CHAPTER EIGHT

3780 Words
Sa Shoujo Elite...... POV Michelle 'cling!!!!!!cling!!!!!cling!!!!'? Tunog ng chime yan malakas nga lang. Padabog akong pumasok sa Café. Lahat ng kaibigan ko napatingin sa akin ngunit hindi ako nagsalita at namansin. Galit! Naasar! Pikon na pikon ako! At gusto kong humikbi! Masakit... Masakit ang loob at pati ang puso ko! Wala dapat akong maramdaman ngunit parang iba. Halo-halo emosyon ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kasalanan ito ng mga lukaret kong mga kaibigan! Kung hindi sana ang mga ito nagpumilit na pumunta ako doon, 'di sana chill chill lang ako ngayon dito. At dahil isa rin akong tanga sumunod naman sa mga ugok na kaibigan! Ito tuloy na pala ko! Peste! Gusto ko na talagang umiyak! Naalala ko naman ang pinagsasabi ng lalaking iyon at ang pagpapa-alis ni Kevin sa akin. Doon ako nasaktan eh!. 'Ano ba move-on na ako pero bakit ganito!!!!' inis na sigaw ko sa sarili. Sa locker ako humantong at kinuha ang susing nakasabit sa gilid ng dingding at binuksan ang sariling locker. Kinuha ang uniporme ko at pabalang na sinara. Wala sa sariling hinubad ang dapat. Basta na iiyak ako... Pigil na pigil ko lang talaga. Nang makabihis na ako at naibalik na ang hinubad sa locker. Napatitig naman ako sa kawalan. At umulit nanaman sa utak ko ang pangyayari kanina. Nagpupuyos ako sa inis ngunit mas lamang ang kirot sa aking dibdib. I leaned my back at the locker when I feel a wobbling in my chest and my body start jerking from hiccups. 'Here the hiccups again!!! Damn it!' Ang sunod sunod na sinok ang nagpa-trigger ng impit kong hikbi. Papalakas ng papalakas ang iyak ko kasabay ang sinok. Kaya naman napapahawak ako sa dibdib dahil in one second, parang nagiging abnormal ang paghinga ko. Bukod sa masakit, parang namamanhid ang puso ko. Ganito! Ganitong ganito ang naramdaman ko noon! Taon-taon! Araw-araw! Minuto-minuto! At Segundo may ganito akong eksena! Oo emosyonal ako at pilit na nilalabanan. Dahil ayaw ko ng ganitong pakiramdan! Para akong pinapatay ng paunti-unti ng sinok ko. I feel the weakness and tightness of my chest. That this quickly and rapid breathing I endure so much, can leads to me in faint. Para akong inaatake sa puso subalit wala naman akong sakit sa puso. Unfortunately I am experiencing a Hyperventilation Syndrome, though hiccup is not the main cause but the fact that I am emotionally stress is enough to be a vital root of this so-called syndrome. Ngunit pakiramdam ko iyon ang dahil ng ikakamamatay ko.! 'Peste naman!' Pilit kong kinakalma ang sarili. Naalala ko naman ang nakaraan... The day, na nagstart ang sydrome ko. 'Haisst! Too much love will kill you! Sabi nga sa kanta!' .... Flashback.... Nahihilo at nanghihina na ako ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pagmamaneho. Oo dise-sais palang ako ngunit nagmamaneho na ako ng sariling kong sasakyan. May basbas naman ng aking ama. Hindi ako dumeritso sa bahay namin. Natuntun ko ang lugar kung saan madalas akong tumambay kami ng mga kaibigan ko. Nagmamadali at lunod sa luha ang mukha ko. Parang latang gulay ako at namamanhid na katawan ang nararamdaman ng sistema ko. Magaan din ang pakiramdam ko sa aking ulo. Sisinok sinok! Sunod-sunod! Pati luha naguunahan sa mukha! Mukha akong narape pero hindi naman! Sapo ang dibdib dahil sa hindi mapigilang mabilisang paghinga ko at talagang masakit sa pakiramdam! Kumikirot tuwing napapasinok ako! Kasabay 'nun na mamanhid ang utak ko. Gusto kong kumalma ngunit papaano!? Ng tuluyan makapasok sa pintuan doon napaluhod ako na parang bata. Ngumawa ako ng parang bata kasabay ng sinok! Naagaw ang atensyon ng lahat at dahil dadalawa lang naman ang costumer at parehong matanda pa. Kaya malakas ang loob kong umeksena ng ganun. Si Charlene, Kena, Joyce Nichole, Rossel at ang Mommy ni Charlene ang kasalukuyang nagulat sa palahaw ng iyak ko. "Oh my God!" Ang matinis na boses ni Rossel at Joyce Nichole ang narinig ko. "Hoy! Mitch!" Nagsilapitan sila. "Jusko hija! Tumayo ka d'yan.." nag-alalang wika ng Mommy ni Charlene. Ito at si Kena ang umalalay sa akin. "Anong nangyayari sa'yo?!" gulat na tanong ni Rossel. Tig-isa sila ng braso. At dahan-dahan akong pinapatayo. Ganoon parin ako umiiyak at sumsinok walang tigil. "Get a water! Chacha." Utos ng Mommy ni Charlene sa anak. "Rossel rub the back of her neck. Chole get me a paper bag in the Kitchen. Move now!" "Yes, Mom." "Opo, tita." Nang makaupo na ako. Pumwesto si Rossel sa likod ko. Hirap akong imulat ang mata dahil todo ang iyak ko. 'Peste! Alam kong mugto na iyon!.' "Listen to me Michelle hija... Inhale some of air and hold it. After count of 10 you breath out slowly ha..." Tumango ako pero hirap pa rin. "Here mom." Boses ni Charlene, naaninag ko pa ang dala niya "Grabe isang pitchel naman 'yan!" Pa-angil na wika ni Joyce Nichole. "Mas mabuti na 'to kaysa bumalik-balik. Time consuming." "Ang wise mo rin no! Iba ka rin." Si Kena. "Pinaglihi kay Albert eh.." "Sinong Albert? Albert Martinez o Albert Sabaw?" Ang tinutukoy ni Kena na Albert Martinez ay ang biteranong artista at ang Albert Sabaw naman, huwag ng magtataka, 'yan ay gawa-gawa lang ni Kena may masabi lang. Alam naming nagbibiro lang naman siya. "Einstein sana! Albert Einstein!" Si Jeline ang sumagot. "Haissst!! Tama na 'yan. Painom muna ng tubig mamaya na 'yan." saway ng Mommy ni Charlene. " Beh Mitch inom kana. Hinay-hinay lang." sabi ni Charlene habang pinapainom ako ay nakaalalay siya. Sumunod naman ako. Naramdaman ko rin ang paghilot ni Joyce Nichole sa kaliwa kong kamay sabay abot ng dala niyang paper bag sa mommy ni Chacha at si Kena naman sa kanan. Habang si Rossel patuloy na hinahaplos ang likod ng leeg ko. Pilit akong pinapakalma ng mga ito. Mahahalata mo sila na grabeng pag-alala sa kalagayan ko. Aligaga ang bawat kilos. They are more worried than I ever thought. "Ano ba kasing nangyari Mitch?" naiiyak na ring sabi ni Rossel. Hindi ako tumugon. Hindi pa ko rin kayang magsalita. "Huwag na muna natin siyang i-pressure. Chel. Kalma ka lang ha." anito naman ni Joyce Nichole. "Sunod ka lang kay Tita ah.... Inhale again.... A gulf of air...." Mahinahong wika ng mommy ni Chacha. She held the small paper bag over my mouth and my nose. Doon niya ako pinagpahinga. In slow breathing. Sinunod ko 'yun. "....okay hold your breath baby... magkakacount ako hanggang sampu ha..." "1" "2" "3" "4" "5" "6" "7" "8" "9" "10" "Slowly breath out.... ganyan nga... okay again..." Paulit-ulit kaming ganoon. Sinunod ko ang breathing exercise na 'yon. Kasabay ang Mommy ni Charlene. Kalmado ito kaysa sa mga kaibigan ko. Ramdam ko kasi ang panginginig ng mga kamay ng aking kaibigan na nakahawak sa akin. Nakalipas ilang minuto na ganoon Ang eksena hanggang sa unti-unti naikakalma ko rin ang aking sarili, ang sinok ay pawang humuhupa na. Ngunit ang mata ko ay sadyang hindi mapigil sa pagtulo ng luha. Mugto. "Kailangan niyang magpahinga." anito ng matandang babae nakalapit na pala ito sa amin kasama ang asawa. Makikita mo ang concern sa mga mukha nito. "Kawawa namang bata." Sa sinabi naman ng matanda. Umaapaw ang kalungkutan nararamdama ko. "Salamat po. " sabay-sabay na sabi ng kaibigan ko. "Hala, Alagaan niyo 'yang dalaginding na 'yan. Kami'y aalis na kanino ba kami babayad." ani naman ng matandang lalaki. "Doon na lang po tayo sa counter po." iginiya ni Charlene ang matandang lalaki sa counter. Naiwan ang matandang babae. "Kailangan niyang mag-unwind kailangan niya ang support ninyo. Mukhang basag ang puso niya." Malungkot na ngumit pa ito. "H..huh?" ani ni Kena. "Papaano ninyo po nasabi?" ani naman ni Joyce. "Anong ibig ninyong sabihin? She's broken hearted?" ani naman ni kena nakakunot-no. "Believe me, sa tanda kong ito. Malamang napagdaanan ko na 'yan. Ipagpahinga mo muna siya. Kusa 'yang magkukwento." "Tara na, Love." wika ng matandang lalaki ng makalapit sa asawa nito. Bumaling sa amin. "Sige mauna na kami." paalam ng dalawang costumer. "Sige ho..." sabay-sabay nilang wika maliban s akin. Kasi naman tulala na ako. Nakatingin sa kawalan. Medyo huminahon na rin ang nakakairitang sinok ko, pero nandoon pa rin ang sakit sa dibdib ko. Hindi sa sinok kundi, gaya nga sa sinabi ng matandang babae ay dahil sa basag kong puso. Tumunog chime hugyat na nakalabas na ang mga ito. "Tita.... i want to sleep." namamaos kong pakiusap. "Kaya mo bang tumayo?" "I...I...I'll try po." "O sige alalayan ka namin ah...." bumaling ito kay Charlene. "Maiwan kayo ni Rossel dito sa baba. Kena and Joyce tulungan n'yo ako. dalhin natin siya sa taas." "Doon na lang sa kwarto ko Mommy." "Okay Baby. Bantayan n'yo muna dyan." "Yes Tita." "Yeah Mom." Nagtuloy-tuloy nang lumakad at humakbang pataas habang nakaalalay sa akin ang mga ito. Napahid ko ang mga kamay sa mukha ko. Hilong-hilo ako kaya medyo kailangan ko ng lakas na nanggagaling sa aking sarili. Ang third floor ang tinutuluyan ng mag-ina. Kaya medyo natagalan kami. "Kunti na lang. Kaya mo pa ba?" tanong ni Joyce. Tumango lang ako bilang tugon. "Kayanin mo. Ihuhulog kita dito!" pa-asik na wika ni Kena. "Tsk!" saway ng Mommy ni Charlene. "Wag kang ganyan." Malambing rin na sabi nito. "Sorry Tita. Joke lang po 'yun. Hehehehe..." Umilin-iling naman si Joyce. "Bibig kasi..." "Ano!" "Wala! sabi ko ganda ng noo mo!." "Naman. Pang-matalino 'to." Tumawa ang mga ito. Maliban sa akin. Wala akong gana at hindi inaabsorb ng utak ko pinagsasabi nila. Agad naman natahimik ng hindi ako nakipagsabayan sa tawa. Ng makarating sa kwarto ni Charlene. Bumukad sa kanila ang maaliwalas at katamtamang laking kwarto. Mint green at puti ang kulay ang japanese queen size bed na nasa gitnang-gitna. May brown na carpet ang parteng kama at ang simpleng moderno na mint green shell sofa na pangdalawahan kung payat ka pwedeng tatluhan. May cute ring tatlong Shell like upholstered venus chair. Halatang mahilig sa mint green ang may-ari. Sa isang kanto naman ay ang maliit na working table. Doon lang ang makalat na lugar. Pale pink rin ang pintura ng kwarto at may bintanang puting kurtina at may desenyong cherry blossom. Lagi na sila doon at parati na rin sila nag iisleep over pag-nagkatuwaan. Inihiga ako sa kama at kinumutan ng Mommy ni Charlene. Mabango ang kwarto ni Charlene at malamig rin. Sarap magpahinga kung wala ka masyadong iniisip at mayapa ang pakiramdam mo. "Sorry po sa istorbo Tita... Thank you po..." naluluha ko namang sabi. Tumahan na ako ngunit lutang pa rin ang kaisipan ko. "Wala yun.. Matulog ka muna. Saka kana makipag-usap kapag okay kana ha..." malumanay talaga ito magsalita nakakagaan ng pakiramdam ngunit naluluha pa rin ako. Lalo pa't napakalambing ng boses ng Mommy ni Charlene. Tumango ako at lumunok para pigilan naman ang sarili humikbi ng malakas. Pinunasan niya ang luha ko. "Magpahinga ka. Dito lang kami." Naupo si Kena sa parting gilid ng ulunan ko humahaplos sa buhok ko habang si Joyce Nichole sa paanan ko. Tinatapik -tapik ang nakakumot kong hita. "Wag kang mag-alala di ka naming iiwan." nakangiting wika ni Kena. "Take your time. Don't force yourself kahit taon ka pa magpahinga okay lang sa amin o kahit habang-buhay kana magpahinga. Biro lang hehehe..." Mahinang tinapik ito ni Tita sa braso. "Ikaw talaga... puro ka kalokohan." "Ganyan 'yan. 'Kala mo lahat biro." pa-angil na sabi ni Joyce. "Seryoso naman nito. Pinapatawa ko lang si Mitch bago matulog para good vibes." Hindi ko namalayan ng unti-unting nakakatulog ako ng magsimulang mag-humming si Tita. Oo talagang inantok ako, pakiramdam ko pagod na pagod buong katawan ko. Nakatulog akong may mga butil ng luha na umaagos sa aking pisngi. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog pero pakiramdam ko inaantok pa rin ako. Nagising ako sa ingay ng paligid. Malakas na boses ng mga kababaihan nag-uusap hindi yata uso ang bulong sa kanila at pati pagtawa walang mga class. Naalimpungatan pa akong tumingin sa kabuuan ng lugar, iniisip kung saan akong kwarto. "Ang iingay ninyo! Pagtatahiin ko 'yang bibig ninyo!" maarting wika ni Mary Joy. "Kanina pa tayo maingay! Ngayon ka pa nagiinarte! Tumira ka na lang."ani ni Kena. Inirapan lang ito ni Mary Joy. "Walang dayaan. Pangmatalinong laban 'to. Ayusin mo ang pagii-score mo dyan Chel." "Oo na, Kena. Wag ka ng satsat d'yan. Kampihan 'to." "Tulog ang kakampi ko may pinagdadaanan. Tandaan ninyo champion kami sa larong ito. Hindi ninyo pa kami natatalo." "Okay 'di advantage para sa amin." ani ni Jeline kakampi nito si Joyce Nichole. Kakampi naman ni Christine si Charlene. Si Mary Joy at Joan. Tanging scorer si Rossel. Kakampi ko dapat si Kena. Nahiga ako pa side para makita ang ginagawa ng mga kaibigan ko. Hindi nila namamalayan na gising ako. At wala akong balak ianunsyo ang paggising ko. Kapag napapatingin sila ay pumipikit ako kunwari. Wala akong gana at wala sa sariling nakatingin lang sa kanila. "Scrabble ito hindi chess! Grabe forty-five years bago tumira dala-dalawa na nga kayo." usal ni Kena. "Pakialam mo ba.?" pa-supladang wika ni Christine. Bumaling ito kina Joyce Nichole ."Tagalan niyo pa." Si Joyce at Jeline kasi ang titira. "Grabe naman 'to. Excited palagi." angil ni Jeline habang kakamot ng ulo. "Saglit lang. Joyce ikaw na nga tumira. I can't think. Wala akong maisip na words! ano ba 'yan." "Sabi mo kasi ikaw na." "Eh!!! pressure cooker kasi itong si Kena." "Strategy niya n'yan para mawala kayo sa focus." wika naman ni Charlene kampante ito sa tiles nito gayun din ang ka teammates nitong si Christine. Ngingisi-ngisi pa ang dalawa. "Paapekto ka kasi." "Teamwork mga Bebey! Hahahha!" nangaasar ang tawa ni Kena. "Tawang-tawa ah!!!" ani ni Joyce Nichole nakasimangot ito. " Ikaw ba namang lahat puro vowel! Anong mabubuo mo nito?" "That is very sad...." simpatya naman ni Joan. "Kung pwede lang magbigayan ng tiles ginawa ko na. Kaya n'yo yan guys. Huwag paghinaan ng loob. Parang life lang 'yan. You need to think before you act. But if the situation is not good for you let them passed by. Maybe next time. It's yours." "Hanudaw? Pinagsasabi nito." Natatawang wika ni Jeline. "In short magpass na." Ani ni Christine. Tatango-tango namang sang-ayon ni Joan. Sabay peace sign. 'Of course. We will defeat this asphalt forehead!" ani ni Joyce Nichole sabay tawa at turo kay Kena. Natawa ang mga kaibigan ko. Syempre never back down. "Hahahahaha! My Asphalt forehead give you an incredibly headache.!" hindi talaga affected si Kena sa pambabatong asar ng kaibigan. Nakakunot-noo at nakabusangot na ang dalawa. "Pass!!!" "Hahahaha!!! Pass naman pala may pa defeat-defeat pang nalalaman." "Nakakainis kana!" Lumabi pa si Jeline. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Ang mga kaibigan ko ay nasa carpet ng sahig sa may sofa. Inalis sa gitna ang table kaya doon sila pumwesto. Nakita ako ng Mommy ni Charlene nakangiti itong tumingin sa akin. "Gising ka na pala... Naiingayan ka ba sa mga bibig nitong mga kaibigan mo." lumapit siya. Naguunahang magsitayuan ang kaibigan ko ng makitang bahagya akong bumangon. "O...Okay lang po." Mamaos-maos ang boses ko. Medyo masakit rin ulo ko at pakiramdam ko mabigat ang ilalim ng mga mata ko. Sumandal ako sa headboard ng kama. "How are your feeeling?" Tanong ni Joan sumampa at tumabi ito sa kama parting kaliwa ko. "A little bit of headache." sagot ko. "Hindi ko mapipigilan ang bibig ko sa pagtatanong. Kating-Kati na ako eh.... What happen to you.?" straightforward na tanong ni Kena. Ngunit hindi ako sumagot. Blangko at tulala ako. "I'm not forcing you pero araw-arawin ko ang pagtatanong ko. Hindi ako matahimik, alam mo 'yun. Sabihin mo nang pakialamera ako. Kaysa naman magtutunganga lang at tingnan namin 'yang nakakaawa mong mukha." may bahid ng inis ang tono ni kena. "Hinay-hinay naman sa pagsasalita. Kagigising lang ng tao." masamang tiningnan ni Joyce Nichole si Kena. "Hayaan mo muna makapag-isip ng matino si Michelle." malumanay naman sabi ni Rossel. "Matino naman 'yan. Hindi matino inasta niya kanina. Nakaka-kaba kaya 'yun. Pano kung nalagutan siya ng hininga." "Ang harsh mo talaga no!." Naiiling wika ni Mary Joy. "Alam mo namang tulaley pa ito. So, Shut up muna okay!" Nakataas na kilay ni Christine. "At kailan pa natin siya tatanungin! Mas mabuting ngayon na kasi iisahang sakit lang! Wag ng patagalin pa kesyo susunod pa na araw. Tapos araw-araw ganyan 'yung mukha niya.!" pagalit na wika ni Kena. "Kagigising lang nga nung tao!." galit na rin wika ni Joan. "Hindi kasi kayo nagiisip! Araw-araw siyang masasaktan kung ipagpapabukas pa. Namalayan na lang natin bumigti na 'yan!." "Watch your words Kena. Mommy is here." seryoso namang wika ni Charlene. "Oo nga. Maiinit nanaman ulo eh." segunda ni Jeline nasa kanan ko naman ito sa parteng ulunan. Bumuntong-hininga ang Mommy ni Charlene. "Ayoko ng ganitong sagutan ninyo. Hindi maganda. Pag-usapan ninyo sa mahinahon na paraan. Kayo lang magkakasakitan sa bandang huli. Ayokong mangyari 'yun." "Sorry tita." sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko. Tumayo ito. "Maghahanda ako ng hapunan. Bumaba na kayo. Alalayan ninyo si Michelle. Walang mag-aaway-away." tiningnan nito ang mga kaibigan ko isa-isa saka bumaling sa kanya. "Magpaalam ka sa magulang mo na nandito ka." "D...dito muna po ako Tita. Ayoko pa pong umuwi sa bahay ng ganito kalagayan ko." Bumuntong-hininga ulit ito. "Okay basta magpaalam ka sa magulang mo. Mag-alala ang mga 'yun. Now na." "Opo." "Kayo lahat wala akong marinig na nagtataasan kayo ng boses." anito ng Mommy ni Charlene bago lumabas ng kwarto. "Ayoko ng away rin. Galit ako hindi kay Michelle kung 'di sa gumawa n'yan saiyo. Masyadong emosyonal ang pagkakatirada saiyo!. Nakakabadtrip lang!" "Atat na atat ka naman. Akala mo naman involve ka sa nangyari sa kanya." maarteng wika ni Mary Joy. "O eh ano kung hindi ako or tayo involve dito. At least may pakialam ako. Eh kayo puro simpatya. Maatim niyo bang makita siyang ganyan araw-araw?! Hindi nag-iisip!" "So, matalino kana n'yan?. Huwag mo nga ako d'yan. Akala mo ikaw lang 'yung may care. Fight me with this." sagot pa rin ni Mary Joy. "Tch!!! So anong masasuggest mo maghintay tayo! Lang'ya namalayan na lang natin ibuburol na lang siya!" "Stop it guys!" saway ni Rossel. Lahat ng kaibigan ko ay nag-alala sa akin at sa namumuong tensyon sa pagitan ni Kena at Mary Joy. "Hah!! You are talking nonsense?! Don't you know that?!" "I'm just telling what possible may happen! Mary Joy!" "Advance lang masyado ang kaisipan mo.!" "Tama na 'yan kakasabi lang 'wag mag-aaway eh!" Saway naman ni Charlene. Alam ko kung ano ang gusto ni Kena. Mas maaga mas kaunting sakit. May pakiramdam akong may ideya na ito sa nangyayari sa akin. Gusto lang talaga nito makasiguro. Harsh lang talaga ito magsalita. At wala itong pakialam kung nakakasakit na ng damdamin. Apektado lahat ng kami. Ayaw ko rin ng ganito. Na baka maging dahilan ako ng pag-aaway nila. At hindi na magkasundo kahit kailan. Tuloy napapaiyak nanaman ako. Ayaw rin ko naman ng ganitong pakiramdan. At ayaw ko rin magtagal sa ganitong sitwasyon. Masakit na masakit kasi. Makirot sa puso. Kung hindi ako maglalabas ng saloobin para akong mababaliw sa kakaisip. Hindi pa lumilipas ang araw pero nakikinita-kita ko na ang sarili ko. If live like this. A broken hearted girl. "Mabuti na ang advance kaysa magsisi tayo sa huli.!" "Pwede magsalita na hindi nagpapataasan ng boses." Si Christine. Napahalukipkip pa si Christine. "Really, I get your point Kena. But still we need to respect her being remain silence." "Keep calm okay." Sigunda ni Jeline. Tumango naman ang iba. Tumaas ang kamay ni Kena bilang pagsuko at bumuntong hininga. "Okay, fine. You win guys. Marami kayo... Walang panig sa akin." "Huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi ka namin pinag-kakaisahan." Mahinahong wika Naman ni Rossel. Grabe ang tensyon sa paligid. "Hindi nga ba?! Eh! Halos yata walang pumapabor sa sinasabi ko.!" Bumuntong-hininga ako. Napapaiyak ako sa nangyayari ngayon at nangyayari sa akin. "No... She need time. Kens..." Malumanay na wika ni Joan. "Ai... Ewan bahala na kayo. I'm outta here na. Remember hindi ako titigil sa pangungulit sa'yo. Ayoko nakikita 'kang ganyan. Hindi ko kaya. Para kang lantang gulay na walang kasusta-sustanya kanina. Ayoko nang maulit 'yun talaga. Kung nagagalit kayo sa pagiging prangka ko. Sanay naman kayo. Huwag kayong mag-alala Hindi ako galit. Badtrip lang ako. Mamaya Wala na 'to. Isipin ninyo ganito ako mag-alala. I don't want to see you breakdown, like that again Michelle. Even all of you guys. " Aastang palabas na ito sa kwarto. "W...where b...broke u..up..." Garalgal ang boses at unti-unting pumatak ulit ang mga luha ko. "Come again?!" Wika ni Kena na nagpabaling ng tingin sa akin ganoon din ang iba ko pang kaibigan. "Ke...Kevin and I we b....broke up." Humagulhol ako ng hindi ko na napigilan. "T...totoo ba 'yan?" Ani Mary Joy na nag-alalang lumapit ng nakamalapit sa akin. There eyes are full concern. Tumango ako bilang sagot. Suminghot ako. Sobrang stress ng utak at pakiramdam ko. "That's impossible. Did he broke up with you. I'm gonna kill him?!" Hindi rin makapaniwala na sabi ni Mary Joy at naiinis. "That's possible in fact. May idea na ako kung bakit ka nagka-ganyan. Gusto ko lang manggaling sa bibig mo. I am sorry if I did pressured you." Hindi ako sumagot. Tanging iyak ko lang ang naririnig sa saglit na katahimikan. "Ugh! I started to hate that guy!" wika ni Joan. "Yeah me too! He hurt you! To the point you were nearly to collapse!" Galit namang wika ni Jeline. "Come on! Kena! We teach him lesson!" Tumayo si Mary Joy at hinakawan si Kena sa kamay at aastang magmamartsa palabas. Lulusob ba ang mga ito. Parang wala lang nangyari ang kaninang tensyon sa dalawang ito. "N..no! I.. I broke up with him. I am the one." Napatigil ang dalawa. "You what!?" "I..I'ts my fault if I d..didn't say i.. it. If I didn't brought out.. H.. Hindi sana magka-ganito. If I only remain quiet and let it be ...." Napaiyak naman ako ng wagas. "Idetalye mo lahat. Papano nangyari." Utos ni Christine. Hindi ako sumagot. Umiyak lang ako. Napataas ang balikat ko. Opps! Hiccups is in! "Ah... I hate this hiccups!" Ngumawa ako. "Paano....hik!... Ako makakakwento hik! Sagabal Kasi itong...hik! Sinok na 'to." "First control your emotion. Yung tinuro ni tita. Gawin mo... Inhale ... Exhale.. " Suminghap ako ng hangin at hinay-hinay yun binuga na may sound. "Hu...Hu...Hu..! " Garalgal ang mga 'yun ng lumabas. Ng unti-unting kumalma. Tiningnan ko ang mga ito. Isa-isa lang ang ekspresyon. Nakakunot-noong ngunit nag-aalala ang bawat mukha. Naghihintay ng anumang lumabas sa bibig ko. Nagsimula na akong magdetalye ng lahat. Putol-putol man pero nairaos ko pa rin sabihin. Kung bakit ako broken hearted ngayon at alam ko makakarecover rin ako. Balang araw. .........end of flashback......... :: S.E.1 ::
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD