HINAYAAN NI CLYDE ang sarili na magpakasawa na titigan ang payapang natutulog na si Zahra. Hindi niya alam kung paano o ano'ng nangyari. Nakita na lang niya ang sarili na yakap-yakap ito. Hanggang sa maramdaman niya ang paglalim ng paghinga nito tanda na tuluyan na itong nakatulog. Seryoso siya sa sinabi. He'll stay with her forever. Even his brother can't stop him. After hearing what happened two years ago, a voice from the back of his mind told him that they had planned everything. Ayaw niyang tanggapin 'yon. Dahil hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin kapag nalaman na pinagkaisahan siya. Tipid siyang napangiti nang kumunot ang noo nito saka kumibot ang mga labi. Nanaginip. At mukhang isang magandang panaginip 'yon lalo pa ng ngumiti ito. Hindi niya napigilan ang sarili na h

