Hindi nagtagal ay dumating na rin si Llander na madilim ang mukha. Kumunot naman ang noo ko kasi hindi ko maintindihan kung bakit bad mood na naman siya.
“May nangyari ba? Bakit galit ka?” tanong ko agad habang papalapit pa lang siya sa kinaroroonan ko.
“Nagtanong ka pa! Saglit pa lang akong nawawala, may kasama ka na agad na ibang lalaki. Saka ang bata-bata mo pa pero nakikipaglandian ka na sa Leighton na iyon!” asik niya sa akin.
Napanganga ako sa matinding pagkagulat. At nang ma-realize ko kung gaano kabigat iyong mga sinabi niya ay hindi ko napigilan ang pag-igkas ng kamay ko. Huli na para pagsisihan ko ang nagawa, pero totoong nasaktan kasi ako sa sinabi niya.
“Hindi ako malandi, Llander! Of all the people, ikaw pa talaga ang magsasabi niyan sa akin? How dare you accuse me of something so horrible like that?” mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kaniya.
Nanlaki naman nag mga mata niya at tila nagulat din sa nangyari. Ang galit sa mga mata niya kanina ay biglang napalitan ng pangamba at pagsisisi. Sinubukan niya akong hawakan pero mabilis akong umatras.
“Huwag mo akong lalapitan! Simula ngayon, huwag mo na rin akong ihahatid at susunduin. Ayaw na kitang makita!” masamang-masama ang loob na sumbat ko sa kaniya at saka patakbong nilisan ang lugar.
Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko at sinubukan akong sundan pero hindi ko siya pinansin. Paglabas na paglabas ko sa gate ng school ay may paparating na taxi kaya agad ko iyong pinara at sumakay.
Sinabi ko ang address ko, pagkatapos ay lumarga na ang sasakyan. Nakita ko pa si Llander na humahabol sa likod pero hindi na kami nito naabutan. Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha ko at humagulgol. Parang hinihiwa ang puso ko habang paulit-ulit na nanunumbalik sa isip ko iyong salitang ‘nakikipaglandian’.
Ni sa hinagap ay hindi ko inasahang maririnig ko ang salitang iyon na sasabihin sa akin. At mas masakit pala kapag sa isang taong mahalaga sa iyo mo iyon marinig. Habang nasa taxi ako ay patuloy ang pagtulo ng mga luha ko at ang tuloy-tuloy na pagtunog ng cellphone ko.
“Neng, hindi mo ba sasagutin iyang cellphone mo? Kanina pa tumutunog,” pansin na sa akin ng driver. Suminghot ako at pinatay ang cellphone ko. Parang tinutusok-tusok ang puso ko dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko iyong sinabi ni Llander.
Pagdating ko sa bahay ay dire-diretso ako sa kuwarto dahil ayaw kong makita ako ni Mommy na ganito ang hitsura. Sigurado kasi na mag-aalala iyon. Mabilisan akong nag-shower at nagbihis. Pagkatapos ay inilatag ko sa mesa ko ang mga assignments ko. Kailangan kong maging busy para mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Llander sa akin.
Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Avez, puwede bang pumasok?” banayad na tanong ni Mommy. Dumiretso naman ako ng upo.
“Yes, Mom!” medyo malakas ang boses na sagot ko. Hindi naman naka-lock iyon.
Bumukas ang pintuan at bumungad si Mommy na may bitbit na basket ng mga bulaklak at isang box na sigurado akong pagkain ang laman.
“You have a delivery…” nakangitng sambit niya at iniabot sa akin iyon. Mabilis na nakarating sa ilong ko ang mabangong sanghaya ng mga bulaklak. At ang red at white na box naman ay may lamang mga brownies.
“Kanino galing ito, Mommy?” tanong ko. “Saka sana ay ipinaakyat ni’yo na lang sa maid para hindi na po kayo napagod.
“It’s okay. Busy na ang mga maids sa paghahanda ng dinner. What are you doing?” tanong niya at lumipat ang tingin sa mesa ko.
Inilapag ko naman sa gilid ang basket ng bulaklak at box ng brownies bago sumagot. “Assignments, Mommy.”
“Good. Siya nga pala, congratulations, anak! I heard your science investigative project represented your school in the International Science and Technology Fair sa Los Angeles,” bati nito sa akin.
