Chapter 1: Baby

1674 Words
"BESTIE!" Mula sa screen ng kaniyang computer desktop ay nag-angat si Mirathea ng tingin sa babaeng kapapasok pa lang sa kanilang opisina. Mukhang kararating lang nito, sa kung saan na naman ito galing ay hindi niya alam. The perks of being a novelist. Makararating sa kung saan-saang lugar na mapagkuhaan ng inspiration ng mga ito. Francheska Escobar is her co-worker at naging matalik na rin niyang kaibigan sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho niya sa Media Global Corp., bilang isang junior article writer. Isa rin itong writer pero magkaiba nga lang sila ng sinusulat. Dahil siya forte niya ang magsulat ng mga article tungkol sa mga prominent people like businessman, businesswoman, artist, mga actor at actresses so on and so forth basta may kinalaman sa show business. Ito naman ay mga novel ang mga sinusulat nito. Different genres, pero mas pinagtutuunan nito ang erotic-romance. Marami kasi itong kilig sa katawan at sobrang likot din ng isip nito. Minsan na nga rin siyang naaadik sa mga nobelang sinusulat nito. Nang tuluyan na itong makalapit ay kaagad nitong inilagak ang sarili sa puting monobloc chair na nasa harap ng desk niya. "Bakit?" tanong niya sa babae at ibinalik ang tingin sa screen ng kanyang computer at ipinagpatuloy ang ginagawa. Busy kasi siya sa paghahanap ng bagong prospect niya na isusulat dahil kailangan niyang makahanap ng taong puwede niyang i-feature. Iyong papatok talaga sa market dahil kung hindi ay baka itakwil na siya ng kumpanya. O 'di kaya ay mapipilitan siyang tanggapin ang inalok sa kanya ng kanilang Senior editor na si Ma'am Sunny kahapon... "Thea may bagong assignment akong ibibigay sa'yo," sabi ni Ma'am Sunny sa kaniya. Kararating lang niya sa opisina nang ipinatawag siya nito. "Ano po iyon, Ma'am?" Nagbuntonghininga ito. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa maaaring ipagawa nito sa kaniya. "Alam mong nagkasakit si Chin-Chin, 'di ba?" tanong nito habang matamang nakatitig sa kaniya. Naiilang na tumango naman siya. Nakaka-intimidate kasi ang mga tingin nitong ipinupukol sa kaniya. "At hindi puwedeng ma-delay iyong ginagawa niyang article tungkol sa Top 10 rare business genius in Asia dahil ginugulo na tayo ng mga tao tungkol doon. At naisip ko na ikaw muna ang hahalili sa kaniya habang hindi pa siya bumabalik. At alam kong ikaw lang ang makakagawa nito dahil next to Chin-Chin ay ikaw ang pangalawang magaling na news writer dito sa company natin." mahabang paliwanag nito sa kanya. Huminga siya nang malalim bago tumango. Yeah! Pangalawa, a second choice. But she wasn't bitter about Chin-Chin dahil deserved naman ng babae na maging first choice. Ilang taon na rin ito sa kumpanya samantalang siya ay pangalawang taon pa lang niya ngayong taon. "Who's next?" tanong niya sa babaeng boss nila. Ang alam kasi niya ay tapos ng isulat ni Chin-Chin ang number 1 rare business genius in Asia. Hindi pa nga lang iyon nai-publish sa market dahil sa pagkakasakit ni Chinny a.k.a Chin-Chin. Tanging excerpt pa lang ang na i-published nito pero bilyones na kaagad ang kinikita ng kumpanya. Halos daan-daang libong magazines ang nailalabas nila kada-buwan mula nang mailabas sa market ang excerpt ng sampung kalalakihan na tinaguriang 'the rare business genius' in Asia. "A certain rare business genius, Heart surgeon/Psychologist Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo." Parang nabingi siya sa sinabing pangalan ni Ma'am Sunny. Natigagal na lang siya nang araw na iyon at hindi na nakapag-salita pa. "Hey, bestie are you with me?" untag ni Francheska sa kaniya, pumitik pa ito malapit sa mukha niya na nagpakislot sa kaniya at nabalik siya sa kasalukuyan. Napatingin siya sa kaibigan. "Uh, oo. Ano nga ulit iyong sinabi mo?" Ngumiwi ito at pinagtaasan siya ng isang kilay. "May problema ka ba?" tanong nito at matiim siyang tinititigan. Isa rin ito sa mga treats ng babae. Ang madaling malaman ang problema niya o may bumabagabag sa kaniya sa isang titig lang nito sa kaniya ng matiim. Umiling siya. "Wala." pagsisinungaling niya. Ayaw na muna niyang magsalita. Saka na lang niya rito sasabihin ang pinoproblema kapag nangyari na ang mga kinatatakutan niya. "Just tell it to me if you're ready," sabi na lang nito. She sighed and nodded her head. "Anyway, let's go back to what I've said a while ago. Papasok ako bilang prostitute sa isang Elite bar." Napakunot ang noo niya sa huling sinabi nito. "Wait, prostitute?" she asked, kinaklaro kung totoo ba ang narinig niya. Nang tumango ito ay mas lalong nangunot ang noo niya. Naniningkit din ang mga matang tintitigan niya ito. "Ano na naman ba ang pinaplano mo, Fran?" Pabulong niyang tanong sa kaibigan. Tumingin pa siya sa mga kasamahan nila baka narinig ng mga ito ang sinabi niya. Nang makitang wala naman ang mga itong pakialam at nakatutok lang sa trabaho ng mga ito ay bumalik ang tingin niya sa kaibigan. Kailan man ay hindi niya maisip gawin ang pumasok sa ganoong trabaho kahit naghihirap pa siya. Lalong-lalo naman itong babaeng ito na nasa harapan niya. Hindi ito mayaman pero sa pagkakaalam niya kumikita naman ito. Mas malaki pa nga sa kinikita niya buwan-buwan. "Nothing, I just want to---" Tiningnan niya ito ng masama na ikinatigil nito sa pagsasalita. "I know that look. It's not what you think, okay? At alam mo iyon." Mariin nitong wika na ikinahinga naman niya ng maluwang. Damn. Akala niya magpakababa na ito. But still, hindi pa rin tama ang iniisip nito. Isang kabaliwan iyon. "Nababaliw ka na ba?" Nanlalaki ang mga matang sita niya rito. "I know. I know na sasabihin mo na naman na 'anong nakain mo at papasok ka sa ganyang bagay na ikakapahamak mo'." anito at ginagaya pa ang madalas niyang sabihin at gestures niya sa tuwing may gagawin itong hindi kaaya-aya sa pandinig niya. And yeah, that's her line kapag may naisip na naman itong kalukuhan, iyon palagi ang sinasabi niya rito. Gusto kasi nitong maranasan din ang buhay ng mga bida ng mga isinusulat nito. Ang lagi naman nitong katuwiran sa kaniya, mas madaling magsulat ng mga bagay-bagay kapag alam nito ang mga nangyari at nararanasan nito talaga ang mga iyon. "Sinuportahan kita nang pumasok ka bilang katulong. Nagmadre ka, nag-undercover, naging waitress, lahat ng iyon sinuportahan kita pero this time, hindi na ako sasang-ayon d'yan sa pinaplano mo. Hindi na tama iyon at natatakot akong mapahamak ka. Ni hindi mo nga alam kung anong mayroon sa loob. My God! Fran, nag-iisip ka pa ba?" mahabang sermon niya sa kaibigan. Hindi kasi niya makalimutan iyong huling pinasok nitong trabaho. Isang waitress ng mamahaling restaurant kasi ang bida ng kuwentong isinusulat nito at nag-apply rin ito sa trabahong iyon. Pero maraming bastos na costumer ang restaurant na iyon kaya madalas itong napapahamak. How much more this time? Kung isang club na talaga ang gustong pasukin nito at ang malala ay magiging prostitute ang trabaho? Maano ba at magsulat na lang ito ng walang ganyanan? Oo nga't napakaganda ng mga nobela na isinusulat nito pero siya ang natatakot para rito kapag may isusulat na naman ito. Dahil sa gusto talaga nitong maranasan ang ganoong bagay na kung ano ang gagawin ng bida ay siya ring gagawin nito. Goodness! That was an insane thought! "Kaya ko nga papasukin, 'di ba? Para malaman ko kung gaano kahirap ang ganyang trabaho." Katuwiran pa nito. Umiling-iling siya. No. She will not support her on that. "Quit it, Fran. I won't tolerate you this time," galit niyang turan sa kaibigan. "Sige na, busy ako sa paghahanap ng bagong prospect." pagtataboy niya rito at humarap ulit sa screen ng computer. Alam din naman nito ang problema niyang iyon. Narinig naman niya itong bumuntonghininga bago tumayo. Ramdam pa niya ang matagal na patitig nito sa kaniya pero hindi na talaga siya tumingin pa rito. Natatakot siya na makita ang malungkot nitong mukha at baka papayag na lang siya bigla sa gusto nito. Iyon kasi ang ginagamit nitong taktika para pumayag siya. But not now. Hinding-hindi na niya ito kukunsintihin. "Naiintindihan kita Thea, pero talagang gusto ko ito." Malungkot at nagpapaunawang sabi nito, pagkuwan ay tumalikod na, pero ilang hakbang pa lang ay tumigil ito at humarap ulit sa kaniya kaya nag-angat na rin siya ng tingin dito. Napanguso siya. Hindi talaga niya ito matitiis. "Naiintindihan kita, Fran, but do you really need to do that? Puwede ka naman sigurong mag-interview na lang ng mga babaeng ganoon ang mga trabaho, 'di ba?" Malumanay niyang suhestiyon dito. "Iba kasi kung personal experience talaga at alam mo iyan." Yeah. She knows that. Isa rin siya sa mga taong may ganyang ugali na hindi basta-basta naniniwala hangga't hindi niya na-e-experience o di kaya'y nakikita. They were both a realist. She sighed heavily. Hindi talaga maganda ang nararamdaman niya sa trabahong gusto nitong pasukin ngayon. Pero ano ba ang magagawa niya kung hindi naman niya hawak ang pag-iisip nito? Marahang tumango na lang siya at tipid na nginitian ito. "Anyway, send my regards to them and please tell them I will visit them soon," anito at tuluyan ng tumalikod sa kanya. Sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng opisina nila. Napapikit siya nang mariin pagkuwan ay napayuko. Hindi talaga niya gusto ang papasukin nitong trabaho kahit isang pagpapanggap lang iyon. Pero ano ba'ng karapatan niya para husgahan ang ganoong trabaho? Wala. Wala siyang karapatan para maliitin ang ganoong klaseng trabaho. Being on that kind of work is not so easy. At alam niyang hindi lahat nang mga babaeng pumasok sa ganyang trabaho ay masama ng babae. Ang iba ay napipilitan lang. Iyong iba naman, kawalan ng edukasyon kaya kumapit sa patalim para mabuhay at iyong iba ay biktima naman ng mga taong walang puso. Pero ang talagang ikinalulungkot niya ay iyong mga taong tamad na magtrabaho kaya sa halip na magbanat ng buto ay pagbebenta ng laman ang pinasukan. Nag-angat lang siya ng ulo nang mag-ring ang phone niyang nakapatong sa kaniyang mesa. Napangiti siya at lumukso ang puso niya sa saya nang makita ang pangalan ng kanyang caller. "Yes baby?" she answered. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang marinig niya ang boses nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD