Prologue

2544 Words
"THEA, gusto mo bang sumama sa akin?" Kunot ang noong nag-angat ng tingin si Mirathea sa kaibigan niyang si Jenny, her best friend since first year college. Nasa canteen silang dalawa at kasalukuyang nagme-meryenda. Pareho na silang nasa 4th year college pero magkaiba lang sila ng kurso. BS in Biology ang kinuha ni Jenny habang siya naman ay AB in Creative Writing. Gustung-gusto niya talaga ang magsulat kaya iyon ang kinuha niyang kurso. Ito naman ay gustong maging isang doctor. They were extremely different in so many aspects, kaya marami ang nagtataka kung bakit naging kasundo niya ang dalaga. "Where are we going this time?" she asked while sipping her milo. Lagi kasi siya nitong sinasama kapag may out of town trip ito but of course related naman sa studies nito. "Sa Davao. 'Di ba may three months kayong dapat nasa field dahil kailangan mong makakuha ng puwede mong i-feature para sa writing skills niyo?" Tumango-tango naman siya. Required kasi nila iyon sa isang subject. Parang field study kumbaga. Kailangan nilang makagawa ng isang article bago sila maka-graduate. "Uh-hu. And?" Mirathea queried. "Then, tamang-tama. Sumama ka sa amin dahil marami kang puwedeng i-feature doon sa lugar na pupuntahan namin. May medical mission kasing gagawin doon sa isa mga baranggay roon at isa ako sa mag-volunteer." Nagniningning ang mga matang sabi nito. Kaya bigla ring napukaw ang interes niya. Ayon sa magazine na nabasa niya o kahit nga sa internet, Davao is one of the best places here in Philippines. Marami rin na mga magagandang tourist spot na puwedeng puntahan sa nasabing lugar. "Wow! Talaga?" tuwang-tuwang tanong niya sa kaibigan. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na taga-roon ang dating Presidente ng Pilipinas na talagang hinahangaan niya sa dami ng nagawa nito sa bansa sa loob ng anim na taong pagseserbisyo nito. Excited namang tumango-tango ito. Ngayon lang din kasi nangyari na lalabas sila ng Luzon at ang mas nakakaganda pa ay sa Mindanao sila pupunta. "Sige ba," pagpayag kaagad niya. Pagkauwi niya ay agad siyang nagpaalam sa Mama at Papa niya. Pinayagan naman siya ng mga ito dahil tungkol naman daw iyon sa kanyang pag-aaral. PAGKALAPAG nang eroplanong kanilang sinakyan sa Davao Airport ay buhay na buhay na kaagad ang dugo niya sa sobrang excitement. At pagkalabas niya ng eroplano ay sinuyod kaagad ng kanyang paningin ang kabuuan ng Airport. Alam niyang hindi malaki katulad ng sa Manila Airport pero maganda ang tanawin kaya nagpa-picture kaagad siya at kinuhanan ng litrato lahat ng makikita niya. Lalong-lalo na ang malaking Durian na nakaukit sa may waiting area. Manghang-mangha siya sa ganda ng pagkakaukit n'yon. Puwede niyang i-feature iyon sa gagawin niyang magazine pagkauwi nila ng Maynila. Tumuloy sila sa Dusit Thani Residence Davao, isa sa mga luxurious hotel dito sa Davao city. Well, ano pa nga ba ang inaasahan sa isang mayamang katulad ni Jenny Dela Vera? Hindi siya mayaman katulad ng kaibigan pero hindi naman sila mahirap. Kumbaga nasa middle class lang sila. Isang elementary teacher ang Mama niya at isa namang engineer ang Papa niya at kasalukuyang nagtatrabaho ito sa SG Steel Enterprises. Gustung-gusto nga ng Papa Carlos niya na mag-engineer din siya pero ayaw naman niya. Hindi naman siya nito pinilit at sinusuportahan siya sa kursong gusto niya. Nasa lobby na sila ng hotel nang makita nilang nagkagulo ang mga tao sa may entrance. Maraming taga-media na panay ang kuha ng photos sa kung sinuman ang pinagkakaguluhan ng mga ito. May mga men in black din at security guard ng hotel na panay ang hawi sa mga tao para makadaan ang taong iyon. May VIP siguro o di kaya'y artista ang nag-check in. Pero ganoon na lang ang pagkakatulala niya nang makita ang matangkad na lalaki at parang hari na naglakad sa gitna ng hallway ng hotel. Napalibutan ang lalaki ng mga tao kasama ang mga men in black nito pero nag-stand out talaga ito sa paningin niya. Magkasalubong ang makakapal na kilay nito. His eyes were very serious. But deep inside her young heart, alam niyang ang lalaking gaya nito ay ang tipong kaibig-ibig. Kung ang mga kaklase at kaibigan niya ay ang tipong boy next door ang mga gusto, siya hindi. She liked mature-looking men. Iyong mga tipong pambida sa action-drama films ang dating. And the man walking in their direction was the epitome of her dream man. "OMG...It's Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo," impit na sabi ni Jenny sa kaniyang tabi. Napangiwi pa siya nang lapirutin nito ang braso niyang hawak-hawak na pala nito. Hindi siya nakapagsalita at nakamata lang sa lalaki. Halos himatayin siya sa sobrang pagkabog ng dibdib niya nang malapit na ang lalaki sa kinaroroonan nila. Hanggang sa lumampas na ito sa kinatatayuan nila ay wala pa ring kakurap-kurap na nakasunod lang siya ng tingin sa lalaki hanggang sa nakapasok na ito sa loob ng elevator. But she gasped when their eyes met unexpectedly, parang tumigil ang mundo niya at tila wala siyang ibang nakikita sa kaniyang paligid kundi sila lang dalawa. Shit! He has a pair of blue eyes! Then the elevator door closed. "Ang guwapo talaga niya, no?" "Oo nga, sulit talaga ang bakasyon ko rito." "Akalain mong dito pa natin makikita ang isa sa pinakamayaman ng buong Asia?" Narinig niyang sabi nang mga kababaihan. Kahit ang dalawang receptionist ng hotel ay makitaan din niya ng sobrang paghanga sa lalaking iyon. Iyong mga reporter naman parang nanghihinayang na hindi man lang nakakausap iyong lalaki. "Guwapo si Dok, ano?" untag sa kaniya ni Jenny at bahagya pa siyang siniko. Malaki ang ngising nakapaskil sa mapupulang mga labi nito. "Kilala mo iyon?" curious niyang tanong sa kaibigan. "Of course. Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo is a well-known Heart surgeon/ Psychologist/ Businessman. He is Dr. Arken Lawrence Elizalde Fortalejo." Wow! Iyon ang unang naisip niya tungkol sa lalaki. Hindi lang pala guwapo at mukhang action star ang lalaki. Mayaman din ito at panigurado matalino ito base na rin sa propesyon nito. At hindi na rin siya magtataka kung bakit kilala ito ng kaibigan niya. Isa rin kasi ang pamilya ni Jenny sa mga mayayaman ng bansa kaya siguradong nakakasalamuha na nito ang lalaking iyon. "Don't worry, tomorrow makilala natin siya dahil isa siya sa head ng mga doctors na nagme-medical mission dito. Let's go? I sooo.. want to rest na." anito at dinampot na ang gamit nito. Wala naman sa sariling tumango na lang siya. Pagkarating nila sa 3rd floor ng hotel ay kaagad niyang hinanap ang room number niya, magkatabi lang naman sila ng room ni Jenny. Kinabukasan ay maaga siyang nagising o mas tamang sabihin ay hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip niya sa doctor na iyon. Parang nalukring yata lahat ng brain cells niya dahil every time na pipikit siya ay ang emotionless yet napakaguwapong mukha ng lalaking doctor na iyon ang makikita niya. Lalong-lalo na ng magtama ang mga paningin nilang dalawa. "Are you okay?" tanong sa kaniya ni Jenny. Panay kasi ang hikab niya. Nasa loob na sila ng inarkilang bus at magkatabing nakaupo sa may likuran. Napagpasyahan kasi ng mga volunteers na sa iisang sasakyan lang sila sasakay kaya umarkila ang mga ito ng bus para sama-sama na silang tumungo sa kung saan gaganapin ang medical mission. "Medyo. Hindi kasi ako nakatulog kagabi." Pag-amin niya at iniling-iling pa ang ulo para mawala ang antok niya. "And why is that?" Mataman pa siya nitong tinititigan. Umiling naman siya at nag-iwas ng tingin dito. "Okay. Anyway, hindi lang naman ikaw ang unang babaeng hindi nakatulog pagkatapos masilayan si Dr. Fortalejo." Muntik na siyang masamid ng sariling laway sa tinuran nito. Nilingon niya ito pero nakapikit na ang mga mata nitong nakasandal sa inuupuan ngunit nakapaskil naman ang mapang-asar nitong ngiti kaya mahina niya itong nahampas na ikinatawa lang nito ng malakas. Namumula ang mukhang sinaway niya ito dahil nakatawag pansin na ito sa ibang mga volunteers. Their day went well, mas nakilala niya kung sino si Doctor Arken Lawrence Elizalde Fortalejo. Unang araw pa lang ay sobrang daming tao na ang dumagsa para magpapa-check-up pero hindi niya ito nakitang napagod o narinig na nagrereklamo at sa tingin nga niya ay nag-e-enjoy pa ito. Sa pagdaan ng mga araw hanggang sa malapit na silang umuwi ng Maynila ay siyang patindi nang patindi rin ng kaniyang nararamdaman kay Doc. Arken. Yes, she's hopelessly in love with him. Lagi siyang tinutukso ni Jenny dito kahit pa kaharap niya ang Doctor. Noong unang tinukso siya dito ng mga kasamahan ay parang himatayin na siya sa sobrang pagkapahiya pero tipid lang na ngumiti si Doc. Arken. Kung sabagay alam naman niyang wala lang talaga iyon sa lalaki dahil bukod na sanay na itong maraming nagkakagusto rito ay may girlfriend na ito na mahal na mahal nito. Nalaman niya rin iyon sa kaibigan na nang-i-i-stalk pa, para raw sa kaniya. Halos masuka siya sa sobrang sakit nang kaniyang nararamdaman every time na maisip niya na may girlfriend na ito. Na malabo talagang maging sila o di kaya'y mapansin man lang siya nito. "Today is our last day here. May party mamaya para sa atin sa function hall sa loob ng hotel na tinutuluyan natin." sabi ng isa sa mga head doctors. Naghiyawan naman lahat ng mga volunteers pati na rin ang iba pang mga doctors. "That's more like it." Hiyaw rin ng kaibigan niya. Jenny loves party, going in the club or partying on the beach unlike her na gusto lang na nasa bahay at magsusulat ng kung anu-ano. That's one of her hobbies. Hindi nga niya alam kung bakit nag-click ang friendship nilang dalawa. Nasa loob na siya ng kaniyang silid na inuukupa. Katatapos lang niyang mag-impaki ng kaniyang mga gamit nang maisipan niyang tingnan ang mga pictures sa iba't ibang lugar na napuntahan niya. May mga videos din doon sa mga taong nahingan niya ng interview tungkol sa mga beautiful places na gusto niyang gawan ng article at iyon ang gagawin niya kapag nakabalik na siya ng Maynila. Napaangat ang kaniyang tingin sa pintuan nang may kumatok doon. Kasunod niyon ang boses ni Jenny. "Thea, let's go bababa na tayo." "Okay." Tipid niyang sagot at kaagad in-off ang camera. Isinilid na muna niya iyon sa kaniyang maleta bago lumabas ng hotel suite niya. Nang makababa sila ni Jenny ay marami na ang mga taong nasa function hall ng hotel. Marami na rin ang mga kasamahan nilang volunteer ang nandoon pero hindi pa niya nakikita si Doc. Arken. Nasaan na kaya siya? "Thea, dito na muna ako, ha?" Tumango lang siya sa kaibigan at naupo sa may bakanteng upuan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa kabilang mesa na maraming kalalakihan, mga doctors din. The party became wild nang tumuntong ng alas dyes ng gabi. But still, Dr. Arken Lawrence is nowhere to be found. The doctor doesn't show up, and she wonders why? "Pupunta ba si Doc. Arken?" Narinig niyang tanong ng isang babae sa kabilang mesa. Kaya kaagad nabaling ang tingin niya roon. May apat na kababaehan na naroon at pinag-uusapan nito si Dr. Fortalejo. Ang taong kanina pa niya gustong makita kahit na sa huling pagkakataon man lang. Alam naman kasi niyang hindi na niya ito makikita pa kapag nakabalik na sila ng Maynila. "Siguro," "Sana nandito siya, para hindi naman masayang itong pagpapaganda ko." ani nang isa pang babae na panay ang hawi sa hanggang balikat nitong buhok. "Spell ASA!" sabi noong babaeng kulot ang buhok pero may magandang mukha, black beauty nga lang. "Truely. Hindi ka papansinin no'n dahil may girlfriend na iyon. CR muna ako, sama kayo?" tugon ng isa pang babae at tumayo. Bumuntonghininga na lang siya at tumayo rin. Siguro hindi na iyon pupunta dahil hating gabi na. Tiningnan niya si Jenny at mukhang nag-e-enjoy pa ito kaya nauna na lang siyang umakyat sa itaas. Nagpadala na lang siya ng text message rito na nauna na siyang umakyat, medyo pagod na rin kasi siya. Sanay naman siya sa puyatan pero hindi sa ganito. Nang makarating sa third floor ang elevator na sinakyan niya ay nagbago ang isip niya kaya hindi siya lumabas nang bumukas iyon. Sa halip ay pinindot niya iyon pasara at nagtuloy-tuloy siya hanggang sa floor kung saan okupado lahat ng mga doctors. Lumabas siya kaagad nang makarating siya roon at bumukas na ang elevator pero nagulat siya nang makita niya si Doc. Arken na pasuray-suray na naglalakad sa may hallway. Lasing ba ang lalaki? Hindi niya alam kung lalapitan ba niya o hindi ang lalaki. Pero nang makitang bigla na lang itong sumalampak sa sahig ay hindi na siya nag-isip pa at nilapitan na niya ito. "Doc. Arken? Okay lang po ba kayo?" tanong niya sa lalaki at kaagad lumuhod para alalayan sana ito. Pero nagulat siya ng bigla na lang siya nitong niyakap. "Doc---." Natigilan siya at kaagad na nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang siya nitong hinalikan sa kaniyang leeg. "Gem, h'wag mo akong iwan, please..." lasing na lasing na sabi nito. Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang pangalang sinambit nito. Marahan niya itong itinulak. "Doc, sandali po. Uh, ihahatid na kita sa suite ninyo." natatarantang aniya at pilit itong inalalayan patayo kahit ang bigat-bigat nito. He groaned and tried to stand up. Mirathea was struggling. Ang bigat nito. "Nasaan po iyong card key niyo?" tanong niya, para makapasok sila sa loob ng suite nito. He groaned again, at pilit hinahanap sa bulsa ng suot nitong pantalon ang key card ng hotel suite nito. Nang makuha nito iyon ay kaagad niya iyong kinuha mula rito at siya na ang nagbukas ng pinto. Pumasok kaagad sila at dinala niya ito sa kama. Inihiga niya ito roon. Pero bago pa man siya nakaalis nang hilahin siya nito at hinalikan. "Damn! Gem, I'll give you everything. I'll promise I'll make time for you...just d-don't leave me." he said while kissing her. Hindi niya alam kung ano na ang sumunod na nangyari, basta ang alam niya ay nagpapaubaya siya. Nagising siya na parang binugbog sa sakit ang buo niyang katawan lalong-lalo na ang gitnang bahagi ng kaniyang mga hita. "Oh my God!" natatarantang sambit niya nang maalala niya ang nangyari sa kanila kagabi ni Doc. Arken. Awtomatikong napalingon siya sa kaniyang tabi pero wala na ito roon. Agad din niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik ang buong silid at indikasyon iyon na wala ng ibang taong naroon kundi siya na lang. Napatulala na lang siya sa kawalan. She's no longer a virgin. But strangely, sa halip na magsisi ay isang ngiti ang nakahugis sa mga labi niya. Mahal naman kasi niya ang pinagkalooban niya ng sarili niya. Ngunit kaagad na naglaho ang mga ngiti niya nang napatingin siya sa may lamiseta at makita niyang may nakatuping papel doon. Kipit ang kumot na nakapalibot sa buong katawan niya at nakangiwing bumaba siya sa kama at dahan-dahang lumapit doon. Kumunot pa ang noo niya nang may makita rin siyang cheque na pinatungan lang ng ball pen. Hindi muna niya iyon pinagtuunan ng pansin at kinuha na muna niya ang nakatuping papel doon at kaagad binasa ang nakasulat. At halos madurog ang puso niya sa sobrang sakit sa sinabi ng lalaki sa iniwan nitong sulat. 'I'm sorry, Miss Vergara. I hope two million is enough. That was my payment for you last night.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD