisip si Lola na maiiwan ko sa kanila ay matagal na ako naglayas.
Mabubuhay ako kahit saan mapunta. Mapapakain ko ang sarili at mapapatapos mag-aral. Kaso si Lola ang inaalala ko. Matanda na siya at baka alipustain ng madrasta ko kapag wala sa bahay si Papa. Si Lola ang dahilan kaya nananatili ako sa impyernong bahay na ito.
"La, saan daw pupunta ang bruhilda na iyon?" tanong ko habang nginunguya ang kinakain.
Pinanliitan niya ako ng mga mata.
"Hindi maganda iyang sinasabi mo kay Esmeralda, Lilo. Apo, kahit hindi siya ang tunay mong ina ay dapat mo siyang igalang. Masamang sumagot sa mga nakakatanda sa iyo tandaan mo ito."
Umirap ako sa hangin. Masama ngang sumagot sa nakakatanda kung karapat dapat naman siyang igalang. Pero itong madrasta ko ay kakaiba. Hindi kagalang galang, sa madaling salita ay maitim ang budhi niya.
"Pinagtatanggol mo pa siya Lola. Baka mamaya niyan ay lasunin niya kayo kapag wala kami sa bahay ni Papa."
Pinalo niya ng sandok ang kamay ko kaya napangiwi ako.
"Mabunganga lang si Esmeralda pero alam kong hindi niya kayang gawin iyang nasa isip mo. Kumain kana nga diyan."
Sinimangutan ko si Lola. Siguro nga ay kami lang dalawa ng madrasta ko ang may problema. Baka sa akin lang talaga mainit ang dugo niya dahil hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. At hindi rin ako sumusunod sa mga inuutos niya. Whatever!
Malalim akong bumuntong-hininga.
"La, lalabas po ako mamaya. May practice kami ng mga kaibigan ko."
Sinagot niya ako ng hindi nakatingin sa akin. "Hmm, basta huwag magpapagabi."
Ngumisi ako. Binilisan ko ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nagbihis. Kinuha ko muna ang mga damit sa sampayan bago ako umalis ng bahay.
"Ang lawak nitong dance department. Kahit gumulong gulong pa tayo dito ay puwedeng puwede," sabi ni Danika na may kasamang tuwa.
"Mabuti nga at nakapasa ako dito. Kun'di sa ibang private school ako ipapasok ng mga magulang ko. Ang boring na ng buhay ko kapag nahiwalay sa inyo," sabi ni Yassi. Umirap pa ito sa hangin at namaywang.
Ako naman, kun'di dahil sa scholarship ay malabong makapag-aral ako dito. Ang mahal din ng tuition fees dito ng mga social worker.
Pasalamat talaga ako dito sa braincells ko.
Tinungkod ko ang mga kamay sa magkabilang panga. Malalim akong napahinga.
"Nasaan ba si Dalia? Kanina ko pa hinahanap?" tanong ni Yassi.
Ngumisi si Danika. "Nandoon sa library. Ginawa nilang dating place ni Alex. Pustahan tayo Yassi, next year buntis na iyang kaibigan natin."
Nalaglag ang mga kamay ko kaya muntik na akong masubsob sa sahig. Nanlamig ako nang biglang marinig ang sinabi ni Danika.
Buntis. Malakas akong napalunok. Bigla na naman sumanggi sa isip ko ang gabing. . . kasama ko si Lyndon. Nanginig ang mga kamay ko kaya nilikod ko iyon at pinagkukurot.
Paano kung mabutis nga ako? Nakagat ko ang ibabang labi at pinilig ang ulo.
"Hoy Lilo! Naiihi kaba? Pumunta kana sa banyo bago pa tayo mag-umpisa."
Napaigtad ako. Para makaiwas ay agad akong tumayo.
"Sige, hintayin ninyo ako." Mabilis akong kumaripas papunta sa cr.
Pero s**t! Nang nasa pasilyo na ako ay nakasalubong ko ang demonyo. Gusto kong magtago pero huli na dahil nakita na niya ako.
Bakit siya nandito? Sunday na nga pero nandito pa rin sa University.
