CHAPTER THREE

4946 Words
POV Michelle Pakapark ko ng kotse ko sa garahian ng nakahilerang sasakyan ay dumeritso na ako sa loob. Tinagpo ako ng hardinero namin na busy magdilig ng halaman. Umaga at hapon si Tiyo Abner mag dilig. Asawa ito ng katulong nilang si Tiya Siling na walang anak kahit isa. "Maaga ka yata ngayon Michelle hija." Pambungad niyang wika sa akin. Pinatay ang gripo at iniwan nito muna ang ginagawa. Nilapitan ko siya at nagmano ako sa kanya. At nginitian ito. "Hindi ko nga rin po alam eh... Hehehe..." Sabay kaming naglakad paloob ng bahay. Medyo mas ma-edad siya at ang asawa nito kaysa sa mga magulang ko. "Tamang-tama nagluto ng ginataang saging si Tiya mo Siling." "Hindi na po. Busog pa po ako." "Andito kana pala. Maaga ka yata.?" Lumabas si Tiya Siling sa kusina. "Tiya naman parang ayaw niyo akong nakikita dito sa bahay sa lagay na 'yan." Biro kong sabi. "Hahahaha... Naku hija hindi lang ako sanay. Gabi kana kasi umuuwi. Ngayon ka lang napa-aga. Oh eh nagmeryenda ka na ba?" "Eh inaalok ko nga Pangga busog pa raw." "Sigurado ka ba Hija. Ayaw mo kumain?." Binalingan ako nito. Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Okay lang Mama Sils. Papahinga lang ako. Mamaya na lang sa dinner para bultuhan 'yung hakab ko. Hahahaha!" PAKK!!! Napahawak ako sa nasaktan kong kunwaring braso ng paluin niya and Ng mahina. "Ouch... Mama Sils mapanakit kana ngayon.." "Mga linggwahe mo Ineng. Hmmm..." Nagpeace sign ako. "Hehehehe! Sorry po...." At yinakap ko siya. Umiling-iling naman si Tiyo Abner habang tatawa-tawa. "Ako'y nagugutom. Bahala na kayo d'yang dalawa. Maya't maya dadating na iyon si Cristy." Si Ms. Cristy ang eleganteng cook namin dito sa bahay. Pino at detalyado itong gumalaw kaysa sa akin. Mag-kasing edad lang kami, maganda pero mas maganda ako at matalino pero mas madiskarte nga lang ito. At minsan kasa-kasama ng Mommy ko kung saan man pumunta. Dalaga at pamangkin ng mag-asawa. Tinanguan ko siya Tiyo Abner bilang tugon. "Sige magpahinga kana. Mukhang pagod na pagod ka kahit hindi naman. Ehehehe.." "Maniwala po kayo sa akin pagod po ako." 'Kailangan pa Michelle nakakapagod ang umupo sa second floor ng Cafe...Tsk!...' 'Nakakapagod rin 'yun. Lalo na ang maghintay.' Ipinilig ko ang ulo dahil sa pinagsasabi ng utak ko. "Ang ganda mo pa rin kahit pagod kana. Hehehe.... Ang bango bango pa. Sino mag-aakalang pagod ka na n'yan." Lumawak ang pagkangingiti ko at sinilip ang mukha niya habang nakayakap. "Ayieeee!!! Si Mama Sils lakas mamuri. Anong nakain kaya nito? Mahal na Mahal ako nito ito oh..... Thank you Mama Sils!" "Joke ko lang iyon Ineng. Hahahahaha!" Kumalas ako pagkakayakap at ngumuso. "Ay.... Hindi maganda biro po 'yan." "Hala Sige na Sige na. Magpahinga kana ng makabawi ka ng lakas." Tatawa- tawa siyang tinulak ako pahagdan. Padabog naman akong sumunod. "Mama Sils maganda talaga ako.!" "Oo na maganda at mabango pa." Sinsero at nakangiting wika niya. "Thank you!" Masayang sigaw ko. Nakangiti akong umakyat ng hagdan. Sinulyapan ko pa ang matanda makapasok na saglit rin tumingin sa akin. Nagtama ang paningin namin. Nakangiti siya. Nginitian ko naman at nag-flying kiss pa ako. Saka nagtuloy-tuloy sa aking kwarto. Inilapag ko ang handbag ko sa sofa ng kwarto ko at kalahati ng katawan ko ay inhiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame at nagmuni-muni. At inalala ang maghapon pangyayari ngayon araw. Napabuntong-hininga ako. Ang totoo kasi kahit naging masaya ang araw ko dahil sa mga Joker kong mga kaibigan hindi ko pa rin maiwasan isipin pa rin ang kunting kirot na naramdaman ko. 'Kunti nga lang ba?' 'Girlfriend yata talaga n'ya ang babaeng 'yun. Bagay rin kasi... May pagkahawig pa nga....' Nalungkot akong bigla sa naisip. at Napapikit ng mariin. Kaya bago pa ako maging emosyonal ay tumayo na ako at kinuha ang bathrobe na nakasampay sa likod ng pintuan ng kabinet ko. Dumeretso ako ng banyo ng kwarto ko. Binuksan ang heater at gripo ng bathtub. Linaro ko ang tubig habang hinihintay na mapuno iyon. At ng mangalahati na ay hinubad ko ang lahat-lahat sa akin pati balat ko. 'Hehehehehehe!' Linubog ko ang sarili at linagyan ng pampabula ang bathtub. Nakakarelax sa katawan at nakakapanghinahon ng isipan. Isinandal ang uli sa gilid ng bathtub at pumikit. Medyo naidlip ako ng kunti kaya ng magising ako ay tinuloy ko na ang paliligo ko. Ilang saglit natapos rin ako sinuot ko ang aking Bathrobe at saka lumabas ng kwarto pupunas-punas ng basang buhok hanggang makaupo sa sofa. Inabot ko ang handbag ko at hinanap ang cellphone sa bulsa 'nun. Nagbukas ako ng SocMed ko at nag-ingay ang Group chat naming magkakaibigan. Chababi (Charlene): Hey! Mj! When will you next come back? 6:10 pm Ligaya (MaryJoy): Maybe on Saturday. Sorry if hindi ako nagtagal...I'll catch up to you guys! Biglaan eh...Dumating ang hari at reyna.! ?? (6:20 pm) Jhojhow's (Joan): Hahaha! Oh well, we understand you naman. Since I'm on vacation dito lang naman ako sa S.E. . (6:21 pm) ChelLaX (Rossel): Good! My aatendan akong seminar and workshop. Five days 'yun next next week. Sasabihin ko na para maaga. Ikaw bahala jho ha... Tutal baka-bakasyon ka na lang. (6:22 pm) Jhojhow's: Count on me! hahahha! ? (6: 22 pm) JheMini (Jeline): Hey! Ako rin nandito lang naman ako! (6:23 pm) SoWhatME (Christine): Walang nagtatanong! magtrabaho na! (6:23 pm) JheMini: Ang sama mo Thine! (6:24 pm) SoWhatME: Inaano ka?! (6:24 pm) JheMini: Huhuhuhu!! Kainis ka! (6:24 pm) SoWhatME:Inaano ka nga sabihin mo at ng malinawan ako! (6:25 pm ) JheMini: I hate you na talaga! (6:25 pm) SoWhatME: Bahala ka d'yan. Magtrabaho ka! (6: 25 pm) JOYcEmeNese (Joyce Nichole): Hahahaha! Ang gulo niyong dalawa! Anyway...We will miss you Ligaya!.... (6:26 pm) KenDarambong (Kena): Hoy! Magtrabaho kayo!!!!! @JheMini halika dito sa Kusina at maghugas ka! ( 6: 26 pm) JheMini: Nand'yan si Kara wag kang OA! (6:27 pm) Si Kara ay empleyadong tunay ni Charlene. MitchMecha (Me): Hoy!!!!! Iingay n'yo! Magkakasama lang naman kayo 'dyan! Hanggang dito ba naman?! (6:28 pm) KenDarambong (Kena): @MitchMecha Umuwi kang hindi nagpapaalam! (6:29 pm) MitchMecha: Dumaan ako sa kusina pero wala ka doon! (6:29 pm) KenDarambong (Kena): Baka tinawag ako ng kalikasan hahaha! Pakiramdam ko kasi nag-LBM ako. (6:30 pm) JOYcEmeNese : Oo nag-Cr yan ang baho nga eh! Hanggang ngayon umaalingasaw pa! (6:30 pm) MitchMecha: Ewww!!! Yuck!!! (6:30 pm) Chababi: Pero siya ang may pinakamabangong utot. Sa sobrang bango malilimutan mo ang pangalan mo. (6:31 pm) SoWhatME: Letse yan! Nakaka-amnesia pala! (6:31 pm) Ligaya: That so kadiri! At nakakamatay talaga! (6:32 pm) ChelLaX : HAHAHHAHAHA!!!!! (6:32 pm) KenDarambong: Ikaw ba naman may mabangong utot. Jusko perfume daig pa ang Clive Christian No. 1 Imperial Majesty Perfume! Mamahalin! Bwahahahahaha! (6:34 pm) Jhojhow's: Ai.... Taray!!!!! hahahaha! (6:34 pm) MitchMecha: Bahala kayo d'yan. Magbibihis muna ako! (6:35 pm) Iniwan kong nag-iingay ang mga kaibigan ko sa Group Chat. Natatawa lang ako kasi magkakasama ng lahat nagcha-chat pa. Iniligay ko sa bulsa ng bag ko ang cellphone. Tumayo ako sa kinauupuan pumunta ng dresser ko naupo doon at nagblower ng buhok ng matuyo ay bumaling naman ako sa kabinet ko at kumuha ng pambahay na damit. Isinuot 'yun saka humiga ng kama. Ewan ko at parang tinatamaan ako ng antok after ko maligo. Kaya naman inayos ko ang sarili upang umidlip. "Mamaya na ako bababa kapag dinner na." wika ko sa sarili at pumikit. At ninamnam ang malambot na kama at unan. Gaya nga ng sinabi ko ay dinner na akong bumaba makalipas ng isa't kalahating oras. Nakahain na ang lahat ng pagkain. Uupo na lang siya at susubo. "Good eve Dad, Mom. Where's Kuya Marcus?" Bati ko kay Dad na prenteng nakaupo sa kabisera at binigyan ako ng simpleng ngiti. Ganoon din si Mom. Katabi ng kanyang ama sa parting kaliwa. Ginawaran ko sila sa pingi ng halik saka tumabi kay Mommy. "I'm here.!" anunsyo ng ng aking Kuya nasa likuran ko lang pala ito na kasunod. Hinalikan rin nito ang magulang namin sa pisngi. At umupo kaharap si Mommy. "Na-miss mo ba ako? Dear Sister?" Nagkibit-balikat lang ako. Tumawa lang siya. "As expected from you." "Okay. Let's pray and thank you for the foods." wika ng aming Daddy. Nagdasal muna kami bago kumain. Ang malagom na boses ni Dad ay umaapaw ng pasasalamat sa may kapal sa tuwing kakain kami. Nagsimula na kaming kumain. Pinakikiramdaman ko ang mga ito. Ng makita kong tutok sila sa pagkain ay ganoon na rin ang ginawa ko. Walang nagsasalita. Kadalasan kasi after pray kahit nagsasadok ka pa may sasabihin na ang hari ng hapag-kainan. Hindi ito nakakakain na walang sinasabi. Nakailang subo na ako ngunit seryoso itong kumain ganoon din ang mommy. Kaya gayon na lamang ang kasiyahan ko. Rumehistro ang ngiti sa labi ko at hindi iyon alintana ng pamilya ko. I started enjoying my food today's family dinner. My father didn't nagged me about being not working in the company. He's calmness and silent, was very unlike him. Well, siguro nasawa na rin siyang kumbinsihin ako. Sa araw-araw naman ng ginawa ng diyos, yun na lang at yun ang napag-uusapan namin sa hapag-kainan. At ngayon nga, sa palagay ko lang susuportahan na lang ako sa ano man ang gawin ko. Mabuti naman kung ganoon mai-enjoy ko na ang dinner na walang ingay simula ngayon. I smiled again on my thought. 'Good choice dad! ' My mind said it as I cut my beef strip loin steak using my knife and savored the deliciousness. I'm so please about the taste and ambiance. 'Kung ganito ba naman palagi. Ang saya lang... Hehehhe...' "Ahmm! Why are you smiling?" My brother Marcus queried. Nakamasid siya sa akin habang dahan-dahang sumubo. Kahit ang magulang ko ay napatingin na rin sa akin. "H..Huh?!" napabaling ako sa kanila at kunwaring takang tiningnan ko sila. Napansin pla nila. "Is there something happen good to you? Or was the food makes you smile?." Tanong naman ng aking ina eleganteng hinihiwa ang karne sa plato niya. at simpleng titingin-tingin sa akin. "Oh!.. Yeah! Yeah! the food really taste good." sagot ko na lang sabay subo at ngiti. Masyado talagang mga observant ultimong simpleng ngiti ko nahuhuli pa rin. Hindi na pwede mag-smile ngayon mag-isa! Tumango-tango lang ang aking ina bilang pagsang-ayon. "Ms. Cristy made today a very delicious dinner. The taste never fail us, it was the same like before. Isn't honey?" tanong niya na may ngiti sa labi na tiningnan aking amang nasa Kabisera. My father nodded as he mannerly wiped his mouth. Bumaling siya sa aking kuya na patuloy ang pagkain kaya ako naman ay pinagpatuloy ko na rin. "By the way, Marcus how's the launch preparation for our new brand clothes?" 'Hehehehe! Good mood talaga ngayon!' "My team.." umubo muna ang Kuya ko saka nagpatuloy. "...We're doing our best as we could. We almost done, Dad." "That's good to hear. Finish it with no compromises 'til the date event!" Maawtoridad na wika ng aking ama. "We will dad. Thank you for trusting my team. By the way, dad. The venue we arrange it in Grandia Hills. Sorry hindi ko na napagpaalam saiyo na nag-iba kami ng Venue." Nakita ko ang kaba sa mukha ng kapatid ko. Napangiti ako. Ayoko maging ganyan sa kanya. Kabado palagi pagdating sa usapang kompanya. "Wow that's one of Sabio Grandest Hotel, right?" bilib na wika ng kanyang ama. Kita ko ang pag-angat ng tingin ni Kuya kay dad at medyo nagulat ngunit ngumiti na rin. "Yes Dad. Hehehehe!" Parang tanga ang itsura ng kapatid ko nahihiya na hindi mo malaman. Tsk...Tsk....Tsk.... Hindi ko na sila pinansin at kumain na lang. Bahala sila hindi ako kasali sa usapang 'yan. Masaya ako! "How come na napapayag mo siya? Nakapasok ba sa standard niya ang proposal rate niyo for the venue. I mean that's a High-Class Grandia Hills!" "Honey, ano naman sa tingin mo ang kompanya mo. Ukay-ukay?. Syempre nararapat lang na doon ganapin ang Fashion Show." komento naman ni Mommy. Napatawa kaming magkapatid. "Dad, don't worry I didn't change anything maliban lang talaga sa Venue. The CEO is a good friend of mine. He's my senior when I'm studying in Yale. He offered it ng magkita kami sa isang party." "I heard he is one of top bachelor successful handsome young man this year?." I secretly grimaced from my mother said. "Too much compliment . " I murmured it. Napasulyap sa akin si Mommy ngunit sigurado akong hindi niya narinig ang sinabi ko dahil hindi naman niya pinansin kaya nginitian ko siya. "Yes, Mom. Actually trending siya ngayon sa social media. At habulin ng mga press." "Probably because he's still single. Why not introducing our daughter to him?!" *Huk!!!* sabay Ubo! Nabilaukan ako ng isang basong tubig sa sinabi ni Mommy, halos malunod ako. Inabot ni kuya ang tissue na agad ko namang kinuha at pinunasan ang nakakahiyang kaunting tubig na lumabas sa aking ilong. Inubo ako ng dire-diretso. Agad namang nagalala si Mommy. Hinaplos niya ang likod ko dahil siya ang katabi ko kaya nakalapit agad. "Are you okay, Hija? We will send you to the hospital." 'Yay! OA lang anong hospital?!' Itinaas ko ang kanang kamay bilang pigil sa kanya. "N..no need mom. Nabilaukan lang po ako." "You sure.? " tanong ni Kuya Marcus sa akin na may pag-alala rin. Tumango ako bilang tugon at umayos ng upo. I made a last cough to relieve myself. "Mom, please don't say like that!. Kung ano man ang iniisip mo. Huwag mo ng ituloy po. Masasayang lang ang effort mo po." "Okay. Pero anak alalahanin mo ang future mo. Hindi naman kami makakapayag na habang buhay ka magtatrabaho sa cafe ng kaibigan mo." sabi ni Mommy umayos na rin ng upo ng makarecover ako. "I know Mom. But if it takes my life working there. Why not?.. Hindi naman masama. Di ba?" sabay kibit-balikat. Akala ko ligtas na ako sa pangangaral ngayong araw hindi pala. "Oo nga naman hindi kana teenager Sis. Hindi ka na dapat ganyan mag-isip araw-araw ka na lang ba pagsasabihan." Napakunot-noo ako. At tumungo sa pagkain ko at sumubo. Hindi ako nagsalita. "You must work at the company or else mapipilitan ka naming ipa-blind date o i-arrange marriage ka." My father said in serious tone. Kaya naiangat ko bigla ang paningin ko sa kabisera at nagtama ang paningin namin ni daddy na sobrang seryoso. Kinabahan ako bigla. "Dad naman. Walang ganyanan." Wika niya saka alanganin ngumiti. Seryoso itong tumingin sa akin. "Marcus, how much share do we have in VGH Arts.? I think the CEO wants to buy our shares and to pay their debt to us." Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Napalunok ko bigla ang hindi pa lubusang nangunguyang pagkain. Ano naman kinalaman ko? Nakakailang ang pagiging seryoso ni Daddy. Ano ba problema niya sa akin? Pinunasan ng kuya ko ang namarkahang labi saka nagsalita. Palipat-lipat ng tingin Kay Mommy at Daddy. "Yes, dad. I received the letter. I also talked to him already. When will you meet him?. I will tell your secretary to set an schedule? The VGH Arts CEO are available anytime." "No need for that. That shares are not belong to STC Company but to my daughter." Pabigla akong tumingin kay Daddy nanlalaki ang bilugan kong mata. "H..huh? Akin?" Agarang napaturo ako sa sarili at napaawang ang bibig. "Come to my office after you done eating, hija. We need to talk. Tumigil na ang pagiging matigas ang ulo. Hindi na nakakatuwa. Sapat na- hindi sobra na pala ang pag-intindi at pagbibigay ko sa kagustuhan mong mangyari." Kung kanina seryoso ito ngayon ay dumoble. Tumayo ang Daddy nagpaalam sa kanila. Sinulyapan muna ako bago nagtuloy-tuloy. Batid kong pa-opisina na ang gawi niya. Kung ang pagtanggi ko ng paulit-ulit sa pagtatrabaho ay kaya pa akong pagpasensyahan at pagbigyan dati. Subalit ngayon parang iba. Kinakabahan ako kay Daddy. Parang hindi ko kayang daanin siya sa palambing kong talento na gaya ng ginagawa ko. Hindi ako makapag-salita. A serious matter about share? Or something debt.? Ano naman kinalaman ko naman?. Bakit ako bibigyan ng share ng Daddy. Ni hindi ko nga sinusunod sa gusto niya mangyari sa buhay ko. Tiningnan ko ng nagtatanong mata ang aking Ina pati na rin si Kuya. "Don't give us that look. Go to his office. Don't keep him wait." Wika ng Mommy. "You know, dad. Huwag mong hintayin sigawan ka at umarangkada ang bibig 'nun. Stop being spoiled brat." paalala ng kanyang kapatid. I purse out one's lips and stand-up. Kinakabahan talaga ako. "Okay. Thank you for the meal. I gonna go to his office now." "This time hija just do what's your father wants, okay.?" Pakiusap ng kanyang ina nagsusumamo ang tingin nito. "And don't make him mad, 'lil sis." Seryoso namang wika ng kanyang kuya. "Hmmm... I think ab—" "Michelle....." Si Mommy, medyo mariin ang pagkakasabi nito sa pangalan ko. ".....Promise me this time, please." Her mother cut her words with eyes begging. I bit her lower lip. Hindi ko naman kayang biguin ang aking butihing Ina. Ngunit alam kong kampi ito kay Daddy. Napabuga ako ng hininga. "Okay, I promise, Mom." Narinig ko pa ang mabigat na hininga ng aking ina na pinakawalan. Habang ang kuya naman ko ay itinuloy na ang pagkain. Uminom lang ako ng tubig. Dahil nawalan na akong ganang kumain. Saka na naglakad papunta sa opisina ni Daddy. Mabigat mga hakbang ko bukod Doon lintik Naman kinakabahan ako. First time ko kasing pangangaralan na di kasama si Kuya at Mommy. Madalas kasi sa hapag-kainan o kaya sala ako kinukudaan niya. Well, siguro ngang nai-Spoil ako simula pagkabata hanggang ngayon pero hindi ganoon ang tingin ko sa sarili ko. Dahil hindi naman ako mawaldas ng pera. Hind pa talaga ako handa magtrabaho. Ayaw ko rin maging workaholic gaya sa kanila na ang tanging bibig ay puro trabaho na parang wala ng pahinga. At higit sa lahat ayaw ko maging buro sa papel at sa apat na kanto ng isang kwarto. I really wanted my adult life as ease as it can be. At least sa cafe nai-enjoy ko ng buong puso ang paggiging barista at kahera doon. Nag-aral pa nga ako ng isang taon sa pagiging barista dahil gusto ko matuto at masaya ako sa ginagawa ko. I knocked in wooden door of my father office to notify him my presence. "Come in." Sagot niya sa katok ko. Pinihit ko ng dahan-dahan ang busol at binuksan ang pintuan. Nagtuloy-tuloy ako ng pasok pakatapos masarahan ng marahan ang pinto. Dumeretso ako sa mesa at naupo sa bakanteng upuan sa harapan niya. My father comfortably sitting in his swivel chair. He leaned forward then intertwined his fingers together. Napakaseryoso ng mata niyang nakatitig sa akin. At talagang namang kinakabahan ako sa sasabihin niya. May pakiramdam akong malabo pa sa mata ko siyang mabola at madramahan. "D..Dad." Nauutal kong sabi at ngumiti ng may pagkailang. Tumikhim muna siya bilang panimula bago nagsalita. "So, hija gaya ng sinabi ko kanina. Narinig mo naman siguro. Kaya gusto kita makausap dahil panahon na siguro para malaman mo ang share mo na inilaan ko para saiyo." "T..thank you dad. I didn't expect it." "As my daughter, I want to be fair to you. Though you such a hard-headed person." Hindi ako nakasagot dahil may bahid na katotohanan iyon. "I'm serious what I said earlier. If you didn't work in our company then I will probably considered your mom suggestion. So, you better decide. I'll give you one month to think." "Pero po hin—" "Stop being stubborn. I will still allow you to work in your friend beloved cafe. Tandaan mo tumatanda kami ng Mommy mo whether you like it or not kami ang susundin mo ngayon. Napagbigyan kana namin, napagbigyan na kita." maawtoridad niyang sabi. Bago pa ako maka-counter attack may panibago bala na siya. "And about your share in the company...I lend it to VGH Arts former CEO before. He needed a big amount of money because his family faces a huge crisis back then. As exchange twenty percents in VGH Arts was under your name. Hanggang sa mabayaran nila ang nahiram na pera. It was written legally." Unting-unti napapakunot-noo ko. His words sunk in one by one into sentence on my brain. Pinaprocess pa ang pinagsasabi ng aking ama. Ang pagkakaintindi ko kasi ang binigay na share niya sa akin ay pinautang. Tapos may bente porsyento ng VGH Arts ay nakapangalan sa akin. Then if nabayaran na maibabalik na sa dating may-ari ng lubusan ang buong kompanya. So, meaning wala namang problema sa kayamanan ko. Tama ng mamroblema ako sa unang kondisyones ng kanyang ama. Sana huwag na niyang dagdagan. "Kung ganoon po. Wala naman po palang problema. If they wanted to pay you, then that's good. Let them reclaim what's their own." "It's not me. Who can decide that. Kundi ikaw. Wala kanang share na makukuha sa Kompanya natin dahil nasa VGH Arts na. Ikaw ang bahala kung papayag kang bayaran kana nila." Before I can reply, he interrupted me by his hand gesture. "Once nabayaran ka na nila. Your share will be void in VGH Arts. At least you got the money as well as the dividend from your share for the past years. Bahala kana kung anong gagawin mo sa pera mo. Kung gagastahin mo o kung ano man ang naiisip mo sa pera mo. Once you have it. Wala kanang aasahan pang mamanahin. Only are moral support. Ngunit kapag naisipan mong magtrabaho sa kompanya. I'll welcome you greatfully." Nakangiti niyang wika ngunit nakatutok pa rin ang seryosong mga mata. "Anyway you only have a month to decide. Hindi ako magdadalawang-isip ipa-arrange marriage ka. " Literal nanlaki nanaman ang mata ko. That's the hit! Napu-push pa rin ng aking ama ang kagustuhan niya. Gusto ko mang tumutol ngunit umuurong ang lamang loob kong sagutin siya dahil ba sa hindi ako sanay sa aura niya na ayon sa balita ay ganoon na ganoon siya sa opisina. Medyo nakakatakot dahil makakitaan siya ng pagkaistrikto. Kadalasan kapag nasa bahay siya napapalambot ko pa ng kunting lambing lang. Then this is also the first time, he talked to me sitting behind his office desk. As if I'm the one of his employee. Ibig sabihin lahat ng lumabas sa bibig niya ay seryoso at hindi mababali. Bawal kontrahin. Bawal mangatwiran. Buti kung hindi siya nakaupo sa office desk niya. This time I am vulnerable under his claw. I tighten my lips, restrained myself to complain. Papaano pa siya makasagot eh nagsimula naman siyang maglintanya at tsaka nag-promise ako sa kapatid at mommy na hindi ko gagalitin si Daddy. Takot kaya ako masigawan at tuluyan madismaya sa akin ang aking ama dahil sa katigasan ko. As he continue his outburst. "I'll tell my secretary to set an appointment to the CEO of VGH Arts. I actually didn't personally meet the newly CEO. Only your brother knew him. Pag-isipan mo ng mabuti kung anong balak mong gawin sa share mo. Tomorrow three o'clock in the afternoon...Is it okay to you?" Tanong niya sa akin. "Dad. Do I have a reason to complain? Mukhang hindi mo naman ako pagbibigyan kahit lumuhod pa ako." I said then let out a sighed. Hindi ko kayang tagalan ang seryoso niyang mukha at istrikto nitong boses. Hindi ako sanay. Bibihira kasi siya gumanyan. Malaki respeto ko kay Daddy lalo na kapag nasa opisina siya. Pinagbibigyan lamang niya talaga ako. Sa kagustuhan ko. Kahit mag-adjust pa ako ng panahan ganoon rin naman. Kailangan ko pa ring sundin ito. "Then that's good. Your brother will hand you the full details. Para rin naman sa ikabubuti mo ang ginagawa namin. Hindi ka namin kayang itakwil kahit gaano pa katigas iyang ulo mo. Wala eh... Anak kita at Mahal kita." Makapanghina ang ngiti niya, gusto kong mahiya gaano kaya karami ang pasensyang inipon ni Dad para sa akin at umabot ng ganito katagal. Tumayo siya, awtomatikong tumayo rin ako sa kinauupuan. Umiikot siya at tumigil sa tapat ko. "You have to choose wisely. Hija." Bulong niya sa akin habang yinakap ako. Gusto kong maiyak. Mukhang wala na akong takas ngayon. Baka kamuhian na ako ni Daddy kapag sinuway ko siya. Mahal ko si Daddy. Ayoko rin itong masaktan. Hindi man sabihin, pero alam king nadidisappoint at naa-upset rin ito sa tuwing tatanggihan ko ang pagpilit niya sa akin. Tumango lang ako bilang pag-sang ayon. Tingin ko nahipnotismo ako sa buong pag-uusap namin. Very intimidating kapag nakaupo na siya sa swivel chair niya. Hindi talaga ako sanay sa pa-istrikto at maawtoridad nitong aura. "I..I love you... Dad." Wika ko sabay bumuntong-hininga. Napabuga ako ng malalim na hininga ng makalabas na ako sa opisina niya. Ganito pala ang pakiramdam ni Mary Joy kapag ang magulang mo ang nagdesisyon ng buhay mo. Medyo sinuwerte pa ako dahil nakaranas ako ng kalayaan. Kahit paulit-ulit na may lintaya tuwing may hapag-kainan. Naabutan ko ang aking ina na medyo nag-alala ang mukha. Dala siguro sa aura kong akala mong natalo sa malaking pustahan.Even my brother was worried. He patted my shoulder to sympathize. "I'll go to Dad." Walang buhay na tumango ako. Hindi maalis alis ang buntong-hininga ko. Dumeretso ako sa tabi ni Mommy. "Do you mind if I lay in your lap, mom?" My mother's smiled and guided me to lay down. "I'm proud of you. Hindi ko mapipigilan ang daddy mo. Mabuti na lang sinunod mo siya ngayon. Nagworry ako dahil hindi kami kasama sa loob." "Wala naman choice. Kahit nga may option siyang binigay dehado pa rin ako. Ni hindi nga ako makapagsalita. Nakakaiba si daddy kapag nakapwesto sa office table niya. Hindi ka makakareklamo." Bumaluktot ako ng nakatagilid. "What matter he proposed to you. He definitely serious. Specially when he sat down in his swivel chair." Tinaas ko ang kamay at nagthumbs-up bilang pag-sangayon. I heave a sighed again. Saan ba ako magsisimula? Sa pakikipagkita sa may ari ng VGH Arts? Sa pag-iisip sa kondisyon ng ama? Na pagtatrabaho sa kompanya o pumayag na lang sa blind date or arrange marriage? At isa pa sa pag-iisip kung ano ang gagawin ko sa pera.? Iinvest ulit? 'Ano ba 'yan. Marami akong iisipin. Buti na Lang kung mukhang pera ako at waldasera. Kontento talaga ako sa buhay ko ngayon!. Bakit hindi nila maintindihan!' Sabi ko sa sarili ko habang marahas na napakamot sa ulo. "Bakit anak, may kuto ka ba?" My mother start searching a lice in my head, Kung saan ako kumamot. "This part Mom, may nararamdaman akong gumagapang." Sinakyan ko ang tanong niya. "Baka dandruff lang wala naman kasi." Nagpatuloy siya sa paghahanap sa ibang parti ng ulo ko. "Kamutin niyo na lang po Mom. Baka maibsan ang pangangati. Malay po natin dandruff nga." Pagsang-ayon ko na lang. Medyo magulo ang utak ko. Gusto ko marelax. In this way. Ang magpakamot ng ulo. Naantok kasi ako pagganoon. Bukas na lang ako mamoroblema ulit o kaya mamaya kapag matutulog na ako. Her mother stroke my hair in sweet caress. This is feel good. I love my mom so much. Isang mahinang katok ang nagpagising sa malalim na pag-iisip ni Michelle. Nakatingala ako sa kisame ng aking kwarto. Kanina pa ako gising kaya lang tinatamad akong bumangon at linilipad pa din ang isip ko dahil sa pinagusapan namin ni Dad kagabi. Hindi na hinintay ng kumatok ang pahintulot ko. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa harap ko ang nakabihis na kapatid. Napuno ng bango nito ang kwarto ko. "Pinanligo mo ba ang perfume." I twitched my lips upper slightly covering my nose. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. He ignored my disgusted facade. Instead, he handed a long plastic brown envelop to me. "Here's the files that you need. Dala ng secretary niya early in the morning. Pinabibigay ni Dad saiyo. Basahin mo. Huwag ka na ma-confuse at tumanganga diyan. Hindi na mababago ang desisyon ni Dad. Legit lahat ang sinabi niya at ang nakasulat diyan." Kinuha ko ang inabot niya. "Alam ko!" Pa-asik kong sabi at sumimangot. Hindi ko tiningnan ang laman ng envelop. "Wala ka bang balak pumunta ng cafe. Alas nwuebe na ah... Normally mas nauuna ka pang umalis ng bahay." Nagtatakang tanong niya. "Mamaya na.Umalis kana dahil ikaw palagi ang late pumasok. Presidente tapos late! Ano na lang sasabihin saiyo ng mga empleyado.!" Kinurot nito ang pisngi ko. "Buti na lang may maganda akong kapatid." Pinabayaan ko siyang kurutin ang pisngi dahil kung magpipiglas lang ako mas masasaktan ako dahil mas lalo lang niya akong kukurutin. "Sige na lumayas kana.Sinasakop na ng pabango mo ang kwarto ko." Pagtataboy ko sa kapatid ko. Natatawa naman na sinunod ako. Nakasara na ang pinto ngunit bumukas ulit. This time hindi na ito pumasok. Hawak nito ang doorknob. "Bago ko makalimutan. I'll text you the meeting place before 3pm. Make sure to read that." Ang tinutukoy niya ang nakapaloob sa envelop. Tinanguan ko lang ito at muling tinataboy gamit ang senyas ng mga kamay. Iiling-iling pasiya bago tuluyan nawala sa panignin ko. I don't mind without reading it. Sabi nga ng Kuya ko legit di ba. Ganoon naman mangyayari, iisa lang ang desisyon ko kundi ibalik kung dapat sa kanila. "Okay. I think I have to spend my day in cafe before 3pm." I started my usual routine in my room. Before going out. Kailangan ko rin i-prepare ang sarili sa pakikipagmeeting sa bagong CEO ng VGH arts. Bakit parang kinakabahan ako. Maybe because this is my first time attending a business meeting at one o one pa. Tiningnan ko ang hawak na envelop at inilagay iyon sa bag at nagtulo-tuloy sa kotse. Wala talaga akong balak basahin iyon. At hindi rin ako curious. I want this quickly to be done. Para bawas sa isipin ko. ::S.E 1:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD