Dumating ang araw ng graduation ni Llander at bilang bestfriend niya ay para rin akong naging isang punong abala sa pagtulong kay Tita Coleen sa pagbitbit ng ilang mga gamit niya.
“You don’t have to do this. Ayaw kong mapagod ka,” nag-aalang saad ni Llander at pilit na kinukuha ang paper bag na naglalaman ng ilang gagamitin niya mamaya.
“I’m alright! Today is your special day. Saka excited na ako sa speech mo,” pabulong namang giit ko. Hininaan ko lang ang boses ko kasi hindi alam nina Tito at Tita na ga-graduate si Llander ngayon na with highest honors.
“Thank you, Avez. Mas masaya ang araw na ito dahil nandito ka,” seryosong pahayag naman niya.
“Aba, siyempre naman! Nandito lang ako lagi para sa iyo, Llander! Isa pa–”
“Hi, Llander! Congratulations!” matinis na bati ni Arianna, kaya natawa ako.
“Hoy, ano’ng ginagawa mo dito? Hindi ka invited, ah!” natatawang pambubuska ko sa kaibigan ko.
“Ghorl, tumabi ka muna, hindi ikaw ang ipinunta ko rito kung hindi itong future husband ko!” malanding taboy sa akin ni Arianna. Nagkatinginan kami ni Llander at lalo naman akong natawa.
“Thanks for being here, Arianna…” medyo alanganing tugon naman ni Llander.
Agad namang namula si Arianna at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga niya. “Siyempre naman, Llander… panonoorin kitang umakyat sa stage para saksihan ang mga unang paghahanda mo para sa future natin!” pabebeng sagot ni Arianna.
“Oh, my God!” tawang-tawang komento ko talaga kasi napakamot pa ng ulo si Llander. He looked so helpless, and I don’t intent to help him.
“Guys, I have to go. See you na lang after the program!” kumaway pa si Llander sa amin at dali-dali na siyang umalis. Alam ko naman kasing iniiwasan niya lang si Arianna. Ito lang kasing kaibigan ko ang mapilit.
“Avez, wala ka ba talagang gusto kay Llander? As in? Seryoso?” maya-maya ay pangungulit na naman ni Arianna. Naupo muna kami sa covered bench malapit sa auditorium ng school kung saan isasagawa ang graduation rites ng mga grade 12 students.
“Hmm… parang wala, eh. Matalik na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya,” sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya at parang hindi talaga naniniwala. “Napaka-perfect ni Llander para hindi mo man lang maging crush. Sabagay, sabay kasi kayong lumaki kaya kilalang-kilala mo na siya. Kumbaga, wala ng surprises…” napapaisip na saad ni Arianna.
“Ganon na nga siguro. It’s like, I look at him as my older brother. Alam mo namang pangarap kong magka-kuya o ate, hindi ba? Kaso, ako ang panganay,” nakalabing sagot ko.
“Basta ako, sure na sure na akong si Llander ang true love ko. Siya lang ang papakasalan ko in the future!” tila nangangarap na saad ng kaibigan ko. Malapad pa nga ang ngiti nito. “Ikaw ba, wala ka pa bang crush hanggang ngayon?”
Kumabog naman ang dibdib ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Bigla kasing pumasok sa isip ko si Leighton. Hindi ko rin alam kung bakit, pero ngayong malapit na rin kaming magkaibigan ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya.
“Uy, aba! May pagngiti ang bestfriend ko, ha!” nanunuksong tugis sa akin ni Arianna.
Umiwas naman akong salubungin ang mga tingin niya. “Crush lang naman siguro.”
“So, meron nga?” pangungulit pa niya. Pasagot pa lang sana ako ngunit siya namang pagdating ng pinag-uusapan namin.
“Hello, girls! Are you here to watch me graduate?” may himig ng birong tanong ni Leighton. Naririto na naman iyong pamilyar na pagkislot ng puso ko.
“Nandito kami para kay Llander,” maagap namang sagot ni Arianna.
“Ouch! Ang sakit namang ma-reject,” kunwa’y sinalo pa ni Leighton ang dibdib niya.
“Hoy, sorry, hindi iyong ang ibig kong sabihin,” mabilis namang depensa ni Arianna.
“It’s okay, I was just playing with you, girls,” nakangiting bati naman agad ni Leighton.
“Congratulations, Leigh! With honors ka rin ba?” bati at tanong ko sa kaniya.
“With honors, no… I think my award will be all about sports,” proud pa ring saad niya.
“Uy, congrats, Leighton! Sobrang galing mo kaya. First time nakakuha ng gold ang school natin sa international swimming competition!” papuring bati naman ni Arianna kay Leighton.
“Thanks. Sige, tinatawag na kami sa loob.” Bumaling siya sa akin pagkasabi niyon. “I will have an intimate graduation party with my family later, puwede ba kitang imbitahan?”
Medyo umawang ang mga labi ko at alanganing tumingin sa kaniya. “Naku, sorry, Leigh… may handaan din kasi kina Llander mamaya. Hindi puwedeng wala ako doon kasi very close friends ang mga parents namin. Ano’ng oras ba iyon?” natanong ko.
“Mamayang gabi pa naman, kasi hihintayin pa naming dumating ang kapatid ni Daddy. Hindi niya maaabutan ang graduation ko, kaya siya ang sasagot sa party,” pagbibigay-alam niya sa akin.
“Maganda kong gano’n, makakapunta ako. Kasi iyong party naman ni Llander ay pagkatapos mismo ng graduation. Parang late lunch then diretso na iyon hanggang gabi,” sagot ko.
“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Agad naman akong tumango. “Yup! Pero hindi ako puwedeng magtagal, ha? Hanggang 9:00 PM lang ang curfew ko, eh!”
“That’s not a problem. As long as you are there, everything will be perfect! Ako na lang din ang maghahatid sa iyo pauwi,” saad niya. Halatang-halata ang excitement sa boses niya kaya napapangiti tuloy ako.
Muli ay nagpaalam na siya sa amin at kumaway pa nga. Noong wala na siya sa paningin namin ay siniko ako ni Arianna.
“I think, alam ko na kung sino ang crush mo!” may halong pangangantiyaw na sambit niya. At makahulugan din ang tingin niya sa akin.
“Magkaibigan lang kami, Arianna! Kaya kung ano man iyang iniisip mo, itigil mo na iyan!” kontra ko agad sa sinasabi niya. Sumimangot naman agad ito.
Kasunod niyon ay dumating na sina Tita Coleen at Uncle Sander. Tumayo kami ni Arianna para batiin sila. Lumapad ang ngiti ko nang makitang kasama din pala nila sina Uncle Charles, Uncle Marcus at Uncle Marco.
“Why are you here, hija? Tara na sa loob,” malambing na tanong agad sa akin ni Tita Coleen.
“Papasok na rin po kami, Tita,” sabi ko, dahil iyon naman ang totoo. “Hello mga guwapong Uncles! Maraming mga Mommies, Titas at Lolas na naman ang mawawala sa sarili mamaya!” pabirong bati ko sa kaniya.
Nagkatawanan naman ang mga ito pati si Tita Coleen. “By the way, nasaan ang Mommy at Daddy mo? Akala ko ba manonood din sila ng graduation?”
“On the way pa lang po, Tita. Tara na po sa loob? Kanina pa po pumasok si Llander,” anyaya ko sa kanila.
Tumango lamang sila at lumarga na kami. Kinailangan ko pang hilahin si Arianna na natulala na sa katititig sa mga uncles namin ni Llander. Sanay na sanay na kami sa mga ganitong reaction ng mga kababaihan kapag nagsama-sama ang mga uncles namin. Wala pa nga sina Uncle Hunter at Uncle Ramvince dito.
Gaya ng inaasahan laking gulat nina Tita Cioleen at Uncle Sander nang ianunsyo si Llander bilang Graduate with Highest Honors. Kaya naman imbes na isa lang ang puwedeng sumamang parents sa stage ay umakyat talaga silang pareho. Kitang-kita kung gaano sila ka-proud dito. Bigla tuloy akong na-inspire na lalong pagbutihin pa ang pag-aaral dahil alam kong proud sa akin ang mga parents ko.
Makalipas ang ilan pang oras ng seremonya ay tinawag na si Llander para sa speech niya.
“Good day, esteemed guests, faculty, fellow graduates, and especially, my family and my bestfriend over there.”
Lumingon pa ang ilan sa kinaroroonan ko at kitang-kita ko ang mga kinikilig nilang ngiti. Makahulugan din ang tingin ng ilang mga estudyante kaya mabilis na nag-init ang mga pisngi ko.
“Mukhang may aagaw na sa anak ko mula sa akin,” tudyo ni Daddy kaya lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
“Dad! Kadiri iyang sinasabi mo! Llander will always be my bestfriend. Huwag ni’yo na pong haluan ng kulay,” reklamo ko naman.
Maging si Mommy ay napapangiti habang pinapanood kami ni Daddy. “Huwag kang magsasalita ng patapos anak. Hindi mo alam ang kapalaran,” dagdag panunukso din ni Mommy. Pero hindi ko na sila sinagot pa dahil nagtuloy-tuloy na ang speech ni Llander.
“Today is a day of gratitude and pride. Graduation marks the end of one journey and the beginning of another. But no one reaches this point alone, and I want to thank the people who made it possible.” Tumingin siya kina Uncle Sander at Tita Coleen sa bandang ibaba.
“To my parents, your solid support and unconditional love have been the foundation of my success. You’ve given me a well-sheltered life, filled with comfort and security, and for that, I am deeply grateful. You’ve always believed in me, and that belief has been my strength.”
Naging emosyonal siya sa bagay na iyon kaya pati ako ay parang naiiyak na. May kung anong bumara sa lalamunan ko at napuno ng damdamin ang dibdib ko.
“But as much as I’ve been blessed, I felt the need to prove myself. While I appreciate all I’ve been given, I chose to step out of my comfort zone and work hard to carve my own path. There’s also someone here today who has always inspired me in ways they may never fully know. Thank you for being a quiet but constant source of light in my life.”
Dahil doon ay muling nagtinginan ang iba sa akin kaya napakunot ang noo ko. Ano ba ang problema ng mga ito?
“Today, we celebrate not just our past achievements but the bright future ahead. Thank you to everyone who helped me get here. And to my fellow graduates, congratulations – let’s go out and make our mark! Thank you!”
Nagtayuan pa ang iba habang nagpapalakpakan nang matapos na ni Llander ang speech niya. Nagtama ang mga paningin namin bago siya umalis ng podium at tinanguan ko siya saka binigyan ng dalawang thumbs up. Isang matamis na ngiti naman ang tugon niya sa akin.
“Grabe, alam mo, halata naman na bet na bet ni’yo ang isa’t isa, eh!” pabulong na komento ni Arianna sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang lingunin siya. Kinabahan pa ako kaya napatingin ako sa mga magulang ko na nasa kanang bahagi ko. Ngunit mukha namang hindi nila narinig ang sinabi ng kaibigan ko.
“Isa ka pa, eh! Huwag mo nga akong bigyan ng dahilan para mailang kay Llander! Akala ko ba crush mo siya? Bakit mo siya itinutulak sa akin?” mahinang usig ko sa kaniya.
“Aba, maganda na iyong malinaw, ano! Baka kasi aagawan mo pa ako. Ano namang laban ko sa iyo kung sakali, di ba?” maharot na sagot nito kaya napapailing na lamang ako.
Pagkatapos ng picture-taking haggang sa higanteng photo wall sa labas ay pumunta na kami sa Diamond Paradise Hotel na pag-aari nina Uncle Hunter at Tita Charice para sa celebration ni Llander.
“Hoy, ghorl, sure ka ba na okay lang na kasama ako rito? Nakakahiya, puro mga mayayaman pala talaga ang angkan at mga kaibigan ninyo. Hindi puwede ang hampaslupa!” nag-aalangang tanong ni Arianna no’ng nasa lobby na kami ng hotel.
“Okay lang iyan. Ano ka ba! Mababait lahat sila kaya wala kang dapat ipag-alala. Let’s go!” hinila ko na siya at dumiretso na kami sa Grand Ballroom function hall ng hotel. Sumalubong sa amin ang mga naggagandahang disenyo at ilaw. Sumasabog din ang halimuyak ng mga mababangong bulaklak at air freshener sa buong paligid.
Nagkaroon lang ng short program at ilang messages ng pagbati kay Llander tapos tuloy-tuloy na ang party.
“May I dance with my beautiful Avez?” nakangiting tanong sa akin ni Llander. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagkain ko.
“Mamaya na, nagugutom na ako, eh!” reklamo ko sa kaniya. Pero hindi ito pumayag at inalalayan akong tumayo.
“I want to dance you first before anyone who might,” bulong niya. Inirapan ko naman siya.
“Oh, wait lang at magre-retouch lang ako. Nawala na iyong lip tint ko,” sagot ko naman. Mabilisan akong naglagay ng press powder sa mukha ko saka nagpahid ng lip tint.
“Let’s go!” pero bago kami nakaalis ay biglang nagsalita si Arianna.
“Llander ako din, isayaw mo mamaya, ah!” nanlalaki ang mga butas ng ilong sa selos na saad nito. Nagkatinginan kami ni Llander saka sabay na natawa.
“Of course, Arianna! Just enjoy the food for now, okay?” maginoong sagot naman ni Llander.
“Oo nga. Ang sasarap ng handa mo!” kinikilig na sagot naman ng kaibigan ko. Pagkatapos niyon ay tumuloy na kami sa dance floor.
Pansin ko ang ilang pares ng mga matang bumaling ang mga paningin sa amin. Pero hindi ko na gaanong binigyang-pansin ang mga iyon.
“You look really beautiful today, Avez. Thank you for being here,” nakangiting sambit ni Llander. May kung anong pumitik sa puso ko kasi titig na titig siya sa akin.
“Alangan naman! Alam mo namang nandito lang ako para sa iyo,” matapat kong sagot. May ilan na ring magkakapareha ang sinabayan kami sa pagsasayaw. Ang musika na tumutugtog ay Will of the Wind.
“Medyo mahirap na raw ang college life sabi ni Mommy, pero sana payagan mo pa rin akong sunduin at ihatid ka sa school. Always pa rin kitang tutulungan sa mga assignments at activities mo kahit madalas naman talaga na hindi mo kailangan ng tulong,” medyo natatawang sambit niya.
Pero iyong ngiti niya ay hindi umabot sa mga mata niya. Para bang may kung anong bumabagabag sa kaniya na hindi ko maunawaan. Kaya naman lumapad ang ngiti ko para pagaanin ang mood niya.
“Basta ba hindi ka mahihirapan, okay lang sa akin. Pero alam mo, excited na rin akong dumating iyong birthday ko para payagan na ako nina Mommy at Daddy na mag-aral mag-drive,” sabi ko.
Tumango-tango siya pero parang hindi siya kumbinsido. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. “Avez… actually may gusto akong sabihin sa iyo… hindi ko alam kung tama bang sabihin sa iyo, pero matagal ko nang gustong ipagtapat talaga. Wala lang akong lakas ng loob…”
Napalunok pa siya at halatang tila kinakabahan. Kumunot naman ang noo ko kasi para siyang balisa na ewan. Ramdam ko rin na lumamig ang kamay niyang nakahawak sa akin at bigla siyang pinagpawisan.
“Ano naman iyon? Saka, bakit mukha kang kinakabahan?” kunwa’y natatawang tanong ko. Nag-aalala kasi ako na baka may problema ito pero hindi niya lang masabi. Madalas naman kasi ay sa akin siya nagko-confide ng lahat-lahat.
“At first, I thought it was just a crush or something… pero habang tumatagal, lalong lumalalim. I really do not know how to confess it but, tonight… I want to tell you everything…” seryosong saad niya.
Tumago-tango naman ako. “Okay. What is it?”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya bigla akong nag-alala. Baka kasi may problema ito at ngayon ay kailangan niya ng tulong.
“I think… no… I’m sure about it… I am fall–”
“Avez, may naghahanap sa iyo sa labas,” biglang sabi ni Ate Hestia kaya napalingon ako sa kaniya. Kumunot pa nga ang noo ko.
“Sino daw po, ate?” tanong ko.
Nagkibit-balikat naman ito. “I am not really sure. Pinapapasok ko nga kaya lang hintayin ka na lang daw niya sa labas,” tugon naman nito.
“Who is that? Huwag kang lalabas, Avez, baka kung sino iyan at–”
“Ang OA mo naman, Llander,” natatawang putol ni Ate Hestia sa kaniya. “Halos kaedad mo lang yata iyong nasa labas, eh.”
“Sige po, Ate, ako na ang bahala. Llander, ikaw munaang bahala kay Arianna,” bilin ko naman.
May sasabihin pa sana siya kaya lang bumitiw na ako sa kaniya at lumakad na paalis. Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa likuran ko pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglabas.
Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita si Leighton sa may lobby. Ngayon ko lang naalala na susunduin nga pala niya ako ngayon dito para mag-attend din ng party niya.
“Hi! Are you ready to come with me now, or you still want to stay a bit more?” tanong nito sa akin pagkatapos bumati.
Napangiti naman agad ako sa kaniya. “Napaka-understanding mo naman. Magpapaalam lang ako sa kaibigan ko at kay Llander. Pero nakapagpaalam na kasi ako sa Mommy at Daddy ko kanina.”
Lalo namang lumiwanag ang mukha niya. “That’s great! Hihintayin na lang kita rito. Ayaw ko namang maging party crasher,” sagot pa niya at muli nang naupo sa bench na naroroon.
“Okay, sige. Saglit lang ako.” Tumalikod na ako at muling bumalik sa loob. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong napapangiti nang makita ko si Leigh.
“Sino iyong nasa labas?” salubong agad sa akin ni Llander pagpasok ko sa function hall.
Ngumiti naman ako sa kaniya. “Ah, si Leigh. Nangako kasi ako na pupunta rin ako sa party niya. Kaya, aalis muna ako, ha? Wait at magpapaalam lang ako kay Arianna at–”
“What? You’re going to leave my party just because of him?” galit na asik niya sa akin kaya nagulat ako. Hindi naman agad ako nakasagot kasi nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya.
***
Guys, pasensiya na kung wala akong update ng two days ha? Super busy lang talaga. Pero tuloy-tuloy lang ang update basta kaya ng time. Muli maraming salamat po sa support!!!