Nakangisi siyang pinasadhan ako ng tingin. Tight short pa naman ang suot ko at maluwang na sando. Nakakahiya sa kaniya.
Nagkunwari akong hindi siya nakita at balak lagpasan. Pero nang mapantay ako sa kaniya ay bigla niyang tinisod ang paa ko.
Mahina akong tumili nang bumagsak sa bisig niya. Napahinga ako ng maluwang nang hindi nangudngod sa sementong sahig. Mabuti na lang talaga at sinalo niya ako.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Pinamulahan ako ng mukha kaya tumayo ako ng maayos at tinulak siya, pero hindi niya ako binitawan.
"Bitiwan mo nga ako," pabulong kong sabi.
Nilapit niya ang mukha sa aking tainga at bumulong rin pabalik.
"Ikaw pa ang naiinis, sino bang natisod? Pasalamat ka at sinalo kita."
Ang kapal talaga ng mukha niya! Natisod ako dahil sa kaniya. Kun'di niya hinarang ang mahabang binti ay hindi ako babagsak sa bisig niya. So, utang na loob ko pa iyon sa kanya? Isa siyang nakakatawa!
Tiningnan ko siya ng masama kaya nangunot ang kaniyang noo. Simula ng iwanan niya ako sa kalsada kahapon ay kinamumuhian ko na siya. Hindi na siya guwapo sa paningin ko. Ang pangit niya! Ang pangit pangit niya!
"Bitawan mo nga ako. Lumayo ka sa akin." Nilayo ko kaagad ang katawan sa kaniya. Nang tumingin ako sa dulo ng pasilyo ay saka pa nagsialis ang mga estudyante na kanina pa nakatingin sa amin.
Baka magkalat ito sa University kaya mahihiya na akong pumasok, lalo na kapag nag-iba ang kuwento. Paano kung may magkalat na inaakit ko itong science professor at anak pa ng may ari nitong University.
Muli niya akong pinigilan sa braso nang akma ko siyang tatalikuran.
"Nakauwi kaba ng maayos kagabi?"
Napapikit ako sabay buga ng hininga. Ngayon ay concerned na siya sa akin. Mababaw ang kaniyang tuno at tila nag-aalala.
Hinila ko ulit ang braso. "Wala kang pakialam kung nakauwi ako o hindi ng maayos. Problema ko na iyon." Pagkatapos ko iyon sabihin ay inirapan ko at tinalikuran.
Nagtuloy-tuloy ako sa cr. Pinagtitinginan pa ako ng mga babaeng estudyante nang nasa loob na ako. Wala akong pakialam sa kanila. Dumeretso ako sa loob ng cubicle at umihi.
Sinabunutan ko ang buhok at nag-inhale exhale. Pagkatapos ko ay agad akong naghugas. Naghilamos pa ako bago ulit bumalik sa dance department.
Wala sa practice ang isip ko kun'di nasa kay Lyndon. Naiinis ako sa kaniya hanggang ngayon ng hindi ko maintindihan. Kaya nang matapos kami ay agad akong nagbihis.
"Mauuna na pala ako sa inyo. Bukas na ulit." Paalam ko sa dalawa.
"Sige kung ayaw mong sumama sa amin," sagot ni Yassi.
Nginitian ko lang sila. Pinasok ko lahat ng gamit sa dala kong tote bag at sinukbit iyon sa balikat.
Nang nasa pasilyo na ako palabas ng building ay bigla akong natigilan. Nakatayo si Lyndon sa gilid at may kasamang babae.
Agad kong makilala ang kaniyang kasama. Ito ang teacher na nagtuturo ng ballerina.
Maganda, matangkad at sigurado akong galing sa mayamang pamilya.
Nakaramdam ako ng inggit sa unang pagkakataon. Lalo na at kasama niya si Lyndon. Anong panama ng tulad ko sa kaniya?
Nang lumingon sa gawi ko si Lyndon ay agad akong tumalikod upang bumalik sa hagdanan.
Sana ay hindi niya ako nakilala. Binilisan ko ang pagbaba pero nang nasa huling baitang na ako ay bigla niyang tinawag ang pangalan ko.
"Eliana Alohi?"
Natigilan ako at napakapit sa gilid. Nilingon ko siya kaya nagmadali siyang makababa para maabutan ako.
"Wait!" ulit niya.
Tinaasan ko siya ng noo.
"Bakit ba? Ano na naman ang problema mo sa akin?"
Seryoso niya akong tinitigan kaya napalunok ako. Nagsimula na naman magsiliparan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko.
Bumaba siya sa huling baitang at tiningala ako. Para niya akong hinaharangan upang hindi makababa.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya. Pero agad rin akong umiwas ng tingin nang hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. I hate his eyes.
"Bakit ba? Umalis ka nga diyan sa dadaanan ko!" asik ko sa kaniya. Mabuti na lang at walang mga estudyante na nakakakita sa amin.
Umakyat siya ng isang baitang kaya napasandal ako sa bakal na hawakan.
"You're avoiding me, why?"
I rolled my eyes. Close ba kami? Magkakilala ba kami?
"Anong pinagsasabi mo? Umalis kana nga diyan! Maiiwan ako ng jeep!"
"I'll drop you home," sabi niya. Seryoso pa rin ang mukha.
Ngumisi ako. "Ihahatid mo ako tapos iiwanan sa gitna ng kalsada. Tanga na ako kung magpapauto pa sa iyo ulit. Alis diyan! Hindi ako natatakot sa iyo kahit anak kapa ng may ari nitong University!"
Tinulak ko ang kamay niya kaya bigla akong na out balance. Muli na naman akong bumagsak sa bisig niya pero ngayon ay magkadikit na ang mga labi namin.
Napapikit ako at parang na-hypnotize. Pagdilat ko ay nanlalaki ang mga mata ko at hindi na makagalaw.
Humigpit ang mga kamay niya sa baywang ko at ginalaw ang kaniyang labi. Mariin akong pumikit at tinikom ang bibig. Pero dahil nahulog ako sa patibong ni Lyndon ay kusa kong binuksan ang mga labi sa kaniya kaya malaya niyang hinagod kahit walang natatanggap na responde mula sa akin.
Nanigas ako mula sa kinatatayuan namin. Pakiramdam ko ay ito ang unang beses na mahahalikan niya ako. Hindi ko maalala masyado ang kaganapan noong araw na itapon ko ang sarili sa kaniya. Noong araw na ialay ko ang pagkabirhin ko sa kaniya.
Pero ngayon ay kabisado ko na ang bawat detalya. Kabisado ko na ang bawat hagod ng kaniyang labi. Nalalasahan ko ang tamis ng mga labi niya kahit hindi ko alam kung paano sagutin ang kaniyang halik.
I was tempted. His lips is so soft and sweet.
Inalipin ako ng matamis niyang halik at mainit na yakap kaya nakalimutan kong nasa hagdanan kami ng University.
Nang palayain ni Lyndon ang labi ko sa kaniya ay saka pa ako natauhan. Magkasunod sunod akong lumunok sabay kagat ng labi kong hindi na makaramdam.
Muli niyang nilapit ang mukha sa akin kaya sumandal ako ulit. Kung hahalikan niya ako ulit ay magpapaubaya ako.
He smirked and whispered. "Hindi ako ang unang humalik. Remember, ikaw itong na out balance kaya tumama ang labi mo sa akin. Lalaki ako, naakit."
Malakas akong napasinghap. Umawang ang mga labi ko sa kaniya at nanlalaki ang mga mata.
Mabuti na lang at mabait akong tao, kun'di ay sisipain ko siya para mahulog sa baba.
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Muli ko siyang tinulak upang bumaba na. Pero natigilan ako ulit nang magsalita siya.
"Pinapanood kita sa dance floor kanina. I will be honest with you. Hindi ka magaling sumayaw Eliana Alohi."
Nakagat ko ang ibabang labi. Namula ang pisngi ko. Nakakahiya dahil wala ako sa sarili kanina kaya hindi ako focus sa practice. Pero mas nakakahiya itong nangyari dito sa hagdanan. Nagpaubaya akong mahalikan niya ng matagal.