NANG MAKALABAS si Clyde mula sa banyo ay natigilan siya nang makita si Zahra na nakaupo sa may gilid ng kama, patalikod sa kanya. Tuwid na tuwid ang pagkakaupo nito habang nakatingin sa gawi ng anak nila. Kaya naman nagpasya na lang siya magtungo sa walk-in closet para magbihis. Lahat naman ay nakaayos na at may mga gamit na rin siya rito. Pinili niyang magsuot ng itim na t-shirt at cargo short na itim rin ang kulay, nasa bahay lang naman sila. Matapos niya magbihis ay lumabas na siya. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang hindi na makita si Zahra. Kasabay nang paghakbang niya ay ang pagbukas ng pinto at iniluwal si Manang Aiza. "Nandito ka pala. Pinaakyat ako ni Zahra para bantayan si Wyatt," sambit nito. "Nasaan siya?" tanong niya. "Nasa hapag-kainan kasama ng mga magulang mo." T

