CHAPTER ONE: Michelle Sanchez

3879 Words
Disclaimer: "This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental." POV Michelle "One macchiato and one caramel latte with two blueberry cheesecake." inulit ko ang order ng customer sa kaibigan kong si Jeline. At inilagay iyon sa isang tray. Jeline smiled after receiving the order and carried it to the customer. I am Michelle Sanchez known as Mitch, working in Cafe called Shoujo Elite owned by my friend. Matagal na akong nagtatrabaho doon. Simula ng maging kaibigan ko ang nagmamay-ari at maging paboritong tambayan noong high school kami ng mga kaibigan ko. I loved working at the cafe without hesitation despite living in wealth. At isa pa daan na rin ito tungo sa pagsubaybay ko sa Ex-boyfriend ko walang-hiya na hanggang ngayon minamahal ko pa rin. "Here come the buwisit of my life!" Naibulalas ko ng bumukas ang pintuan ng cafe at mukha ng ex-jowa kong si Kevin Velasco ang bumulaga doon. My eyes sharpen when I saw him smiling to the women at near table. At ang mga babae ay tila kinikilig dahil hindi ng mga ito maalis ang tingin sa lalaki. "Kung nakakamatay iyang tingin mo, kanina pa ako nakabulagta dito at dumanak ang dugo." anito ni Kevin sa akin. Nakalapit na pala ito. "How I wish! Kung hindi lang krimen ang pumatay ng tao. Matagal na kitang pina-shoot to kill!" sarkastiko kong tugon. Sa tuwing nakikita ko ito hindi maiwasan umiinit ang dugo ko ngunit may bahagi sa akin na namimiss ko ito at ang baliw kong puso ay masigasig pa ring tumitibok para sa kanya. Sa nakalipas na sampung taon ay inalagaan ko ang nararamdaman, na magpahanggang ngayon ay hindi ko maibulalas sa lalaki. Bagkus patuloy kong pinapakitaan siya ng masamang pag-uugali ko. Tumawa lang ito sa sinabi ko. Naiinis naman ako habang padabog nagpupunas ng countertop. Pinapakita niyang hindi siya natutuwa sa pagpunta nito dito. Lumapit sa kanila si Jeline. "Sa tingin ko masyadong maraming tinanim na ampalaya itong kaibigan mo." biro nito pero nakatingin kay Jeline. Tumalim naman tingin ko kay Kevin. As in super talim! Ngunit hindi nito napapanisin dahil hindi naman nakatingin sa kanya. "Maraming beses na nga kami nakapag-harvest, ang lalago pa! Siguro sampung taon na ang pananim niya. Sawang-sawa na nga kami." sagot naman ni Jeline. Sabay napatawa ang dalawang baliw. Masaya silang inaasar ako. At wala rin sa itchurahan kong magpapatinag sa lalaking ito. Dahil sa kanilang dalawa ang asar-talo, ang sumuko ay masasaktan. Pinalo ko ang noo ni Jeline para patigilin ito sa pagtawa. "Nakikipagtawanan ka dyan! Sino ba kaibigan mo?!" pa-angil kong sabi. "Siya! Dahil gwapo siya." Walang pakundangan na sabi ng kaibigan ko. "Umalis nga kayo sa harapan ko. Specially you! Get out of my sight!" She's said irritably to Kevin. "Sus... selos ka lang." nakangising wika ni Kevin at saka pasimleng tumingin sa akin. Oo simple lang 'yun pero malakas ang dating sa akin. Pigil ko namang ipakita sa kanya ang pagkagulat ko sa sinabi niya. Nanatiling matalim at inis ang pinakita ko sa kanya. Nakakairita lang talaga. Para kasing wala lang rito ang nangyari sa kanila at ng nakaraan nila. At talagang nakukuwa pang magbiro sa kanya. Lagi naman, sa tuwing nabubuyo itong pumunta dito sa Shoujo Elite. "Saan ang pagseselos 'dun!" sarkastiko at inis naman kong tugon at inirapan ang kaharap. "Huwag kang umastang close na tayo!" kasunod na sabi ng utak ko. "Sowsss! Hindi nga ba?! Kung hindi ko lang crush 'yung cyclist na regular costumer natin baka natipuhan ko na rin itong si Kev's." Tumatawang wika ni Jeline saka mabilis na nakailag sa matatalas kong kuko ng akmang kakalmutin ko ito sa mukha. Maloko pang tumingin at ngumisi sa akin habang papalayo sa counter. Sisipol-sipol pa! Makapang-asar lang! "May I take your order, Ma'am?" Tuluyang lumayo si Jeline sa kanya at binalingan nito ang kakarating pa lang na customer. "Oh! Ikaw ano sa'yo?! Kung wala pwede ka ng umalis! Nakakasira ng araw ang pagmumukha mo!" Matigas niyang wika. I even tap my finger in the counter to show him that I'm waiting impatiently. "Ang sabihin mo gumanda ang araw mo. Buti na lang effortless ang ang pang-iinstalk mo d'yan kay Kevin." Ani ni Nichole galing ito sa Kusina. Ito ang opisyal na pastry chef doon. May dala itong cake na bagong gawa. Pinanlakihan ko ito ng mata. "Anong pang-iinstalk ang pinagsasabi mo!." "Hindi ba? Ay! Akala ko nang-iinstalk ka. May binocular kasi akong nakita.... Nasaan na ba 'yun, alam ko dito lang iyon nakalagay." umastang naghahanap si Nichole. Inignora nito ang mapagbantang mga mata ko. Kevin chuckled. "That's enough Nichole. Baka umiyak itong isa. Mahirap na. Baka suminok." Napapitlag ako sa sinabi nito. Naaalala pa rin niya...... Nagkibit-balikat lang si Nichole. "Well, I'm going back to the kitchen. Take it easy Mitch. Baka ma-high blood ka sa pakikipag-usap mo d'yan. Ikaw rin. " Ngumisi ako ng sarkastiko. "Shut up! " Tumikhim ang kaharap kong dimuho. "I should take my order then." "You should be!" malugod niyang pagsang-ayon para umalis na ito. Ngumiti ito ng napakaganda sa akin na tila mag-kaibigan sila at hindi ko mapigilang humanga pa rin sa kagwapuhan nito. "I pay for two peachy milk shake." Humugot ito ng pera sa wallet nito at binayaran. "I take my order on my own. Don't bother." Sabi nito at umalis sa counter. "Hoy hoy hoy! Teka saan ka pupunta?!" Naalarma kong sabi. Ngunit hindi ako nito pinansin. Dire-diretso lang ito paloob ng kusina. "Bawal ka d'yan. Hindi mo ba nakikita ang sign Authorized persons only.!" Pigil ko, masama pa rin ang tingin. "Talk to the owner." Sagot lang nito ng binalingan sia ng kunti. Tuluyan na itong pumasok ng saglit akong napanganga na agad naman nakabawi. Susundan ko sana ito ng may pumigil sa akin. "It's okay. I allow him from now on." Wika ni Charlene na parang kabuteng sumulpot sa gilid ng countertop, nang-galing ito sa opisina nito doon. Naghikab. Mukhang hindi nanaman ito natulog sa ginagawang comics kagabi. Halata, dahil umaapaw ang eyebags. "Konsintidora ka rin ehh..!!! Alam mo naman ang history naming dalawa. Di ba?" "History? Bakit napalabas na ba sa T. V? Nakasulat ba 'yan sa libro?." pang-aasar na wika ni Jeline sa kanya. Ito nanaman siya nakalapit nanaman. "Isa ka pa!.Puro kayo mga hibang!" "Bakit ikaw hibang ka rin naman ah.. hibang sa pagmamahal mo kay woody wood pecker." Nakisali na rin si Christine na kanina pa nakikinig, nakamasid at umaaligid habang nagsisilbi ito sa mga costumer. Pigil na napapangiti ako sa tawag ni Christine kay Kevin. Woody wood pecker is a cartoon character. Christine called him that because he owned V Wood Furniture's and Designs across the cafe. "Oi kilig siya..." "Tumigil ka nga Thine masapak kita!" tinuro ko ito ng may pagbabanta. "Sige nga." Hamon ni Christine sa kanya hinawi pa nito ang buhok patalikod na nasa balikat. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa dati mong kasintahan na mahal mo pa rin siya." Ani bigla ni Charlene at seryosong nakatingin sa kanya nakapangalumbaba na ito. "Wow... kasintahan...super old!" Sabay sabay naming nasabi kay Charlene. "Oo... umamin kana para naman mapalitan na ang ampalaya farm mo ng sugar cane plantation. At maging masaya na ang lahat." "May point ka Chacha pwede ka humingi ng tips kay Thine. Malawak ang tubuhan nila." Segunda ni Jeline. "Ipapaktura mo na rin sa kanila. Anong gusto mo brown or white sugar." Biro pa nito. Na ikinahalakak ng lahat liban sa akin. "Kayo na ang masaya!" Sarkastiko kong wika. "Masasabi kong wala akong matinong kaibigan!" Hindi ako makapag-taas ng boses dahil medyo marami-rami ang costumer nila. "Ngayon mo lang narealize. Kawawa ka naman." Tugon ni Christine pagkuwa'y umiling-iling. "Anyway I'm going out. Puntahan ko muna 'yung isang branch sa Taytay. Mukhang may problema." Anito ni Charlene. "At tsaka pasabi naman kay Nichole. I-prepare na niya ang dadalhin kong mga cake and pastries mamayang hapon." "Aalis ka ng ganyan ang itsura mo?! Mukhang kang basahan! ni hindi ka nga yata naligo!" "Grabe ka naman Mitch. Naghilamos rin naman siya." Wika ni Rossel nasa likod ito ni Charlene. At taimtim na nakikinig at tumatawa. Ngayon lang nagawang makisali sa usapan. Mukhang nanggaling rin ito sa opisina ni Charlene. Kaibigan niya at nagtatrabaho din doon. Rossel is also a freelance photographer. "Why not? It's urgent, I don't have time tidying myself. Sayonara.... Kayo na bahala dito." Tumango lang sila. Nasa pintuan na ito palabas ng cafe ng habulin ni Kevin ni hindi nga ako tinapunan ng tingin.Kalalabas lang nito mula sa kusina. Masakit man sa dibdib ngunit hindi ko pinahalata. 'Peste! Ano na tayo life!' "Hey Chacha! Wait up!" "Mr. Woody wood. Anong atin?" Tumawa ito sa tawag ni Charlene. "Thank you for letting me in to your kitchen." "No problem. Anytime." Tinapik nito ang balikat ng lalaki kahit may katangkaran ito. "Tara! Ihatid na kita." "Sure why not... Kung hindi makakaabala saiyo." nakangiting wika ni Charlene. Nasa labas na ang dalawa at nawala na sa paningin ngunit nakatingin pa rin ako sa linabasan ng mga ito. At talaga namang nakaramdan ako ng kalungkutan at sakit sa dibdib. Naiinis ako pero hindi sa pagsama ni Kevin kay Charlene kundi sa sarili, sarili kong nararamdaman. Ayoko magmaktol makikita ako ng mga asungot kong kaibigan. Aasarin lang nila ako. Kung hindi ko lang kaibigan si Charlene at hindi niya kilala ito. Iisipin ko talagang magkarelasyon ang mga ito. Because they're really comfortable to each other. Hindi rin imposibleng magustuhan ni Kevin. Charlene is beautiful despite of being nasty to her self-appearance sometimes. Walang pakialam kung ano man ang pagtingin sa kanya ng nakapaligid sa kanya. Hindi kasi palaayos kahit ano na lang. Isa pang motto nito. 'Walang ikakasira ng dignidad kung ano man ang itsura mo basta alam mo sa sarili mo na hindi ka nakakatapak ng tao. Basta ang mahalaga nakakain ka three times a day. Sabay mo na rin Snack at Meryenda if mayaman ka.!' Hayerp rin sa motto eh! and take note nakaframe 'yang motto niya at nakasabit sa opisina niya.!Motto rin niya 'yan sa yearbook sa school namin noong highschool kami. Nakakalungkot talagang isipin kasi hindi lang naman ako tinapunan ng tingin ni Kevin. Kahit saglit lang! Nag-iba naman ekspresyon ang mukha ko alam ko iyon kita ko kasi sa countertop ang imahe ko sa sobrang linis nakatungo kasi ako doon. Habang simpleng nagpupunas kahit wala namang dumi. "Oi...oi...oi... anong ibig sabihin ng lungkot-lungkutang mukha na 'yan." ani ni Jeline nakatitig ito sa akin. "Don't tell us... you're jealous." Sabi naman ni Christine. "Hindi ah! teka nga bakit ba ako lang nakikita ninyo." "Istorya kaya ng lovelife mo 'to, duh!..." "Huwag kang mag-alala hindi nila type ang isa't-isa. Gusto ni Kevin iyong may mabiyayang dibdib." Tugon naman ni Kena isang part timer pastry chef rin doon. And Kena was referring eyes to her chest.? Napatakip naman ako sa dibdib ko at inis na tinapunan si Kena ng masamang tingin. "Bastos nito!." "Distraction masyado 'yan. Nakakaagaw atensyon!Hahahaha!" "So, masaya kana n'yan.?!" sarkastiko kong sabi kay Kena. "Pwede ka namang sumabay kung nasisiyahan ka. hahahaha!" tawa pa ulit ni Kena pero this time kasabay na nitong tumawa ang mga kaibigan rin niyang balahura. Ka-badtrip lang kaya sinimangutan ko na lang sila. "Here...pinabibigay ni Kevin. Para mawala daw ka bad-tripan mo sa mundo." Inilapag ni Nichole ang peachy shake na hawak nito. "Pinaghirapan ko 'yan." Saglit ko munang tiningnan 'yun. "Ano 'yan?!" "Peachy Shake! Paborito mo, oh! ano kilig ka?" sabi pa nito may kahalong panunukso. "Mukha ba akong kinikilig?!" Hindi pa rin mawala ang busangot ng mukha ko.'At ano namang naisipan ng isang iyon at may paganito pa! Tingin niya madadala ako sa paganito mo!' Dahil paborito ko iyon ay medyo natakam ako. Wala naman sigurong mawawala kung tatanggapin ko 'yun. 'Sige na nga! Minsan lang naman 'yun manglibre'." Kinuha ko iyon at tinikman. Masarap talaga! Heaven kapag nalasahan ko na!!! Marami akong nainom. Nakalahati ko yata. "Kevin so sweet." Komento ni Rossel at pupungay-pungay pa ang mata. Halatang kinikilig. "Oiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!" tukso ng lahat ng medyo may kalakasan. Kaya naman napapatingi ang ibang costumer sa amin. Pinukulan ko naman ng masamang tingin ang mga ito. at isa-isa silang tinuro. "Ang papangit ninyo!" "Mas maganda ako saiyo. Yung dibdib lang ang maganda saiyo!" nang-aasar nanamang wika ni Kena. "Sussss!!! Walang panama 'yang ganda niyo sa ganda ko. Ang ganda niyo ay kuko lang ng mga paa ko." Hambog na wika ni Christine. "Wowww!!! Kahiya naman!. Hindi ka lang pala swapang hambog ka rin pala!.hahaha!" wika ni Kena at nagpapalakpak pa sa harap ni Christine. "Hahaha!! Naman mana sa'yo. Ano pa nga ba?" "Bwahahhahahaha!!!" Tawa naming lahat. Sa mga oras na iyon ay medyo madalang ang customer nila. Kaya may panahon silang makapag-chismisan at magbiruan sila. Lumipas ang ilang minuto silang ganoon. Ng... Cling!!Cling!! Cling!! Tunog 'yan ng bell na nakasabit sa pintuan ng glass door ng cafe. Bumakas iyon at nakuha ang atensyon nilang magkakaibigan. Tumambad sa kanila ang pinaka-matangkad nilang kaibigan nilang may five feet at eight inches na height at may one hundred twenty five pounds na weight . At vital statistic na thirty-one, twenty-four and thirty-four measurement. Walang iba kundi si Joan! Napailing na lang ako sa ginawa kong pagsuri habang naglalakad siya. Nakaka-insecure ng ganda! Halos napatingin dito ang lahat dahil sa aura nitong pang-modelo kung maglakad at umasta. Akala mo nakaslow-mo yung paligid niya. Some customers notice her because they took a picture. She even wave her hand when someone call her name and smile. "Umawra naman ang bruhalita!" sambit ni Christine at ngingiti-ngiti pa. "Iba rin!" wika ko naman. "Pa-grand entrance rin ang isang 'to eh..." komento naman ni Joyce Nichole. "Sexy pa rin. Kailan kaya ito tataba, para naman may maipintas tayo." si Rossel. "Kakaiingit naman talaga ang isang 'to biyayang-biyaya na sa height. 'Di pa nakontento naghigh-heels pa!." si Jeline. "May pa leather jacket pa sa balikat.!" ako pa ulit. "Hi! Guys! " Joan excitedly greet us in a bubbly tone.Labas ang malalago nitong ngipin halos hindi mapaksi ang ngiti nito, pakakita sa kanila. "Did you miss me, guys?!" "Kumusta, bakulaw." Bati naman ni Kena at ngiting-ngiti pa. Bully as always! "Makabakulaw... ikaw nga, nagpa-widening ka ba? Lapad na kasi. " asar at tukoy ni Joan sa noo ni Kena ngunit bumagay naman sa kagandahan nito. Napasimangot ito. Ngunit agad rin na alis ng isa isa silang hinalikan nito sa pisngi. "Tatak yan ng katalinuhan. Padadag-dagan ko pa nga." Sinakyan lang nito ang biro ni Joan at malugod pang hinaplos ang noo. Imbis na halikan sa pisngi ni Joan si Kena ay tinapik na lang nito ang noo. Napahalakhak silang lahat. Sa kanilang lahat si Kena ang alaskadora ngunit ni minsan hindi tumatalab ang pang-aasar nila dito. Malabo pa sa mata kung pipikunin mo 'yan sa mga biro. Bagkus sasakyan pa niya ang lahat ng biro. At sa huli ikaw ang susuko at sa kanya ang huling halakhak though matatawa ka na lang rin sa kalokohan niya. "Anyway, who's missing in the group? I got something to you all." Nakangiting wika ni Joan. Inumuestra sa kanila ang dala niyang mga paper bag. "Pasensyahan na lang sa mga wala!." pinagkiskis pa ni Kena ang kamay habang sinasabi iyon. "Huwag ka namang gahaman Ate Kena." Bulalas ni Rossel. "Taghirap ako ngayon. Tsaka drop with that Ate, mukha akong matanda." "Bakit? Di ba ikaw naman talaga ang pinakamatanda sa atin? Magalang lang talaga si Chel." Nakangising wika ni Christine. "Kunsabagay. Dapat talaga masanay na ako. Sige na nga tinatanggap ko na pagiging ate sa inyo." Ito ang unang tumingin sa mga pasalubong. "Oi Kena, mahiya ka! May pangalan 'yan. That's mine!" Sabi ko at marahas na inagaw ang isa niyang hawak na bulaklaking paper bag. "Sayo ba 'yan?" "Tingnan mo naka Itallic at bold pa ang pagkakasulat ng pangalan ko." Idinuldol ko pa ang pangalan ko gamit ang hintuturo ko 'MICHELLE.' "Sorry naman. Para titingin lang. Di ko naman aangkinin!" "I don't trust you!" "Alam ninyo, kayong dalawa magpatayan na lang kayo. Kaya walang pagbabago ang mundo. Dahil sa inyong dalawa!" Pasupladang wika ni Christine at marahang kinuha ang kanyang pasalubong. "Buti pa si Joan. May pakinabang. Thank you so much sa pasalubong tangkad. You're the best." Christine made a two thumbs up to Joan then winked. Napailing na lang kami. Basta may pakinabang kay Thine. Da best na para sa kanya. Joan automatically hugged Christine in emotional. "Ahh... I love you Thine. I miss you." "Tch! Nalinlang nanaman." Bulong ko habang iiling-iling. "May sinasabi ka? Mitch?" Tanong ni Christine. "Wala sabi ko pahug rin ako." Umikot ako palabas ng counter para makiyakap. "Me too.." wika ni Rossel na nakiyakap na rin. Sumunod naman ang iba pa. "Hug time.!" Wika ni Nichole. "Better if Chacha and Mary Joy is here too." "Yeah...." I agreed. We may be harsh to each other but for us it's part of loving to one another. Shoujo Elite is our house of friendship and a better place that we treasure it the most because we build a happiest memories and unforgettable moment together. We were not hired by our friend Charlene not because of we were really need it in our life but because of our willingness to work with, though Charlene paid us well fair and square, same wage like a regular or part-timer employees. Shoujo Elite also famous as a Cafe with full of beautiful maiden since we filled it with our beauties. And ambiance of cozy, aroma's and tea's, elegance's of sweet and delightful pasta's. Malawak ang Cafe. Medyo elevated ang counter dahil aakyat ka muna ng dalawang hakbang bago ka makarating. Kita sa labas ang dumaraan dahil naka-glass panel wall hanggang right side. Medyo may kataasan ang ceiling. Habang stacking chair and tables doon ay gawa sa rattan at high-class mahogany woods. Sa second floor naman 'nun ay may mga malambot at magandang sofa na gawa sa tela na naa-ayun para sa barkadahan at pam-pamilya. The cafe, was artistically painted in creamy color and mint green. The most beautiful that can caught everyone's attention was the high breed flowers hydrangeas from a different countries displayed in every side of the corner, also in a flower vase set in the tables, even the painting on frame at the wall and the saying written in a small frames too has a background diversity color of hydrangeas. Hanggang sa labas ng balkonahe ng cafe ay may mga pananim ng hydrangeas na nakalagay sa paso. Halatang paborito ng may-ari ang magandang klase ng bulaklak. We were also played a great music from the player and sometimes a piano performance at the small stage performed by our costumers or from us. This is Shoujo Elite, so elegant but warm and cozy.... Liban sa aming magkakaibigan. Meron talagang limang regular employees si Charlene na dumaan sa pag-apply. They are open nine in the morning and closed at midnight. Ngunit kapag andoon silang magkakaibigan hindi na pinapapasok ni Charlene ang mga empleyado niya o kaya naman pinalilipat sa isang branch niya. Para daw may pakinabang naman daw sila sa mundo at sa Cafe niya. Kaya pinangalanan itong Shoujo Elite dahil kami ang unang costumer doon ng mga kaibigan ko. Because Charlene's mother , Tita Sheri often referred us as an Elite daughters. Which is true in behalf of her friends. In fact, lahat kami ay pawang mga professional, anak-mayaman at hindi na kailangan magtrabaho. Kahit ako, hindi ipagkakaila na mayaman ang pamilya ko. My family owned Sanchez Trend Clothing Company Inc.. Ang kuya ko ang nakatayong presidente ng kompanya na pilit akong binibigyan ng posisyon sa kompanya ngunit malugod ko namang tinatanggihan. Ang tanging gusto ko lang ay tunghayan at subaybayan ang buhay ng aking ex-boyfriend. Maging dakilang stalker. Syempre isa sa pinakamasaya ay makasama ko ang mga lukaret kong mga kaibigan. At mag-istambay sa Shoujo Elite. Hindi ko naman sinasabing happy-go-lucky ako dahil hindi naman ako palawaldas ng pera at lakwatsera. Ganito lang talaga ang kaisipan ko. Iisang goal lang ang maging taga-subaysabay sa ex-boyfriend. Daig ko pa ang isang fan! 'Yun nga lang kabaliktaran sa mga die hard fan ang nararadaman ko. Walang kilig, walang saya tanging badtrip at sakit lamang ang akin! Nakalipas ang maghapon na hindi masyado tinao ang Shoujo Elite at hindi sila busy. Hapon na rin ng mapadaan doon ang mala-prinsesang doctor nilang kaibigan. Na si Mary Joy kasalukuyang kasama ko ito. Nakatanaw ako sa mga oras na iyon sa kabilang kalsada, nasa sa second floor kami ng cafe, nakaupo sa sofa at dikit na dikit sa glass na wall. Paminsan-minsan sumisilip ako sa binocular kong hawak at tinitingnan ang kabilang building kung saan pagaari ng Ex-boyfriend ko, ang V Wood Furniture and Design. Gumagamit ako ng binocular para kita ko talaga ng malapitan. "Don't you want to go home?" Tanong ni Mary Joy. Nakataas ang mga kilay habang nakadekwatro na pang-babae. "Hinahanap ka na sigurado ako sa bahay niyo." "Malaki na ako." "Sa lagay mo na 'yan lumaki kana. Nahiya naman ako." Sarkastikong ngumisi pa siya. Sumimangot ako at liningon siya. "Matangkad ka lang kaysa sa akin ng kaunti." Mary Joy crossed her arms. "You know... you are very lucky... Malaya ka kasi sa mata ng mga parents mo. Eh, ako nga hanggang ngayon takas pa rin sa masyon namin." "Malaya? Hmm.. I don't think so...At least your parents didn't pressure you to work." "Ikaw rin naman di'ba?" maarte talaga itong magsalita sarap kutusan. "Iyon ang akala mo! They want me to work in the company." Sumisilip ako sa binocular habang nagsasalita. "Why didn't give it a try?" "Tch! Thanks but no thanks!" mapait ko na sabi na may kasamang singhal. "Tama na nga iyan!" Inagaw niya ang binocular sa akin. "Ako naman. Malay mo mainlove ako sa ex mong si woody wood!" Nakisilip na rin siya. "I-seduce mo na lahat. Huwag lang si Kevin ko!" naibulalas kong sabi. Huli na ng mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko. Kaya naman ang Mary Joy masamang tumingin sa akin at mataman akong pinag-aralan. Ngumisi pa ito ng sarkastiko sa akin. "So, ngayon Kevin mo na? Tumino ka nga. Kapag andyan si guy lagi mo naman inaaway at mainit iyang dugo mo at magiging malungkot ka kapag binabalewa iyang tantrums mong hindi ma-gets. Bakit hindi mo aminin sa kanya na gusto mo pa rin siya." "Cliche. I heard it everyday." Tinungga ko ang natitirang Orange Juice na inumin ko. "Because that's the only way! Para tumigil kana sa ganito mong adhikain sa buhay!" Hindi ako umimik at nilaro ang straw ng walang lamang baso tanging yelo na lang. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Kasalanan lahat ng lalaking iyon ang lahat. Oo may closure naman kami pero nasasaktan pa rin ako sa hindi ko malaman. Kaya ko siya inaaway, sinusungitan at minsan rin pinapakitaan ng masamang ugali dahil iyon lang ang kaya kong panlaban upang hindi masaktan muli. Ngunit sa kabila ng lahat inaamin ko pa rin sa sarili na gusto at mahal ko pa rin siya. Wala lang akong lakas ng loob na ipaglaban ang damdamin ko. Takot ako... Takot akong baka hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa't-isa ngayon. Ayokong umasa at mabigo ulit. ::S.E 1::
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD