CHAPTER NINE

3006 Words
POV Michelle Nagising ako sa malawak at may malabot na kumot na kulay berde. Masakit ang aking ulo parang binibiyak. Mabibigat ang mga talukap ng maimulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang magandang chandelier na may limang ilaw. I slightly get up but it gives me headache. Nasapo ko ang noo ko. 'Ugh...' "Hey... Slowly..." Biglang may kamay na umalalay sa akin upang makaupo at makasandig ako sa headboard. Umalingasaw ang mahalimuyak niyang pabango at pamilyar sa akin ang amoy niya. "How long I've been sleeping? Did I faint?" I said it in a hoarse tone to Mary Joy beside me. "Four hours for being sleeping beauty, if I'm not mistaken." "Sakit ng ulo ko." Daing ko. "Here... Chacha prepared this tea. Drink it." May inabot si Mary Joy sa akin na maliit na porselanang tasa. Sinunod ko naman siya. Hindi ako mahilig sa tsaa pero dahil kay Charlene natuto akong inumin iyon at unti-unti ko rin namang nagustuhan, Lalo pa't simula sa mamahalin hanggang sa pina cheap na tsaa ay nalasahan ko na. The taste of the tea, is so relaxing and calming my nerve. Soothing every bit of my worrieness. Masarap at medyo matamis-tamis na may halong kunting pait. "Where's everyone?" Tanong ko. Inilayo ko sa bibig ko ang bukana ng tasa. "In downstairs. They sent me here to watched over you, since I am the most capable to monitor your condition... After that take this medicine it will help relieve your headache." Inabot niya sa akin ang isang tableta ng gamot. Hinintay muna niya maubos ang tsaa ko na iniinom bago palitan ang hawak kong tasa ng isang basong tubig. "Take the medicine." Utos ni Mary Joy sa akin. "you will be fine in a minute." Binalik ko sa kanya ang baso pakatapos kong uminom na inilapag naman sa tray na nakalagay sa bedside table. "I get your food so that you can eat lunch." Tumayo siya sabay bitbit ng tray. "If you need anything just call us. Anyway, saglit lang naman ako kukuha ng pagkain. Magpahinga ka." Tumango ako. "Thank you MJ." "Hmp... No prob." Sagot niya. "Wait!" Napabalikwas ako sa pagkakasandal sa higaan at napahabol ng wala sa oras sa kanya. Sapo ang kumikirot kong ulo hinanap ko ang tsinelas. Nataranta at nagmamadaling isuot iyon. "s**t! Anong oras na?! Pumunta ba si Kevin dito?! Nakakahiya.! My God! I.. I... Need to hurry. MJ. Baka andito na si Kevin! Baka kanina pa iyon. Dapat ginising ninyo ako!." Linampasan ko siya, ngunit napatigil ako ng saglit ng kumirot ang sintido ko subalit agad rin naman nawala kaya nagpatuloy ako. Nakamaang sa akin at nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang galaw ko. "Mauna na ako saiyo sa baba." Nabuksan ko na ang pintuan ng pigilan niya ako sa braso. "Hey! Hey! Hey! You can't leave this room!." "Hindi mo naiintindihan kailangan kong makipag-meet kay Kevin!" Nagsalubong ang kilay niya at napangiwi ng pagkadisgusto dahil sa sinabi ko. "What!! After what he had done to you a while ago. Tumigil-tigil ka nga! Busalan ko kaya ng tasa ang bibig mo, maliit lang ito. Hala! Balik sa higaan. Pagsinabi kong Rest! Rest! Mag-rest in peace ka!. Lintik na.!" Nanlaki ang mga mata ko, napatitig ako sa kanya. Galit ba ito? Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon niya. Naniningkit ang mata niya habang direktang nakatingin sa akin. "B...baka n...naman-" "Shut up! Kung hindi ipapasok na kita sa mental hospital!. Just take a rest before you face him. Gain some energy pero kung gusto mo matuluyan,hayaan mo kami na ang papatay saiyo!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Grabe siya! Oo na wag ka ng magalit diyan." Nanlulumong bumalik ako sa higaan. Narinig ko ang buntong-hininga niya. She seems mad, but she's holding it. "I care, we care for you so please cooperate... Kung inaalala mo si Kevin. Let we handle him." Wika niya bago nagmartsa palabas ng kwarto. Alam kong kakausapin nila si Kevin kung naririto man siya at hindi papalampasin ang nangyari ngayon. Sa katunayan nag-alala ako at hindi ako mapalagay. "Kasalanan ko ito eh... Bakit ba napaka-emosyonal kong tao. Hindi pa ba talaga ako naka-get-over.? But I don't think so Lord. Baka nadala lang ako ng galit ko sa lintik na lalaking iyon. And of course the feeling of being hurt. Lord, wag niyo naman akong pahirapan. Kung ano man ang naging kasalanan ko in my past life. Patawarin niyo na po ako..." Wika ko sa hangin habang nakasalikop ang mga kamay nagbabaka-sakaling marinig ang hiling ko ng maykapal. 'I should try harder to control my emotion.' Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nakalipas ang ilang minuto hindi pa nakakabalik si MJ kaya nakapagdesisyunan ko ng bumaba. May tamang hinala ang nararamdaman ko. Palagay ko ini-interrogate na ng mga kaibigan ko si Kevin. Kailangan ko ng bumaba. Mahihirapan si Kevin sa balahura kong kaibigan. At ayon halos takbuhin ko ang pintuan ng kwarto. *** POV Kevin In a circle full of a beautiful flowers with a sharpest thorn pointing out to me, I assumed I did pester them without my knowledge but the question is in which way? Inayos ko ang kurbata ko habang nanatiling nakaupo. At pinanatiling kampante pa rin ang lagay. Hindi ko alam kung ano ang ganap ng mga kaibigan ni Michelle at kung bakit masasama ang tingin sa akin at pinalibutan ako ng mga ito. Ang masama pa hindi ko na sinama si Kyle. At sa sobrang malas ko ako lang ang costumer na maroon sa Shoujo Elite. Hindi kaya ganito ang akto nila dahil sa nangyari kanina sa opisina ko. Naikwento ba ni Michelle? 'Speaking where is that girl?' Linibot ko ang paningin ngunit wala ang inaasahan kong babae. Tumikhim ako bago ako nagsalita. Matagal na akong okay sa kanila I'd resolved the problem between me and Michelle. I already talked to them. I know they don't really trust me. "I have an appointment here with your friend." "Which of my Friend?" Mula sa likuran narinig ko ang nagsalita kung hindi ako nagkamali si Joan iyon. Hindi na niya iyon nilingon. "Ms. Sanchez." Sagot ko na lang. Mukhang pagsisisihan ko na hindi ko sinama si Kyle. "Hah! Ms. Sanchez daw!" Mapakla na wika naman ni Joyce Nichole na napalakas yata ang pagkakabigkas. Bukod kasi sa akin lahat ng naroon ay napapitlag rin. Napakunot-noo tuloy ako. "Nakakagulat ka.! Pwede ba sumenyas ka naman. Bigla-bigla ka naman d'yan." Inis na wika ni Jeline na katabi nito. Napakamot lang ng buhok ang huli. "Sorry naman." "Anyway, We knows that you looking for her. But unfortunately, hindi namin ipagkakanulo ang kaibigan namin hangga't hindi kami nalilinawanagan sa mga pangyayari kinahaharap ng baliw naming kaibigan." "What do you mean? Anong pangyayari?" Nag-alala kong wika. "Wow, hindi mo alam?!" Sarkastikong wika ni Christine. "Mali yatang pinatawad ka namin noon. Mali yatang nakipagkaibigan kami saiyo. Kahit alam namin masasaktan namin si Mitch. Sa huli nga naman ang pagsisisi. Gusto ka pa naman sana kayo magkabalikan. Kaso kutang-kuta kana." Dugtong naman ni Rossel halata ang malungkot at dismayado ang mukha. "Naniwala kami na kasalanan talaga ng kaibigan namin kaya kayo nag break noon. That we give a second chance to near with here. At lingid iyon sa kaalaman niya." Segunda naman ni Joan. "Hindi naman namin literal na sinabi saiyo na binibigyan ka namin ng second chance. Pero yung pagpatawad namin at sa malayang pagtungtong mo dito sa cafe ko. Ay sana gets mo. Subalit mukhang hindi dahil hindi ko alam kung gusto mo pa ang kaibigan ko. Para kang pagong napakakupad at duwag. Tapos ngayon nanakit." umiiling na lintanya ni chacha. "N..nanakit?" "Stop pretending that you didn't know." Mula sa hagdanan ay bumaba si Mary Joy nakataas-noo at kilay nito, may class pa rin habang may hawak ang tray. Inilapag nito sa countertop ang dala at nagtuloy palapit sa amin. Nakisali na ito sa bilog-bilugan at ako ang taya. "Tell me what happened?" Utos ko. Daming segway ng mga ito. Papaano ako magpapaliwanag. I feel they're upset and my guilt from the past has added more to my clueless plight. "Wala ka ba talagang alam. Umayos ka baka mabalian ka ng dila." seryosong wika ni Kena siya ang kaharap ko. At kung umasta daig pa leader ng Mafia. Hindi yata bagay na Shoujo Elite ang tawag sa cafe na Ito. Mas bagay yata Shoujo Mafia.! "Ah.... Ito sinasabi ni Michelle na Mafia niyang kaibigan! Sila lang naman ang kilala kong kaibigan ni Michelle. Well, Wala akong masabi at baka mawalan ako ng hasang dito ng wala sa oras. Hindi ako magaling sa defense at offense. In short Wala akong alam sa ano mang martial arts. Martial Artist pa naman itong si Kena." Mahabang wika ng isip ko. "Give us a clear explanation, Kevin. And maybe we can consider you and meet her. Otherwise you are ban to come here." Seryoso ring wika ni Charlene. Sinabayan naman ng tango ng lahat bilang pagsang-ayon. Napabuntong-hininga ako. At niluwagan ko ang kurbata ko. Hindi ko alam at parang naiinitan ako. Kung ano man nangyari kay Michelle nasisiguro ko ang sagutan nila ni Stephan. Tsk! I hope she's okay. 'Lang'ya ka Stephan.' "Look Chacha. How can I explain myself.? Stop beating around the bush. Kung ano man ang sinabi ni Michelle sainyo. Humihingi ako ng paumanhin at-" "Wala pa siyang sinabi sa amin." Putol ni Kena sa pagsasalita ko. "Then why are you being like this. I came here because we have something important to discuss." Medyo na nakapanginit na ng ulo pero kailangan ko pa rin manatiling kalmado. "And what are those things that you want to discuss with her?" Nakataas na kilay ulit ni Mary Joy. "None your business." Simpleng sagot ko at bumuntong-hininga. "Tch! You!" pinigilan ni Christine ang paglapit ni Mary Joy sa kanya. Napahalukipkip na lang ito at umismid. "Kung wala ka ngang alam.? Bakit pumasok si Michelle dito na daig pa ang brokenhearted at sa sobra namang emosyonal ng baliw na iyon halos mamatay-matay siya sa sinok. At ayun natuluyan nga." "Anong Sabi mo?!" Bigla akong napabalikwas sa kinauupuan ko sa narinig. "Hoy! Ano ka ba thine! Pinapatay mo na ang kaibigan natin!." Napahanap pa si Jeline na namakakakatukan na kahoy. "Hindi pa ako tapos magsalita. Una-una ka eh... At ikaw naman halatang may gusto ka pa rin." Turo ni Thine sa akin. Hindi ako nakasagot agad. Ngunit sumalita ulit ito kaya Naman bumalik ako sa pagkakaupo. Hindi pa rin nawawala ang bilog-bilugan naming drama. "Iyon nga at ayun nga natuluyan siya sa pagkawalan ng malay. Dahil sa hindi niyang mapigilang emosyon. Kilala niyo naman ang isang iyon. Weakness niya ay ang masaktan. Sa pagkikita niyo kanina. Posibleng nasaktan siya ng lubos. Ang tanong anong nangyari at ano ang ginawa mo?." "Hindi pa pala nasasabi saiyo. She's experiencing hyperventilate sydrome. Kapag ganyan ang emosyon niya. Everytime na lang na umiiyak siya. Because of her hiccup." I stunned by what Kena said."I...I did'nt know about that?" Nanlumo ako at napaupo. "Of course because you are the reason before." komento ni Jeline. "How is she?" Tanong ko sa malungkot na tono. Hindi ko Alam pero labis ako nag-aalala. "She's fine now." Simpleng sagot ni Mary Joy. Nakahinga ako ng maluwag. "Then I guess what happened today. I owe her an apology. I... I didn't expect that the sudden encounter with my friend made a huge impact to her." "Your friend?! Bakit napasali?! Ano ginawa ninyo?"pabigla at galit na wika ni Joyce Nichole. Sinaway lang ito ni Chacha sa isang tingin upang kalmahin ang sarili. "Naabutan ko kasing naguusap sila at ng kaibigan ko sa loob ng opisina. In fact I don't know what they are really talking about. Then your. friend suddenly get furious. Kaya para hindi na humaba ang gulo nila. I interfered between them. But -" "STOPPP.!" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Michelle. May kaguluhan ng kaunti ang buhok nito. At mahahalata ang maga nitong mata at dahil maputi kitang-kita ang pamumula ng ilong nito. "You! You! You! All of you get out!" Kung sino-sino ang tinuro nito. Kaya naman Tumayo na rin ako. Lahat kami ay nagulat sa utos nito. Sabay-sabay na Sana kami lalakad palabas ng Cafe. "Maliban saiyo!." "Ako?.." napatingin ako sa nakangiting si Jeline. "Ikaw?!" "Ako?" Turo ko sa sarili ko. Na parang tanga. Dahil tumingin pa ako kanila. Tumaas lang gilid ng labi ni Kena. "Tch!" Kaya naman bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. "Kayo! Doon kayo sa Opisina.!" utos ni Michelle na sabi sa kaibigan na ikinasunod naman ng lahat na nakabusangot. Ang iba naman takang-taka pa rin at nakataas ng kilay. Papasok na ang mga ito sa sinasabing opisina doon ngunit napatigil si Charlene at nakapamaywang humarap kay Michelle. "Sandali.... bakit parang ikaw may-ari nito.?" Nakakunot-noong wika ni Charlene. "Sige na sumunod ka na lang." Pagtataboy ni Michelle kay Charlene na itinulak naman ni Christine papasok ng opisina. "Bakit feeling ko tayo yung mali. Hindi ba pinagtatanggol lang naman natin siya." bu-bulong-bulong ni Jeline.. "Ganyan talaga pagmahal. Pustahan gaganyan ka rin mas malala pa." wika naman ni Joyce Nichole sabay akbay kay Jeline ginigiya papasok ng opisina. "Call us if you need back-up." wika naman ni Joan. Si Mary Joy tanging pagtataray lang ang ginawa habang nagmamartsa papasok ng opisina. Habang si Kena ang huling pumasok tumingin sa akin. At sumenyas gamit ang hinlalaki at hintuturo nito mula sa mata niya papunta sa akin para bang nagsasabing 'I'm watching you'. Napailing na lang ako. Bagay nga talaga maging Mafia leader ito. Kay ganda-ganda astahan pang gangster. Hindi na ako magtataka Kung balang araw linusob na ang Cafe na ito ng tunay na gang. Pero mukhang di naman mangyayari. Kilala ang Shoujo Elite sa pagiging elegante at unique na Cafe. Kaya naman lihim akong napangiti sa kaisipan ko. Napapitlag ako ng galampangin ang mesa sa harap ko. Malayo ang tingin ni Michelle sa akin at walang ka ekpre-ekspresyon ang mukha. Nakaupo kaharap ko habang nakahalukipkip. Napapagitnaan kami ng mesa na ginalampang niya kanina. "I heard you fainted, are you okay now?" Nag-alala kong sabi. Iniisip ko palang yung syndrome niya mas lalo ako na guguilty. Nakita ko ang ginawa niyang paglunok. Wag mong sabihin iiyak naman siya nangamusta lang naman ako. "Fine! Nakikita mo pa ako ngayon sa harap mo." "Yeah... I am sorry." Wika ko sa sinseridad na tono. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin na akala mo nagsho-shoot ng movie sa pa-slow niya. Gusto ko ngumiti ngunit pinigil ko ang sarili ko. "I... Wala ka namang kasalanan. Ang kaibigan mo. Tama! yung kaibigan mong akala mo kung sinong may-ari ng mundo. Hmp!" "Ang rupok mo 'day!" Mula sa pintuan ng opisina narinig kong sumigaw si Jeline. Tumalim ang tingin ni Michelle sa gawing iyon ng opisina. Agad naman isinara ang pintuan. "Anyway, Kung ano man ang inasta ng mga kaibigan ko kanina. Kalimutan mo na iyon isipin mong alikabok lang silang na nakakapuwing." Natawa ako sa sinabi niya ngunit sumeryoso ulit ako. "But it's my responsibility. I hurt you again. And I am sorry. Hindi na mauulit. Kung magalit ka man habang-buhay tatanggapin ko iyon. Sa ginawa rin ng kaibigan ko humihingi rin ako ng tawad. Ayoko maapektuhan ang desisyon mo sa pag-uusapan natin ngayon gusto ko okay tayo." Nakamaang lang itong nakatitig sa akin at ayon nanaman ang iba-iba nitong emosyon, sa mukha at mata nito. Na nakapagpatibok ng puso ko. Hanggang kailan ko idedeny sa sarili ko na siya pa rin ang nilalaman nito. Wala pa akong sapat na lakas at may malaki akong nagawang kasalanan sa kanya. Iniwan ko siya. Inaamin kong duwag ako sa panahon na iyon kahit ngayon naduduwag pa rin ako. I can't bring myself torwards her. I don't have a guts yet. **** Office Nasa malalim na pag-iisip ang mga tao sa loob ng opisina na iyon. At may pagkakataon sabay-sabay silang napapabuntong-hininga. Nasa lounge sila ng opisina nagpulong-pulong. "Sa tingin niyo ano ang pinag-uusapan nila." Bagsak ni Rossel sa papanahimik ng lahat. "Iyan rin ang tatanungin ko sainyo naunahan mo lang ako. Chel." Ani naman ni Jeline. "Silipin kaya natin." "Tumigil-tigil ka sa ideya na 'yan Joyce Nichole ginawa ninyo na 'yan kanina." Saway naman ni Joan. "Respect privacy. Okay." "Tama si Joan. Ang hindi ko lang ma-gets kanina bakit parang galit sa atin si Michelle tinulungan na natin siya. Bakit ganoon ang inaasta niya kanina. Kita niyo naman ako ang masugid na nagbantay sa kanya. Tapos ganoon siya. Huh! Amazing!. Nakakapang-init ulo." "Easy pizzy... Because she didn't want us to find out what was truly happening between them. Alam niyang mapapahiya siya sa harap natin. Ito lang naman ay sa tingin ko lang. We know that our crazy friend is madly in love to Kevin. So, maybe the so-called friend of Kevin is a girl ang lola mo na-activate selos emoticons niya." "You are right, Chacha. Michelle loosen her control and breakdown easily.. Tsk... Tsk... tsk...Such a crybaby." Segunda ni Kena at umiling-iling pa ito. "Or maybe lalaki ang nakapagpagalit sa kanya. Baka nairita ang isang iyan sa pinagsasabi ng kaibigan ni Kevin. Isipin niyo kung babae man ang nakasagupa niya magkukwento agad 'yan at itataas ang bandera niya hindi 'yan papatalo. Tapos syempre, itong si Kevin medyo insensitive kaya hindi alam ang tunay nararamdaman ni Michelle. Baka naichapwera lola niyo Kaya 'yan tuloy muntik ng malagutan ng hininga." "Attitude ka talaga!." Natatawang wika ni Joan kay Christine. "Sus, di ka pa nasanay." "Well, anyway hintayin nalang natin ang paliwanag ng kaibigan niyong may saltik sa pag-ibig." Wika ni Kena sabay malakas na humalakhak. "Wow! Mana kaya iyon saiyo." "Kailan ako nabaliw sa pag-ibig. Thine. Aber sabihin mo dali." "Quiet na lang ako. Pakialam ko. Hindi naman mabebenta hindi mo rin ako babayaran kahit gumawa pa ako ng issue. Kaya wag na lang. Pilak ang katumbas kada salita ko sa mahalagang impormasyon." "Oh papaano 'yan patuloy ka pa rin nagsasalita." "Free ngayon." Pasupladang ngumiti sa lahat si Thine. Napuno ng asaran at halakhakan sa loob ng opisina sa kabila ng tensyon at interogasyon na naganap kanina. ::S.E.1::

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD