UP: 1

2519 Words
“Mommy, kailangan ko po ba talaga lumipat?” tanong ko habang nagliligpit ng mga gamit “Oo anak, kailangan kasi naming tutukan ng daddy mo ang branch ng kumpanya doon,” paliwanag niya Ako nga pala si Vesper Maevee Singh, 16 years old at high school student palang ako. Sayang nga lang at ngayon pa ako lilipat kung kailan gagraduate na ako. Paano pa ako makakakuha ng loyalty award nito? Pero wala rin naman akong magagawa kasi hindi rin naman ako pwedeng iwan nila mommy dito ng mag-isa dahil sabi ni daddy ay delikado daw “Saan po ako lilipat?” curious na tanong ko “You’re already enrolled sa NU, anak,” nanlaki naman ang mata ko sa narinig “Nexa University?!” hindi makapaniwalang tanong ko na kinangiti naman nila Nexa University stands as the most prestigious and elite institution of higher learning in the city. At kilala rin sila dahil sa magandang reputasyon na mayroon sila at over the years simula ng mapatayo ang iba’t ibang branch nito ay lagi itong nakakatanggap ng iba’t ibang achievements at awards. Naging kilala rin sa iba’t ibang contributions nito sa industria ng academia. At higit sa lahat ay puro elite at outstanding ang mga studyante na nag-aaral doon ngunit ang iba nga lang ay dinadaan sa pera para makapasok ang mga anak. Although Nexa isn’t tolerating frauds or any special treatments regardless sa estado mo sa buhay. If you’re not a scholar they pay for your education however if you are then study hard for your education, ganon lang kasimple. Hindi lang mayayaman ang pwedeng makapasok doon dahil kung may higit kang talento at talino ay hindi impossibleng makapasa ka sa scholars nila at makapag-enroll. Despite of being a well-known prestigious university ay fair and square ang pamamalakad sa loob ng unibersidad na iyon dahil hindi nililimit lamang sa yaman at dami ng pera ang standard na pwedeng makapasok dahil ang mas importante ay ang utak, ang talento at talino dahil yan ang totoong yaman na mayroon ang Nexa na maipagmamalaki ang mga studyanteng mayroon sila. Ngunit ang lahat ng iyan ay lingid lamang saaking kaalaman dahil hindi pa ako personally nakapag-aral doon. Nakakapasok at nakakabisita lang paminsan dahil kela mommy at wala naman akong nakikitang hindi maganda sa tuwing pumupunta kami doon. Ngunit iba parin talaga kung studyante ka doon dahil dyaan mo talaga masusubaybayan at makikita kung ano nga ba ang takbo ng lahat sa loob ng unibersidad na iyon “That’s surprising,” nakangiti kong sabi sakanila Nagkakatak man ay hindi ko maipagkakail ang tuwang nararamdaman ko “We realized that it’s safe for you to study there lalo na’t tumatanda ka na at oras na rin para makita mo mismo ng dalawa mong mga mata ang takbo ng Nexa,” paliwanag ni daddy na tinanguan ko naman “Time will come at mas magandang ikaw mismo ang makakita at maka-experience ng mga bagay bagay. Makakatulong din sayo ito para makapag-isip ng mahaba pang panahon sa kung ano ang mga plano mo sa future at kung ano ang mga susunod na hakbang na gugustuhin mong tahakin,” dagdag pa ni mommy So this is also part of be preparing for the future. Narealize kong tama rin naman sila at wala naman akong problema sa kung saan ako papasok, kung Nexa man o hindi pero siguro nga ay mas makakabuti narin saakin na mamulat na habang maaga pa. “Okay po mom, dad,” nakangiti kong sang-ayon sakanila saka nagpatuloy sa pagliligpit Marami man akong maiiwan dito pero alam ko rin na marami rin naman akong bagong makikilala at matututunan sa lilipatan namin. Sana lang ay maganda ang kahihinatnan ko doon lalo na’t oras na makatapak ako doon ay iyon narin ang simula ng pagmulat ko sa realidad, sa mundong hindi puro laro, gala at sarili nalang ang iniisip kundi pati narin ang mga responsibilidad na maaari kong pasanin sa pagdating ng panahon. Ang bilis ng oras dahil next week ay pasukan na, unti unti narin akong nakakaadjust dito. Altho wala pa akong kaibigan dahil hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay pero kahit papaano ay nakalibot na ako sa city at masasabi kong sobrang ganda at well developed nga dito kumpara sa mga maliliit na city lang. “Dear,” napalingon ako kay mommy ng pumasok siya sa kwarto ko “Yes mom?” nagtatakang tanong ko “May school tour ka bukas with the head of high school department so be ready, okay? We asked na itour ka bago ang pasukan para alam mo kung saan ka pupunta sa unang araw mo dahil baka hindi ka namin masasamahan ng daddy mo also we need keep the attention away from you narin,” sabi niya Which I think is magandang idea dahil ako rin talaga mismo ang nagsabi na huwag na nila akong ihatid o samahan dahil paniguradong makikilala sila ng mga studyante at nagtatrabaho doon. I want to keep my profile lowkey lang. “Mommy I have a favor din po sana to ask,” nagbabakasakaling sabi ko “What is it anak?” kunot noo naman niyang tanong Nilapitan ko naman siya saka hinawakan ang kamay niya para manglambing “Pwede po bang hindi na ako magdala ng bodyguard, nanny and driver sa loob ng university? Kuya Arthur, the driver, is enough naman na po para ihatid sundo ako,” nakanguso kong sabi na nginitian naman niya “Okay, but in one condition. Magbehave ka sa loob ng Nexa, okay?” nakangiting tumango naman ako Naisip ko lang kasi na masyadong agaw atensyon kung may driver, nanny at bodyguard akong dala. Baka kung ano pa ang isipin ng mga kaklase ko at possible rin na wala masyadong makikipagkaibigan saakin dahil baka ma-intimidate or kung ano ang isipin saakin. “Anyway, mommy wala pa akong mga gamit sa school. Can I personally buy some? Sa NS mall lang din ako pupunta,” paalam ko Ngumiti naman siya saka tumango “But you have to bring your body guards with you and Arthur,” sabi niya na tinanguan ko naman Of course! “Magpaalam ka na rin muna sa daddy mo, he’s at the study,” nakangiting lumabas naman ako saka dumiretso kay daddy at nagpaalam na pumayag din naman. I am so lucky to have my parents. Pero minsan talaga ang over acting rin nila Napailing nalang ako ng pagdating ko sa mall ay walang katao-tao. For sure pakana nanaman nila ito. Daddy talaga, tss. Napansin kong maraming taong nakaabang sa labas at tila nagtataka kung bakit di sila pinapapasok “May importanteng tao daw sa loob e,” narinig kong sabi ng isa sa mga nakaabang sa labas “Kuya Nate,” tawag ko sa head bodyguard na kasama ko “Yes po, ma’am,” “Tell the head security na papasukin na ang mga tao, just keep my identity,” utos ko “Pero ma—“ “Ako na magsasabi kela mommy, besides saglit lang naman ako dito,” nakangiti kong sabi na tinanguan naman niya “Masusunod po,” atsaka siya umalis na at sa tingin ko ay pinuntahan ang head security Pumasok naman ako sa Vogue Boutique na nakita ko para mamili ng mga damit “Good morning, Miss Singh,” bati nila saakin “Don’t close the door na po, let the people come. Sayang namana ng sales besides hindi naman nila ako kilala,” utos ko sa manager na nakasunod saakin “But Ma’am,” “It’s okay, also do cater them, tawagin ko nalang po kayo if I need something,” utos ko at wala naman na siyang nagawa kundi sundin Ganon rin ang sinasabi ko sa bawat botique na napapasukan ko. Nang magsimula na akong pagtinginan ng ibang mga tao dito ay bumili ako ng cap, glasses at mask para takpan ang mukha ko dahil paniguradong may makakakilala saakin dahil sa mga bodyguard na kasama ko Lahat ng trabahante na meron ang mga magulang ko pati ang mga boyguard na kasama ko ay may logo na NG sa uniform kaya madali mong ma-identify kung saang galing sila na pamilya nagtatrabaho. “Kuya last boutique then uwi na po tayo,” sabi ko kay kuya nate, my head bodyguard saka pumasok sa boutique na puno ng stuffed toys and DIY materials Since bago ang kwarto ko dito wala pa masyado yung laman at kadise-disenyo kaya naman naisipan kong bumili dahil ganon rin naman nandito naman na din ako. “Miss Singh,” natatarantang sabi ng manager na sumalubong saakin “Saglit lang po at palalabasin muna namin ang mga—“ hindi ko na siya hinayaan na matapos sa sasabihin “No need, ayaw ko makaagaw ng atensyon and besides saglit lang naman ako so it’s okay,” siniguro muna niya na okay lang talaga ako bago siya napilitan na hayaan nalang ang mga tao sa loob Gayunpaman ay ramdam ko parin ang tingin niya at mga ibang staff na tila binabantayan ang bawat kilos ko. Ito ang rason kung bakit minsan ayaw kong lumabas ng may mga kasama, thankfully ay napipilit ko naman sila mommy especially when I want to be alone and at peace kapag lumalabas ako. May tiwala naman sila saakin at hindi ko naman iyon madalas na hingin sakanila na lumabas ako ng walang kasama. Naglibot libot lang ako ng may makita akong itim na pusa na stuffed toy. I love black and cats kaya naman mabilis ko iyong nilapitan pero nung kukunin ko na sana yon ay naunahan ako ng isang lalake. “Got you,” sabi niya saka kinuha iyon Napansin naman niyang nakatingin ako sakanya at sa hawak niya kaya tinago niya iyon sa likod niya “Are you gay?” biglang tanong ko na nagpalaki ng mata niya na tila ba hindi makapaniwala sa tanong ko “Anong sabi mo?” galit niyang tanong pabalik “Anong nangyayari dito?” biglang lapit ng manager saamin “Ito kasing babaeng to porket hindi niya nakuha itong stuffed toy e sinabihan akong bading,” gigil na gigil niyang sabi Naramdaman ko naman na nataranta ang manager “Uhm, Sir, pwede po bang ibigay niyo na yan sakanya?” pakiusap niya pa dito “What? No! Sino ba yan?” for some reason ay uminit ang dugo ko sa sinabi niya at sa kayabangan ng boses niya “No need, isaksak mo yan sa baga mo,” sabi ko saka siya tinalikuran at umalis. Hinabol naman ako ng manager para humingi ng sorry but I said it’s okay hindi naman niya kasalanan and I told them to contact me nalang kung may bago na silang stock nung stuffed toy at ideliver sa bahay. “Let’s go kuya arthur,” sabi ko Akmang aalis na kami ng may makita akong batang babae na tumatakbo “Kuyaaaaa,” sigaw niya saka lumapit sa tinawag niyang kuya at tumaas ang kilay ko ng makita yun lalake kanina “I have something for you,” sabi ng lalake saka nilabas yung pusa na stuffed toy at binigay sa bata “Wow kuya! I love it,” tuwang tuwang sabi ng kapatid niya saka siya niyakap at nagpasalamat Humupa naman ang inis na naramdaman ko dahil sa nakita. So it’s for his sister, sweet. Nakangiti akong lumabas na ng mall atsaka dumiretso ng uwi sa bahay para maayos ang mga gamit ko. I realized my mistake for judging the guy earlier pero sa tuwing naalala ko ang tono ng pananalita at ang tabas ng dila niya ay naiinis lang ako ulit. Pwede naman niyang bilhin nalang ng matiwasay o sagutin ang sagot ko bakit kailangan pa niyang mabanas at magyabang? Tss mga lalake nga naman. Sa tingin ko ay magka-edad lang kami base sa tindig at itsura niya parang hindi nalalayo ang agwat namin. Well, wala rin naman akong pakialam sakanya. Nagpatuloy nalang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko dahil malapit na rin dumilim. “Ma’am, tawag na po kayo nila sir sa dining,” rinig kong sabi ni yaya mula sa pintuan ng kwarto ko, sakto naman na tapos na ako magligpit. “Sige po, susunod ako sa baba,” sabi ko saka inayos ang sarili ko bago bumaba Dumiretso naman ako sa mga magulang ko para halikan sila sa pisngi “Kamusta lakad mo?” agad na tanong ni mommy If I know nireport naman na nila kuya nate sa kanila but they just want to hear it from me “It’s fine mom, ang dami kong nabili,” natutuwa kong sabi “I heard you opened the mall to the public while nasa loob ka,” tumango naman ako “Hindi naman po ako nagtagal doon and besides sayang naman ang sales for today kung hindi papapasukin yung mga tao,” paliwanag ko na kinangiti naman ni mommy “Pero someone got the toy you want,” seryosong sabi naman ni daddy Hindi na ako nagtaka kung paano nila nalaman “It’s just a stuffed toy dad, okay lang yun. Magkakaroon naman ulit sila ng stock at sinabihan ko na sila to deliver some dito sa bahay,” hindi ko ba alam kung bakit ko pinagtatanggol ang asungot na yun Bigla ko naman naalala ang kapatid niya “Also, that guy bought it for his sister. Mas priceless po yung tuwa nung bata kanina, I can always get one naman po,” dugtong ko pa Mukhang satisfied naman si daddy sa sinabi ko kaya ngumiti narin siya habang nagpapatuloy sa pagkain. “I’m so proud of you anak, sobrang buti ng puso mo at nakakatuwang marinig na pinapahalagaan mo ang ibang bagay o tao, hindi lang sarili mo ang iniisip mo,” natutuwang sabi ni mommy ‘It’s because I have a great role models’ sa utak ko habang nakatingin sa mga magulang ko Sa ilang taon na paglaki ko, nakita ko kung gaanong ka-selfless ang mga magulang ko, ni isang beses ay hindi ko sila nakita o narinig na nagdamot maliban nalang kung para saakin. Nagiging selfish lang sila sa mga bagay na pagdating saakin dahil ayaw na ayaw nilang may nangyayari saakin o ano man. Habang tumatanda ay namulat ako sa kung gaano kabukal at kaganda ang puso ng mga magulang ko kahit pa sa mga taong hindi nila kilala o ka-level. Walang ka-arte arte at laging handang tumulong “I love you both, so much,” biglang sabi ko na kinalingon naman nila Mabilis akong tumayo para lumapit at yakapin sila How I wish na we could stay like this forever, sana po Lord ay mahaba pa ang buhay ko o ng mga magulang ko para po mahaba pa ang panahon na magkakasama kami. Habang kumakain ay nagpatuloy lang kami sa pagkukwentohan. Nang matapos na ako ay nagpaalam naman ako sakanila para bumalik na sa kwarto ko kasi kailangan ko ng mag-ayos bago matulog dahil maaga pa ako bukas para sa school tour ko sa Nexa University. Sobrang naeexcite ako dahil matagal ko na rin talagang gusto na makapag-aral sa Nexa pero ayaw ko lang iyon sabihin o ipilit kela mommy dahil naiintindihan ko rin naman ang rason nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD