Chapter 7: Blue Eyes

1612 Words
SUNUD-SUNOD na tumulo ang mga luha ni Mirathea at nanginginig ang kaniyang mga kamay habang pinapakinggan ang pagbabasa ni Dra. Santibañez sa naging resulta ng medical checkup ni Faith noong nakaraang linggo. "Doc, please sabihin niyo pong hindi po iyon totoo." umiiyak niyang pakiusap sa doktora, kahit malinaw naman niyang naririnig ang mga sinasabi nito. Pero malungkot lang itong nakatingin sa kaniya at malalim na bumuntonghininga. May-awa rin siyang nakikita sa mga mata ng doktora. Napahikbi na siya at nagyuko na lang ng ulo. Mahigpit niyang naikuyom ang nanginginig pa rin niyang mga kamay. "Alam kong mahirap ito para sa'yo, Thea. At alam ko kung gaano kahirap makita ang anak mo na nasasaktan pero nasabi ko na ito sa'yo noon na malaki talaga ang possibility na babalik ang sakit niya dahil iyong treatment na ginamit natin noon ay walang kasiguraduhan at ang tanging makapagpapagaling lang ng tuluyan sa bata ay ang mag-a-undergo siya ng bone marrow transplant." Mahabang sabi ni Dra. Santibañez na nagpa-angat ng kaniyang ulo at tiningnan ito. “A-Ako…” aniya sa nanginginig na boses, hindi pa rin maampat ang mga luha niya na patuloy pa ring umaagos mula sa mga mata niya. “K-Kahit ubusin niyo po ang bone marrow ko, gumaling lang ang anak ko.” “We can do that, Thea. Kung papasa kang magiging donor ng anak mo." Mabilis ang pagtango niya. Handa niyang ibigay ang bone marrow niya, gumaling lang ang anak niya. "We'll do some test, para malaman natin kung compatible ba ang bone marrow mo para sa anak mo." anito pa. Paglabas niya nang hospital ay agad siyang sumakay ng taxi at nagpahatid siya sa may Sasa Port, pagkuwan ay sumakay na naman siya ng bus ferry papuntang Samal Island. Buong biyahe ay tulala lang siya. Iniisip niya kung anong gagawin niya, mabuhay lang si Faith. Pagdating niya sa apartment na kanilang tinutuluyan ay agad niyang niyakap ang mga anak nang sinalubong siya ng mga ito. Sunud-sunod ang paghinga niya ng malalim para pigilan ang sariling umiyak sa harap ng mga anak niya. “Ma, can’t breathe.” Naring niyang reklamo ni Faith, kaya mabilis naman niyang pinakawalan ang mga ito at isa-isang hinalikan ang mga noo ng mga ito. “S-Sorry, sobrang na-miss lang kayo ni Mama,” aniya at ngumiti pero nangingilid naman ang kaniyang mga luha. “You’re crying,” ani Hope na kanina pa pala nakatitig sa kaniya. Nakakunot ang noo nito. Hope is really looks like her father. Kuhang-kuha nito ang kulay ng mga mata, tangos ng ilong at hugis ng labi ng ama nito. Lalo na sa ekspresyon ng mukha na ipinapakita nito ngayon sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakatingin siya sa babaeng version ng batang si Arken Lawrence Fortalejo. Umiling siya at hinaplos ang matambok nitong pisngi. “H-Hindi, nagte-teary eyed lang si Mama dahil nga sa na-miss ko kayong dalawa.” Aniya at pilit na pinasigla ang boses. Magaang kinurot pa niya ang pisngi ni Hope na ikinasimangot naman nito. Kiniliti rin niya si Faith sa my leeg nito na ikinahagikhik naman nito. "M-Mama, nakikiliti po ako..." hagikhik ni Faith. Tumigil naman siya. “Nasaan nga pala ang Tita Ninang niyo?” tanong niya nang hindi niya makita si Carla. Ito kasi ang pinasundo niya sa mga bata. Nasabi na rin niya sa pinsan na dadaan pa siya ng hospital para kunin ang medical result ni Faith. “Nasa C.R po, Mama,” sagot ni Faith at tinuro pa nito ang maliit nilang comfort room. Napatitig siya kay Faith. Magkamukhang-magkamukha ito at si Hope but Faith features is more soften than Hope’s. Nang maalala na naman niya ang sinabi ng doktora ay bigla na namang nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Kaya bago pa man siya maiyak ay nagpaalam na muna siya sa kambal na papasok na muna siya ng kanilang kuwarto. Binilinan lang niya ang mga ito na ‘wag lalabas ng bahay at hintayin siya rito sa sala. Pagkapasok niya sa loob ng kuwarto ay saka siya impit na napaiyak. Tinakpan din niya ng kamay ang bibig para hindi siya makagawa ng ingay at baka katukin siya ng mga anak niya. Natigil lang siya nang may kumatok sa pinto kasabay n’yon ay narinig niya ang boses ni Carla. "Thea?” Umalis siya sa pagkakasandal sa may pinto at pinihit ang seradura para pagbuksan ang pinsan. “Ang sabi nina Hope at Faith ay kanina ka pa nandirito—hey, umiiyak ka ba? Wait may nangyari ba? Kumusta pala ang resulta ng checkup ni Faith? Is---is there something wrong?" puno ng pangamba ang boses nito na sunud-sunod nitong tanong sa kaniya. Tuluyan na siyang napahagulhol. Pumasok ito at isinara ang pinto. Kaagad siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Carla, b-bumalik ang sakit ni Faith. M-Mas malala na kaysa d-dati." Umiiyak na sumbong niya rito. Hindi niya kayang isipin na mawala ang bunso niya. Hindi puwede. Hindi niya kaya iyon. Rinig niya ang pagsinghap nito at humigpit din ang pagkakayakap nito sa kaniya. "Sssh... malalagpasan natin ito, okay?” pang-aalo nito sa kaniya, makalipas ang ilang minutong hindi ito nakapagsalita. “Kakayanin iyon ni Faith. M-Malakas si Faith at gagawin natin ang lahat para gumaling lang siya. Hindi natin siya susukuan, okay?" Anito pa sa nanginginig na boses at alam niyang pati ito ay umiiyak na rin. Saksi siya kung gaano nito kamahal ang mga anak niya. Nasa ganoon silang ayos nang bumukas ang pinto at pumasok ang kambal. "Ma, Tita Ninang, group hug!" Sabay na sigaw ng dalawa nang makita ng mga itong magkayakap sila ni Carla. At bago pa man sila nakahuma ni Carla ay dinamba na sila ng yakap ng kambal. Sabay naman silang nag-squat ni Carla para mapantayan ang mga anak niya. Niyakap niya ang mga ito ng mahigpit. Tama si Carla, she will do everything to save her daughter. "Yeah, group hug!" Masayang sambit ni Carla at nginitian siya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Ngumiti na rin siya. Ayaw niyang makita ng mga bata na umiiyak siya kaya pasimple niyang pinunasan ang mga luha. Kung kailangang ibigay niya lahat ng bone marrow niya para gumaling ito ay gagawin niya, mailigtas lang niya ang bunso niya. Kinabukasan ay maagang nagising si Mirathea nang makatanggap siya ng overseas call mula kay Sebastian. Pinaaalahanan lang naman siya nito na maagang darating si Dr. Fortalejo sa Isla Reta at kailangang mauna raw siyang naroon kaysa sa lalaki. Nagsimula na naman siyang kabahan. Hindi niya kasi alam kung paano niya pakikitunguhan ang lalaki. No. She needs to act as a professional in front of him. Kailangan niya ang trabahong iyon para makalikom pa ng pera. Wala pang alas y siyete ng umaga ay dumating na siya sa Isla. Dumeretso naman kaagad siya sa hotel. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang lumapit sa receptionist area. “Good morning po, Ma’am Thea,” agad na bati ni Lily sa kaniya, ang isa sa mga receptionist dito sa lobby ng hotel. “Good morning din sa'yo, Lily.” aniya at ngumiti rin sa babae. “Ah, dumating na ba si Dr. Fortalejo?” tanong niya. At hindi naman nakaligtas sa kaniya ang mabilis na pagkislap ng mga mata ng dalaga. Mukhang pati ito ay napahanga sa lalaking iyon. “Yes, Ma’am at pinapasabi niya po na puntahan niyo lang daw po siya sa may outdoor pool kapag dumating na po kayo.” anito na hindi man lang nawala ang kislap sa mga mata nito. Nagpasalamat siya kay Lily at agad binaybay ang pasilyo patungo sa outdoor pool. Habang naglalakad ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Nagsimula na rin siyang manlamig at nakramdam ng panginginig ng mga tuhod. Parang gusto na lang niyang umuwi at magkulong sa kanilang apartment. But s**t! Hindi siya puwedeng umatras. Hindi niya puwedeng gawin iyon dahil si Sebastian ang mapapahiya kung gagawin niya iyon sa kliyente nito. “Remember, Thea. Kailangan mo ng pera.” she mumbled. Pilit pinapalakas ang loob. She took a deep breath, at kahit ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod ay hindi na niya iyon iniisip pa. Kusang bumukas ang sliding glass door nang tumapat siya roon at kaagad bumungad sa kaniya ang malawak na infinity swimming pool. Mangasul-ngasul ang tubig n’yon. Parang mga mata lang ng taong kakaharapin niya ngayon. Wala sa sariling napatitig siya sa tubig. Ini-imagine niya pa lang na mga mata ni Lawrence iyon na mariing nakatitig sa kaniya, na parang lulunurin siya sa sobrang lalim ay hindi na siya makahinga sa sobrang kaba. Marahas na nagbuga siya ng malalim na hininga. Naka-oo na siya sa kumag na Sebastian na iyon at wala rin naman siyang ibang mapagpipilian dahil trabaho niya ito. Isang tikhim ang nagpabalik sa katinuan niya at agad napatingin sa may-ari n’yon. Nakita naman niya ang isang matangkad na lalaki at nakasuot ito ng itim na polo at itim na slacks. Napakurap siya. A bodyguard? “Hinihintay na po kayo ni Sir, Ma’am,” anito at iminuwestra ang kamay sa isang direksyon. Nang sundan niya ang kamay ng lalaki ay agad naman niyang nakita ang lalaking napakarilag na nakaupo sa isang upuan. Sa harap nito ay isang mesa na puno ng iba’t ibang putahe ng pagkain. Sa katapat nito ay isa pang silya. Para ba iyon sa kaniya? Nang umangat ang tingin niya sa lalaking parang hari na nakaupo roon ay agad siyang napasinghap nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Wala sa sariling napatayo siya ng tuwid, pero hindi niya iniwas ang tingin dito. She stared straight into his eyes. Damang-dama niya ang biglang pagbilis ng t***k ng puso niya nang muli ay natitigan niya ang mga mata nito. His blue eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD