Chapter 8: Getting Married

1864 Words
DR. FORTALEJO'S eyes are like deep blue ocean waters threatening to drown Mirathea in the depths. His commanding presence made all her efforts to be professional in front of him vanish. Pero bago pa man iyon tuluyang mawala ay mabilis na niyang iniwas ang tingin sa lalaki at nagkunwaring inilibot niya ang paningin sa paligid niya. Sunud-sunud- ang paghinga niya ng malalalim at pilit ibinabalik ang binubuong kumpiyansa niya sa sarili. Kung puwede lang sana na maging palamuti na lang siya rito na walang pakiramdam at hindi pinapansin kung hindi kailangan. But God give this kind of life she is now, so might as well embrace it and be grateful. She heaved a deep sigh again, then started to walk where the man was sitting. “I’m sorry if I made you wait, Dr. Fortalejo.” pormal na hingi niya ng depensa sa lalaki nang tuluyan na siyang makalapit dito. Nagpapasalamat din siya sa sarili na hindi siya pumiyok. Nakita naman niyang umayos ito sa pagkaka-upo at walang emosyon ang mukhang tiningnan lang siya nito. Hindi ito nagsalita at iminuwestra lang nito ang upuang nasa harap nito, tanda na pinapa-upo siya nito. Agad naman niyang hinila ang upuan at naupo roon. "Uhm, about the property, Sir---" “I’m hungry. Let’s eat first, Miss Vergara.” Putol nito sa kaniya na ikinatahimik naman niya. Nakita naman niya itong binaliktad nito ang platong nakataob sa harap nito at nagsimula na itong maglagay ng pagkain doon. Hindi makapaniwalang nakatingin lang siya sa lalaki. Ano ‘to? A breakfast date? Pero agad naman niyang ipinilig ang ulo para alisin ang napaka-imposibleng iniisip niya. Nagiging assuming na naman siya. “What? You don’t like the food? Puwede tayong mag-order ng gusto mong pagkain.” anito. Napakurap naman siya at inipit ang mga labi, pagkuwan ay napailing. “Uh… sorry, Sir. Uhm… tapos na po kasi akong kumain ng agahan.” Kinakabahang tanggi niya. s**t! Bakit ba siya kinakabahan ng ganito? Tumango naman ito. Pagkuwan ay nagkibit-balikat na lang at nag-umpisa ng kumain. Napatitig na lang siya sa lalaki. He's wearing casual clothes, a black shirt with fitted sleeves and cargo shorts. Para bang nandito lang ito para mag-bakasyon at hindi dahil sa gagawing pag-survey sa papatayuan nito ng clinic dito sa Isla Reta. Kunsabagay, sarbey lang naman ang gagawin nito rito, so no need for wearing suit or any formal business clothes. Wala sa sariling napatitig siya rito. For five years ay ang daming pinagbago sa physical features nito. He matured, but still handsome as---s**t! Napamura na lang siya nang mapagtanto niya ang ginagawa. Damn! Bakit niya ba ito dine-describe? Itinagilid niya ang kaniyang ulo para lang maiwasan niyang purihin ito. Itinuon na lang niya ang mga mata sa mangasul-ngasul na tubig ng swimming pool na nakapalibot sa kanila. “So, how are you?” tanong nito kaya agad nabalik ang tingin niya rito. Mahina pa siyang napasinghap nang makitang titig na titig na ito sa kaniya. Nang bumaba naman ang tingin niya sa plato nito ay nakita niyang nasa gilid na ang utensils na ginamit nito kaya alam niyang tapos na itong kumain. Nang bumalik ang tingin niya sa mukha nito ay mas lalo lang siyang kinabahan nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan niya at masagot ito nang hindi pumipiyok ang boses niya. "I'm fine, Sir---" “Stop calling me, Sir. I am not your boss.” Saway nito sa kaniya na ikinatahimik naman niya. “Sorry, Dr. Fortalejo.” aniya. Narinig naman niya itong mahinang nagmura kaya kumunot ang noo niya. Seriously? May problema ba ito sa kaniya? "That too," he said. Hindi niya ito maintindihan kaya hindi niya napigilang pagtaasan ito ng isang kilay. “I don’t understand. You’re a doctor and Mr. Crawford’s client and I am here to assists you, Sir.” aniya at mas diniinan pa ang huling salitang binanggit niya. Dumilim ang hitsura nito at naningkit ang mga matang nakatitig pa rin sa kaniya. "Why didn't you withdraw the money I gave you six years ago?" he asked, which made her freeze in her seat. Kumuyom ang mga kamao niyang nakapatong sa lap niya. Pinantayan niya ang matiim nitong titig sa kaniya. Mapakla siyang natawa at bahagya pang itinagilid ang ulo. “Dahil hindi ako bayaran, Dr. Fortalejo.” Madiin ang boses na sabi niya, pagkuwan ay tumayo na siya. “Kung narito ka lang pala para tanungin ako ng mga walang kuwentang bagay ay mas mabuti pang uuwi na ako.” dugtong niya at tatalikuran na sana ito nang magsalita ito. "Binalikan kita." She gasped and turned her heels to face him again. Nakatayo na ito sa gilid ng mesa habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng cargo shorts nito at seryoso ang mukhang nakatitig pa rin sa kaniya. “A-Anong sinabi mo?” piyok ang boses na tanong niya rito. Baka kasi sa sobrang lakas ng kalabog ng puso niya ay nabibingi na siya. “I said, binalikan kita. Pero nang dumating ako sa hotel na iyon ay nakauwi ka na raw ng Maynila. Hinintay ko rin na pupuntahan mo ako sa Fortalejo Medical.” Napakurap-kurap siya, hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi nito. “B-Bakit?” parang tangang tanong niya. Sa kaibuturan ng puso niya ay umaasa siya na sasabihin nitong gusto rin siya nito kaya siya nito binalikan pero agad din niyang ipinilig ang ulo. Imposible iyon. “I m-mean, bakit mo ako hinintay na pupuntahan kita roon kung binayaran mo ako na parang isang bayarang babae?” "I didn't use any protection that night. There’s a chance I could get you pregnant.” sabi nito na ikinasinghap niya. Bigla ring nanlamig ang buong katawan niya at ramdam niya ang pamumuo ng butil-butil na pawis sa kaniyang noo. Kung pinuntahan ba niya ito noon, posible kayang pananagutan siya nito? “Kung sakaling nabuntis mo nga ako, pananagutan mo ba ako?” matapang na tanong niya sa lalaki. Hindi rin niya inaalis ang tingin sa mukha nito para makita niya kung ano ang magiging reaksyon nito. Pero wala. Wala siyang nakitang reaksyon o emosyon man lang sa mukha nito. "No." sagot nito. Mirathea's heart sank. "But I will support the child." Mahinang natawa na lang siya. Feeling disappointed! Mabuti na lang pala at hindi niya sinabi dahil bakit pa, kung hindi naman pala siya pananagutan nito? “Good for you then. Wala kang dapat na ipag-aalala dahil walang nabuo ng gabing iyon.” pagsisinungaling niya. Pero hindi niya inasahan ang nakita niyang emosyon na dumaan sa mga mata ng lalaki. Was it disappointment? Pero agad din iyong nawala kaya baka namamalikmata lang siya. Baka sa kakaasa niya na matanggap nito ang mga anak niya ay kung anu-ano na lang ang nakikita niya. "That's good to hear then, Miss Vergara, 'cause I don't want someone to ruin my upcoming wedding." sabi nito na nagpanigas sa buong kalamnan niya. He is getting married! Napayuko siya at hindi na nakapagsalita. Para na kasi siyang sinakal sa sobrang sakit na bigla na lang sumigid sa puso niya. “Anyway, iyong assistant ko na ang makakasama mo next meeting para sa sarbey ng area na patatayuan ko ng clinic.” Ilang ulit na nagpakawala siya ng malalim na hininga at taas noong nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Hindi na siya dapat na magpakita na naapektuhan siya sa sinabi nito. “Sige, Dr. Fortalejo.” aniya. Tipid din niya itong nginitian bago nagpaalam na mauuna na siyang umalis. "By the way, Sir, congratulations and best wishes in advance po sa inyo." sabi niya pa sa lalaki bago tuluyang umalis. KINABUKASAN ay magang-maga ang mga mata niya dahil sa magdamag niyang pag-iyak. Mabuti na lang at mukhang pagod na pagod ang kambal sa kakalaro kaya mahimbing ang tulog ng mga ito. “What’s wrong with you?” gulantang na tanong ni Carla, nang pagbuksan sila nito ng pinto ng bahay nito at makita ang hitsura niya. Bihis na bihis na rin ito. Nagpapasama kasi siya rito na pupunta sa clinic ni Dra. Santibañez para magpa-test kung compatible ba siyang mag-donate ng bone marrow sa anak niyang si Faith. Hindi siya sumagot at binalingan lang ang mga anak niya. Ayaw niyang pag-usapan ang pag-iyak niya magdamag sa harap ng kambal. “Hi, Tita Ninang, gising na po ba si Cede?” tanong ni Hope kay Carla matapos magmano ang bata rito. “Oo, nasa kusina ang mag-ama ko. Pumasok na kayo at puntahan niyo ang dalawa roon.” “Okay po, Tita Ninang.” Masiglang sabi ng kambal. Humalik lang mga ito sa kaniya pagkuwan ay tumakbo na papasok ng kusina nina Carla. “Now, tell me. Ano ang nangyari at namamaga iyang mga mata mo?” seryoso ang mukhang tanong ni Carla nang silang dalawa na lang ang naiwan. Umiling siya. “Sobrang nag-aalala lang talaga ako kay Faith,” aniya. Isa rin naman iyon sa iniyakan niya. Paano kung hindi mag-match ang bone marrow niya sa anak? Paano na ito, kung nasabi na niya sa ama ng mga ito na wala itong responsibilidad sa kaniya dahil hindi naman sila nagkaanak na dalawa? “We’ll think positive, Thea. Magiging okay rin ang lahat. Mailigtas natin si Faith.” sabi nito at niyakap siya. Sana nga dahil hindi talaga niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa anak niya. Pagdating nila sa clinic ni Dra. Santibañez ay kaagad din sila nitong kinausap. "Kung gusto niyong mas madali ang operasyon, kung sakaling compatible kayo ng anak mo, Thea. May ire-refer akong isang Oncologist.". "Okay, Doc." Ang kaibigan na niya ang sumagot dahil kahit ang magsalita ay parang ayaw na niya. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay malaman ang resulta kung compatible ba siyang mag-donate sa anak niya o hindi. Matapos niyang makuhanan ng sample ay umuwi na muna sila ni Carla. Dalawang linggo pa raw bago malaman kung ano ang resulta dahil ipapadala pa iyon doon sa main branch ng hospital para mas masuri ng mabuti. "Puwede ba na dumaan muna tayo sa Simbahan?" pakiusap niya kay Carla. Agad naman siya nitong nauunawaan kung bakit siya nagyayaya doon kaya tumango kaagad ito. Wala na siyang iba pang masasandalan ngayon kundi ang Panginoon lang. Matapos nilang makapagdasal at nakapagtirik ng kandila ay dumeretso na sila sa pag-uwi. "Carla, paano...p-paano kung hindi ako puwede?" Tiningnan siya nito at pagkuwa'y niyakap. "Trust Him." sabi nito. May tiwala naman siya sa Diyos, hindi lang talaga niya maiwasan na mag-aalala. Pero siguro nga mas higpitan pa niya ang pagtitiwala. Hindi naman siguro Nito ibibigay ang ganitong pagsubok sa kaniya kung alam Nitong hindi niya ito kayang lampasan. Ngunit minsan, hindi lang talaga niya maiwasang tanungin Ito kung bakit ang anak niya pa? Bakit hindi na lang siya? Ang bata-bata pa kasi ni Faith. Kung hindi man sila mag-match ng anak, then gawin niya kung ano man ang pinaka-dapat niyang gawin. Kung kailangan niyang magmamakaawa sa ama ng mga anak niya, then gagawin niya, mabuhay lang si Faith. Pero paano? Kung sinabi niya na rito na hindi sila nagka-anak na dalawa? Papaniwalaan pa ba siya nito? Makakaya rin ba niyang sirain ang kasal nito, kung may paunang pagbabanta na mula rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD