Chapter 4: Bruises

2313 Words
NAKAPIKIT ang mga mata ni Mirathea habang iniisip kung ano ang mga dapat niyang gawin. According to Milton Berli, if opportunity doesn't knock, build a door. Pero ang kaso niya ay ang oportunidad na ang kumakatok sa pintuan niya pero ayaw niyang pagbuksan dahil natatakot siya. Natatakot siya na makapasok sa buhay nilang mag-iina ang lalaking iyon at mawala sa kaniya ang mga anak niya. Oo, nanghihinayang siya sa magandang opportunity na iyon pero mas mahalaga sa kaniya ang mga anak niya kaysa sa karera niya. “Sh*t! Ang hot!” Napaigtad siya at agad na nagmulat ng mga mata. Nilingon niya ang babaeng nakatayo sa may gilid niya. Si Dana pala, isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na naging malapit din sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa nakita niyang hitsura nito. Nakaawang ang bibig nito habang nakatitig sa screen ng kanyang computer. “O…M…G.” sambit nito na hindi man lang kumurap ang mga mata, kaya napatingin na rin siya sa screen ng kaniyang ng computer. At gano’n na lang ang pagkalabog ng kaniyang puso nang makita niya ang larawan ng taong matagal na niyang gustong kalimutan. Ang taong nag-iwan ng malaking sugat sa kaniyang puso. It's Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo's picture. Naka-all black suit ito na pinatungan ng puting lab coat. Napalunok siya nang maramdaman niya ang pamilyar na t***k ng kaniyang puso kapag nasa tabi lang niya ang lalaki, limang taon na ang nakakaraan. Naka-side view ang lalaki at halatang patago lang ang pagkuha ng kung sino man sa larawang ito. Siguro isa sa mga babaeng may gusto rito ang kumuha ng larawan nito. Sabi ng mga nurse dati na nakausap niya ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng hospital nito na makapasok ang media. Naalala pa niya ang hitsura noon ng lalaki na tuloy-tuloy lang na naglalakad sa may hallway sa loob ng Marco Polo Hotel. Walang emosyon ang mukha at hindi pinapansin ang mga reporter na sumalubong rito at nagtatanong. Napalunok siya at napatitig sa larawan ni Dr. Fortalejo. Walang pinagbago sa pananamit ng lalaki na tila ba palaging nagluluksa. Kung wala lang itong suot na puting coat at stethoscope na nakasabit sa leeg nito ay mapagkakamalan talaga ang lalaki na isang leader ng mga mafia o isang agent. Kung may nagbago man sa lalaki ay ang mukha nito na mas nag-matured pa pero mas nakadagdag lang iyon para mas lalong mabaliw ang mga babaeng nakapaligid dito. Agad siyang napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib nang may sakit siyang nadarama roon. “Thea, anong sabi ni…oh my hot!” Natauhan lang siya nang marinig ang boses ni Francheska, nakatunghay na rin ito sa screen ng kaniyang computer. Nanginginig ang mga kamay na mabilis naman niyang pinindot ang close tab. “Ay sayang nawala na…” puno ng panghihinayang ang boses na sabi ni Dana. “Ah, m-may kailangan ba kayo?” tanong niya, medyo pumiyok pa ang boses niya kaya napatikhim siya para mawala ang bra sa lalamunan niya. Kita naman niya ang pagtaas ng kilay ni Francheska sa kaniya at may ngiting naglalaro sa mga mapupulang labi nito. “Nothing, gusto lang sana kitang tanungin kung ano ang sinabi sa’yo ni Ma’am Sunny pero sa nakita ko ay alam ko na ang sagot.” Nakangising sabi nito na ikinangiwi naman niya. “Kung gano’n, Thea, ikaw na ang magpapatuloy sa trabaho ni Miss Chin-Chin?” tanong ni Dana sa kaniya, nasa boses nito ang sobrang excitement. Pero bago pa man siya nakasagot nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ma’am Sunny at lumabas doon ang babae. Mabilis namang bumalik si Dana sa table nito at kunwari ay abala sa ginagawa sa harap ng computer nito. Si Francheska naman ay hinila lang nito ang puting monobloc chair na nasa harap niya at naupo ito roon. Palibhasa ay freelance writer lang ito ng kumpanya kaya bale-wala lang dito kung maabutan ito ng boss nila na nakipag-tsismisan kahit sa oras pa ng trabaho. “Everyone, listen up!” malakas ang boses na sabi ni Ma’am Sunny kaya agad nahinto ang lahat sa ginagawa. Sabay-sabay rin silang napatayo para magbigay galang sa babaeng boss. “Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na tuluyan ng nag-resign si Miss Guerrero,” sabi ni Ma’am Sunny. Everyone gasped, maliban sa kaniya dahil alam naman na niya. Kita niya rin sa mga mata ng ibang naroon na nababahala at ang iba naman ay wala lang, parang natutuwa pa nga lalo na ang grupo ni Miss Cathy. Nakababahala naman talaga ang pagre-resigned ni Miss Chin-Chin dahil alam nilang lahat, na ang sinimulan nitong magazine ang nakapagpapaangat sa sales ng kumpanya at napakalaking pera ang iniaakyat n’yon sa kumpanya. “But let’s not worry, dahil may mga writer na rin kaming pinagpipilian kung sino ang papalit sa kaniya.” Pagpapatuloy ni Ma’am Sunny, pagkuwan ay tumingin ito sa kaniya. Kaagad na napaayos siya sa pagkakatayo. Pinagpawisan pa siya kahit na sobrang lamig naman dito sa loob ng opisina nila. “Maaari ba naming malaman, Ma’am, kung sino ang papalit kay Miss Chin-Chin?” lakas-loob na tanong ni Miss Cathy kay Ma’am Sunny. Bakas sa mukha ng babae ang pag-aasam na ito ang papalit kay Miss Chin-Chin. Alam niyang matagal na nito iyong pinangarap, silang lahat dito, nangangarap na tumaas ang position. Sino namang hindi nangangarap na ma-promote, 'di ba? “That’s why I am here in front you just to let you all know, na may apat ng junior writer ng kumpanya ang pagpipilian kung sino ang papalit ni Miss Guerrero bilang Magazine writer. But of course, may mga task muna silang gagawin. Kung sino man ang makagawa ng lahat ng requirements na ibinigay namin sa kanila din siya ang papalit sa puwesto ni Miss Guerrero.” "Sinu-sino po ba sila, Ma'am?" tanong ng isa sa mga kasama nila rito. "Well, as for our department, si Miss Vergara lang ang napili rito." “What?” hindi makapaniwalang bulalas ni Miss Cathy. Ang mukha nitong umaasa kanina ay napalitan ng pagkadismaya na hindi ito nakasama sa mga pinagpipilian. Marami pang sinabi si Ma’am Sunny sa kanila bago ito pumasok ulit sa opisina nito. Agad naman siyang binati ng mga kasamahan nila maliban sa grupo ni Miss Cathy. Hindi naman niya iyon pinagtakhan pa dahil alam niya kung gaano kainit ang dugo nito sa kaniya at alam niyang mas lalala pa ang disgusto nito ngayon sa kaniya. “Tsk. Assume pa more.” Narinig niyang pasaring ni Francheska kay Miss Cathy at malditang inirapan pa ang huli. Napailing na lang siya. Hindi rin kasi ang mga ito magkasundo at pakiramdam niya ay si Miss Cathy ang tinutukoy ng kaibigan na ahas kanina. “Sipsip lang talaga iyang kaibigan mo kaya sa kaniya ibinigay ang proyektong iyan.” Inis na sabi ni Miss Cathy na agad namang ikinakunot ng noo niya. Lalapitan sana ito ni Francheska pero agad niyang pinigilan niya ito. Ayaw niyang magkagulo rito at baka pare-pareho silang masisante. Marahas na napabuntonghininga na lang si Francheska at nagpaalam na aalis na muna. Tumango lang siya at bumalik na sa pagkakaupo sa kaniyang upuan. Maliban sa grupo nila ni Miss Cathy na galit sa nangyari, ang lahat ay masaya para sa kaniya at sinabing galingan niya para siya ang mapili bilang bagong Magazine writer. Ang sumunod na oras ay ginugol na lang niya sa pagtatrabaho. "Babies anong gusto niyong dinner natin mamaya?" tanong niya sa dalawa habang binibihisan niya ito ng pambahay. "Noodles." Sabay na sagot ng dalawa kaya napangiti siya. "Okay. Now go to our room first and change your clothes." Malumanay ang boses na utos niya sa dalawa na kaagad naman na sumunod. Pagdating sa favorite ulam ay magkakasundo talaga ang dalawa pero minsan sa isang buwan lang niya ito pinapakain ng noddles dahil alam naman niyang hindi iyon makabubuti sa kalusugan ng mga ito kung noodles lagi ang ipapakain niya. Napailing na lang siya at naglakad papunta sa kanilang kusina para magluto ng kanilang hapunan. Kasalukuyan siyang nagsasalang ng bigas sa rice cooker nang makarinig siya ng mga katok sa may pinto ng tinutuluyan nilang apartment. “Sandali!” sigaw niya sa kung sino man nang hindi pa rin ito tumigil sa pagkatok sa may pinto. Mabilis niyang tinapos ang pagsasalang, pagkuwan ay nagpunas siya ng mga kamay bago tinungo ang pinto para pagbuksan ang kung sino man ang panauhin niya sa ganitong oras. “Hi,” napakurap siya at agad napaawang ang bibig nang makita ang taong hindi niya inaasahang pupunta rito. "Tito Seb!" sigaw ng mga anak niya kaya agad siyang natauhan sa pagkamangha. “Hey, babies…” nakangiting sambit ni Sebastian at sinalubong ang mga anak niya. Mabilis na ikinulong ang mga bata sa mga bisig ng lalaki. Dahil nakapasok na ang lalaki ay isinara na lang niya ang pinto, pagkuwan ay agad siyang bumaling kung nasaan ang tatlo. Ang daming pasalubong nito sa mga anak niya. Kunsabagay, hindi na siya magtataka dahil sa once in a blue moon lang ito dadalaw sa kanila kaya halos lahat ng mga laruan o pambatang damit ay pinapakyaw na nito sa mall para ibigay sa mga anak niya. “Kailan ka pa narito?” tanong niya nang lapitan siya nito. Nakangiting ibinigay naman nito sa kaniya ang isang paper bag at base sa nakasulat n’yon ay hindi ito rito sa Pilipinas binili. “Salamat pero sana hindi ka na sana nag-abala pa,” aniya sa nahihiyang boses. “Nah,” he chuckled lightly. “Kaninang umaga lang ako dumating dahil kailangan kong personal na kausapin ang kapatid ng kaibigan ko na gusto raw na magtayo rito ng clinic.” “Isang doctor?” tanong niya. Ewan pero parang bigla siyang naging interesado nang banggitin nito ang salitang clinic and at the same time ay kinabahan din siya. “Yeah.” Balewalang tugon nito sa kaniya, pagkuwan ay tinungo nito ang mini refrigerator niya at kumuha roon ng malamig na tubig. “Anyway, how are you?” tanong nito habang sinasalinan ng tubig ang basong hawak nito. Sebastian Levin Crawford is a Filipino-Italian, ang ina nito ay isang Pilipina at siyang may-ari nitong Isla Reta at nang mamatay ay ipinamana nito iyon kay Sebastian. Nagkakakilala sila ng lalaki nang ito ang tumulong sa kaniya sa daan nang hindi inaasahang sumakit ang tiyan niya dahil manganganak na siya. Mula noon ay palagi na sila nitong dinadalaw ng mga bata at pinatira pa sila ng libre dito sa isa sa mga apartment nito. Ang gusto nga nito ay doon sila sa hotel nito pero tumanggi siya. Noong hindi pa puwedeng maiwan ang kambal ay sa hotel siya nito nagtatrabaho bilang receptionist pero nang lumaki na ang mga bata at mas lumaki na rin ang kanilang mga gastusin ay nagpasya siyang maghanap ng ibang trabaho. Minimum naman ang sinasahod niya bilang receptionist kaya lang gusto talaga niyang gamitin iyong kursong pinag-aralan niya at ginastusan ng mga magulang niya kahit hindi siya nakapagtapos. Sinuportahan naman siya ni Sebastian at ito pa nga ang nagpapasok sa kaniya sa Media Global Corp. Pero nakiusap pa rin siya na magtrabaho siya sa hotel tuwing linggo, as part-time job na agad naman nitong sinang-ayunan. “Okay naman kami. Ikaw? Kumusta ka na? Nagkaayos na ba kayo ng Daddy mo?” sunud-sunod na tanong niya. “Hey, isa-isa lang sa pagtatanong,” anito at napakamot pa sa batok. Nang dumalaw kasi ito sa kanila noong nakaraang taon ay mabilis din itong bumalik sa Italy dahil tumawag dito ang tiyahin nito at hindi na niya alam kung ano na ang nangyari rito dahil kung tatawag naman ito para kamustahin sila ng mga anak niya ay hindi naman ito nagbabanggit ng tungkol sa sarili nito o sa pamilya nito. Nahihiya rin siya na magtanong. “Dad remarried again…” mahina ang boses na sabi nito. Kita pa niya ang pag-iigting ng mga panga nito na tila hindi talaga ito nasisiyahan sa pagpapakasal ng ama. Marami pa silang napagkuwentuhan ni Seb. Sumalo din ito sa hapunan nila at ang noodles na gustong ulamin ng kambal ay hindi natuloy dahil nagpa-deliver ang lalaki ng mga pagkain galing sa restaurant nito dito sa Isla Reta. Pagsapit ng alas otso ng gabi ay nagpaalam na ito na uuwi na sa resthouse nito dahil maaga raw ang meeting nito bukas doon sa doctor na gustong magtayo ng clinic dito. “Tito Seb, balik ka po bukas, ah?” pahabol na sabi ni Faith sa lalaki na agad namang ikinatawa ng lalaki. “Oo, naman. Pagkatapos ng meeting ko mamasyal tayo,” agad naman niya itong pinagtaasan ng kilay. Magpo-protesta sana siya nang umiling ito. “Saturday bukas, kaya wala silang pasok. Let the twins to be with me, please? I promise---” “Fine,” putol niya na ikinatuwa naman ng tatlo. Nag-apiran pa ang mga ito. “But in one condition, don’t spoil them too much, Sebastian.” aniya at mabait naman itong tumango-tango. Nang tuluyan ng makaalis si Sebastian ay agad niyang hinarap ang mga anak. "Kids, I'll give you a half bath so we could sleep already. Let's go?" Inakay na niya ang dalawa patungo sa banyo. Inuna niya na munang pinunasan si Faith dahil hindi pa naman ito naligo kaninang umaga. Pero agad na kumunot ang noo niya at agad kinabahan nang may makita siyang pasâ sa may kanang braso nito. "B-Baby, nabangga ka ba?" tanong niya sa bunso. Lalong kinabahan siya nang makitang may pantal din ito sa kaliwang bahagi ng likuran nito. "Hindi naman po, Mama." sagot naman nito na nakapagpalakas ng kaba niya. "Nadapa?" Nagsimula na siyang maiyak ng umiling pa rin ito. Ganito rin ito dati noong...hindi—baka nagkamali lang siya. "Then, where did you get these bruises, F-Faith?" Naiiyak na niyang tanong sa anak. "Hindi ko alam, Mama." Agad na tinapos niya ang pagpupunas nito at binihisan niya ito kaagad. No, please God no. Hindi niya kakayanin kapag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD