CHAPTER SEVEN

4205 Words
POV KEVIN "Send me your new proposal and project design for House Interior Ceiling Design. Use our different glasses. Make sure to emphasize it. I need it the day after tomorrow. Architect Aricelli, since, your in Interior House Project before. I let you In charge of this. Lead your team." Tumango niya ako bilang pagsang-ayon. "Well, then meeting ajourned." Kevin Velasco stood in his feet. Flatted his slightly grumbled coat and made a farewell glance. Tumayo naman ang mga empleyado bilang respeto sa pag-alis ko. Followed by my personal assistant Kyle. I and Kyle walked out in the conference room with dignified look and coolness. Responded to anyone who greet us with smile. "Daig mo pa ang artista. Kaka smile ah... Tinalo mo pa ako." Natatawa kong sabi kay Kyle ng makapasok kami sa aking opisina. "They greeted me, how can I ignore them?" Kyle replied. "Oh! By the way, bago ko pa makalimutan. Tumawag sa akin si Ms. Sanchez. Tinatanong kung kailan kayo pwede magkita na hindi siya makakaabala saiyong trabaho? Should I reschedule it.?" Kumikinang ang matang sabi nia habang nagsasalita. "Bakit parang ang saya mo? Ikaw ba ang makikipagkita?" Nakakunot-noong tanong ko. Akala ko walang balak na niyang ipagpatuloy ang naudlot na meeting namin. Dahil kung mapapatagal pa. Ako na mismo ang magkukusang puntahan siya sa Shoujo Elite. "Masaya lang po ako. Dahil may reunite na magaganap." "Reunite? Anong reunite na pinagsasabi mo?" Maang-maangang tanong ko. "Wanna bet, Sir." Kyle sly smiled shows in his handsome face. "Bet mo mukha mo. Tigilan mo ako. I reschedule muna ang meeting ko kanya. Tomorrow morning, doon na sa Shoujo Elite para hindi siya mahirapang lumayo." "Sinong Siya, Sir?." Pagbibiro niya. Pinukulan ko siya ng isang seryosong tingin. "You-know-who!." Tuwang-tuwang umalis si Kyle sa aking opisina. Isinadal ko ang aking likod sa swivel chair habang nakatingin sa kawalan ng aking opisina. An image of Michelle in front of my vision appear. Her smile never fail me to mesmerizing it. Though, bibihira kong makita lalo na kung umaaligid ako sa loob ng Shoujo Elite. Sa malayuan ko lang siya natitingnan. Kapag hindi siya nakatingin. Guilty naman ako kung bakit iba ang pakikitungo niya sa akin. May karapatan naman talaga siyang magalit. Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko alam kung duwag ang matatawag sa ginawa ko noon per parang ganoon na nga. POV MICHELLE Bago ako matamaan ng hiya at mawalan ng lakas ng loob. Dalawang dosenang beses muna akong nagdasal at nagnovena sa harap ng altar. Pero syempre joke lang 'yun. Paulit-ulit lang naman ang ginawa kong sign of the cross while crossing the street. Tumigil ako sa harap ng limang palapag na building. Nagmumukhang warehouse ang groundfloor nito. At maiingay ang makina at mga kagamitang ginagamit ng mga trabahador. Sa katabing mataas na gate at alam kong malawak na lote sa loob niyon ay bahagi pa rin ng building sa harap ko. Hindi pala ito mukhang warehouse. Warehouse talaga! Factory ng mga furnitures. Kaya lang naman ako napadpad doon dahil sa mga kaibigan kong pakialamera. Nalaman kasi nila na makikipag-meet si Kevin sa Shoujo Elite. Personal na pumunta si Kyle kagabi three hours ago after ako tumawag. Kaya ang mga kaibigan ko ngayong umaga daig pa ang nasilihan dahil atat na atat. They're pushing me to come here, personally inviting Kevin in Shoujo Elite. Wala rin akong nagawa dahil wala rin akong laban kapag mga ito nagsama-sama. Napatingin ako sa kabilang kalsada kung saan andoon ang mga kaibigan ko. They are cheering and rooting for me so loudly. I just rolled my eyes. 'Parang mga tanga!' "No to bitterness!!! Go! Mitch! Bring it on!" Narinig kong sigaw nila at ang mga balahurang frogletz praktisadong nagchorus sa pagsigaw. "Your boobs make it emphasize!!!!" Malakas na pang-asar na wika ni Kena di pa nakontento hinawakan pa ang sariling dibdib at pagkuway pinush pataas at nginuso ang dibdib ko. "Anak ng isang 'to! Pati ba naman ang yayamanin kong dibdib sinali pa! di na nahiya!" Pinandilatan ko si Kena kahit malayo na ako at pasiring inalis ang tingin. "BWAHAHAHAHAAHAHA!!!" Narinig ko pa ang mga nakakasar talagang tawa nila. "Kung makatawa walang mga class." Bubulong-bulong kong wika saka iritadong nagpatuloy ng paglalalakad. Nakilala agad ako ng security guard ng building dahil madalas rin siya sa Shoujo Elite bumibili ng cake pampasalubong sa pamilya niya. "Good morning Ms. Mitch, for the first time po, napadpad po kayo?." Napangiti ng wika ng guard. "Kuya Jill, may kailangan po kasi ako sa bossing mo. Andyan po ba siya?" Ackward akong ngumiti. "Ai opo.. pasok po kayo. Diretso po kayo sa fifth floor." Nagpasalamat ako at nagpatuloy papuntang elevator. Bumakas iyon at pumasok ako ngunit pagdating ng third floor bumukas ulit iyon. Medyo na bigla ako at nabigla rin ang lalaking papasok ng elevator pakakita sa akin. Ngunit agad rin nakabawi dahil malawak siyang napangiti sa akin at tumabi sa akin sa elevator. "Hi! Kyle!" Ginantihan ko rin siya ng ngiti. "Sorry if nabigla ka na nandito ako. Hindi ko rin nga alam kung bakit ako nandito." Inunahan na ko na ng sagot ang nababadya niyang tanong basi na rin sa ekspresyon ng mukha niya. "Don't get me wrong okay. Baka sabihin mo, masyadong akong atat na makita ang bossing mo. Ang mga lukaret kong kaibigan ang nag-insist na pumunta ako dito. They want me to personally invite Kevin in Shoujo Elite." Humalakhak ng napaganda si Kyle. His laugh made him more handsome. Napakamot pa siya ng ulo. "Wala akong masabi saiyo. Ms. Sanchez. Now I know why he likes you." "Anong sabi mo.? Your mumbling under your breath." Nakakunot-noo kong wika. "Nothing." He simply said and then at the same time, the elevator open. "Follow me, Ms. Sanchez." Nginitian ako ni Kyle. Sumunod naman ako. "Gaano ka ba ka loyal sa boss mo? Ni minsan hindi mo ba naiisipang magresign?" Tanong ko sa kanya. Well, curious lang naman ako dahil nakakatagal siya sa poder ni Kevin. "My loyalty to him is immeasurable." His smile never leaved his handsomeness. Oo, nakaka-apreciate rin ako ng kagwapuhan ng iba dahil totoo naman. Kaya lang walang impact sa akin di kagaya ng bossing niya. Ipinilig ko ang aking ulo dahil umiiba ng direksyon ang aking isip. "Here we are...Have a seat." He guided me to the gray leather tufted sofa. Then, he walked towards in the office table. May kinuha itong envelope. "Oh by the way before I forget Mr. Kevin having a meeting with his staff. I will inform him your presence. Pumunta lang ako dito to get this." He presented the envelope by his right hand. "Will you be okay?" "Ah...yeah... Don't worry about it hindi naman rush ang pagpunta ko rito." Wika ko ng nakatayo. Hindi ako umupo ng magoffer siya kanina. Ngumiti si Kyle. "Okay, then Ms. Michelle. I gonna go first. Just make yourself comfortable here." Tinanguan ko siya at umupo na sa sofa saka naman si Kyle tumuloy palabas. Pakalabas ni Kyle saka ko iginala ang paningin sa kabuuan ng opisina. Maaliwalas at maganda ang interior design. Medyo elevated ang kinalalagyan ng office table na gawa sa magandang muwebles na kahoy at makinang at may kung anong nakaukit sa harap, mukhang simbolo ng kompanya. Mga dalawang hakbang na hagdanan bago marating mo 'yun. Ang likod ay fiber glass kita ang labas at ang naggagandahang asul na langit. Sa gilid 'nun ay mga libro. Tumayo ako at inusisa mga iyon isa-isa. May librong tungkol sa business , may mga magazine rin tungkol sa furniture karamihan nga lang. Naagaw rin ng paningin ko ang isang magazine. Mukha ni Kevin ang cover nakaupo sa magandang kulay puting upuan. Masayang masaya ang aurahan nàiya. Napakagwapo.... utak at puso ko ay nagkaisang wika. Nakabrush-up hanggang likod ang buhok nitong wavy. At halos labas ang mga gilagid sa pagkangiti tuloy medyo lumiit ang mata. Lakas ng dating rin ng itim niyang suit. Bumagay talaga sa kanya. "Napakagwapo... Napakagwapo... Napakagwapo...." Paulit-ulit na sambit ng utak ko. At talagang nahuhumaling ako at napapangiti. Wala sa sarili naihaplos ko ang nakangiti niyang mukha sa magazine. Dahil sa ginawa ko napatibok ng mabilis ang puso ko kaya naman mabilis ko rin ibinalik kung saan man kinuha ang magazine. I shook my head, para bumalik ako sa katinuan ko. Kung may makakakita man sa akin doon iisiping pinagpapantasyahan ko ang lalaki sa magazine. Well... apparently yes, without a doubt. "Mitch Tumino ka nga! Kaaway mo 'yan!" saway ko sa sarili. Tumingin-tingin pa ako hanggang kabilang shelves.... "Hindi pa rin pala naaalis ang pagkahilig niya sa romance novel. Tsk.. tsk...tsk..." May hinugot akong isang libro. Saka tiningnan ang Author. Nagugulat akong pinasadahan pa ang iba ng tingin ang mga libro! "Walang hiya puro Nora Roberts! Die hard fan lang.!" Naiiling - iling kong wika. At manghang-mangha pa rin ako. Kung gaano na niya nakolekto ang lahat na libro ng nasabing author. Lahat yata meron!. Alam ko naman na mahilig siya sa romance novel noon pa man. Ngunit hindi ko sukat akalain iisa lang ang author na gusto niya. Nakakagulat lang. 'We make destiny with every turn, every choice.' - Valley of Silence- Binasa ng utak ko ang post-it na nakadikit sa harap ng librong kinuha ko. The line he'd chose from the book somehow it really something. "Kasalanan mo 'to." Binuklat ko ang hawak na libro ngunit hindi pa ko nasisimulang basahin iyon ay may biglang humablot na 'nun!. Napamaang na lang ako sa lalaking nakatunghay sa alin.! "Sinong may kasalanan?" POV KEVIN Saglit na tinapunan ko ng tingin ang pumasok na si Kyle. Hawak niya ang pinakuha kong envelop. Sinenyasan ko ang nagpepresent sa harap na ipagpatuloy ang ginagawa, ng mapansin ang presensya ni Kyle. "Thank you." Wika ko kay Kyle ng ilapag niya ang envelop. Tumango lang ang huli. Ngunit napakunot- noo ako ng yumuko siya. Akala ko hahalikan niya ako sa pisngi kaya medyo napaiwas ako ng kunti. Natawa naman siya sa inasta ko saka bumulong sa kaliwang tenga ko. "Ms. Sanchez is waiting for you in your office." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin ng lumayo sa akin. Ang kunot-noo ko ay lalo pa kumunot. Nagkibit-balikat lang siya. At makahulugang ngumiti sa akin. "Hindi mo tinanong kung ano ang kailangan niya?" Pabulong kong tanong. "Hindi naman ako ang kailangan niya." simpleng sagot niya. Naglapat ang labi ko dahil sa sinabi niya at pinandilatan ko siya ng mata. 'Ano naman ang problema 'nun. Magkikita naman kami mamaya...' Sinasamaan ko talaga ng tingin si Kyle na nasa tabi ko. Hindi ko lubos maisip na ganun ang isasagot niya. Kadalasan kasi kompletong inpormasyon binibigay niya sa akin. Hindi ko na kailangan magtanong pa. Subalit ang Kyle mukhang hindi apektado sa mga tinginan ko dahil binigyan lang niya ako ng magandang ngiti. Tuloy hindi ako makapag-focus, ninanakaw ang pag-iisip ko sa taong naghihintay sa akin sa opisina. Nahihiwagaan talaga ako kung ano man ang kailan niya. "What do you think,Sir?... Sir?... Sir?... " tawag ni Benny. Ngunit hindi ko iyon narinig. "Sir Kevin are you okay?" Napabalik ang pag-iisip ko ng marinig ko ang tawag ni Maegan sa katabing kanan. Tumikhim ako at umayos ng upo. "Sorry... Go on Benny.." "Thank you Sir... As I've said earlier, Sir. What do you think to the new features of our website. Sir?. Since online marketing is doing well today's era. And our sales are doing good too." marami itong pinaliwanag at malugod ko namang pinakinggan at lahat ng iyon nagustuhan ko. Bawat tao sa loob ng meeting ay may kanyang-kanyang role. Kaya bilib na bilib rin ako sa kakayahan ng mga ito. Lahat may opinyon at nirerespeto ko iyon. Kaya naman nagagawa ng maayos ang trabaho ng bawat isa. Malaki ang tiwala ko sa mga empleyadoko. Hindi man kalakihang kompanya gaya ng VGH Arts. Ngunit nakagagawa rin naman ng pangalan. Karamihan kasi Export ang ginagawa nila since sikat sila sa online and mostly trusted sa mga foreign buyer. Inilabas ko ang laman ng envelop at ipinasa sa kanila. I leaned forward, ipinatong ang dalawang siko sa mesa. at pinagsalikop ang mga daliri. "That is my new sketch-up furniture design. Mr. Vicente I need you to do the furniture software wood working design n'yan. Kaya mo bang matapos in two weeks. Gusto ko kasi isabay sa anniversary expo ng kompanya next month. Iyan ang magiging highlight natin." "No problem Sir. Yakang-yaka 'to." nakangiti nitong sabi. Bumaling naman ako sa iba. Marami pa ako paalala at komento sa mga ito. Hanggang sa matapos na medyo binilisan ko talaga. "Thank you everyone." Hindi ko napansin ang aking sarili, ang nagtatakang tingin ng mga empleyado dahil sa mabilisan ko paglabas ng kwartong iyon. "May lakad ba s'ya?" "Baka naiihi o nasi-CR?" Mga komentong hindi ko n narinig pa dahil sa pagmamadali. Wala rin si Kyle sa tabi ko mukhang 'di ako nahabol o mas tamang sabihin hindi talaga sumunod. Talagang 'di maalis ang kunot-noo ko at hindi ako mapakali hanggang bumakas ang elevator at lumakad sa hallway papuntang opisina ko. Nagulat ako sa dalawang taong naroon at mukhang may pinagtatalunan, kung ano man 'yun hindi ko alam. Kakarating lang di ba? "Tell me who's fault is it? Did the protagonist in this story betrayed." seryosong wika ng lalaki wala sa mukha niya ang salitang ngiti, habang binubuklat ang hawak na libro naghahanap ng kasagutan sa tanong niya. "May sinabi ba ako?." nauutal na sagot ni Michelle. Kailangan ba talaga mautal? "I thought you are reading this book." Ibinalik ang libro sa lalagyan. "A..aba kung 'yun ang sa tingin mo." "Your interesting...." pakaharap kay Michelle. Napamaang tumingin si Michelle sa kaharap. At ang lalaki sinalubong rin ng tingin ngunit blangko. Naikuyom ko bigla ang dalawa kong kamay sa walang dahilan. ".....but I'm not interested." Ngumiti ang lalaki ngunit hindi umabot sa mata saka umiba ng tingin. Niluwangan ko na ang pagkakuyom ng mga palad ko at parang nakahinga ako sa sinabi niya. "Steph bro!!! What are you doing here?!" agarang nilapitan ko ang lalaking palapit rin sa akin. Nagyakapan at may kung anong ritwal ang ginawa. Gaya ng kadalasang ginagawa ng magto-tropa kapag nagkita-kita. "Steph your face! it's Syn! Kevin Troy. Nakalimutan mo na ba kung ano ang pakay ko?" Umupo siya sa sofa. "Hahahaha! sa tono ng pananalita mo. Daig mo pa ang sindikato at may malaking utang ako sa'yo. Stephan SYN. " Wika ko na pinagdiinan ang pangalan niya habang tawang-tawa. "Napakagwapo ko namang sindikato." "Ang laki ng bilib sa sarili ah.." "Of course! God give me this astonishing looks. Bakit ikaw hindi ka bilib sa pagmumukha mo? Nakukulangan ka ba?" "Kulang na kulang. Hahahahahaha!" "Tsk..tsk...tsk...May kilala akong plastic surgeon. Sikat 'to sa Seoul." May kinuha siya sa wallet na isang calling card at inabot sa akin. Kinuha ko naman iyon para sakyan ang biro niya. "Siguraduhin mo lang maganda 'to. Magandang doctor." "Sa sobrang ganda n'yan hindi mo mapagkakamalang transgender pala." Aniya ng kaharap sa seryosong mukha. "Loko ka bro!." Tawang-tawa kong sabi. "Feel free naman n'yan. Kahit ano pa ang ibayad mo. Tutal kulang na kulang ka d'yan sa pagmumukha mo." "Iyang bibig mo. Daig mo pa ang bugaw. Hahahaha!" Todo tawa ako habang si Stephan naman ay tinitipid ang sarili na tumawa. Kaibigan ko si Stephan Syn Sabio noong high school. Magkaklase at kasangga ko sa kalokohan sa loob ng classroom. Ngunit ang pinagka-iba hindi ito pala gala at palakaibigan at higit sa lahat mamahalin ang tawa. Kailangan mabenta para mapatawa mo siya. Siya rin ang tinaguriang dakilang suplado sa school namin noon. Kabaliktaran na kabaliktaran sa akin. Maliban siguro sa hindi kami pareho gala. Hindi rin kasi ako pala gala katulad niya. "Excuse me! Excuse me! Hello! I am here!" Naka-cross ang mga braso ni Michelle at nakataas ang kilay at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Stephan. Dahan-dahang bumaba sa dalawang hakbang na hagdanan at naglakad palapit sa amin si Michelle. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. She's beautiful kahit hindi ito katangkaran. Salamat sa heels. Kapansin-pansin talaga ang dibdib niya dahil sa hapit niyang damit ngunit salamat sa maong niyang jacket at hindi iyon masagwang tingnan. Bumagay rin ang maong nitong hapit na palda na hanggang tuhod. Ang sexy lang naman. Hindi siya mataba at hindi rin mapayat. Katamtaman lang para sa isang babae. And God... Sa tagal na panahon simula ng maghiwalay kami ngayon ko lang natitigan ng mabuti si Michelle. Iba kasi kapag nasa likod siya ng counter ng Shoujo Elite. Sanay ako ng naka-apron siya at uniform ng Cafe ang suot niya. "Girlfriend?" Anito ni Stephan. Pumukaw sa natulala kong kaisipan. "H..huh?" Tangang sagot ko. "Stammered. Tch!."Singhal niya at napasiring na inilayo ang tingin sa akin. Arte talaga nito.! Sa isip-isip ko. "I guess I'll be back next time." Nasa posisyon na si Stephan na senyales na tatayo ngunit napabalik ulit sa dating posisyon. "It seems like your g-" bitin niyang sabi at mapanuksong tumingin sa aming dalawa ni Michelle. Palipat-lipat. "Like what?!" Tinuro-turo kaming dalawa ni Michelle. "It's seems like your girlfriend has see—" "She's my friend." Pigil ko kung ano man ang sasabihin niya. Baka ano na lang isipin ni Michelle. Concern ako. "Tch!" singhal ni Michelle. "We are not friend! Never!. I didn't see him as a Friend not in my entire system!" Pinagdidiinan pa niya ang sinasabi may kasamang pagtataray. Natiim ang bagang niya, habang diresto nakatingin kay Stephan. "Mas lalong hindi niya ako Girlfriend!" "Ows! You are not happy the idea of being his Girlfriend!" Nagkukunwaring gulat na sabi ni Stephan. "Sinong matutuwa aber!" Napatingin ako bigla kay Michelle. Hindi nga siya natutuwa. Ganoon ba siya kagalit sa akin? at hindi nagagandahan sa pinagsasabi ng kaibigan ko?. Nakikita mo kasing naiinis na siya at napipika. "Hmmm.... So, it's his fault.? The one who betray you.?!" "I.. I... I didn't say t-!" "You sure? But I heard it clearly as crystal clear." pambabara at pang-aasar ulit ni Stephan. "I never did say that!" Masama na tumingin si Michelle at namumula sa pagpapahiya ni Stephan. Pag-sinimulan talaga ng lalaking ito mang-asar ay itotodo pa nito. "Wala akong nabanggit na tao, hayop o bagay doon! Maglinis ka ng tenga mo baka sakali madinig mo ng maayos. Pa-peyk news ka!" "Hmmmm....... Bakit ka kilig na kilig sa librong hawak mo kanina hindi ka pa man nagsisimulang magbasa." Namumula na si Michelle lalo sa pag kapahiya at asar. Naglapat ang mga labi sa gigil niya at halos manlaki ang butas ng ilong niya. Kung makakabuga lang siya ng apoy kanina pa tustado itong kaibigan ko. "Hindi ako ganun makilig!" "Really?!" Kunwaring na sorpresa sa sinabi si Stephan. "Eh... Mukhang sayang-saya ka sa lahat ng naka-display... Specially sa magazine yata yun. Titig na titig ka pa nga." Maasar ka talaga sa style na pananalita nito lalo na kapag hindi mo kilala ang katauhan ni Stephan. Parang nanunuya na nanunukso. Hindi nagsalita si Michelle. Hindi rin ito tumitingin sa akin. Pero kitang kita ko ang mapagbanta at naliliksi na mga mata niya. Ang paghinga niya ay marahas na rin. Kahit ako hindi na natutuwa sa pag-uusap nila kaya bago lumalala mamagitan na ako. Masyadong tensyonado na. "Kung ano man 'yan tigilan niyo na. Enough." Bumuntong-hininga ako. "Your girlfriend I like her—" Napamaang akong tumingin kay Stephan, wala ako makitang nagbibiro sa mukha niya. "—for you." Dugtong at turo niya sa akin at humalakhak naman ang mokong. Yeah.. ganyan si Stephan matuwa. "Isang tawa mo at isang salita mo pa! Bibigwasan talaga kita! Tatak mo dyan sa maloko mong utak! Hindi ko boyfriend iyang kaibigan mo!" Humahangos sa inis na wika ni Michelle. Sumasakit yata ang puso ko. "Bro.. stop it. Magkakilala lang kami. May kailangan siya sa akin at may kailangan rin ako sa kanya." Mahinahon kong wika. Baka naman makalma ang isa sa kanila. Makahulugang ngumiti si Stephan. At itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Okay! I'll go—" "Ako ang aalis! At ikaw lalaki oras na matyempuhan kita 'san man lupalop ng pilipinas! Hindi ako magdadalawang isip manawagan sa mga Mafia kong kaibigan!." 'Mafia??? May Mafia siyang kaibigan??' "Matatakot na ba ako n'yan?" Cool lang na wika ni Stephan. Walang bahid na natatakot. "Oo matakot kana! Peste sa lipunan!" "Malaki ang ambag ko sa pilipinas." "Kaiinin mo 'yang ambag mo. Peste ka pa rin!." "Bro.. enough. Magkasakitan pa kayo. Mitch. You go ahead." Kalma kong wika. Gusto ko matigil na iyon. Nasasaktan ako kapag nakikitang nagagalit si Michelle. Madalim ang mukhang napatungo si Michelle. Sandaling katahimikan ang namagitan. "Oo! Aalis na ako! Huwag kang mag-alala.!" Madiin ang bawat salita. Napaigtad ako ng lumakad siya akala ko tutuloy na siya subalit tumigil siya at nanatiling nakatungo pa rin. "See you na lang sa Cafe." Aniya sa malamig na tono ng dumaan sa akin ni hindi nga ako tinapunan ng tingin. Wala siyang ekspresyon ng tingnan ko ang mukha ngunit hindi nakaligtas ang namumuong butil sa kanyang mata. Pabalibag niyang sinara ang pinto. Naiiyak ba siya?? Dahil ba sa pikon na ito at nagagalit na sa pinagsasabi ng kaibigan ko? O may pagkakamali naman akong sinabi? O tama bang pinaalis ko siya gayong naghintay siya?! Napahawak ako ng wala sa oras sa aking batog. Naguluhan ako bigla. Napabuga ako ng hininga. At tiningnan ng masama ang kaibigan. Kasalanan nito eh... Minsan masakit talaga sa ulo itong si Stephan. Hindi marunong magbiro!. "Ano bang pumasok sa kokote mo?! Bakit mo siya pinikon ng ganoon?!." Inis ko ring sabi at padabog na tinabihan ko si Stephan sa sofa. Halos magupugan na ang mga kilay ko sa sobrang salubong niyon. "Hindi lang ako ang nagpainit ng ulo niya. 'pre." Tinapik ako ni Stephan sa balikat. "Anong ibig mong sabihin? Huwag mong ibaling sa akin. Loko ka! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan niya?!." "Hahahaha! Try mo balikan lahat ng sinabi mo kanina. Ginatungan ko lang." Tumawa nga siya kaso ang dry-dry naman. "Anong ginatungan ikaw 'yung nagpasilab. Huwag kang painosente d'yan. Mukha kang tanga!" Mahilig talaga itong lumabi pagsila lang dalawa at take note nakataas pa ang kilay. Suplado! "May gusto ka 'dun. Halata naman." Diretsahang sabi niya hindi lang naman kutsarain. "Bakit ang daldal mo. Kailan ka pa naging ganyan. Naging CEO ka lang. Daig mo pa ang bading. Hindi ka naman ganyan dati ah!" Nakapa-panibago lang sa dating siya. "Change is normal 'pre. Pero ano nga ba saiyo ang babaeng iyon." "Michelle ang pangalan niya. Huwag ka ngang babae ng babae d'yan. Baka ikaw ang gawin kong babae.!" Tipid siyang tumawa. "Okay. So, what the two of you really score?" "Scorin mo face mo. Wala. Sabi ko di'ba." Biglang natahimik siya at parang saglit na nagiisip habang napapa dekwatro ng pambabae. "Ano naman 'yang nasa utak mo 'pre." Hindi maalis ang kunot-noo ko. "Come to think of it. She looks familiar. I don't know kung saan ko siya nakita. Hmmm.... Baka Ex-girlfriend ko?...." Napamaang naman ako sinabi niya. Kung ano-ano naman ang iniisip Niya sigurado ako. At ang mokong ngumiti pa ng parang kontrabida sa palabas. ".... Or Mo?!" Napasinghap ako ng mahina. Papaano na isip pa niya?. Peste naman ang isang Ito daig pa si Tito Boy Abunda! Ngunit sa tingin ko may alam siya. Dahil kanina habang kinakausap niya si Michelle may part na kinikilala niya Ito. "Tama!" Napapitik pa ito sa ere habang hindi nawawala ang pagiging elegante nito sa pustura ng pagkakaupo. "I knew it. She's your Ex-girlfriend. Way back when we were college! Bakit ko ba nakalimutan eh patay na patay yun sa'yo. Mukhang may namumuong pagbabalikan ah!." Sinamaan ko siya ng tingin. "Pumunta ka ba rito para tsumismis. Pati pala pagiging tsismoso kasama sa pagiging CEO mo ba?" "Well, somehow I'm interested. Lalo na kung lovelife mo brother." "Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon." "Fine." Aniya at tiningnan ako ng seryoso. "I'll get to the point. Bukod hindi mo ako nireplayan..." May kinuha siya sa eleganteng suit niya . ".... Here invitation." "Ano 'to kasal mo.? Sino ang nabulag mo?." Nginisihan ko siya. "Marami sila. Ayoko lang. Walang pumasok sa criteria ko." Mapait niyang wika. Hindi na siya nagusisa pa. Baka magbago ang mood niya. Tiningnan ko ang invitation. Wedding anniversary ng magulang niya.? Next week! Well, actually it is wedding anniversary of his non-biological parent. "Anyway hindi na ako magtatagal. Marami pa akong pupuntahan." Tumayo siya. "Nice to see you. Bro." Tumayo rin ako. Binigyan ako ng yakap. Syempre yakap ng panglalaki. Wag kayong ano dyan. Hinatid ko siya hanggang elevator. Kasama niya ang assistant niya na nasa labas ng opisina kausap si Kyle. "Isama mo na rin 'yung girlfriend to be mo." Nakangisi naman siya na parang ewan. Nangaasar. Nginitian ko na lang rin siya. Kumaway pa siya. Hanggang sumara ang elevator. "Hahahaha! Ngayon ko lang napansin maloko rin pala 'yong CEO ng S.A. Group." Ngising-ngisi namang wika ni Kyle sa tabi ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "May kasalanan ka pa sa akin. Sumunod ka maglilitis pa tayo." Nawala ang ngiti ng kaharap at napalunok ng laway ng wala sa oras. Habang kakamot kamot sa batok. Maraming buntong-hininga ang ginawa ko at pinapakalma ang sarili. Ano na lang ang mangyayari mamaya kapag nagkaharap ulit kami ni Michelle. Pakiramdam ko kasi may mali talaga ako at mali ang pagpapaalis ko kanina sa kanya. Bahala na! ::S.E 1::
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD