bc

My Ruthless Mafia

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
BE
HE
friends to lovers
arrogant
mafia
gangster
tragedy
bxg
campus
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Si Agent Eighteen ay isa sa mga kilala at tinitingalang agent ng isang pribadong organisasyon na kung saan ang layunin ay mahuli ang mga malalaking kriminal na naninirahan sa Pilipinas. Dahil sa husay nito ay naatasan siyang hulihin ang isa sa pinakamalaki at pinaka delikadong Mafia Group sa Pilipinas, ang Black Spades. Sa pamamagitan ng kanyang undercover at pagpasok nito sa buhay ng mafia boss na si Death, matutuklasan ni Eighteen ang iba't-ibang gawain ng isang mafia at kung paano unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa't-isa.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Paika-ika akong naglakad sa isang madilim at liblib na lugar. Ang suot kong puting bestida ay halos maging pula na dahil sa dami ng dugo na lumalabas sa aking dalawang saksak sa tagiliran na natamo. Pawis na pawis na ako at tila namumutla na rin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Nanghihina na rin ang mga mata ko na tila ba pipikit na ngunit agad ko itong pilit na minulat nang sa wakas ay makakita ng ilang ilaw ng sasakyan hindi nalalayo sa aking lugar. Agad akong naglakad patungo roon kahit na nanghihina na ang buong katawan ko. Napahawak ako sa isang sasakyan upang alalayan ang sarili na makatayo upang makalapit at makahingi ng tulong sa mga lalaking nakasuot ng itim na tuxedo na kung saan ang mga kamay ay nasa likod na para bang may tinatago. "T-Tulong. . ." Nanghihinang sambit ko kaya halos napalingon ang mga ito sa akin at sabay-sabay na tinutok ang kanilang mga baril sa akin. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa panghihina ngunit hindi ako nagkakamali na baril ang mga hawak nito. Sa harap ay nasilayan ko ang isang lalaking tuwid ang tindig at nakapamulsa. Hindi ko alam kung nakatingin ba ito sa akin o nakatalikod kaya dahan-dahan akong naglakad papunta rito dahil sa tingin ko siya ang makakatulong sa akin. "Sino ka?" Wika ng isang lalaki na ngayon ay lumapit sa akin at itinutok ng mariin ang baril sa akin. Sa mga oras na ito ay hindi ko na inaalala pa ang nangyayari dahil mas nangingibabaw ang sakit at panghihina na nararamdaman ko ngayon. "T-Tulong po. . ." Sa mga oras na ito ay hindi ko na talaga kinaya kaya napaluhod na lang ako sa damuhan at napahiga. Unti-unting nagiging blurry ang paligid ko, maski ang aking pandinig ay lumalabo na rin ngunit narinig ko pa ang isang mabigat na yabag na dahan-dahang lumapit sa puwesto ko at kinapa ang pulso ko. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagpunit nito sa aking puting dress banda sa aking natamong saksak. "Sino ang gumawa nito sayo?" Isang malalim at malamig na tinig ang narinig ko. Hindi ako nakasagot sa tanong nito dahil unti-unti ng bumibigat ang talukap ko ngunit dahan-dahan kong inangat ang nanginginig kong kamay at itinuro ang kaninang pinanggalingan ko. Huli ko pang narinig ang utos nito na ipasok ako sa loob ng kanilang sasakyan bago ako tuluyang mawalan ng malay. I guess, dito na magsisimula ang aming operation. Ang aking undercover bilang agent ng CID. 22 hours ago "Ito ang profile ng Mafia group na Black Spades. We've been investigating them secretly for the past four years but we can't even have any helpful information about them," Frustrated na wika ni Chief Iron ng CID o Criminal Investigation Department. "Dahil isang malaking mafia group itong pilit natin hinuhuli. Ang iba nga sa ating assigned agents sa grupong ito ay namatay sa mga kamay ng mga mafia na ito eh!" Inis na wika ni captain Jack. Sampu kami na narito sa meeting room ng CID at halos tatlumpung minuto na ang nakalilipas simula nang pag-usapan ang Black Spades. "Agent Eighteen, what do you think about this case?" Nalingon ko si Captain Jack nang tawagin nito ang pangalan ko. Isang malamig na tingin lang ang sinukli ko sa mga ito at nagsalita. "It is either you will drop the case or pass it to another big department who has the best agents in our organization," Sagot ko at sumandal sa swivel chair. Natahimik ang buong paligid sa sinabi ko. Nataas ko ang kilay ko nang makita ang pagkailang sa kanila and I don't know kung ano ba ang iniisip nila. Isa pa, they asked for my opinion about the case kaya sinagot ko lamang ito kung ano ang sa tingin ko na dapat gawin. "Alam mong nasa department natin ang may pinakamagaling na agent sa buong organization," Saad ni Chief at tumingin sa akin ng mariin. "And you are the best agent here, Eighteen." Dagdag pa nito. Napabuntong hininga ako sa narinig at umalis sa pagkakasandal sa upuan. "You are exaggerating, Chief. Isa pa, don't say that in front of my co-agents who are doing their best in their work." Walang preno kong sabi na tinanguan niya lang na tila ba walang pakialam sa sinabi ko. "Whatever. Hindi natin id-drop itong case na ito dahil masasayang ang panahon na iginugol ng mga past agents na nagtrabaho sa kasong ito." Lintanya nito at hinagis sa akin ang isang itim na folder. "I am assigning you the case of Black Spades. You are now dismissed." Hindi na ako nakapag-react pa ng i-dismiss nito ang meeting namin. Agents cheered me with an awkward smile as they don't know how they will approach me. Tinanguan ko lamang ang mga ito at umalis na. Sa buong linggo ay nag-plano ako at ang mga pili kong agents sa kung paano ko papasukin ang mundo ng Black Spades. I've picked the best agents in my team para maging successful ang operation na ito. "We are given two months only to finish this operation kaya I am looking forward to do your best." Natapos ang usapan naming mga agents tungkol sa gagawin naming operasyon. We made sure na hindi papalpak ang planong ito. Bukas ng gabi sa Naic ay magkikita ang dalawang mafia group na Black Spades at Black Clover para sa kanilang mafia meetings na wala kaming ideya kung ano ang pag-uusapan nila. For the past years na inimbestigahan ang Black Spades ng CID ay nalaman na nila ang meeting place ng mga ito kaya hindi na bago sa amin ang impormasyon na nagkikita ang mga grupong ito. Tuwing ika-15 ng buwan ay ginagawa nila ito sa iba't-ibang mafia groups. "Bukas ng umaga ay pupunta tayo sa lugar ng kanilang meeting place to set our plan," Huling sabi ko bago tumayo at lumabas ng aming meeting room. Napahinto ako nang makita ko si Grey sa labas na nakasandal sa pader habang tulala na nakatingin sa lapag kaya nilapitan ko ito at nilapit ang mukha ko sa mukha niya upang matauhan ito. "Huy, Grey." Tawag ko rito na tama lang sa pandinig niya. Nagkatitigan kaming dalawa nito at halos masuntok ko ang braso nito nang hawiin nito ang mukha ko paalis sa harap niya. "Stop doing that to me," Wika nito at tumayo ng maayos. Nagsimula akong maglakad na sinundan niya rin agad. Umakbay ito sa akin at nagsalita. "Bakit mo tinanggap yung sa kaso ng Black Spades? You know exactly how dangerous they are," Nag-aalalang sabi nito. "Chief Iron forced me to take this case," Malamig na saad ko at inalis ang akbay nito sa akin na hindi niya naman pinansin. Napailing ito at tumawa na akala mo ay may nasabi akong nakakatawa para sa kanya. "Alam ng lahat na hindi ka mapipilit sa isang kaso na ayaw mong hawakan, Eighteen. You took it because you want to take it," Pagpunto nito. "Alam mo naman pala ang sagot," "Dahil ayokong maniwala na ginawa mo na naman iyon." Napahinto ito sa paglalakad ngunit nagdire-diretso ako. Napahinto lang ako ng hilain nito ako pabalik sa kanyang puwesto upang harapin ako. Kita sa mukha nito ang pagkabahala at frustration. "T-They are the one who killed R-Red, remember? They killed our friend without mercy, Eighteen!" Nakita ng dalawang mata ko kung paano mariin na itiklop ni Grey ang kanyang kamao at pag-iwas ng namumula nitong mata dahil sa pagpigil sa pag-iyak. Hinawakan ko ang kamao nito na sobrang higpit upang ikalma. "Grey," Pagtawag ko rito at kahit ayaw man nitong tumingin sa akin ay napilitan itong tumingin. Agad na tumulo ang naipon nitong luha sa kanyang mata kaya agad ko itong pinunasan upang walang makakita. "Allow me to do this, Grey. After all, my only goal is to see the blood of Black Spades in my hands,"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook