Chapter 5: Isla Reta

1822 Words
"WHAT are we doing here, Mama?" Inosenting tanong ni Faith kay Mirathea habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa clinic ni Dra. Santibañez. Panay rin ang paggala ng mga mata nito kung saan. Isa sa katangian nito ang pagiging curious sa lahat ng bagay gano'n din ang kakambal nito, siguro dahil bata pa ang mga ito pero mas malala lang ang isang ito. Kasalukuyang nasa Davao Doctor Hospital sila. Hindi talaga siya matatahimik hangga't hindi niya masisigurado ang kalusugan ng bunso niya. Tinawagan na lang niya kanina si Sebastian at sinabi niyang hindi na muna matutuloy ang pamamasyal ng kambal sa resort nito dahil kailangan niyang ipa-check-up si Faith. Naiintindihan naman siya kaagad siya nito. Gusto pa nga sila nitong samahan sa pagpunta rito pero tinanggihan na niya. Alam niyang busy ito at may kinahaharap din itong problema. "Magpapa-checkup muna tayo, ‘nak at promise mo kay Mama na behave ka lang, okay?" "Okay po. Pero ano po ang ibig sabihin ng checkup, Mama?" Kunot-noong tanong nito. Faith is 4-year-old kaya hindi pa talaga nito iyon maiintindihan ang mga ganitong bagay but she's a smart kid kaya kung ipapaliwanag mo sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon ay madali lang naman nito iyong maiintindihan. Tumigil siya sa paglalakad at nag-squat sa harapan nito para mapantayan niya ang taas nito. Ngumiti siya at hinaplos niya ang matambok nitong pisngi gamit ang likod ng palad niya. "May doktor na magsusuri sa'yo, to make sure that there is nothing wrong with your health, baby." aniya at mataman naman itong nakikinig sa kaniya. "Ah, pero bakit ako lang? Bakit hindi natin kasama si Hope? 'Di ba dapat checkup din si Hope para malaman din natin kung healthy siya?" Napangiti siya sa tinuran nito. "Hope is healthy." aniya at tuluyan ng niyakap ang anak. Naiiyak kasi siya at ayaw niyang makita nito iyon. Huminga siya ng malalim bago kumalas sa pagkakayakap sa bata at tumayo na. "Let's go, baby." aniya at kinarga ito. "Miss Vergara, this way po," sabi ng nurse sa kanila ng marating nila ang clinic. Tumawag na kasi siya kagabi kaya ini-expect na sila ngayon ni Dra. Santibañez. "Thank you po," sagot naman ng anak niya. Inunahan pa talaga siya sa pagsabi ng thank you. "You’re welcome, baby." Nakangiting tugon naman ng nurse. Pumasok naman sila sa clinic ni Dra. Anna Santibañez. Ito rin iyong doctor ni Faith dati noong nagkasakit ang anak niya. Abot langit ang pagdarasal niya na sana hindi magkatotoo ang nasa isip niya. "Oh, hi Miss Vergara," bati kaagad ng doktora nang makapasok na sila sa loob ng malawak nitong clinic. Nakaupo ito sa swivel chair na nasa likod ng glass table nito. "Magandang umaga po, Doktora." bati niya sa may edad ng doktora. Dra. Anna Santibañez is now on her late 50’s pero kung hindi niya ito kilala ay masasabi niyang nasa early 30’s pa rin ito. Gano’n siguro talaga ang mga mayayaman, kunsabagay hindi ito stress, hindi ito nagkakandakuba sa paghahanap ng pera at kahit nasa loob lang ito ng airconditioned clinic nito ay kikita ito ng libo bawat pasyente nito. Unlike sa kanilang mahihirap na kung hindi magbanat ng buto ay wala silang maiiuwi na pagkain sa bahay. "Magandang umaga din sa’yo, Thea. Have a sit, please." Nakangiting iminuwestra nito ang upuang nasa harap nito na para sa mga pasyente nito. Pagkuwan ay magiliw na binalingan nito ang anak niya. "Ito na ba si baby Faith?" tanong nito sa kaniya at kita niya sa mga mata ng doktora ang pagkamangha habang titig na titig ito sa mukha ng anak niya. “Yes, Doc.” Tugon niya at naupo na sa silyang nasa harap nito. Kinandong naman niya si Faith na mabilis namang isinubsob ang mukha sa kaniyang tiyan. Nahihiya yata. Tinanong siya ng doktora tungkol sa nararamdaman ni Faith. Pinakita niya rin dito ang mga pasa ng anak niya. Hanggang sa kinunan ng blood sample si Faith. Naaawa siya sa anak niya dahil alam niyang nasasaktan ito. Mas gustuhin pa niyang siya na lang kaysa ang anak niya ang maghirap ng ganito. Matapos makunan ng blood sample si Faith ay tumayo ang Doktora at pumasok ito sa laboratory nito na katapat lang ng opisina nito. "Baby, are you okay?" tanong niya kaagad sa anak. Tumango lang naman ito at ngumiti kaya niyakap na lang niya ito at hinalikan ito sa noo. "Mahal na mahal ka ni Mama, 'nak." Hindi niya alam pero kinakabahan siya at kusang tumulo na ang mga luha niya na agad din naman niyang pinunasan bago pa man iyon mapansin ng kaniyang anak. Kahit anong mangyari ay gagawin niya ang lahat para sa mga anak. Palabas na sila sa clinic ni Dra. Santibañez nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sebastian na nasa Isla Reta si Hope kasama nito. “Seb, sinabi ko naman sa’yo, hindi ba? Na hindi muna puwedeng---tsk, fine.” Pagsang-ayon na lang niya sa katuwiran nitong aalis na ito bukas ng madaling araw dahil may emergency sa kumpanya nito sa Italy at gusto nitong maka-bonding ang mga anak niya bago ito aalis. “Okay, d’yan na lang kami dederetso ni Faith,” aniya bago pinatay ang tawag nito at ibinalik sa kaniyang shoulder bag ang phone niya. Nang makakita siya ng taxi ay agad niya iyong pinara at nagpahatid sa may Santa Ana Wharf. Sa susunod na linggo pa kasi niya puwedeng makuha ang result ng laboratory checkup ni Faith. At umaasa siya na sana simpleng pasa lang iyon at hindi bumalik ang sakit nito noon. She deeply sighed. Sana… dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nangyari ang kinakatatakutan niya. Nang makarating ng Isla Reta ay agad silang dumeretso ng anak niya sa malaking hotel ni Sebastian. Naroon daw ito kasama sina Hope at Cede. Close rin si Sebastian kina Carla at Derick kaya kampante ang dalawang iyon na isama ni Seb ang dalawang bata. “Thea!” Agad siyang napalingon sa babaeng tumawag sa pangalan niya. “Carla?” nabiglang sambit niya nang makita niya ang pinsan. Hindi naman kasi siya na-inform na nandito rin pala ito. Naglalakad ito sa maputing buhangin habang naka-paa. Pinasadahan pa niya ang suot nito. Nakasuot ito ng swimsuit na kulay itim at pinatungan lang nito iyon ng isang itim din na lace cardigan na nililipad pa ng hangin ang dulo. Carla is beautiful, no one will contest that. At kahit may anak na ito ay hindi iyon halata sa katawan nito. Matangkad din ang pinsan niya at kung mag-o-audition itong maging modelo sa isang magazine ay papasa talaga ito. “Bagay ba?” nakangising tanong nito sa kaniya nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. “Wow! Ang ganda-ganda niyo po, Tita Ninang.” Narinig din niyang komento ni Faith. Nangingiting tumango-tango naman siya. Sumasang-ayon siya sa sinabi ng kaniyang anak. “I know, right.” ani Carla at pini-flip pa nito ang tuwid at hanggang balikat nitong buhok, pagkuwan ay sabay pa silang natawa na dalawa. “Mabuti naman at sinamahan mo ang mga bata,” aniya at nilingon ang malaking hotel na nasa unahan nila. Marami siyang nakikitang mga turista, kunsabagay malapit na ang summer vacation. “Siya nga pala, nasaan si Hope?” tanong niya nang maalala ang isa pang anak. “Nasa pool kasama sina Cede at Derick.” Tumango-tango naman siya. “Eh, si Sebastian? Nasaan siya?” tanong niya nang hindi mabanggit nito si Sebastian. Malisyoso naman siya nitong tinititigan. “Oyy… na-miss mo?” ngingisi-ngising tudyo nito sa kaniya. Agad naman niya itong sinimangutan. “Sira, hindi. Tumawag kasi siya kanina na narito si Hope at sinabi kong dito na kami dideretso ni Faith. At ikaw, hindi mo man lang ako nagawang tawagan na nandito pala kayo.” Kunwari ay nagtatampo niyang sabi rito. Alam naman niyang hindi nito pababayaan ang anak niya at ilang ulit na niyang napatunayan iyon dito. Kita naman niya sa hitsura nito na tila nakonsensya ito kaya lihim tuloy siyang napangiti. “Sorry, sobrang nag-enjoy kasi ako sa pa-libre ni Mr. Crawford.” anito at agad na tumabi sa kaniya at umangkla pa sa braso niya. Well, kung siya rin naman ang nasa katayuan ni Carla ay makakalimutan talaga niya ang lahat. Isla Reta is one of the amazing resorts here in Mindanao. Ito iyong resorts na babalik-balikan mo talaga kapag na-experience mo lahat ng mga puwedeng gawin sa Islang ito. “Fine, I forgive you.” aniya na ikinangiti naman nito. “Yaay! Anyway, babalikan ko lang sina Hope at ang mag-ama ko. Kanina pa iyon sa pool, mukhang ayaw nang umahon ng tatlong iyon.” “Sige, kakausapin ko lang muna si Sebastian.” “Oh, speaking of…” anito at nas entrance na ng Isla Reta Hotel nakatingin ang mga mata kaya napatingin na rin siya roon. Nakita naman niya si Sebastian na kalalabas lang ng Hotel. May kasama itong lalaki na sa hinuha niya ay ang sinasabi siguro nito na gustong magtayo ng clinic dito sa Isla Reta. May kalayuan ang Hotel mula sa kinatatayuan nila kaya hindi niya klaro kung sino ang kasama ni Sebastian. “Mama, pwede ba akong sumama kay Tita Ninang?” Nawala lang ang tingin niya sa dalawang lalaki nang magsalita si Faith. “Ah, baby hindi na, sabay na lang tayo---” “Please, Mama…” pagmamakaawa nito. Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay sa may tapat ng dibdib nito at pinapungay ang mga mata. “Naku! H'wag ka ng mag-alala sa baby na ito, Thea. Ako na ang bahala sa kaniya. Puntahan mo na lang muna si Sebastian.” ani Carla sa kaniya at mabilis na hinawakan sa kamay si Faith. "Let's go, Faith." aya nito sa bata at agad na siyang tinalikuran. Napabuntonghingang pinagmasdan na lang niya ang dalawa hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Nilingon niya ulit si Sebastian pero gano’n na lang ang takot at kaba na lumukob sa puso niya nang nasa malapit na pala niya ito kasama ang lalaking hindi niya inaasahan na kasama nito. Anong ginagawa ng lalaking 'to rito? "Lawrence..." mahinang sambit niya sa pangalan nito. Tila inilipad naman ng hangin ang boses niya patungo rito at bigla na lang itong tumingin sa gawi niya at agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Nahigit niya ang hininga. She pursed her lips and gulped from the lashing emotions beneath her. Ang kalabog ng dibdib niya ay tila malakas na kulog ng kalangitan na naghuhuramentado at handa ng ibuhos ang bagyo. Her chest heaved. See the effect he’s giving effortlessly? Wala naman itong ginagawa, presensya lamang nito after five years ang nakikita niya pero ang epekto ay tila sumabak siya sa giyera. Ngayon niya napatunayan na walang pinagbago kung ano ang naramdaman niya noon dito ay ganoon pa rin ngayon. Pero mas lamang ang takot at pangamba niya na kapag malaman nito na nagbunga ang isang gabing pagpapaubaya niya rito ay mawawala sa kaniya ang mga anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD