Chapter 63 Bella POV SA INAANTOK kong diwa ay nauulinigan ko na may umuusal sa pangalan ko. "Belle..." Ang tinig ay pamilyar. Naramdaman ko ang banayad na paghaplos ng daliri sa aking pisngi. Isiniksik ko ang aking mukha sa aking mga palad. "Belle, I love you so much!" Usal nitong muli, nagdadala ng kakaibang sensasyon ng kuryente sa aking balat. Hindi ko alam kung saan galing ang tinig na iyon, ngunit tila't humahalo ito sa himig ng hanging dumadampi sa akin. Napaungol ako. Hindi ko gustong magising sa masarap na pakiramdam. Gusto ko ang mga kamay nito'y dalhin sa bawat parte ng aking katawan. Pamilyar ang init ng kanyang mga palad. Naramdaman ko ang matamis na halik sa aking noo, nagdulot ng init sa aking dibdib. "Belle..." bulong ng tinig na puno ng pagmamahal. The voice was soothi