Napanganga naman ako at nanlaki ang mga mata dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “Talaga po, Mommy? Paano po nangyari iyon? Saka, wala pa pong sinasabi sa akin si Ma’am!” medyo nanlamig ako at lubhang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Yes!" mabilis na sagot agad ni Mommy at puno ng excitement ang boses. "Your Tita Coleen just called me with the news. Nalaman daw mismo ng Uncle Sander mo sa isa sa mismong organizers ng fair,” dagdag pa niya.
“Oh, my God! That was so unexpected, Mom!” naibulalas ko. Kasi hindi ko naman talaga inaasahan ito.
“And guess what?” nakangiting pabitin na tanong niya.
“What?” kumunot pa lalo ang noo ko.
“It was Llander who did everything behind the scenes to make sure your project caught the judges’ attention!" pagbibigay-alam niya.
Muli akong napanganga at ilang beses na kumurap. "Si Llander?" I had no idea he was involved in any of this. I hadn’t even asked for help.
Tumango naman si Mommy. “He made sure your project stood out, connected with the right people, and now… you’re going to Los Angeles! Sobrang proud na proud kami sa iyo, anak!”
Bigla akong naging speechless. Medyo nanikip ang dibdib ko sa magkahalong gulat at pagiging grateful. Mula pa noon, palagi na lang gumagawa ng mga bagay si Llander na makapagpapasaya sa akin.
“Why didn’t he tell me?” nausal ko. Hindi ko alam kung para kay Mommy ba iyong tanong na iyon o para sa sarili ko.
“Siguro ay gusto ka niyang i-surprise,” hula ni Mommy pero lumapad ang ngiti niya na tila may ibang kahulugan. “Pero ano pa man ang dahilan, mukhang siniguro na ni Llander na ikaw ang mamayagpag."
Natahimik ako at hindi na nakapagsalita pa hanggang sa magpaalam na si Mommy. Naiwan pa rin akong tulala at hindi makapaniwala. Ngayon ay sobra na akong nagi-guilty sa ginawa ko kanina kay Llander. Kaya lang siya rin naman ang may kasalanan, eh.
Pagkatapos nang mahabang pagmumuni-muni ay binuksan ko ang cellphone ko. Sunod-sunod agad ang mga messages na galing kay Llander.
Llander:
Hey, I’m so sorry.
Please talk to me.
Avez, please. I didn’t mean it that way.
Patawarin mo na ako, please. Hindi ko na uulitin.
I know I was stupid. I am really sorry, Avez.
Avez?
I won’t do it again, I swear. Kausapin mo lang ako. Please.
You know I can’t stand it when you’re mad at me, right? Please, talk to me. I am really sorry.
Avez, huwag ka nang magalit please?
Please?
Please…
Napabuntong hininga ako saka nag-type ng reply ko. Bigla tuloy, feeling ko ang sama-sama ko.
Me:
Can we talk?
I hit send, damang-dama ko iyong heart race at anticipation habang hinihintay ang reply niya.
Hindi naman nagtagal at nag-reply na si Llander.
Llander:
Meet me at the park?
Me:
Okay.
Nagpaalam ako kay Mommy at sinabing magkikita kami ni Llander. Hindi naman siya nagtanong pa at tumango lang. Noong naglalakad na ako sa park ng village namin ay nakita ko si Llander na nakaupo sa isa sa mga covered bench.
Nang lingunin niya ako ay parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Lumamlam ang mga mata niya at bumakas ang lungkot. Bakas din ang pagsisisi, at dahil doon ay tumindi rin ang guilt na nararamdaman ko.
I took a deep breath and sat down next to him. Walang sinumang nagsalita sa aming dalawa. Maging ako kasi ay tila naumid ang dila at hindi alam kung paano mag-uumpisang magsalita.
“Avez…” maya-maya ay basag niya sa katahimikan. “I am very sorry for what I said. Nabigla lang ako kasi–”
“Why didn’t you tell me?” putol ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya kaya agad din akong nagsalita ulit. “Iyong tungkol sa science fair? Sigurado ka bang deserve kong makapasok doon, o ginawan mo lang ng paraan?”
Medyo tumagilid siya para harapin ako. “Wala akong ginawan ng paraan o ano,” mahinang depensa niya. “It was about making sure your work got the recognition it deserved.”
Napalunok ako sa pagguhit ng kirot sa puso ko. Alam ko at dama ko na nagsasabi siya ng totoo. “Ni hindi ko alam na… na may kinalaman ka roon. And I… I feel terrible. You did so much for me, and I didn’t even realize it. I was so mad at you for calling me a flirt.”
Malalim na bumuntong-hininga si Llander at sinuklay ang buhok niya sa pamamagitan ng mga daliri niya. “Look, I didn’t mean it like that. Kahit ano sa mga sinabi ko… I was just frustrated, okay? Hindi ko rin maintindiohan ang sarili ko kung bakit umiinit ang ulo ko sa tuwing nakakasama mo ang lalaking iyon.” Huminto siya at tumatahip ang dibdib niya. “I’m really sorry, Avez. Kahit kailan, hindi ko gugustuhing saktan ka o pasamain ang loob mo.”
Dalawang beses naman akong lumunok at mas bumigat pa ang dibdib ko. “Nabigla lang din talaga ako na pinagsalitaan mo ako ng ganoon. Saka, sorry din kung hindi kita binigyan ng chance na mag-explain.”
“Okay lang,” mabilis naman niyang tugon at unti-unti nang ngumiti. “Hindi na mahalaga iyon. Ang mas mahalaga sa akin ay ang mapatawad mo ako sa mga nasabi ko.”
“Pinapatawad na kita. Saka maraming salamat talaga at tinulungan mo ako noon sa science project ko na iyon.
Sumeryoso ang mukha niya at umangat ang isang kamay. Humaplos siya sa pisngi ko. “You are very smart, Avez, iyong project na ginawa mo ay puwede talagamg magkaroon ng malaking impact sa mundo.”
Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya. Binawi na rin niya ang kamay niya. “What do you mean?” curious kong tanong.
“Your project – about creating biodegradable water filters using nanotechnology – malaki ang potential noon para ma-solve ang isa sa mga malalaking prablema ng mundo sa kasalukuyan. Ang malinis na tubig na maaaring mainom ng milyon-milyong tao ay malaking bagay lalo na sa mga developing countries. Ngayong nakarating na sa mas malaking platform ang project mo na iyon, sigurado akong malaking tulong iyon.”
Awang ang mga labi ko habang nakatitig sa kaniya. “I knew it could help, but… I didn’t realize it could have that kind of impact.”
“You’re underestimating yourself,” may ngiting saad niya. “The filters you designed not only remove harmful bacteria but also break down pollutants using environmentally friendly materials. It’s cost-effective and sustainable. At alam mo ba kung gaano karaming tao ang puwede mong matulungan dahil doon? Mga pamilya, mga bata… at maging ang buong komunidad ay magkakaroon ng access sa malinis na tubig.”
Muli akong natahimik. Mula pa noong bata ako o noong nasa elementary ako ay hilig ko na talaga ang Science. Kung nanonood ng cartoons ang iba, ako naman ay puro tungkol sa nature, animals, history, biodiversity at kung ano-ano pang kagaya nito ang aking pinanonood. Kaya doon ko nakuha iyong idea sa ginawa kong investigative project. Hindi ko naman akalaing magiging ganito pala iyon.
“At nakita ng mga judges iyon,” pagpapatuloy ni Llander dahil hindi ako nagsalita. “Noong makita ko iyong project mo, alam ko na agad na magiging maganda at special iyon. So, I made a few calls, talked to people who had connections in the science fair circuit. Alam ko kasi na kapag nakita nila iyong gawa mo ay mapapansin nila iyong kahalagahan no’n. That’s why you got in.”
“Grabe…” hindi pa rin makapaniwalang usal ko. Para akong nalulula sa mga sinasabi niya. “Thank you so much talaga, Llander! You made me realize the worth of my work.”
Lalong lumapad ang ngiti niya kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. “Alam mo naman na mahalaga ka sa akin, ‘di ba? You’re my friend. More than that, actually.”
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. “A-Anong ibig mong sabihin na ‘more than that’?”
Hilaw naman siyang tumawa at tila ba naasiwa sa tanong ko. “I mean, hindi lang tayo basta magkaibigan, di ba? We’re bestfriends!”
Napatitig ako sa kaniya bago tumango. “Of course! By the way, sa bahay ka na mag-dinner. Sinabi ko kay Mommy na magkikita tayo at ibinilin niyang imbitahan kita sa bahay.” Anyaya ko naman sa kaniya.
“Ibig sabihin ba niyan, kung hindi pa nag-imbita si Tita ay hindi mo ako ii-invite?” kunwari ay nagtatampong tanogn niya.
Natawa naman ako at mahina pang napalo ang braso niya. “Siyempre hindi, ano! Halika na nga!” tumayo na ako at lalakad na sana paalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“Let’s go!” sambit lang niya at banayad na niya akong hinila pauwi sa bahay. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Hinayaan ko na lang kasi wala namang malisya sa aming dalawa.
“Llander! It’s great to have you here. Halina kayo at kakain na tayo. Kararating lang din ng Uncle Drake mo,” bati agad ni Mommy kay Llander noong bumungad kami sa dining room. Mabilis ko namang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Llander kasi baka kung ano pa ang isipin ni Mommy.
Third Person POV
“’Tay, bakit po? Bakit ganyan ang hitsura mo? Saka, ilang araw na po kayong inom nang inom, eh. Hindi naman po kayo dating ganiyan,” pansin ni Lina sa tatay niyang si Robert.
Napansin niya ang pagiging balisa ng ama nang umuwi ito galing sa pagbebenta ng balot at chicharon. Maging ang lola niya na tanging kasama nila sa bahay dahil matagal nang patay ang nanay niya ay nagtataka na rin sa inaasal ng tatay niya. Hindi na rin ito nagtitinda, halos mag-iisang linggo na. Hindi rin naman makausap nang maayos.
“Iwan ni’yo muna ako. Ayaw ko muna kayong makausap,” pabalewalang sagot nito at muling tumungga sa mismong bote ng gin.
“’Tay! Wala na po tayong kakainin bukas. Hindi na rin po ako nakapasok kanina kasi wala akong baon!” reklamo na ni Lina sa ama.
Tinaliman naman siya nito ng tingin! “Mas mabuti pang huwag ka nang pumasok. Dito ka na lang sa bahay dahil delikado sa labas! Baka mamatay na lamang ako kapag may masamang nangyari sa iyo!” pahayag nito na labis namang nagpagulat sa anak niya.
“’Tay! Ano ba ang pinagsasasabi ninyo?” hindi nauunawaang tanong ni Lina.
Ngunit sa isip ni Robert ay hindi niya makakalimutan ang nasaksihan niya nang gabing iyon.
Naglalakad siya papunta sa barangay hall para doon magbenta ng balot at chicharon dahil may paliga ang barangay. Ngunit nang mapadaan siya sa malaking bahay ay tinawag siya ng dalawang kabataan para bumili ng paninda niya.
Pagkatapos niyon ay umalis na rin siya, ngunit hindi pa siya nakalalayo ay nakarinig siya ng sigaw ng babae. Sigaw at iyak na tila ba nahihirapan at hinihingal. Huminto siya at sumilip sa gilid ng gate kung saan may kaunting awang. Sa bandang itaas ay hindi siya maaring magkamali, kahit mga anino lamang ang nakikita niya ay alam niyang mayroong ginagahasa roon.
Napuknat ang sigaw ng babae sa hindi niya malamang kadahilanan. At sa tuwing daraan siya sa bahay na iyon ay naroroon ang mga kabataan at sa hula niya ay isinasagawa ang isang bagay na hindi kanais-nais. Ngunit nang gabing iyon, kitang-kita niya kung paanong inilabas ng mga ito ang isang bagay na nakabalot sa makapal na kumot.
Nagmamadali ang kilos ng mga kabataan at dinala sa bandang likod ng bahay ang bitbit nila. Ayaw na sana niyang makialam pa, ngunit may kung anong nagtulak sa kaniya para pasukin ang hindi naka-lock na gate at palihim na tunguhin ang bandang likod. Nagtago siya sa likod ng mga nakabunton na gamit at dahil napakadilim sa puwesto niya ay walang sinumang makapapansin sa kaniya.
Kitang-kita niya ang lahat. Ang paghuhukay ng mga ito ng butas habang nakalapag sa lupa ang nakabalot ng kumot at may dugo. Di kalaunan ay inilagay na nila sa butas na iyon. At hindi siya maaaring magkamali ng sapantaha, nasisiguro niya na tao ang inilagay ng mga kabataan sa hukay. Pagkatapos ay muli nilang tinabunan ang hukay. At sinunog din ng mga ito ang ilang mga bagay sa loob ng isang bakal na drum.
Mabilis na nagsialisan ang mga kabataang iyon at doon pa lamang lumabas si Robert sa pinagtataguan. Hindi niya alam ang gagawin kung tatawag ba siya ng pulis o ano. Pero mukhang mayayaman ang mga batang iyon kaya mas pinili niyang hukayin ang butas dahil mababaw lang naman iyon. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang inilibing nila roon.
“Ay, pucha!” Malakas niyang sigaw nang biglang gumalaw ang nasa loob ng kumot. Dali-dali niya itong tinulungan at inalis ang nakabalot dito.
“T-Tulong… tulungan ni’yo po ako… tulong po…” nanghihina ngunti lumuluhang pagmamakaawa ni Aileen kay Robert. Noong una ay natulala ito at hindi makapaniwalang inilibing ng buhay ng mga kabataang iyon ang batang nasa harapan niya.
“B-bakit ka nila inilibing ng buhay?” hindi makapaniwalang tanong ni Robert.
“Nag… n-nagpanggap lang p-po akong h-hindi humihinga. T-tulungan n-ni’yo po ako…” muli ay pagmamakaawa ni Aileen. Ramdam din niyang unti-unti na siyang tinatakasan ng lakas at ulirat.
Gano’n pa man ay buong lakas na iniahon ni Robert si Aileen sa libingan at sa takot na malaman ng mga kabataang iyon na nawala ang inilibing nila ay mabilisan din niyang inayos iyon. Naglagay siya ng ilang bagay sa loob ng hukay saka niya pinaibabawan ng lupa ang mga iyon.
Pawis na pawis at hingal na hingal siya pagkatapos. Nang balikan niya si Aileen ay wala na itong malay ngunit humihinga pa rin. Binuhat niya ito habang nakasukbit pa rin ang basket ng balot at chicharon sa braso niya. Dahil sa matinding nerbiyos ay ni hindi niya maramdaman ang bigat ng mga bitbit niya. Ang mahalaga sa kaniya ay madala sa ospital ang batang bitbit niya.
“Tay, ano bang pinagsasasabi ni’yo? Hindi po puwedeng hindi ako mag-aral. Ang problema po ay bakit bigla na lang kayong tumigil na maglako ng balot? Kung ayaw ni’yo na po, humanap po dapat kayo ng ibang trabaho…” umiiyak nang saad ni Lina.
Alam niyang napakabait at responsable ng tatay niya kaya sigurado din siyang may pinagdaraanan lamang ito kaya ito umaakto ng ganito ngayon.
“Lina, makinig ka sa aking mabuti… masiyado ng masama ang paligid, lalo na sa mga kababaihan at batang gaya mo. Hindi ba puwedeng dito ka na lamang sa bahay? Ayos lang sa akin na hindi na tayo yumaman. Ang mahalaga ay ligtas ka, anak,” ngayon ay pagsusumamo na ni Robert sa anak.
Hindi na niya nabalikan iyong batang dinala niya noon sa clinic ni Dok Mariel Lizardo. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makatulog sa nasaksihan. Ilang araw niyang nadaraanan ang batang iyon sa bahay na iyon, kaya ibig sabihin ay pinagsamantalahan siya ng mga binatilyong iyon nang paulit-ulit.
Nagyon ay labis na takot na ang nararamdaman niya para sa sarili niyang anak.
“Tay, hindi naman po ako nag-aaral para yumaman tayo, eh. Nag-aaral po ako para hindi naman po habang buhay na magtitinda lang kayo ng balot. Gusto ko rin naman po na gumanda ang buhay ninyo kapag tumanda na kayo, Tay…” mabigat ang kaloobang sambit ni Lina.
Parang dinurog ang puso niya sa sinasbai ng ama na ayaw na nitong mag-aral siya. “Magtigil ka, Lina! Hindi ka na mag-aaral at dito ka na lamang sa loob ng bahay! Tapos!” bulyaw na ni Robert at tinalikuran na ang anak. Bitbit niya ang bote ng gin at tinungo ang silid niya at doon itinuloy ang pag-inom niya.