Chapter 62–Dos at Uno (Ang bagong Yugto)

1893 Words

Chapter 62 FOUR YEARS LATER Bella POV NAGISING ako sa mahinhing halik sa aking pisngi. Unti–uniting bumukas ang aking mga mata, napansin ko ang liwanag na pumapasok sa aking silid. "Good morning, Nanay," masayang bulong ni Uno, at muli akong pinaghahalikan sa mukha. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ang dalawang napaka–gwapo at matabang mukha ng aking kambal, puno ng kasiyahan at pagmamahal. Ang ngiti ni Uno ay puno ng saya at sigla, samantalang si Dos ay nakangiti ngunit tila mas tahimik at malumanay. Ang dalawang batang nagpapasaya sa buhay ko sa araw–araw. Sila ang inspirasyon ko sa pagsusumikap sa buhay. Sa bawat halik at yakap, maaari kong mapansin ang pagkakaiba sa kanilang personalidad. Si Uno ay mas pilyo at palakaibigan, habang si Dos ay mas sensitibo at maalalahani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD