Chapter 3: Her Dream

2776 Words
KINABUKASAN ay tunog ng alarm clock ang nagpagising kay Mirathea. Agad siyang bumangon at pumasok sa maliit nilang banyo, naligo at nagbihis ng pampasok niya sa trabaho. Kailangan kasi ay alas-sais pa lang ay aalis na sila ng mga bata sa kanilang apartment. Madalas na siya ang naghahatid sa mga ito sa pinapasukang paaralan, maliban na lang kung may importante siyang pupuntahan tungkol sa kanyang trabaho kaya makikisuyo muna siya kay Carla na ito na muna ang maghahatid sa mga bata. Paglabas niya sa banyo ay naabutan niya si Hope na nakaupo na sa ibabaw ng kanilang kama pero nakapikit pa rin ang mga mata, habang patuloy namang tumutunog ang maliit nilang alarm clock na nakapatong sa maliit nilang cabinet na nasa tabi lang ng kanilang kama. Alam niyang gusto pa nitong matulog pero dahil may pasok ang mga ito kaya mapilitan talaga itong gumising ng maaga. “Good morning, baby,” aniya nang makalapit siya sa gilid ng kama. Yumukod siya at hinalikan ito sa noo. "Morning, Ma." Nakapikit pa rin ang mga mata. “Sige na, mauna ka ng maligo.” aniya rito. Hinaplos pa niya ang pisngi nito bago sumampa sa kama para gisingin si Faith na himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog. Mas mahirap gisingin itong bunso niya kaya madalas na nahuhuli ito sa pagligo. “Good morning, baby Faith…” aniya at hinalik-halikan niya ang buong mukha nito. Umungol lang ito at pinalis pa ang kamay niyang nakahawak sa malambot nitong pisngi. Pero hindi niya ito tinigilan sa pagkiliti hanggang sa tuluyan na itong magising. “M-Morning, Mama…” paos ang boses na bati nito sa kanya. Ngumiti siya at inalalayan itong bumangon. “Salamat, Papa God at nagising pa ako.” Nakapikit pa rin ang mga matang sambit ni Faith na ikinabigla niya. Napalunok pa siya nang tila may bumara nang kung ano sa lalamunan niya. Hindi niya alam pero kinabahan siya kaya agad niyang niyakap ng mahigpit ang anak. “Oo naman, baby. Lagi kang gigisingin ni Papa God.” aniya habang yakap pa rin ito. Narinig naman niyang humagikhik ito at kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at lumuhod, pagkuwan ay pinugpog ng halik ang buong mukha niya kaya mahina siyang napatawa dahil nakikiliti siya. Natigil lang silang dalawa nang marinig nilang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa n’yon si Hope na nakabalot ang katawan ng makapal niyang tuwalya. “Ikaw naman Faith ang maligo,” aniya sa kanyang bunso pero nakangusong umiling ito. “Puwedeng mag-skip muna ako ngayon, Mama? Giniginaw po ako.” anito. Agad naman niyang kinapa ang leeg nito at baka may lagnat ito pero nakahinga naman siya ng maluwag na hindi naman ito nilalagnat. Mukhang inatake lang talaga ito sa pagiging maginawin. “Nagiging kambing ka na naman, Faithy,” tukso ni Hope sa kapatid kaya mas lalong bumusangot ang mukha ng bunso niya at tiningnan siya nang may pangungusap ang mga mata. Agad namang nalusaw ang puso niya. Muntik pa siyang mapasinghap nang may maalala sa hitsura nito. Ganito ang hitsura ng ama ng mga ito nang makiusap ito sa kaniya na ‘wag niya itong iiwan nang gabing iyon. Pero agad naman siyang natauhan nang biglang umalingawngaw sa pandinig niya ang pangalang binanggit ng lalaki. Siya nga ang pinakiusapan pero ibang pangalan naman ang binanggit. “Mama, please…” Napakurap-kurap siya nang marinig si Faith. Ngumiti siya at tumango. “Of course, baby, ‘wag ka na lang munang maligo.” aniya na ikinatuwa naman nito ng husto. Agad naman niya itong inilalayan at inihatid sa banyo. Pagkuwan ay nagpaalam siya na mauna ng lumabas para asikasuhin ang breakfast nilang tatlo. Binilinan lang niya si Hope na ‘wag nitong iwan ang kapatid na mag-isa. Matapos nilang mag-agahan ay inihatid na muna niya ang kambal sa bahay ni Carla. Nasabi na rin niya sa pinsan kagabi na ipapasabay na muna niya kay Cede ang kambal dahil kailangan niyang pupunta ng maaga sa opisina. “Magandang umaga, Tita Ninang namin na maganda!” sabay na pagbati ng kambal kay Carla nang pagbuksan sila nito ng pinto. Mabilis din na nagmano ang kambal sa babae. Nakita naman niya ang malaking ngiti na iginawad ni Carla sa mga anak niya at umuklo pa para pisilin ang pisngi ng kambal. “Ang aga-aga pero nambobola na kayo, hmm?” ani Carla pero humagikhik lang ang kambal. “O siya, pasok na kayo. Dumeretso kayo sa kusina, nandoon si Cede.” Agad naman na pumasok ang kambal. Siya naman ay naiwan lang na nakatayo sa harap ng pintuan at nakangiting sinundan ang mga ito ng tingin. "Ba-bye Mama. We love you po." duweto pang sabi ng kambal. Nakangiting kumaway lang siya sa dalawa. Naalis lang ang tingin niya sa kambal nang mawala na ang mga ito sa paningin niya. "Ikaw, ayaw mo munang pumasok?" tanong sa kaniya ni Carla. Nakangiting inilingan lang niya ang pinsan. Gustuhin man niya pero wala na siyang oras. "Hindi na Carla. Kailangan ko kasing makarating sa opisina bago pa man mag-aalas y siyete ng umaga.” Marahan naman itong tumango. “Salamat, Carla ah?” dugtong niya pa. “Ano ka ba? Hindi ba at sinabi ko na sa’yo na ‘wag kang laging nagpapasalamat sa akin? Mga pamangkin ko rin sila.” anito. Lumapit siya kay Carla at niyakap niya ito. Sobra talaga siyang nagpapasalamat dito dahil kahit kailan ay hindi sila nito pinababayaan. "Ikaw na ang bahala muna sa dalawang iyon. Pasensya ka na ha, sobrang kulit pa naman ng dalawang iyon." "Naku! 'Wag mo nang alalahanin ang dalawang iyon, ako na ang bahala sa kanila. Oo nga pala, kumusta na iyong pinapagawa sa'yo ng boss mo? May nagawa ka na ba?" tanong nito sa kaniya. Naikuwento kasi niya rito ang tungkol doon. Bumuntonghininga siya dahil mukhang wala na talagang pag-asa. "Wala pang progress. Wala akong makitang magandang prospect para sa article ko. Siguro tatanggapin ko na lang iyong project ni Chin-Chin." Kinakabahan man siya sa puwedeng mangyari pero wala naman na siyang choice. "Tanggapin mo na. At saka pagkakataon mo na rin iyon para masilayan ang guwapong si Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo." anito, sa tila nanunukso pang boses. Her heart constricts sa sinabi ng pinsan niya. Hindi naman kasi nito alam kung ano ang nakaraan niya sa lalaki. Kung alam lang nito na ang binanggit nitong lalaki ang siyang ama ng mga anak niya ay hindi nito iyon masasabi sa harap niya. At sa totoo lang natatakot siya na magkita sila ulit ng lalaki, baka malaman nito na nagbunga ang minsang pagpapakatanga niya at kunin pa sa kaniya ang mga anak niya. Hindi niya iyon kakayanin. Hinding-hindi siya makakapayag na mangyari iyon. "Siya nga pala, tumawag si Tita Joanna." Natigilan siya sa sinabi nito. Biglang nawala rin ang emosyon niya sa mukha at napatitig siya sa pinsan. Joanna Galvez ay ang pangalawang asawa ng Papa Carlos niya. Isa ito sa dahilan kaya tuluyan na siyang lumayo sa Papa niya dahil wala pa namang isang buwan na namatay ang Mama ay pinakasalan na nito ang babae. "Bakit daw?" Wala pa ring emosyong tanong niya. "Nagkasakit daw si Tito Carlos." Malungkot nitong sabi. Bigla naman siyang kinabahan. "Ha? Kumusta raw? Okay na ba si Papa?" Puno ng pag-aalalang tanong niya rito. Nakita naman niyang ngumiti si Carla. Kahit may pagtatampo siya sa Papa niya pero hindi naman siya bato para hindi mag-aalala. At isa pa, alam niyang hindi pa rin siya nito kayang tanggapin dahil wala pa rin siyang maihaharap dito na ama ng kaniyang mga anak. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Nothing," anito na nagkibit-balikat pa, kaya napahalukipkip siya at pinagtaasan niya ito ng kilay. "Well, masaya lang ako na may pakialam ka pa rin pala kay Tito Carlos." Malalim na napabuntonghininga na lang siya at hindi na nagkomento pa. "Anyway, okay naman na daw si Tito. Ang sabi nga lang ni Tita Joanna ay sana makadalaw ka raw sa kanila. Thea, ilang taon na ang nakalipas siguro naman---" Umiling siya at mapait na ngumiti kaya hindi na lang nito itinuloy ang sinasabi. Alam niyang hindi basta-basta susuko ang Papa niya at isa pa, hindi pa siya handang makita ang babaeng iyon. Kung napatawad na siya ng kaniyang ama ay ‘di sana ay tumawag na ito sa kaniya dahil alam naman nito kung nasaan siya. Oo nga't wala ng magagawa pa ang Papa niya dahil nailuwal na niya ang mga anak niya pero alam niyang hindi ito titigil hangga't wala siyang maipapakilalang ama ng mga bata. Napakurap-kurap siya para palisin ang luhang nagsimula ng mamuo sa kaniyang mga mata. "Kahit na ilang taon na ang nakalipas pero alam kong hindi gano'n kadali na tanggapin niya ako. Alam mo kung gaano niya ako kinakahiya, Carla." aniya at malungkot lang siya nitong tiningnan. "Iyon lang ba talaga ang dahilan?" tanong nito. Nagtagis ang bagang niya at nag-iwas ng tingin sa pinsan. "Sige na, Carla, aalis na ako." paalam niya bago pa man siya umiyak sa harap nito. Bumuntonghininga muna siya bago naglakad patungong sakayan ng traysikel para magpahatid sa may daungan ng mga lansa. "Mag-iingat ka." Narinig pa niyang sigaw ni Carla. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Nang makarating siya sa office ay kaagad siyang sinalubong ni Francheska. "Mabuti at nandito ka na, Thea." Nakabusangot ang mukhang sabi nito sa kaniya. Mukhang may hindi maganda na namang nangyari rito. "Bakit? May problema ba?" "May ahas lang naman dito sa tabi-tabi." ismid nito at pinaikot pa ang mga mata. "Kaya ikaw, mag-ingat ka baka tuklawin ka na lang bigla d’yan." Kumunot ang noo niya. Alam niyang hindi literal na ahas ang ibig sabihin nito kaya alam niyang isa sa mga kasamahan nila dito ang tinutukoy nito. "Anyway, mamaya na muna tayo mag-uusap. Puntahan mo muna si boss sa conference room." Naguguluhan man pero tumango na lang siya sa kaibigan at dumeretso, kung saan ang conference room. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. Pero agad na natigilan siya nang makitang hindi lang ang boss niya na si Ma'am Sunny ang narito sa loob ng conference room. May dalawa pang senior editor na sina Ma'am Windy at Ma'am Mylah ang nandito. Sina Cara, Mariel at Emanuel na mga kasamahan naman niya as junior article writer ay narito rin. Inside this lavish conference room was a long oblate table with twelve seats, at okupado na iyong anim doon. "Good morning," magalang niyang bati sa mga naroon." Tumango lang ang dalawang senior editor maliban kay Ma'am Sunny na malamig na tiningnan lang siya. Sanay na siya rito kaya hindi na siya natatakot pa. "Have a seat, Miss Vergara." ani Ma'am Sunny. Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa mahabang table. Agad din niyang hinila ang upuang nasa tabi ni Cara. Nakita pa niyang umirap ang babae sa kaniya. Pero hindi na lang niya ito pinansin at naupo na. "We're here to inform the four of you that Chinny Guerrero resigned yesterday." sabi ni Ma'am Mylah. Napasinghap siya at napatingin siya kay Ma'am Sunny na tahimik lang. Narinig naman niya ang hagikhikan ng tatlong mga kasama niya lalo na si Eman. Tuwang-tuwa talaga ang mga ito sa tuluyang pagre-resigned ni Miss Chinny. "Kung gano'n, Ma'am, bakit niyo po kami pinatawag?" tanong ni Cara. "Well, pinatawag namin kayo, para sabihin sa inyo na kayong apat ang candidate para maging kapalit ni Chinny." sabi naman ni Ma'am Windy. "Oh, my G! Narinig niyo iyon, Eman, Cara?" tuwang-tuwang sabi ni Mariel sa dalawang kaibigan nito. Humagikhik naman ang dalawa at tumango-tango. "Of course, I heard it very clearly." maarteng sabi ni Cara at tumingin pa sa kaniya, pagkuwan ay umirap. Napailing na lang siya at itinuon na lang ang atensyon sa tatlong senior editor na magkatabing nakaupo sa harap nila. "Pero isa lang sa inyo ang magiging kapalit ni Chinny as Magazine writer," walang emosyong sabi ni Ma'am Sunny. "For sure, ako na iyan. Marami na rin akong napatunayan sa kumpanya na ito bilang junior article writer." sabi ni Cara. Nakita niyang napairap na sina Eman at Mariel sa kaibigang si Cara dahil sa sinabi ng babae. Nanatili naman siyang tahimik dahil nakapag-desisyon na siyang hindi tatanggapin ang posisyon na iyon. "Yes, isa iyan sa requirements to be qualified," sabi ni Ma'am Mylah. "But you must also interview the next target, Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo." Bayolente siyang napalunok. Nasabi na iyon sa kaniya ni Ma'am Sunny kaya hindi na siya nagulat pa. But hearing his name in someone's mouth, ay agad nagsikip ang dibdib niya. Marami pang sinabi si Ma'am Mylah pero hindi na niya iyon maunawaan pa. Hanggang sa narinig na lang niya na tinatapos na ng mga ito ang meeting nila. "Follow me in my office, Miss Vergara," sabi ni Ma'am Sunny sa kaniya at nauna na itong lumabas ng conference room. Malalim na napabuntonghininga muna siya bago tumayo at sumunod dito. Pagkapasok niya sa opisina nito ay nakaupo na ito sa swivel chair nito. "Have a seat," walang kangiti-ngiti pa ring sabi ni Ma'am Sunny sa kaniya. Kasing ganda sana ng pangalan nito ang kagandahang taglay kaya lang hindi naman ngumingiti. But everyone has their own problem. Like her, she smiles every day because she needs to, but deep inside her heart, she has a lot of problem to deal with. Nagpapasalamat na lang siya at nandiyan ang mga anak niya na nagpapaganda ng araw niya. "Ma'am, bakit po?" tanong niya. "Ikaw talaga ang gusto kong maging kapalit ni Chinny, kaya sana 'wag mo akong biguin." Napangiwi siya. "Iyon nga sana ang gusto kong ipakiusap sa inyo, Ma'am---" "Ayaw mo ang posisyon na iyon? Akala ko ba pangarap mong maging isang sikat na journalist ng bansa?" Pangarap nga niya iyon pero kung dahil sa pangarap na iyon ay muli niyang makaharap ang lalaking ayaw na niyang makita o makausap man lang, then she's willing to give up that dream. "Hindi ako nakapagtapos sa kolehiyo, Ma'am. Wala akong mga diploma---" "Para ano pa at kasali ka sa mga napili na ma-promote bilang Magazine writer?" putol na naman nito sa kaniya. Kagat ang pang-ibabang labing nag-iwas na lang siya ng tingin sa boss. Kung hindi lang sana si Dr. Fortalejo ang lalaking kakaharapin niya ay wala sanang problema. Gagawin talaga niya ang lahat para magawa lahat ng requirements para sa promotion na iyon. "Fine," pagsuko nito na ikinatuwa niya. "But still, kailangan mo pa ring makipag-kumpetensya sa tatlong kasama mo. Gusto ko rin silang i-test kung gaano sila ka-determinadong makuha ang posisyon na ito." "Yes, Ma'am." Disappointed man dahil makikipag-kumpetensya pa rin siya sa tatlong iyon, that means, kailangan pa rin niyang mag-research ng tungkol sa lalaki, but at least hindi na niya ito kailangang harapin pa. Pagkalabas niya ng opisina nito ay dumeretso siya sa lamesa niya. Matagal muna siyang napatulala at gusto niyang umiyak sa frustrasyon pero pinigilan niya ang sarili. Pagkakataon na sana niya na iyon pero naduduwag naman siya. Huminga muna siya ng malalim bago ini-on ang PC para masimulan na niya ang trabaho. Kailangan niyang mag-research nang mga katanungang maaaring sagutin ng llaking iyon na hindi pa nalalaman ng mga tao. Minsan na rin niyang tiningnan iyong unang magazine na pin-published ni Chin-Chin at parang hihimatayin yata siya sa mga tanong doon kay Mr. Drake Rafael Elizalde Fortalejo. Kung iyon ang susundin niya ay baka hindi pa man niya nakakaharap ang lalaki ay bigla na lang siyang himatayin. Sa pagkakaalam niya ay napapayag lang ni Miss Chin-Chin na ma-interview dati ang lalaki sa pamamagitan ni Miss Jenina Montemayor na ngayon ay asawa na ng lalaki. The Fortalejo’s were a private person kaya napakahirap nitong gagawin niya. Lalo na at may nakaraan pa sila ng taong gustong interview-hin niya. Five years is long enough, yes. Pero paano kung mamukhaan siya nito? Paano kung malaman nito na nagbunga ang isang gabing iyon na may nangyari sa kanila? Paano kung kukunin nito ang mga anak niya sa kaniya? No. Hindi. Walang nakakaalam dito sa opisina na may mga anak na siya maliban kay Francheska at kay Ma’am Sunny kaya kung hindi magsasalita ang dalawa ay walang makakaalam. At kampante siya na hindi magsasalita ang dalawang iyon tungkol sa pagkatao niya. Shit! Bakit ba niya iyon iniisip kung hindi naman niya ito i-interview-hin talaga? Kunwari lang naman itong gagawin niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo at napatitig siya sa screen ng kaniyang computer habang naglo-load ang site na binuksan niya. Sa pagkakaalam niya ay wala pang matinong interview ang lalaki. Sa mga pictures nito sa website ay puro mga stolen shots pa kaya kapag nagkataon na mapapayag niya itong magpa-interview ay ang company nila ang kauna-unahang publishing house na makasalamuha in person ang mailap na doctor na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD