Ten years ago....
POV
Michelle
Mabigat man pero kailangan kong tanggapin na huling araw na ko ng makakasama si Kevin. Wala na ang pagkakataon na mayakap at madama ang pagmamahal niya. Sa isang taon na nakasama ko siya ay naging masaya ako at naramdaman ko kung papaano mahalin at magmahal.
Hindi ko naman gugustuhin ito kung hindi lang nakakatampo at nakakagalit ang pinapakita niya!
Umiiwas siya at nasasaktan ako!
Bakit ba siya ganyan!
Hindi bukal sa loob ko ang gagawin kong pakikipag-break sa kanya!
I want to know his reaction and to test him!
Inhale ..... Exhale....
"I...It's better to end o..our relationship....You don't have time to me! You didn't tell me what happen to you this past few weeks!You didn't even talked to me when I called you! And what hurt the most you are literally avoiding me! Kapansin-pansin kasi nakita mo na ako! Nakita rin kita! At wala ka namang pasabing tatalikuran mo ako! Anong drama mo!?" Matatag na sabi ko kahit labag na labag sa kalooban ko ito ay gagawin ko. Galit ako at handang handa ng tumulo ang mga nagbabadyang luha ko .
Pero nanalangin pa rin ako na hindi siya sumang-ayon sa sinabi kong una. Ayoko!
Dahil alam kong hindi siya papayag!
Mahal ako nito!
Mahal na Mahal!
At mahal ko siya!
Matagal itong nakatungo at naanimo'y nag-iisip ,nakasalikop ang mga palad habang ang siko ang nakapatong sa tuhod.
Lumingon siya ng dahan-dahan...
Gwapo talaga walang kupas! Napatitig naman ako.
Maya't-maya....
Nagbago ang emosyon naging blangko at tumingin sa kawalan. "Y...yeah.. your right better we end this w...way." may lungkot ngunit lamang ang malamig na tono ng boses niya.
Sabihing mali ang narinig ko...
Sabihing nagbibiro lang ito...
Alam mo ba iyong pakiramdam na bigla kang itinapon sa isang malamig na lugar na nababalot ng nyebi!.
I froze instantly. No words coming out to my mind and to my mouth. Nanginginig ang mga kalamanan ko hindi makapaniwala sa narinig.
Hanggang utak ko ay namanhid..
Nagsimulang manguryente ang puso ko hindi sa spark na may halong kilig na dulot kung hindi kuryenteng nagdudulot ng kirot at pakiramdam na ginigiling ang puso sa sobrang sakit!
Namumulaklak na ng butil ng luha ang mga mata ko.
"D... di.. did you really meant it?" My voic stammered and the tears that I am holding came out, flowing down to my face.
Tanging tango lang ang napala ko.. Kinagat ko ang pangibabang labi para hindi niya marinig ang sinok ko. Damn this hiccup! Lalo sumasakit ang dibdib ko!
"K... Kevin h...hon.. j...just tell me... do you love someone? D..do you s...still l..love me?" Karalgal na ang boses ko. "B..because I'll still hoping that you wouldn't agree and thinking I'm only talking nonsense!"
Matagal ito bago sumagot....
He breathe out a sighed. A deeply sighed. Kunwaring pinatatag ang sarili. "Wala akong ibang mahal. I didn't even cheat. B...but I have to let you go."
"T....then bakit ka nag-agree hon... Kaartehan ko lang ito!... D.. don't take it seriously... I..I can't!" Nahihina kong Sabi.
"Seryoso ako Michelle. Kinakailangan kong gawin. Matagal ko na rin pinag-iisipan. Hindi ko lang magawa. Hindi ako makahanap ng tamang timing."
Tinitigan ko siya habang tuluyan ng nabalot ng luha ang mukha ko.
Blangko, seryoso at nahihirapan. Halo Halo rin ang makikita mo sa mukha. Nagiiba-iba.
Titingin sa akin saglit, yuyuko at tingin ulit sa malayo.
Damn this feeling! Ang sakit talaga!
Pinipiga masyado ang puso at utak ko.!
Isabay mo pa ang nagbabadyang sinok.
'Damn it! Bakit ko pa kasi sinabi 'yun!'
'Masyado ka kasing confident eh!...'
Wika ng utak ko.
Hindi ko maintindihan.... Sa pagbanggit kasi ng pangalan ko ay alam kong desido na talaga siyang makipaghiwalay.
Hindi niya babanggitin ang pangalan ko kung hindi seryoso. ..
Hon ang tawagan namin Hon! At pagnag-lalambing siya Mitchi....
'Mamamatay na yata ako!'
'Please... Give me a justify reason for this please.... Ayokong tuluyan kang kamuhian hon...' sigaw ng malabi kong utak.
"B..Bakit?!" Sambit ko halos pabulong na ngunit madiin. "Siguraduhin mong bigyan mo ako ng bonggang rason Kevin. Kung ayaw mong––ipa shoot to kill kita.!"
"Tss... Hindi mo 'yan magagawa.." bahagya pa itong natawa ngunit nakayuko.
"Well!.... *Hik*...At least try me.!" Gigil kong sabi nakuha pang tumawa.
Ilang saglit siyang tumugon... Huminga ulit siya ng malalim.
Naiinis ako sa sobrang tagal niyang sagutin ang tanong kong una. Mahirap ba ang tanong na iyon? Bakit lang iyon!? Ang tagal lang!?
Kaimbyerna pa itong sinok na ito. Pesteng pa-isa isa ang ganap! Mas lalong nagpapahirap sa 'kin.!
At siya naman ni hindi lang man nagalala! Gaano ba siya katagal yuyuko!? Uso rin ang tumingin gilid at tumingala.!
"Kevin! Nagh-*hik*! -naghihintay ako! *Hik*! Letse naman oh!...*hik!*.." pasigaw kong sabi.
'Putek kami yata ang may forever nitong sinok ko!'
Naniniwala na talaga ako sa kasabihang nasa huli ang pagsisisi.. wara sa harap at wala rin tagiliran.
At pinagsisihan ko ang pagbitiw ko ng salita...
Suminghot ako dahil hindi ko kayang patigilin ang aking luha.
My study takes more priority. I have to focus to study and you as well....." Maya't maya sabi niya ng walang kabuhay-buhay.
'Tch! 'yan na ba ang reason niya?!' Singhal ng utak ko.
"T....then can I'll become your inspiration. I think I can't live without you." Malumanay kong sabi ayoko ng ganito.
Ayoko ko talagang makipaghiwalay sa kanya. Magiging mahinahon pa rin ako. Oo kailangan ko lang ng pag-intindi sa kanya.
Napapitlag ako bigla.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Michelle, my family business was in crisis. I'm going back to abroad. Ako lang inaasahan nila balang araw. Yoko mag-away tayo o dahil hindi kita naasikaso at mawawalan ako ng oras saiyo. Masasaktan ka lang."
"It's okay to me. Kaya ko ang long distance relationship o kaya mag-aaral ako kung saan ka nag-aaral." ang boses ko ay nagmamakaawa. "please.... binabawi ko na joke ko lang 'yun talaga naiinis lang kasi ako..."
Subalit marahan lang siyang umiling at nakatungo. "Ayoko ng long distance relationship. Ayokong pinaghihintay ka. At ayoko ring sunod ng sunod ka sa akin na parang aso. Make your own dream that you could stand-out without me!." Mariin niyang sabi.
"I have a dream! And that's you!" I blurted out.
"Don't be so selfish! Nasasabi mo lang iyan dahil bata ka pa. You need to grow up. We need to grow up. Oo pareho tayo maalwas ang buhay. Specially you. But for me... I have a responsibilities to take care of someday. My family is important to me. We can survive today, what about tomorrow? Or the day after tomorrow?"
"My family can help you. If that will happen."
Umiling lang ulit siya. "Sorry.... Kalimutan muna ako." blangko ang mukha ng tumaas siya ng tingin.
Sumasakit ang ulo ko pati puso ko. "N...nasasaktan ako. A..alam mo ba iyon. Bakit ikaw, napakadali lang saiyo! Tingnan mo itong luha ko. Ayaw na tumigil! *Hik!* *Hik!**Hik!* "
Suminok ako ng dire-diretso. Ang tanga lang dahil pinagsisihan ko talagang nagsalita at magsuggest-suggest pang maghiwalay. Ngayon tuloy hindi ko alam ang gagawin.
"I..I am sorry...." pinunasan niya ang luha ko gamit ang mabango nitong panyo. Malungkot ngunit ayon pa rin ang blangko niyang tingin. At mukhang pigil siyang maging emosyonal.
"N..nasasaktan ako!" Tiningnan ko siya ng masama. "Huwag mong punasan! Lintik na!"
He stopped, he even distanced himself and sighed. "N..nasasaktan rin naman ako."
"Mukha mo! Kapag ako hindi nakapagmove-on saiyo. Kasalanan mo! Habang buhay ako magda-dala ng ampalaya at isasampal ko sa gwapo mong mukha!"
Yumuko at marahan ngunit malungkot siyang tumawa. "Healthy naman ang ampalaya. Maganda 'yun sa katawan."
"Magbibiro ka pa. Abnoy kang tunay.!" Pasiring kong inalis ang tingin sa kanya. "Maging kaibigan mo na lang ang mga kaibigan ko pero hindi ako!"
"I'll still believe makakahanap ka rin ng lalaki na karapa't dapat saiyo." Malungkot niyang wika. There's a sudden sharp pain in his eyes.
"Gasgas na linya. Gaya-gaya ka lang! Diretsuhin mo nga ako. M..Mahal mo pa ba ako?!" Matatag kong wika. Pilit pinapalakas ang sarili.
"Mahal kita..... but I have to let go of you... Sana hindi mo ipagkait 'yun."
"N...nasasakal ka na ba?!"
"Sana hindi ganyan ang tingin mo. Sinabi ko di ba 'yung reason ko. Kung bakit ko gusto makipaghiwalay. I hope you respect it."
"Hindi kita maintindihan eh! Mahal mo ako! Tapos iiwan mo ako! Anong katangahan 'yan! Pinaglalaruan mo ba ako!"
"No.... Mahal talaga kita. Masakit din ito para sa akin."
"Joke ko lang 'yun! Joke ko lang! Huwag mo namang seryosohin! Mahal na mahal kita at alam mo 'yun!"
Suminok ulit ako habang umiiyak.
"Alam ko. Pero desisyon ko na rin makipaghiwalay. Mga bata pa tayo. Makakahanap-makahanap ka. Kung hindi man tayo sa ngayon... Malay mo... Someday....maybe fate will bring back us again. 'Yun kung worth it na tayo para sa isa't-isa."
"Don't give me a damn hope.! You screwed man! Ang galing mo rin manakit eh!! "suminok nanaman ako ng sunod-sunod at hindi ko mapigil dahil sa patuloy pa rin akong umiiyak.
Tumayo at matatag na binalingan siya. Dahil hindi ko na kaya ang pinagsasabi baka kasi matuluyan ko na siyang kamuhian. Baka makapagsalita ako ng hindi maganda. "Ito tatandaan mo hindi kita kakaibiganin.!Ano man ang mangyari. Ngayon tapos na tayo! Huwag mong pagsisisihan kung makahanap man ako ng iba!." Sabi ko sa kanya sabay lakad palayo ng parke kung saan kunti ang tao at magdadapit-hapon.
Nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha.
At ang sakit sakit ng kaibuturan ng puso.
I stopped in a middle. Ikinuyom ang mga kamay at muling binalikan siya tumigil siya sa harap niya.
'Bakit hindi kita kayang sigawan ng I hate you! kahit gustong-gusto ko ng sabihin iyon!" sigaw ng isip ko habang pilit nilalabanan ang panghihina ko.
Takang nakatingin lang siya sa akin, nakatingala dahil nakaupo pa rin ito.
My hiccup didn't stop. Huminga ako ng malalim. "F...for one last time. I need to do this. For reminiscing our break up someday." I leaned forward down to meet his lips by my quivering lips.
'I love you Kevin....but this isn't goodbye for me... Promise... I will keep you in my heart.'
My heart is sad and bitter but still thumping for it's love. A running water passes into my cheeks as I closed my eyes to feel his mere touch of goodbye kiss. I know that I can move forward but loving again to any other man I can't.... because I believe in my heart, that I can only love one person and yelled to only one man and that's how foolish I am!
"Oh my god!" Biglang bulalas ni Mary Joy na nagpabalik sa naglalakad kong isip.
Agad kong naipunas ang naluha kong mata para hindi makita ng kaharap ko.
Kunsabagay papaano naman makita niya eh... Busy kakasilip sa binocular ko.
"What?" Tanong ko habang seryoso pa ring nakasilip siya. Apat linyang daanan ng sasakyan ang namamagitan bago ka makarating sa kabilang kalsada. Ang limang palapag na building ay opisina at pagawaan ng mga kagamitan, mapaopisina man o mwebles sa bahay. Wala doon ang main office ng kompanya na pag-aari ni Kevin kung saan ini-exhibit ang mga magagandang gawang furnitures. Alam ko ang bagay na iyon, papaano't pa tinagurian akong dakilang stalker ng mga balahura kong kaibigan.
Pilit kong inaagaw sa kanya ang binocular ngunit linalayo naman niya. "Ano ba kasi iyan."
"I think you don't have to see this. Masasaktan ka lang." Seryoso niyang wika at 'yan nanaman sa maarteng pagsasalita.
"I don't care. Matagal naman akong nasaktan."
"Huwow! Hugot. Sige ikaw bahala." Ibinigay niya sa akin ang binocular. Pinag-krus ang mga braso at tinitigan ako. "Kevin got a girlfriend." diretshang sabi niya sa mukha ko inilapit pa ang mukha niya.
I grinned widely to Mary Joy. Hinanap ko ang direksyon ng sinisilip niya. I saw Kevin talking in a pretty girl with a long curvy hair. She's so sexy in skinny jeans. Nakikita niyang makinis at maputi ito. She's hugging Kevin and even kiss him on the cheek. While Kevin smiled so happy and handsomely!.
At gaya ng nakasanayan ko ng pakiramdam hindi na bago ang sandaling kirot sa puso ko. Nakakalungkot....
"B... bagay sila." I sound's like a jerk.
"Hmppp.... napakalungkot naman yata ng pagkakasabi mo. Labas sa ilong Mitch." ngumiwi pa siya saka bumalik sa pagkakasandal sa upuan niya.
"Totoo. Napakaganda kaya ng babae."
"Lagi naman iyan ang sinasabi mo tuwing may chicks na kasama si Kevin." Wika ni Mary Joy sabay dugtong. "Kung ako saiyo tama na iyang kaartihan, pang-iinstalk, ka martyran at pagiging bitter bitteran mo. Hindi nakakatulong sa mundo kasi. Move-on na tayo. Di ba may closure naman kayo. Wala namang problema si Kevin saiyo. Ikaw lang naman ang nagpapakabobo sa pagmamahal mo. May mental illness kana yata." Walang pakundangan niyang sabi. At sinapak ako ng katotohanan.
Hindi ako umimik. Lahat ng sinabi niya ay tama. Ako lang talaga nagpapahirap sa sarili dahil mapahanggang ngayon tinatatak ko pa rin sa isip ko na sinaktan niya ako. Kung tutuusin dapat binaon ko na lang sa limot. Sinasabi ko pa nga sa sarili ko na nakapag-move-on na ako. For god sake it's been ten years! Pinatawad ko na ito pero hindi ko pa rin makalimutan. Kaya kung bitter man ang sa tinginng iba ang pagpapakita ko ng ganoong ugali sa harap ni Kevin dahil iyon ay masasabi kong defense mechanism ko 'yun upang kahit papaano ay malabanan ko ang mahulog ulit ng lubusan at masaktan muli.
Kaswal kasi ang pakikitungo ni Kevin sa akin at bibihira iyon mangyari kadalasan kasi palagi palaaway ang datingan ng pakiki-usap ko sa kanya. Ayokong sa huli ay ako ang talunan at mahirap ng umasa na walang kapa-kapag-asa. Makontento na lang ako sa pang-iinstalk.
"Ang arte mo naman kasi. Pwede ka namang maging masaya para doon sa tao." Nakataas ang kilay ng kaharap ko.
"Masaya naman ako para sa kanya. Kung may karelasyon na siya. Hindi ko naman aawayin."
"Then why are you acting being bitter? Every time you see him? Hmp?!"
"It's just my defense mechanism. And I'm not bitter. I love him but I have to restrain myself." I said sadly.
"Stop stalking him! Baka namalayan mo na lang may kaso kana. Look in the bright side. There are so many guy wants to go out with you. All you have to do is to date them. Malay mo isa sa kanila ka palad mo."
"I rather prefer to see a doctor than to date anyone. Kahit prinsipe pa iyan ng britanya."
Mary Joy rolled her eyes. "May sa utak ka na nga kailangan mo ng magpatingin. May irerecommend akong magaling na psychiatrist. At ng mareformat iyang brain cell mo."
"Tse! Kahit ikaw walang support sa akin." Inirapan ko siya.
Ngumiwi lang siya. "You know I don't tolerate people."
Tumunog ang high tech niyang alarm na aakalain mong choker kung hindi lang sa maliit na kulay pulang umiilaw dahil elegante ang itsura. Awtomatiko siyang tumayo at mabilis na inubos ang inumin. Isinukbit sa balikat ang itim nitong bag.
"Hindi naman sa wala akong support. Sadyang hindi lang ako sang-ayon sa pag-iinarte mo! Aagawan mo pa ako ng linya... Anyway, Red call. Good luck na lang sa agenda mo." mabilis na hinalikan ako sa pisngi. Dali-dali itong bumaba.
Alam kong nagpaalam siya sa iba pa naming kaibigan. Hindi nagtagal lumabas nakita ko na siya sa labas ng Cafe habang nakangiting kumaway pa sa akin. I waved and smiled back.
"I love you! Take care!." wika ko kahit hindi man niya narinig alam kong nabasa niya naman sa bawat kibot ng labi ko.
Mary Joy Oh is definitely a princess but she secretly perform as a doctor in rural area without knowing of her family. They are so strict and Mary Joy didn't even go out without permission, so she escape every time if there is a chance and do what she really wanted in her life.
Nakita kong nagbatian si Mary Joy at Kevin mula sa magkabilang kalsada. Nagkawayan ang dalawa. Ng makontento ay umalis na rin si Mary Joy.
Bumuntong-hininga ako ng napakalalim at nagpakalumbaba. Nakadungaw ako sa glass panel at wala sa sariling naihaplos ang pigura ni Kevin na tinatanawa ang papaalis na kotse ng bisita niya.
'Tss...nababaliw na ako. Bakit ba may pahaplos-haplos pa ako.'
Kumawala ako ng mabigat na hininga...
If only god give us a chance.... and I have place in his heart...therefore I didn't live like this. Being offensive and coward for past ten years!
Ilang minuto pa ang tinagal ko doon hanggang sa mawala na sa paningin ko si Kevin. Nagmuni-muni lang naman ako doon. Bago nagdesisyon bumaba ng ma-bore na.
Nasa hagdanan pa lang ako rinig ko na boses ng kaibigan ko. Malapit lang kasi ang hagdanan ang countertop. At ang opisina ni Charlene. Nasa gitna ang countertop nasa right side ang pintuan ng kitchen tapos nasa left side naman ay ang pintuan ng opisina ni Charlene at hagadanan na kinatatayuan ko.
Kaya naman bago ko pa ma-describe ang buong kanto ng Cafe ay tuluyan na akong bumaba at nakipulong na rin sa kanila.
"Oh! Bumaba kana? Akala ko napalitan na yung fiber glass sa taas ng mukha mo kakadungaw." Wika ni Christine sa akin. Nakaupo siya sa bakanteng upuan malapit sa countertop kasama sina Joan at Jeline. Ang totoo hindi naman ganito kalapit ang mesang ito sa countertop. Kung hindi ako nagkakamali inurong nila ang mesa para mas-malapit makapagtsismisan sa isa't-isa. Malayo sa customer.
Hindi lang ko lang pinansin ang sinabi ni Christine. Naupo ako sa bakanteng upuan rin. Dinungaw ang gingawa ng katabi. " Anong ginagawa mo Jeline? "
"She need an ideas for our costume this Saturday." Joan said. Kaharap ko ito at ngumiti sa akin. Ganda lang nito. Napakaaliwalas ng palangiti nitong mukha. Napakaganda ng mala kandila nitong daliri na pinaglalaro sa magkabilang pisngi.
Napapailing na lang ako sa nakikita ko. Maganda naman ako kaya lang mas-maganda talaga ang bakulaw na kaharap ko.
They are wearing a typical outfit of the cafe. A long sleeves blackish green with thin strip in the collar and pencil cut skirt with a gray apron elegantly wrap in the waist. Joan looked stunning because of her height, figure and her flawless long legs.
"How about.... sailormoon outfit? It's my favorite anime. Basta ako si Saturn." Pagkuwa'y excited na wika ni Joan.
"Mas bagay saiyo si Jupiter!" Anito naman ni Rossel na may dalang cucumber juice at inilapag isa-isa sa harap namin.
"Do you think so?"
Tumango lang si Rossel bilang tugon. Saka umalis para I-entertain ang customer.
"Eh kung power ranger na lang kaya." suggest ni Jeline.
Seryoso ba siya? Power ranger?. "Nakikita mong siyam tayong magsusuot. Ilan ba ang kulay ng power ranger. Di ba lima lang sila? At tsaka hindi tayo makakakita dahil may helmet."
"Bakit ang power ranger nakakalaban pa sila kahit may helmet ah... ayaw mo 'nun pang-mysterious type." Pagtatangol ni Jeline sa idea nitong power ranger.
"Kunsabagay unique. Kaya lang hindi ba masyadong mainit. At tsaka parang magmumukhang tanga naman yata tayo niyan. Sigurado kapag nalaman ng Pamilya ko ang pinaggagawa ko. Kakatayin nila ako patiwarik." Umiiling-iling na wika ko.
We are doing cosplaying twice a month by the end of weekdays and special holidays. Our costume are made by Jeline just for fun.
"Pwedeng witch mode. Mas appropriate pa."
"Joan we officially wear witch mode in holloween."
"Hirap kaya mag-isip. Kaysa naman magbikini tayo. Masisira ang dangal ko."
"Dangal ko rin no..." sabi naman ni Jeline.
"May dangal ka pa?" Wika ni Charlene. Nasa counter ito bilang cashier at barista ngayon karelyebo ko siya. Kanina pa ito nakamasid at nakikinig sa amin habang sinserbehan ang pa-isa-isang costumer na bumibili. Makakasabat lang siya kapag walang costumer. Ngayon wala na kaya pwede na.
"Naman." Sagot naman ng isa.
"How about you Chacha? Any pop-up idea?" Baling ko sa kanya..
Malalim siyang nag-isip. Sa sobrang lalim napakatagal niyang sumagot na akala mong hinahalughog ang kaibuturan ng utak. At pinagpipilian pa niya.
"Maganda naman ang sailormoon, gusto ko rin naman ang power ranger, pwede namang mag-witch tayo..." ngumiti ito pagkuwa'y dinugtungan. ".... I go with the Bikini outfit!"
"Okay, uwian na." Wika ni Christine Katapat nito si Jeline. Apat lang sila na nasa mesa na kinauupuan ko.
"Nakakasira nga ng dangal iyon sabi ni Joan." Natatawang wika ko naman.
"Ang tino talaga ng suggestion mo. Bilib na ako saiyo." Tinapik ni Christine ang balikat ni Charlene ng tumayo siya sa kinauupuan.
"Idea nila iyon. Bakit ayaw mo ba?"
"Uuwi na ako sa amin. Mamumundok ako, maghaharvest ng ampalaya." Nakangiting sagot pa niya sabay tingin sa akin.
Pinandilatan ko lang si Thine. Ngunit sadyang hindi mo makukuha sa tingin siya. Dahil pumoporma ang labi niya na animo'y nagsasabing amplaya... ampalaya... amplaya...ngunit walang tinig. Mapang-asar rin ang kasi siya gaya ni Kena. Pasiring na inalayo na lang niya ang tingin. At ngumuso.
"I go abroad then." Aniya naman ni Joan na pinalungkot ang tinig dahil sa hindi rin sa pag-sang-ayon.
"Pasara mo na lang ito!" ako rin ay hindi nagsang-ayon at saka kumuha ng nilamusok na tissue at binato kay Charlene. Umaktong iilag siya ngunit nabitin lang ang binato ko sa kanya.
"No problem. Ngayon din ipapasara ko na. Basta huwag mong pagsisisihan."tinuro pa ako ng hintuturo niya.
Napaisip ako sa sinabi kaya biglang binawi ko iyon. " Okay guys! Magbikini tayong lahat!" Medyo napalakas ako ng pagkakasabi ko 'nun dahil napatingin sa amin ang mga costumer na naroon. "Oppss! Sorry...." I bit my lower lip then slowly bend my head from embarrassment.
Saglit na katahimikan ang naganap bago ulit nagsalita si Charlene. Habang si Christine ay nagpaalam dahil may dumating na customers. Tumikhim muna siya para hingin ang atensyon namin. "Anyway... since nangangailangan kayo ng idea, I have to take this seriously. Para maiba naman... What if we become butler? Isa pa, we mostly got female costumers than male according to my recently statistic. We treat our costumers as a western masters and mistresses. This is new and a very challenging role to us. Isipin ninyo, we put our best act as a handsome butler in front of our costumers. I am sure they would like it." Dire-diretso at Seryosong sabi habang nagnining-ning ang mga mata ni Charlene sa excitement.
"I guarantee." Segunda ko. Kahit ako ay nagustuhan ko ang idea niya. Dahil kinain na rin ako ng excitement. Kahit si Joan ay gusto rin basi sa lawak ng smile niya at nakatingin sa akin. Oh well, naging pasyon na rin namin ang pagsuot-suot ng costume,kahit hindi namin irampa at isali sa malaking event ng mga cosplayer dito sa pilipinas.
Subalit sa ganitong usapin may babasag at babasag talaga ng trip. Hindi mo alam kung mapipikon kana lang o matatawa.
"Teka! Magiging lalaki ba tayo?!" walang ano-ano ay tanong ni Jeline.
Siya! Siya! ang taga-basag ng lahat. Nakakadismaya parati ang pabasag nitong trip. Hindi mo alam kung sadya or talagang papansin lang! Napakabata pa niya para magkaroon ng memory lapse. Kunsabagay simula ng makilala ko siya ganoon na talaga ang personality walang pagbabago. Minsan matalino-minsan inaabot ng kabobohan.
Hindi talaga perpekto gumawa ang diyos.
Hindi kami nakapagsalita at sandaling nagproseso sa utak namin ang mala-grade one niyang tanong. Sumalubong ang mga kilay ni Charlene na parang nagtatanong ang mata kung tama ba ang tanong ni Jeline sa amin. Pati si Joan nawala ang malawak na smile at napanganga na lang.
Habang ako naman ay muntikan nang maiuntog ang ulo sa mesa dahil sa pagkawalang lakas ng siko sa pangangalumbaba dahil sa sobrang pagkadismaya talaga.
"Are you in the midst of somewhere? Sa tingin mo, ano ba ang butler!?" Inis kong tanong sa kanya ngunit pilit kinakalma ang sariling mabatukan ito. Kung sakali mang nakalimutan niyang ang meaning ng butler. Kailangan ipaalala namin sa kanya.
"M.. male servant.." Sagot niya.
"Eh kung ganoon anong tagalog ng male?" Tanong naman ni Joan. Mukhang pagtitripan siya basi sa sunod na tanong na napaka-obvious at madaling masagutan ni kahit three years old ay kayang sagutin. Kapag siya nagkamali pa hahampasin ko na talaga siya ng lamesa.
"Lalaki!" Sagot ulit niya. This time, medyo nagkakaideya na siya kung saan patakbo ang Q and A portion namin sa kanya.
"Correct... so what's the other term ng lalaki sa english? Dali sagot." Si Charlene ang nagtanong, pigil ang sariling huwag matawa.
"Pinagloloko 'nyo ako!" Nagpapa-padyak na wika ni Jeline na parang bata. "Hindi naman ako elementary." Nakasimangot pang dugtong.
"Adjust tayo ng tanong. Iyong pang-Senior High." Dagdag pang biro ni Charlene. Naikinatawa namin.
"Maganda naman, professional fashion designer at mayaman ang kaso parang loading ka palagi. " Komento ko, napapailing pang sabay.
Jeline....Jeline.... Jeline... Pano ka ginawa....
"Huwag kasing pahalata. At ng hindi napupuruhan. Baka naman nauntog ka noong bata ka pa. Kaya hindi ka magustuhan ng crush mo." Panggagatong pa ni Joan para asarin siya.
"Shut up guys! Your all so mean! I know, I'm slow and dumb!. " Halos hindi na maipinta ang mukha ni Jeline sa sobrang hiya at asar.
"Wala kaming sinabi!" Chorus naming sabi at sinabayan ng mga halakhak.
"Okay lang 'yan kasama 'yan sa paglaki. Mag-Memo plus gold ka." Biro ni Christine ng dumaan sa table namin at tinapik pa balikat ni Jeline tanda ng pagsuporta nito.
Bully as it finest ang mga kasama kong sinaniban ng impakta.
Hindi namin napigilang hindi matawa sa sinabi ni Christine. Dumaan lang para mang-asar rin. May ibinigay kay Charlene ang order ng costumer note pad niya. Ngingisi-ngisi pa si Christine.
"What's the commotion here? It's seems so fun?" Rossel asked as she reached our table.
Yinakap ni Jeline ang braso ni Rossel at ang mga mata ay humihingi ng kakampi.
"Chel help me. They're bullies. Ipabagsak natin sila. Tulungan mo ako please." Pagmamakaawa ni Jeline, lumabi pa siya. Animo'y aping-api.
Nag-aalangan namang tiningnan ni Rossel at malungkot na sabi. "I am sorry girl, I cant help you by hurting somebody. You know, I'm not good in fighting. Si ate Kena ang mas kailangan mo. You see..." Inumuestra ang sarili. "... ang lamya kaya ng katawan ko. Why not using your own muscle. Mas siksik pa nga yung muscle mo kaysa kay Ate Kena."
"Isa pa iyon. Mas malala pa! At tsaka dahil sa pagbibiskleta ko no.."
Tinapik ulit ni Christine ang balikat ni Jeline. "We always love you regardless of your deficit mind."
"Okay na sana. Kaya lang Kailangan pa talaga I-mention ang pagkakaroon ko ng kakulangan?." Ngumuso si Jeline at salubong ang mga kilay.
Si Christine naman ay malugod na tumango bilang pagsang-ayon at sabay alis sa umpukan,dire-diretso pumasok sa kusina.
Naiiyak na si Jeline. Halatang na fu-frustrate na sa kakabiro at kakabully sa kanya. At walang magawa dahil walang kumakampi.
Siya ang hindi masyadong pikunin. Gaganyan lang 'yan. Magtatampo ngunit hindi rin tatanim ng sama ng loob. Dahil sanay na sa mga biro naming hard at tagos minsan sa balun-balunan.
Inabot ko ang kamay niya. Pigil ang sarili huwag ng gatungan pa ang biro. "You know her well, Christine was sometimes insensitive." hinaplos ko likod ng palad niya. "Just concentrate on what your doing." Binalingan ko ang mga kaibigan naming iba na naroon. "Tigilan nanatin si Jeline. Pasuotin tayo n'yan ng bahag sa saturday. Kayo rin."
"Yeah... pagod na rin akong tumawa." Tugon ni Charlene.
Tumayo na ako sa kinauupuan. "I will change clothes and go home." Isa-isa kong hinalikan ang mga pisngi ng kaibigan ko bago tuluyan linisan ang grupo sa countertop. Hindi mapakli ang ngiti ko habang nagbibihis sa may locker room sa parting kitchen. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan bago umalis na may ngiti sa labi.Kaya medyo naibsan ang sakit na nakita ko kanina. I made a last glance in Kevin's building and heave a sighed before got myself in in the car.
::S.E 1::