Chapter 2: Twins

1641 Words
"MAMA!" Kaagad na sumilay ang mga ngiti sa mga labi ni Mirathea nang marinig niya ang tili ng kambal. Kakababa pa lang niya mula sa traysikel na sinasakyan. At sa pag-angat ng kanyang paningin ay nakita niya ang mga anak na nag-uunahan sa pagtakbo palapit sa kanya. "Hey, dahan-dahan lang." Malamyos ang boses niyang saway sa mga anak bago pa man ang mga ito nakarating sa harap niya. Nag-squat kaagad siya at niyakap ng mahigpit ang dalawa. Pinugpog naman ng mga ito ng halik ang kaniyang buong mukha. Mas lalong lumawak ang mga ngiti niya. Kahit anong stress talaga niya sa trabaho ay mawawala talaga kapag nakikita at nayayakap na niya ang mga anak niya. Her Summer Hope and Winter Faith. They are her source of strengths, her happy pill and at the same time her weaknesses. Lahat gagawin niya para sa mga anghel niya. "Behave ba kayo kay Ninang Carla niyo, hmm?" tanong niya sa dalawa. Pinsan niya si Carla, in her father side. Magkapatid ang Mama nito ang Papa niya. At kapag pumapasok siya sa trabaho ay iniiwan na muna niya ang dalawa sa babae lalo na kapag walang klase ang mga ito. Nasa preschool pa lang ang kambal kaya isang oras lang ang klase ng mga ito. May anak din kasi ang pinsan niya na kaedaran lang din ng kambal at magkaklase rin ang mga ito kaya kapag sinusundo ni Carla ang anak nitong si Cedric ay isinasama na rin nito ang mga anak niya. "Opo naman, Mama. Behave kami ni Faith. 'Di ba, Faith?" sagot ni Hope. Pero nakita naman niyang pa-simpleng pinandidilatan nito ng mga mata ang kakambal kaya alam niyang nagpapasaway na naman ang mga ito. Sigurado siyang may kalokohan na namang ginawa itong dalawa. Si Winter Faith ang kanyang bunso dahil ito ang unang lumabas nang ipinanganak niya ang mga ito. Si Summer Hope naman ang panganay na limang minuto lang ang tanda sa kapatid. Hindi man niya maintindihan kung bakit mas nakatatanda ang huling lumabas kapag kambal ang anak dahil kung tutuusin dapat mas nakatatanda iyong unang lumabas. Pero iyon ang sabi ng mga matatanda na kapag nanganak ka ng kambal o triplets, ang mas nakakatanda talaga ay iyong huling lumabas sa sinapupunan. "Opo, Mama," ani Faith pero hindi naman makatingin sa kaniya at kita niya pa ang pamumula ng pisngi nito. Lihim siyang napangiti. Alam na alam talaga niya kapag nagsisinungaling ang bunso niya. Pero hinayaan na lang niya muna. Noong isang araw ay nasermunan niya ang mga ito dahil may sinuntok si Hope na kaklase. Mataba at mas malaki iyong kaklaseng naka-away ni Hope kaya naging dehado ang anak niya. Nang makita naman ni Faith ang kapatid nitong dehado na ay sumali rin ito kaya ang ending pinatawag siya kinabukasan ng principal sa paaralang pinapasukan ng mga ito. "Nasaan pala si Ninang Carla niyo?" tanong niya. Hahayaan na muna niya ang dalawa at hindi na lang muna niya sisitahin sa ngayon. "Nandoon po sa loob," ani Faith sabay turo sa may hindi kalakihang bahay na gawa sa bato nina Carla. "Nagluluto po siya, Mama." dugtong pa nitong sabi. Tumayo siya at nakangiting ginulo niya ang buhok nito na ikinangisi lang nito. Lumabas tuloy ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito. Minana nito iyon sa kaniya pero aside sa biloy nito ay wala na dahil nasa ama na nito ang lahat pati kulay ng mga mata nito ay sa ama pa rin ng dalawa. Her blue eyes are like the shade of a deep blue sea. Sa bawat titig niya rito ay para siyang nilulunod ng mga iyon kagaya ni--- Agad niyang ipinilig ang ulo at binalingan ng tingin si Hope. Wala itong minana sa kaniya kaya kung ngingiti ang dalawa ay madali lang tukuyin kung sino si Hope dahil wala itong mga biloy sa pisngi unlike kung seryoso ang mga ito. Hindi mo sila makikilala kapag hindi mo talaga sila lubusang kilala. "Hali na kayong dalawa puntahan natin si Tita Ninang niyo at ng makapagpaalam na tayo." aniya at inakay na ang dalawa papasok ng bahay para puntahan ang pinsan niyang si Carla. "Tita Ninang, nandito na ang maganda naming Mama!" Sabay na sigaw nang dalawa na ikinailing niya. Ang bata-bata pa pero marunong ng mambola. "Oh! Mirathea, mabuti at nandito ka na." ani Carla habang abala sa paghahain nang makapasok siya sa loob ng kusina. "Tamang-tama at maghahapunan na tayo at bawal tumanggi." inunahan na kaagad siya nito. Lagi kasi siyang tumatanggi kapag naabutan niya ang mga itong kumakain na. "Hello, Tita Thea." Bati sa kaniya ni Cedric na kaagad lumapit sa kaniya at nagmano. Napangiti siya. "Hi, Cede," aniya at ginulo pa niya ang itim at malambot nitong buhok. “Halika na po, kakain na po tayo.” yakag sa kaniya ng bata. Wala na rin siyang nagawa nang hilahin na siya nito paupo sa harap ng hapag. Nakita rin niyang magkatabi na ring nakaupo ang kambal kaya naiiling na naupo na lang din siya sa tabi ni Faith. Matapos nilang kumain ay ilang minuto pa silang nanatili at nakipag-chikahan pa siya sa pinsan bago nagpaalam ditong umuwi na sila ng mga anak niya. Nang makauwi sa apartment nila ay kaagad niyang pinunasan ang kambal para makapagpahinga na ang mga ito dahil may klase na bukas. She tucked them first in their bed and read their favorite stories. Napangiti na lang siya nang matapos niyang basahan ng kuwento ang mga ito ay nakatulog na kaagad ang dalawa. "Goodnight babies," aniya at dumukwang at isa-isang hinalikan niya ang mga ito sa noo bago nahiga sa tabi ni Faith. They shared in one room, hindi lang sa isa lang ang kuwarto ng apartment na inuupahan nila kung 'di mas gusto niyang katabi ang kambal sa pagtulog at sa paggising niya sa umaga ay ang mga anak kaagad ang makikita niya. Limang taon na mula ng mangyari ang kahibangan niya. Ang pagpapaubaya niya sa lalaking lasing na lasing at hindi niya talaga lubusang kilala. Nang umagang iyon ay parang binagsakan siya ng langit at lupa nang mabasa niya ang sulat na iniwan ng lalaki sa kaniya, mabuti na lang at naroon pa si Jenny at hindi siya nito iniwan pero hindi rin niya nagawang ipaalam sa kaibigan ang nangyari sa kaniya dahil siguradong tutuktokan talaga siya nito. Sabay pa rin silang umuwi ng Maynila. Ginawa pa rin niya ang dapat niyang gawin para maka-graduate pero tatlong buwan bago siya makapagtapos ay nalaman niyang buntis siya. Nalaman din kaagad ng mga magulang niya at galit na galit ang mga ito sa kaniya lalong-lalo na ang Papa Carlos niya. Halos maglumuhod siya sa pagmamakaawa na 'wag siya nitong palayasin dahil wala siyang ibang mapupuntahan pero parang bingi ang Papa niya. She stayed outside their house until morning, nagbabasakali na maaawa ito sa kanya pero hindi talaga nito binuksan ang pintuan hanggang sa naabutan na lang siya ng umaga sa labas ng bahay nila. Nang lumabas ito para pumasok sa trabaho ay hinarang niya ito kahit na hinang-hina na siya dahil sa sobrang panlalamig. Pero sinabihan lang siya nito na tatanggapin lang siya nito ulit kung ipapalaglag niya ang mga anak na nasa sinapupunan pa niya. At kung hindi ay tuluyan na siyang lumayas. But obviously she chose the latter dahil hindi niya kayang pumatay ng isang inosenting bata. Nagkamali na siya nang ibigay niya ang sarili sa lalaking kakakilala niya pa lang at hindi na niya dadagdagan ng isa pang pagkakamali ang ginawa niyang iyon. They are her flesh, her own blood kaya kahit na ano pa ang mangyari ay pipiliin at pipiliin pa rin niya ang mga anak niya. At ang decision niyang iyon ang kailanman ay hindi niya pinagsisihan dahil nagkaroon siya ng dalawang anghel at kung papipiliin man siya ulit, ito pa rin ang buhay na meron siya ngayon ang pipiliin niya kahit na ba magalit na ang lahat sa kanya ay okay lang. Kakayanin niya, basta may Faith at Hope siya na nasa tabi niya. Kahit na magkakandakuba pa siya sa pagtatrabaho ay hindi niya iyon alintana. Bumangon siya at binuksan ang maliit na drawer niya kung saan nakatago iyong sulat at cheque na iniwan ng ama ng mga anak niya matapos siya nitong angkinin ng gabing iyon. Hanggang ngayon nandito pa rin iyong sakit, iyong pakiramdam na ginawa siyang p*** ng taong unang minahal niya. Pero kasalanan naman niya iyon. Alam niyang hindi siya gusto nito dahil may girlfriend ito pero iyon nga, nagpaubaya pa rin siya. Nang gabing iyon ay siya ang matino kaya siya dapat ang sisihin ng lahat. At sa limang taon na iyon ay pilit niyang kinakalimutan ang lahat pero sa tuwing tinititigan niya ang mga anak niya ay parang bumabalik sa kanya ang lahat. Lahat ng sakit at awa para sa sarili. Bumuntonghininga siya at ibinalik sa nilagyan niya ang mga bagay na itinuring niyang alaala sa ama ng mga anak niya. Hindi naman niya masisisi ang lalaki dahil siya rin naman ang may kasalanan. Bumalik siya sa kama at humiga sa tabi ng mga anak, tumagilid pa siya at itinukod ang siko sa kama, pagkuwan ay ipinatong niya ang kanyang ulo sa palad at pinagmasdan ang mga anghel niyang mahimbing ng natutulog. "Mahal na mahal ko kayo... mahal kayo ni Mama at nandito lang si Mama palagi sa tabi niyo," sabi niya at hinalikan si Faith sa gilid ng ulo nito. Inabot naman niya ang pisngi ni Hope at marahang hinaplos ng likod ng mga daliri niya ang malambot nitong pisngi. Kahit kailan ay hindi niya pinagsisihan ang nangyari. Siguro nalulungkot lang siya dahil sa pagkasira sa relasyon niya sa mga magulang lalo na ang pagkamatay ng kaniyang ina. Pero never niyang ikinalungkot ang naging decision niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis niya noon at kahit na anong mangyari hindi niya hahayaang may manakit sa mga anak niya. Her twins. Her precious twins.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD