'I HAVE NEVER cheated on you!' Paulit-ulit na nag-play sa utak ni Zahra habang nakatitig kay Clyde. Nakaluhod at sabunot ang buhok nito. He looks as wasted as she is. Pero bakit? Sa sinabi nito na hindi siya nito niloko? Sa sobrang sakit ng dibdib niya dahil sa pagtrato nito ay hindi na niya napigilan ang sarili na ilabas ang matagal na niyang hinanakit para sa dating kasintahan. Kahit dalawang taon na ang lumipas ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang sakit na idinulot nito nang iwanan siya nang walang paalam. At ngayon nasabi na niya rito…bakit tila siya nagsisisi? Sa nakikita niyang ayos ni Clyde ay mas gusto niya itong yakapin. Mahal niya pa ba ang lalaki? Siguro nga oo. Dahil kahit kailan naman ay hindi nawala sa puso niya si Clyde. Naroon lang, nagtatago at naghihintay sa muli n

