POV
Michelle
Tumikhim muna ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "So what kung pinirmahan ko noon. Hindi ko intensyong tulungan kita o ang pamilya mo kung iyon ang iniisip mo. Then you are definitely wrong. Ikaw rin naman ang nagsabi na ayaw mo humingi ng tulong sa pamilya ko. But why this is happening? Because you have debt to be paid off, and literally to me." I pointed out to him. Ewan ko lang kung nakuha pa niya ang ibig ko pang iparating sa tono at pananalita ko. I maybe slightly mad to him until this time.
Biglang umiba ang aura niya. Naging seryoso ngunit malungkot ang mga mata. "Do you resent me that much?"
The out of the blue question of him, made me tongue-tied. Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng isasagot ko. Oo sana gusto kong sagutin ngunit may kabilang bahagi ng utak ko na pumipigil sa akin. Was because my heart still pounding for him?! My gaze never leave him. As well as my heart never stop beating radically.
In short lutang!
"Excuse me, I'm sorry to keep you both waiting. Mr Velasco and Ms. Sanchez." isang boses ng lalaki ang nagpaiba ng tingin ko. A man with a baby face but surely I can classify him as an aged man. With his cute smile under in his eye glass, plus his stunning smooth skin. Daig pa niya ang babae sa kaputian. Hindi typical para sa lalaki. Kung hindi lang sa pormahan niyang pang-business attire. Aakalain kong isa itong artista na padpad dito para magkape.
"Attorney Davis, Nice to see you." Bati ng kaharap ko at saka tumayo para makipag-kamay.
Ganoon rin ang ginawa ko. I knew him anyway. "What brought you here Attorney? Is my Dad checking on me?" nakakunot-noo kong tanong habang nakipag-kamay sa kanya.
"You've grown beautifully Ms. Sanchez." sagot niya saka binitawan ang kamay ko at ngumiti sa akin. Hindi Niya pinansin ang tanong ko. Siguro kung kasing edad ko lang siya baka magka-crush pa ako. Ngunit dala na rin sa edad nagsisimula na ang baby face niya magka-wrinkles.
"Have a seat." aniya ni Kevin sa Attorney.
"I know you been wondering Ms. Michelle why I am here?. Kasama ako noong ginawa ang kontrata at agreement ng mga daddy ninyo. Kung ano man ang mapagkasunduan ninyo, nararapat lang na malaman ko. Do you still remember, hija?" wika ng attorney sabay sulyap sa akin bago bumaling Kevin. "Thanks by the way, Mr. Velasco for informing me."
"Since, I know naman na kailangan ka talaga rito. You are the only one we can trust and the only an eyewitness."
Tumawa ang Attorney. "Both your father threaten me anyway. So, the secret was safe until now." he clasped his two hand. at nagpalinga linga sa kanilang dalawa. "By the way, napagisipan na ba ninyo kung ano ang mangyayari sa kontrata. Specially you Michelle? Did you agree what was written in the contract?."
"Yes, she's already agree. Make sure to write another contract Attorney Davis once this is settle." anito ng kaharap ko.
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Anong gusto mo iparating, na baka maghabol pa ako?."
"No... That's the appropriate way. To close this contract and the agreement. And you suggesting this earlier."
Saglit akong nag-isip."Sinabi ko ba?! Well, ganoon pa rin ang ibig sabihin 'nun! So, meaning wala kang tiwala sa akin? I am that someone who easily barge into your company and ask for money?!" medyo napataas ang boses ko ng kaunti.
"Your thinking in advance. Are you writing a novel?" He smiled.
My upper lip twitched. Masabunutan nga ang lalaking ito. Nagawa pang ngumiti.
"Calm yourself Ms. Michelle. Mr. Velasco is right. That's the proper way for legality purposes. Isang katibayan na magpapatunay sa kasunduang gusto ninyong mangyari. Better na pag-usapan ninyong dalawa ng mabuti ito para walang maging misunderstanding pa in both parties."
Tiningnan ko ang attorney. "What if hindi ako pumayag? What's the deal?"
"I suggest you think it carefully."
Nagkibit-balikat lang ako.
"Have you read the contract?" Nagtatakang tanong ng Atttorney sa akin.
"No. I don't have time." sabay kibit-balikat ulit.
"Then you must read it. And make some time." suhestyon ng Attorney.
"I can't read that.Can you please just explain it to me?" pakiusap ko sa nababagot na tono.
"Are you having a dyslexia?" nag-aalalang tanong ng kaharap ko. Sumingit nanaman, napapatigil tuloy ako.
"Kapag ba ayaw magbasa may dyslexia agad di ba pwedeng tinatamad lang!" mataray kong sagot. Nagsimula na akong maalibadbaran kalmado nitong pagmumukha.
Both men in my sight chuckled. Mukha pa talagang nakakatuwa ang nangyayari. Ipapalunok kaya ko kaya sa kanila ang envelop na hawak ko. Ewan ko lang kung makatawa pa sila.
"Okay, okay bago pa mapunta sa biyolenteng pag-uusap. Ms. Michelle to make this story short. Kapag hindi ka pumayag, then you have to work under Mr. Velasco Company. Nakasulat pa rin 'yan."
"What?!" Pabigla kong wika.
"This is your father condition. He knows that this day will happen. Alam niyang simula't sapul ayaw mong magtrabaho either sa family company niyo or in other companies. Gusto niyang mapabuti ang kalagayan mo. Anyway this is only for your own good naman."
"That old man makes my life worsen and worsen. Did he think that I'm in a mess? Hello! I'm enjoying myself right now!" Pasarkastiko kong wika ngunit sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako ng marahas.
"I'm so sorry Ms. Sanchez, walang ibang choice. Kung sana gumawa ka ng kondisyon sa naayon saiyo noon."
"I don't care! Even now I don't care.! But that condition is too much without my knowledge!" Nang-gigil kong sabi.
Marahang bumuntong-hininga ang attorney. "Better to talk with your dad."
"I know naman from the very beginning. Even pumayag ako. My old man have a personal condition. That can only makes me miserable." Mapait kong sabi.
Hindi na kaligtas sa paningin ko ang pagkunot-noo ng kaharap ko na si Kevin. Nagtatanong ang mga mata.
Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita na ang Attorney.
"Hindi na ako magtatanong. What matters between you and your father's agreement I will not interfere. You have to think this over again. And make wise decision for yourself."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong sumugod sa laban ng walang kaalam-alam na kahit anong tira ay wala kang laban. Hindi ako makapag-isip na mental block ako.
Kung tutuusin madali lang sana ang mag-agree na ibabalik ang napahiram na pera may kasama pang tubo. Ngunit dahil sa kondisyon ni Daddy bago matapos ang buwan ay nakapagtuliro sa akin. 'Kainis!'
Mukhang kailangan ko talagang basahin ang kontrata.
Bakit ba hindi ko naisipang basahin man lang noon?
'Dahil Wala ka ngang pakialam. Ganoon 'yun!'
Tumayo at tumingin ako kay Kevin. "Im so sorry... I can make a decision right now, maybe we talk it over some other time." Hinarap ko si Attorney. "I think you are right, need to think of this wisely. Mauna na po ako saiyo attorney. " Paalam ko saka nakipagkamay sa dalawa. Gaya ng inaasahan ko napapapitlag pa rin ako sa magkadaopang palad namin ni Kevin. Agad ko iyong binitiwan at iniwas ang tingin sabay lakad palabas ng Café.
Lumulutang ang kaisipan ko. Naghahanap ng solusyon na pabor sa kanya at naaayon sa kagustuhan ko.
'Dammit! This is making me frustrated!'
Two weeks ago when that meeting happened. Hindi pa rin ako makapagdesisyon. I sighed for nth times and think over and over again. My frustrations eat me and stress me out. Ano bang problema ng ama ko at gustong-gusto niyang pagtrabahuin ako sa kompanya. Hindi naman niya papamanahin sa kanya ang buong kompanya. Okay naman sa akin ang kahit kakapiranggot na mana kahit nga wala na basta huwag lang makialam sa kagustuhan kong mangyari sa buhay ko. Ewan ko tinatamad kasi ako kapag puro papel sa mesa ang nakikita ko.
Oo nagbussiness management ako kahit labag sa kalooban ko at Isa pa ng panahong iyon lito rin ako kung ano kursong gusto ko. Sa huli nasunod pa rin ang kagustuhan ng pamilya.
Kaya naman kahit nagsleep over ako at madalas nasa Cafe at naglalakwatsa kasama ang mga kaibigan ko ay hindi ako pinapagalitan ni Dad. Maging ang pagtatrabaho ko sa Cafe ay napapayag ko siya.
Subalit ngayon nga ang kinaii-stressan kong problem.
Unfortunately, hindi ko kayang baliktarin ang desisyon ng aking magaling na ama. Kung dati easy, easy lang ngayon hindi na. Kung tutuusin may point naman talaga so Daddy. Oras na para mag-seryoso at seryosuhin ang lahat ng ito. Ako lang talaga ang nagmamatigas.
Gusto ko maglupasay sa pagtutol. Kung hindi lang talaga masagwang tingnan sa edad ko.
Kaya napatanaw na lang ako sa labas ng cafe at nagbilang ng mangilang-ngilang taong dumaraan. Masyadong maaga para pumasok dahil close pa sila. Napaaga ako para mag-isip at makapagmuni-muni.
"It's not good in the morning for making your face like that. Para kang nag-aaliw ng malas at tumataboy ng pera." Anito ni Charlene, umupo siya kaharap ng inuupuan ko. May bitbit itong dalawang tsaa.
'Hmmmm chamomile tea....'
Pinasadahan ko siya ng tingin habang nakapangalumbaba. Siya nagbukas sa akin ngunit mag-iisang oras na ako dito hindi pa rin siya nakapag-ayos sa sarili. Magulo ang buhok niyang nakataas 'as usual' at maraming hibla ang natatabunan ng mukha at eyeglass niya. Itinaas ang binti sa kinuupuan. Naka squatting position. Feel at home ang aura ng lola mo. Kunsabagay bahay c*m workplace nga naman niya.
I faintly smiled to Charlene. And making a sipped to my tea. "This is good. Thanks anyway." Inumwestra ang hawak na tasa na may tsaa.
"Yeah... Nakakarelax lalo na sa mga taong maraming iniisip. Katulad mo."
"Papaano mo naman nasabi 'yan?." Nagtatakang-tanong ko. I furrowed.
"I heard your infinity sighed. Simula pa ata iyan kahapon ng bumalik ka galing sa appointment kuno mo. At tsaka it's unusual to you to come so early in the morning." Humigop siya ng tsaa habang mga mata ay may paghihinalang sinulyapan ako, kasabay 'nun gumawa siya ng ingay pakatapos humigop ng tsaa. "Ahhh!!! Buti pa itong tea nakakaginhawa. Ahh... Sarap."
"Palagi naman akong maagang dumating. At ako ang una sa attendance sheet mo." Katwiran ko.
Tumawa siya. "To think na five-thirty andito kana at binulahaw mo ang masarap kong tulog. Kakaiba ka rin no, kapag malalim ang iniisip, halos kuminang ang countertop kakalinis mo. Dapat pala saiyo ganyan palagi baka buong cafe ay malinisan mo. Hahaha..." Humalakhak pa siya.
"Hehehe...." Pakikisabay ko na lang sa tawa niya at hinayaan na lang siyang tumawa tutal hindi naman nakakainsulto ang tawa niya hindi katulad ng kay Kena.
Napatingin ako sa countertop na lininis ko.
Hanep! Kumikinang nga!.
Ganoon ba ako kagaling maglinis. Impossible!. Napapiling ako ng ulo. "Sa tingin mo magagawa kong linisin ang buong cafe?."
"Ano sa tingin mo?.Ikaw ba namang ubusin ang bagong biling cleaner spray at isang lugar lang ang nakinabang. Tsk. Tsk. Tsk." Hindi maalis ang ngiti sa labi niya. Kahit ako natawa na lang rin sa inasal ko.
"Namalayan ko na lang walang laman na eh... Ang akala ko nga kunti lang ang laman 'nun. Bago pala."
"Hahahaha!" Sabay naming tawa.
"Bilib talaga ako saiyo." Sabi Niya pagkuwa'y nag-stretch ng likod. "Pero seryoso. Kung ano man ang bumabagabag saiyo. We, your friends are here to help you. Just spill the tea. Huwag mo lang kaming paghintayin. And if it's about family matter? Well, I don't know if I.. we can help? But we can try to help you in our very best. May pakiramdam kasi akong naiipit ka. And your family are giving you a hard time."
Napatitig ako habang nagsasalita siya. "May pagka-Oracle ka ba? Saan bolang crystal mo? How come na parang alam mo ang lahat?"
"I don't know much. But I got this feeling... It seems that you've got in a really big mess and it's bother me, specially this past few weeks. Hindi mo maalis sa akin ang pag-alala. Your are my friends. Ayoko naagrabyado or nahihirapan isa man sa inyo. Actually, lahat naman tayo ganoon ang kaisipan sa isa't-isa."
I nodded to agreed. "Right."
"No, Left." aniya sabay tawa. Ako naman natawa rin.
"Joke ba 'yan."
"Corny no.. I'm trying. Pinapa-good vibes lang kita." Chacha sighed. "Well, if you are willing to tell me or to everybody. Our ears are open." Tumayo na siya sa kinauupuan. At sinimulang maglakad palayo sa akin.
"Saan ka na pupunta." Pigil niya.
"Maliligo. Tingnan mo naman ang itsura ko. Amoy laway pa yata ako." Ani niya sabay ngiti sa akin.
"Yuck. Kadiri ka!"kunwaring diring-diri ako subalit tawang-tawa naman.
"Uso yan ngayon. Gusto mo rin makiuso?." Naglakad na ulit siya papuntang hagdanan kung saan ang daan third floor.
"No thanks."
Ang third floor ang nagsisilbing tahanan niya.
Alam kong biro lang ang sinabi niyang huli, dahil kahit hindi siya maligo, humahalimuyak pa rin ang lotion niyang pang-overnight yata ang bango.
Bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko ay tinawag ko siya. "Cha...Chacha!"
"Hmm.." napatigil siya sa paghakbang at napalingon sa akin.
Seryoso akonh tumingin sa kanya at huminga ng malalim. "I...I have something to tell you, to everyone. I need you guys."
Tumango siya. A sudden relief shown in Charlene's face. "I call an emergency meeting then."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Mas makakabuting sabihin na siguro kung anuman ang problemang kinahaharap ko at mahingan sila ng opinyon. Baka sakaling makatulong. Kasi, kapag tumagal pa mas lalong mag-alala ang mga ito sa akin at nasisiguro ko iyon. Kilala ko ang likaw ng bituka nila, they're really persistent once you avoid their curiosity.
Lalo na at hindi ko alam ang gagawin. Ayaw kong magpakasal o kahit blind na 'yan. Ayaw ko ring magtrabaho sa kompanya namin o kahit saan pa man. Ayoko mabulok sa opisina. Okay na sa akin ang ganito. Alam ko iisipin ng iba wala akong pakinabang at wala akong pangarap sa buhay. Pero kaya kong mabuhay sa simpleng pamamaraan na gusto ko. At ang pagiging stalker ko sa ex ko ay bahagi na ng buhay ko. Subalit sa sitwasyon na kinakaharap ko sa pagitan namin ay binabagabag ako masyado. Hindi talaga ako makapag-isip ng tama. Dahil kung aayawan ko ang kontrata at pumayag na lang na magtrabaho sa kompanya niya. Hindi ko alam kung hanggang saan matatago ang pagkagusto ko pa rin sa kanya. The choices is super difficult to deal with.
'Nakakaputi ng buhok! Lang'ya!'
Shoujo Elite office......
Halos balatan ako ng buhay ng mga kaibigan ko. Basi sa seryoso at nang-aarok na titig ng mga nila sa akin.
This is Charlene's emergency meeting!
Bulabog lahat ng kaibigan namin. They came rushing in one call away. Kahit sabihin na nating busy ang mga ito. Pag-sinabing emergency... Emergency kahit hindi naman gaano. I awkwardly smiling to them. Here, their sitting arrangement in Charlene's office. Kena the oldest one who was sitting mighty in the center of the long table. Akala mo siya ang may-ari ng opisina. While on the right side is Chacha, the petite one, Thine the frank and supladita, Chel the silent prototype, then in the left side is the J3. Joan the smiling and always have a happy face, katabi nito ay si Jeline I don't know how I describe her, Basta Jeline is Jeline, sometimes dumb sometimes slow or sometimes both. Katabi nito si Joyce Nichole, the Japanese girl who are die hard fan of a raffle promo and Mary joy ang late na dumating sobrang maarte, mala-prinsesa ang datingan ngunit maawain lalo na sa tinutulungan nitong lugar.
And lastly, I, the main subject of their keen eyes. Nasa kabilang kabisera Rin ako, actually dapat katabi ko si Chel at kaharap ko si Mary Joy. Subalit datapwa't ako ang suspect kung baga sa krimen, sila naman ang tagapag-imbestiga and it's time for interrogation and submitting yourself.
"Ano na? Tititigan ka na lang ba namin? Masyadong malayo na iyang iniisip mo. Bumalik ka na dito." Kena said while flicked her thumb and forefinger in three times. Gumawa iyon ng ingay para bumalik ang suhesyon ko.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.
"False alarm." Tiningnan ni Mary Joy si Charlene ng mataray. "Right?" Pinag-cross pa ang mga braso.
Charlene just give a Mary Joy a mere shrugged. And a "be patient" look.
"This isn't false alarm. I told Chacha to summoned you all. I was hesitating at first whether If I tell you all or not. I know all of you are busy. I don't want to disturb and involving each one you, but I guess it wouldn't happen. I am here now, standing in front, looking for a solution to my delimma. Akala ko kasi kaya kong mag-isip at magdesisyon na hindi ko kailangan ng opinyon ng iba. Noong una siguro, kaya lang biglang umiba ihip ng hangin ng sitwasyon. Parang wala akong malulusotan sa lagay ng kagustuhan ng family ko." Mahaba at nakakapanglumo kong sabi.
"So it's family matter after all... Wala talagang ligtas pagsila na ang nakialam." Wika ulit ni Mary Joy medyo may tinatagong hinanakit sa tono palang niya. Alam kong relate siya.
"Can you make the story from the beginning of your so-called delimma?So, that we can understand and help you." Anito naman Kena half-curious, half-impatient.
Tumango-tango naman ang iba bilang pagsang-ayon.
Huminga muna ako ng malalim sin lalim na yata ng balon ang buntong-hininga ko. Ganoon nga, ikwento ko simula't-simula. Sa mga kondisyon ng ama, sa contract at pati ang encounter ko ng personal kay Kevin.
Let me refresh it once again....
Dahil sa pinagkasunduang kontrata, ang kondisyon ng ama ang mas bumabagabag sa akin. Kapag pumayag akong bayaran ng VGH Arts ang shares ko at makuha ang devedend 'nun, the condition of my father will definitely my problem.
"Dalawang bagay lang, at wala akong takas...." Bitin kong sabi. I set my eyes on them.
"...Either working in the family company that every move I would make is being monitor or set a blind date and worse get married to a god damn person, I didn't know and I didn't love! Imagine! Saan ako lulugar!" Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.
"And if you against the contract?" Tanong ni Charlene.
"H..Huh?!" Wala sa sariling sabi ko.
"Malamang breach of contract 'yun." Wika ni Jeline.
"Wow!!! Tumalino ka bigla. Parang siguradong-sigurado ka sa sagot mo ah." Biro ni Kena kay Jeline.
"Breach of contract naman talaga di'ba?"
"Yeah Right, binibiro ka lang ni Kena." Sabi naman ng katabi ni Jeline na si Joyce.
"Neglecting your part in agreement is kinda shameful, you know." Nakapangalumbabang wika ni Christine habang nakamasid sa akin.
"Let me see the contract." Sinenyasan ako ni Kena na ibigay sa kanya ang envelop na nakalapag sa mesa.
I slided it to her. Dahil salamin ang mesa mabilis itong inagapan ni Kena ng palad niya para hindi mahulog sa paanan niya.
Binasa iyon ni Kena ng mabilisan Basi na rin sa mabilis niyang pagbuklat ng pahina. Nakiusyuso naman ang dalawang malapit kay Kena sa magkabilang gilid na si Chacha at Joan.
"How come, you didn't know that the VGH is Kevin properties? Psssshhh... You miss something important." Mataray na wika ni Mary Joy.
"Hindi ko naman kina-career ang pagiging stalker. I stopped stalking him when he came back. And put-up some business in here."
"Sus kunwari ka pa. Kasinungalingan hindi ka nagbackground check noon o kaya hindi saiyo naikwento ang buhay niya?."
"Hindi ko naisip mag-background check. Even noong magboyfriend kami hindi niya na kwento kung ano business nila. Basta may business sila. Ang alam ko pa may kapatid siyang babae. 'Yun at Yun lang."
"Mamatay ka man?" aniya naman ni Rossel.
"Promise, nagkikita kami ni Kevin at nagdidate pero Pa-minsan minsan lang at kadalasan puro aral lang ginagawa namin. Patago pa." I swear in god name.
I didn't do anything to dig in more. Sapat na sa akin na nakikibalita ako sa social media niya noong nasa ibang bansa siya.
"Bwahahahaha!" Biglang halakhak ni Kena.
Ang dalawa naman na si Chacha at Joan ay simpleng nakangiti naman.
"Ano bang nakakatawa?" Nakakunot-noong wika ni Christine. "Patingin nga." Pahablot na kinuha ang papeles kay Kena.
"N..Naku hahahaha... Yung last page mo na ang tingnan."
Sinunod naman iyon ni Thine katulad ng madalas mangyari. Nakiusyoso na rin ang katabi na si Rossel.
Walang imik ang dalawa tumingin ng makahulugang sa akin. Gayon din sina Mary Joy, Jeline at Joyce Nichole ng matapos nilang mabasa.
Alam ko na kung bakit sila ganyan.
"Hahaha!!! I'm speechless!" Wika ni Kena.
"Signature at it's finest..." Komento ni Chacha.
"Clap clap clap sa katangahan mo friend." Ani ni Mary Joy.
"Katangahan agad. Hindi pwedeng may pinagdaraanan lang ako that time."
"Lesson learned magtutong magbasa at mag-isip muna bago umaksyon. Kaya ikaw Jeline hah! Tandaan mong mabuti."
"Bakit ako Thine.?"
"Wala lang nagpapaalala lang. Malay mo mangyari rin saiyo. Ano ka pa naman... Alam mo na."
Nginusuan siya ni Jeline at humalukipkip sa kinauupuan.
Nagtawanan naman ang lahat maliban sa akin.
"So whatcha gonna do about it?" Prenteng sabi ni Kena sa seryosong tono. Na nakapagpatigil ng tawanan at magkaroon ng kunting katahimikan.
"Kahit mag-against ka. Wala kang lusot. Magtatarabaho ka pa rin sa kompanya 'yun nga lang sa kompanya ng Ex mo." Sabi ni Christine.
"Isn't great!?" Nagliliwanag ang mata ni Rossel.
"Papaanong naging great 'yun. Alam naman ninyong ayoko magtrabaho sa kompanya." Nakakunot-noong wika ko.
"Tangek what Rossel mean is, the chances between you and Kevin. May posibilidad na mangyaring maging kayo sa huli."
"God is good. Tadhana na ang gumawa ng paraan." Kinikilig namang wika ni Joan.
"Anong pinagsasabi ninyo. All I need is your opinion?! Hindi ako makapag-isip at makapag-desisyon!. Lahat walang pabor sa akin!" I said in frustration.
Sandaling katahimikan ang lumaganap sa paligid, walang gustong magsalita. Lahat ay nag-iisip. Akala mo may quiz bee na kompetisyon. Kanyang-kanya aura sa pag-iisip. Maya't maya ay nagtinginan sila sa isa't-isa.
"Ano na guys.! I need your opinion and suggestion. Ang disenteng opinyon naman ah..."
"Napaka-demanding ng baliw na 'to." Sagot ni Kena sabay turo niya sa akin.
Si Jeline ang unang nagsalita. "I don't know what to say. Pero kung ano man ang kagustuhan mo susuportahan ko na lang. Hindi gumagana utak ko eh..."
I rolled my eyes as expected from Jeline. "I-allow you to think again."
Blag!
I startled when someone slammed the glass table. Buti lang hindi iyon nabasag kung hindi baka sugat-sugat na ang kamay ng humampas 'nun.
"Ouch!" Napainda sa sakit ng palad si Joan dahil sa katangahan niya. Kinampay-kampay sa ere ang nasaktang kamay.
Tatawa-tawang tiningnan ni Kena si Joan walang kang makikitang bahid na concern sa mukha. Hindi katulad ng iba, tumawa naman kaso mas halata mo ang concern nila. "Sino naman kasi nagsabi saiyong hampasin mo ang mesa. Buti na lang hindi nagasgasan itong mesa. Gawang Japan pa naman 'to."
"Mas concern ka pa sa mesa kaysa sa akin. Nakakainis ka naman." Padabog na wika ni Joan at lumabi pa.
"Mahal ito, mas mahal pa sa buhay mo."
"I agree." Charlene second the motion na nagmamay-ari ng mesa.
"Made of gold ba ito?." Natatawang wika naman ni Joyce Nichole.
"It's more than gollllldddd...." Kena replied with slow motion.
"Oh eh di platinum!." sarkastikong usal ni Mary Joy.
"Patay na ang gumawa nitong mesa. Sige pagnabasag ito. Hanapin ninyo ang libingan ng mang-uukit doon sa Japan." Sabi pa ni Charlene.
"That's creepy!." Ani ni Joan.
Marami pang adlib na hindi ko na maintindihan at nawawala na ako sa eksena. Napahawak ako sa aking sentido at nahihilo ako kung palipat lipat ng tingin sa bawat may magsalita sa kanila. This are my friends. Ayaw magpa-awat, ayaw magpatalo sa isa't-isa. Wala na. Wala na sa akin ang focus. Kailangan ko namang magpakitang-gilas para mapansin sa grupo. Kanya kanyang istasyon nanaman.
Halos mapudpod na yata ang lalamunan ko sa kakatikhim ngunit wala pa rin. Kung pabaliktarin ko kaya itong mesang pinagtatalunan nial baka naman makuha ko na ang atensyon ng mga balahurang frog kong kaibigan. Tumayo ako at bumuga ng malakas na hangin, nasa akto na akong babalikwasin ang mesa ng biglang may matinis na boses akong marinig. Masakit sa tenga!
"Yahhhhh!!!!" Oh! the silent prototype Rossel is now in midst of irritation. Napatahimik ang lahat at nabiglang napatingin sa kanya katulad ko. "I-respeto naman ninyo si Mitch. We came here to resolve her problem not to debate how expensive this damn table." Itinuro niya ako bigla. "See, balak na niyang pabalikwasin itong pinaglalaban ninyong mesa!"
Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Naka-freeze ako sa aktong ganoon kaya napa-smile na lang ako ng malawak at nag-peace sign. Saka tumayo ng tuwid.
Tumikhim ako. "Can we go back to my business?Now?." I slowly putting my butt in my chair.
They all nodded in synced as if they're a display puppies in the dashboard car.
"Seryoso na guys. Baka magsalita naman ang silent prototype natin."
Tiningnan ng masama ni Rossel si Jeline.
Jeline clasped her mouth automatically.
'Makuha ka sa tingin.' Ani ng utak ko.
"Anyway..." Sinimulan ulit ni Joan. "...My opinion is choose the least consequence but be favor to you. And that is the last."
"What last?"
"The last!..Duh!.. if I were you I will against. Why? You hate company work but yet it is open opportunity to be nearest to him. Hindi mo kailangan magpakahirap pang mang-instalk. Then you work, you earn. Your shares will grow more and more. You know this is easy, a lot is in favor to you."
"Wait... If being nearest to him is also your dilemma, Right?" Tumango ako. "So, sa tingin ko sa family company ninyo ka na lang magtrabaho. Same environment naman. Instead under him. Kung ayaw mo naman siyang makasama sa iisang lugar. Magkakapera ka pa. Malilibre mo pa kami." That's Christine suggestion. Ang wise at opurtinista wannabe. Basta may libreng naka-attach. May pakinabang. May share rin kumbaga.
"Akala mo naman naghihirap ang isang ito." Komento naman ni Mary Joy kay Thine. Ngunit ginantihan lang ito ng ngiti.
"Kung ako rin ang nasa katayuan mo. I go with Thine. That's the better option. Kaysa naman magpakasal ka sa hindi mo naman gusto. Hayaan mong imonitor ka nila. Magsasawa rin naman iyan." Segunda ni Chacha sa sinabi ni Thine.
"You don't know my father. Even if I'm working in the company. Gagawa iyon ng paraan para i-settle ako sa na-aayon at kagustuhan niya."
"I feel you." Simpatya ni Mary joy.
Bumuntong-hininga ako. "Sa tingin ninyo kapag pinili ko magtrabaho sa kompanya ni Kevin, kakayanin ko bang itago ang nararamdaman ko para sa kanya? Kakayanin ko bang araw-araw ko siyang kaharap.?"
"Bakit hindi mo subukan?. We just here to support you. Ikaw pa rin ang magdedecide. At tsaka mas mabuti siguro, paraan na rin iyan para talaga matimbang mo ang nararamdaman mo. Malay mo, marealize mo hindi mo talaga siya love kundi nasaktan ka lang before. Hindi natin alam way na iyan para maka move on ka ng lubusan. And find a new true love." The encouragement in Joyce Nichole's voice enlighten her.
"Ikaw ba yan. Chole. Your talking about love?." Nahihiwagaan na sambit ni Chel. Nagkibit-balikat lang ang Isa. "Kunsabay, panahon na rin Mitch. Isantabi mo muna iyang pagkadisgusto mo magtrabaho sa kompanya. You can't predict the destiny. Baka Bumiglang liko ang destiny at makita ka. At makabalikan kayo." Mas-alive at napaka-optimistic na wika ni Rossel may kasamang ningning ng mata at pinagtiklop ang kamay. Akala mo nanaginip ng gising.
"Tama! At wala ng ampalaya tayong kasama." Si Jeline ang nagsalita.
"Wala ng akong isusuggest pa. Lahat sinabi na nila. Remember, our opinions and suggestions was either to helped or to messed up on your decision making. Alam mo kaya mo naiyan. Doon ka sa madali saiyo at hindi ka masu-suffocate. Especially kung saan ka magiging masaya." Seryosong wika ni Kena.
Ayan nanaman ang synchronize nilang pagtango ng tatlong beses. Napangiti na lang ako, well at least the burden she felt this past few days get lessen. At mukhang gets ko na Rin ang gusto ng mga nilang mangyari. I go with my friends suggestions. Majority wins. Alam naman niyang iisa ang utak ng mga ito. Pangpagulo lang ang mga hindi sumasang-ayon.
Tama si Kena doon ako makapagpapasaya sa akin.
Maybe?!
Bahala na kung saan patungo ang hinaharap ko. Kagaya ng hinaharap ng dibdib ko.
"As long as nandiyan kayo para sa suportahan ako, magiging at ease ako."
They all smiled widely as they're happily wishing me a good luck.
::S.E 1::