Chapter 6: Father

1821 Words
KAAGAD na iniwas ni Mirathea ang tingin kay Dr. Fortalejo nang maglakad na ang mga ito palapit sa kaniya. Pilit din niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Ngunit ang sutil niyang puso ay hindi makahanap ng kapayapaan, it was unbearable and untamed. "Hi, kanina ka pa ba?" tanong sa kaniya ni Sebastian, nang tuluyan na ang mga itong makalapit sa kaniya. He even gave her a kiss on her cheek. "Hindi naman. Kararating lang namin." mahinhin na sagot niya. Hindi pa rin kasi mawala ang kaba sa dibdib niya lalo pa at nakamasid lang sa kanila si Dr. Fortalejo. “Anyhow, Thea, this is Dr. Arken Lawrence Fortalejo." pagpapakilala nito sa kaniya sa kasamang lalaki. "He's the one I'm telling you yesterday that wants to build a clinic here on Isla Reta." pagkuwan ay bumaling ito sa lalaki. “And Enzo, this is Mirathea, she will the one who will assist your secretary every weekend, katulad ng pinag-usapan natin.” Lukot ang noong napatingin siya kay Sebastian. Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to? “It’s nice to meet you again, Miss Vergara.” ani Dr. Fortalejo sa kaniya kaya nabaling ulit ang tingin niya sa lalaki. He's staring at her intently. Nahigit pa niya ang hininga at napalunok nang maglahad ito ng kamay sa harap niya. Kinuyom niya muna ang kamay bago tinanggap ang kamay nito. At sa sandaling magkalapat ang kanilang mga kamay ay naramdaman niyang may kuryenteng dumadaloy sa kanyang mga ugat. Mabilis niyang binawi ang kamay niya mula rito. s**t! Hindi na siya dapat makaramdam ng ganito. Hindi na siya dapat pang makaramdam ng ganoong atraksyon sa lalaki. “Oh! I bet you already know each other. Mabuti naman nang sa gano’n ay mas mapapanatag ako na iiwan ko muna sa’yo---” naputol naman ang pagsasalita ni Sebastian nang gambalain sila ng tunog ng telepono ni Dr. Fortalejo. Agad naman itong nag-excuse sa kanilang dalawa ni Sebastian para sagutin ang tumawag dito. “Yes.” Narinig pa niyang sabi nito bago ito nakalayo sa kanila ni Sebastian. Napabuga siya ng malalim na hininga at matalim ang mga matang binalingan niya ng tingin si Sebastian. “Nananadya ka ba talaga!” Mariing sikmat niya na ikinataas naman ng kilay ng lalaki. Kita niya rin ang pag-angat ng isang sulok ng mga labi nito kaya alam niyang may binabalak talaga ang lalaking ito. “Of course not,” agad namang tanggi nito. Pero kilala niya ang likaw ng bituka ng lalaking ito. Kaya alam niyang sinasadya talaga nito na papuntahin siya rito kahit alam naman nito ang nakaraan niya at sa lalaking kasama nito. And for God’s sake! Isinama pa nito si Hope. Nang maalala ang mga anak ay kaagad bumalik ang panic niya. Nakita kaya ni Lawrence si Hope? God! Hindi puwedeng makita nito ang mga anak niya. “Kilala kita, Mr. Crawford. Kaya alam kong sinasadya mo ito.” mahina pero may diing sabi niya. Nagpapanggap pa itong hindi alam na magkakakilala sila ni Dr. Fortalejo. Nakita naman niya na napangiwi ito. He hates it when she addressed him his mighty surname. At alam din nito na talagang hindi siya natutuwa kapag binabanggit na niya ang apelyedo nito. “Sorry, is just that---” tumigil ito at malalim na bumuntonghininga. Pero bago pa man madugtungan nito ang sinasabi ay bumalik na si Dr. Fortalejo at nagpaalam na aalis na dahil may gagawin pa raw itong operasyon sa Manila. “I will be back this Saturday, to finalize the paperwork in constructing my clinic here.” sabi ni Dr. Fortalejo. “Oh, I thought your secretary would be the one to come here to take care of that?” May panunudyo ang boses na sabi ni Sebastian sa kaibigan nito. Lihim pa siya nitong sinulyapan kaya kinunutan niya ito ng noo. Pero nang tumingin na rin sa kaniya ang Doctor ay pakiramdam niya ay matutumba na lang siya bigla sa sobrang kabang nararamdaman niya. This man is so intimidating! “Nah, I’d realized that Toni is pregnant. Delikado sa kaniya ang bumiyahe rito.” sagot ng lalaki habang mariin pa ring nakatitig sa kaniya. Napalunok siya at mabilis niyang iniwas ang mga mata sa lalaki. “Well, glad to hear it, brute.” Sebastian said. Kita niya sa mukha nito ang sobrang pagkatuwa. Nang makaalis na si Dr. Fortalejo ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Kanina pa niya pinipigilan ang hininga. Dr. Fortalejo’s presence made her weak. Mabuti na lang at hindi na siya nito kinausap pa dahil baka masungitan lang niya ito. “Uuwi na kami ng mga bata.” aniya kay Sebastian nang sila na lang dalawa ang naiwan. Kaagad na niya itong tinalikuran at naglakad kung saan ang malaking swimming pool kung saan naroon ang mga anak niya. “You’re upset,” ani ng lalaki na sumunod din sa kaniya. Hindi siya sumagot at mabilis lang na naglakad. “Thea, every weekend lang naman at akala ko rin ay secretary lang niya ang pupunta rito kaya ikaw ang naisip kong mag-assist sa secretary niya. Hindi ko naman alam na magbago ang isip niya.” paliwanag nito habang sumasabay na sa kaniya sa paglalakad. “Hindi iyon ang kinaiinisan ko, sa’yo Seb!” Sikmat niya rito. “Alam mong siya ang ka-meeting mo pero pinapapunta mo pa rin ako rito. Damn! Paano kung nakita niya sina Hope at Faith? Wait, did he saw my Hope?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa lalaki. Huminto na rin siya sa paglalakad at hinarap ito. Umiling naman ito. “No. But Thea, how long will you hide from your children that they have a father?” puno ng pagkadisgusto ang boses na tanong nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya at matalim ang mga matang tinititigan niya ang lalaki. "Kinukuwestiyon mo ba ang mga desisyon ko, Mr. Crawford?” malamig na tanong niya sa lalaki. Hindi na rin niya nagustuhan ang pangingialam nito sa mga desisyon niya sa buhay. Yes, he has a big part on their lives. Kung hindi dahil sa tulong nito ay baka wala na rin sila ng mga anak niya rito sa mundo pero kahit na, wala pa rin itong karapatang kuwestyunin siya. “Stop calling my surname, woman!” sikmat nito sa kaniya. Bahagya pang tumaas ang boses nito pero pinagtaasan lang niya ito ng isang kilay at humalukipkip. Sanay na siya rito kaya hindi na siya natatakot pa. “Uuwi na kami,” paalam niya sa malamig na boses, pagkuwan ay mabilis niyang tinungo ang swimming pool kung nasaan ang mga anak niya. Hindi siya masyadong nakatulog dahil sa mga nangyari. Kaya halos tatlong cup na ng kape ang naubos niya para lang hindi makatulog sa trabaho. "Hey, friend, ayaw mo pa bang umuwi?" Mula sa screen ng kanyang computer ay napaangat ang tingin niya sa kaibigang si Francheska. "Mauna ka na Cheska, tatapusin ko lang ito," aniya. Ngumisi naman ito ng nakakaloko. "At ano naman ang ibig sabihin ng ngisi mong iyan?" tanong niya at isinandal ang sarili sa swivel chair. Tumigil na muna siya sa pagtitipa at iniunat ang dalawang kamay dahil sa nararamdaman niya ang pangangalay roon. "Hmm... nakikita ko na may love life na naman na mabubuo sa gagawin mong article." Tila kinikilig nitong sabi na ikinainit ng buong mukha niya. "Oh my God! You're blushing! Don't tell me, iniisip mong ikaw ang babaeng bubuo sa love life ni Dr. Fortalejo?---Fine, wala akong sinabi." bawi nito kaagad nang damputin niya ang magazine na nasa ibabaw ng table niya at akmang ihahampas niya iyon dito. "Gaga ka talaga. Umalis ka na nga." Taboy niya sa dalaga pero hindi ito natinag at biglang sumeryoso ang mukha. "Seriously, bestie, the last time na binuo ni Chin-Chin, iyong article ni Mr. Drake Rafael Elizalde Fortalejo ay kasabay rin ng pagkabuo ng love life niya." anito sa seryosong mukha. Napaisip rin siya. Totoo naman kasi iyon. Paano nga pala kung gano'n ang mangyayari nitong pangalawang article? Pero hindi naman ibig sabihin n'yon na siya ang bubuo. She rolled her eyes. “Kung mabubuo man ang love life niya, then that’s good to hear, pero ‘wag mo nang pangarapin na ako ang babaeng iyon, Fran dahil napakalabo n'yon na mangyari.” aniya at napakurap pa siya nang parang may kumudlit na sakit sa kanyang dibdib. Damn it! Bakit ba siya nasasaktan? Limang taon na ang nakalipas pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman niya sa gagong lalaking iyon? “Alam mo, nararamdaman ko talaga na---” “Stop it, Fran." putol niya sa kung ano pa man ang sasabihin nito. "May mga anak na ako at sila ang priority ko at hindi ang love life ko.” Kung alam lang nito kung ano’ng ugnayan meron sila ni Dr. Fortalejo ay baka hindi na talaga siya nito titigilan. She sighed. Hanggang ngayon ay narito pa rin ang takot niya noong nakarang Sabado. Paano kung malaman ng lalaki na may mga anak ito sa kaniya? Paano kung kukunin nito ang costudy ng mga bata? Agad niyang ipinilig ang ulo at puno ng determinasyon na hinding-hindi nito kailanman malalaman na nagka-anak sila sa isang gabing iyon. Hindi lang isa kundi dalawa. “I am not saying to abandon the twins, bestie. Puwede mo namang asikasuhin ang love life mo kasama siyempre ang kambal. Malay mo, gusto rin ni Doc ng instant babies---” “Get out, Fran!” taboy niya sa babae bago pa man nito maituloy ang sinasabi. Pero ang bruhilda ay tumawa lang ng malakas. "Joke lang, ito naman napaka-serious. Oh! siya, aalis na ako. Oo nga pala, bukas na ang umpisa ko sa club." Tumango na lang siya. She sighed heavily. Kahit anong pigil talaga niya sa kaibigan ay talagang ang tigas ng ulo nito. Nakatingin lang siya rito hanggang sa makasakay na ito sa elevator, kumaway pa ito sa kaniya. Tipid lang siyang ngumiti dito at kinawayan din ito bago sumara ang lift. Pero alam niya sa sarili niya na kahit na anong mangyari ay handa pa rin niyang suportahan ang kaibigan sa mga plano nito. Ikiniling niya ang kaniyang ulo at inunat ulit ang mga braso pagkuwa'y ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Pero agad din siyang natigil nang maalala niya ang mga sinabi ni Francheska. No. Suntok sa buwan ang mga pinagsasabi ng kaibigan. Masakit man pero kailangan niya iyong tanggapin. Kailangan niyang tanggapin na kailanman ay hindi na magkakaroon pa ng ama ang mga anak niya. Takot din siya na kapag ipaalam niya na may mga anak sila ay hindi nito matanggap ang mga bata at mauulit ang nangyari dati na bibigyan siya nito ng malaking pera para hindi maghabol. Kaya tama lang itong desisyon niya na mananatiling lihim kung sino ang ama ng mga anak niya. Tama ng si Sebastian lang ang may alam kung sino ang ama ng mga anak niya. Speaking of that devil, hindi lang talaga ito magkakamaling sabihin sa gagong kaibigan nito ang tungkol sa kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD