9

1821 Words
Natatakot akong hawakan siya. Natatakot akong baka sa isang hawak lang ay mabasag ko siya. Yun ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan nang hindi nag-iisip sa maaaring mangyari. Hinang-hina ang kanyang mukha, umiiyak pa rin. Halos nasa pwestong paupo na ito. Parang may sumaksak sa puso ko habang tinitingnan siyang ganoon. Kasalanan ko yata... Kasalanan ko ba? Nalilito ako. Siguro nga naging trigger ako para lumabas ang dinaramdam niya ngayon. Ngunit nalilito ako kung bakit ganoon ang iyak niya. Sa mga sinabi niya, alam kong may mabigat na rason. Kinakabahan man ay lumapit ako sa kanya, yumuko ako nang kaonti para mabistahan ko ang kanyang umiiyak na mukha. Natatakot akong hawakan siya. Parang musmos na batang sensitibo ngunit---- wala naman akong magagawa kundi gawan ng paraan upang maibsan ang sakit na dinaramdam niya. Hinaplos ko ang mukha niyang napuno ng luha. Bigla siyang tumigil sa pag-iyak. Naninigas. Awang-awa ako sa mukha niyang basa, na napuno ng takot. Takot? Bakit naman siya natatakot? Dahil sa halik ko? Ngunit pakiramdam ko'y may malalim na dahilan. Gusto ko siyang tanungin, kaya lang sa sitwasyon ngayon parang mahirap. Tinitigan ko siya habang pinupunasan ang kanyang luha. Naaawa ako. Ayaw pa ring tumigil sa pagtulo ng kanyang mga luha, walang humpay at wala na yatang balak na tumigil iyon. "Takot ka ba sa akin?" naisatinig ko. Nanigas siya... Tama nga ang simpatha ko. Takot siya. Takot sa akin. Biglang lumamlam ang mga mata ko sa takot na baka mas lalo siyang matakot sa akin. Namumula na naman ang kanyang pisngi't ilong. Mas lalo siyang gumaganda kapag ganoon, kaso hindi ko naman gugustuhing dahil sa sakit at iyak kaya siya ganito. "I don't mean any harm to you, Cley..." sabi ko. Lumiit lalo ang kanyang mga mata, dala nang pagkakaiyak ulit. Kinabahan ako. At wala sa loob na niyakap ko siya ng mahigpit. Mas lalong lumakas ang iyak niya. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin. Ayaw niyang magsalita. Paano ko malalaman? "Clea... Tell me." bulong ko. Tumigil naman siya. Kaya humiwalay ako't tinitigan ang kanyang mukha. "I-ilang ulit..." bumuntong hininga siya, siguro ganoon kabigat na hirap siyang ituloy itong sinasabi niya. "Ang ano, Cley?" "M-mabilis po akong magtiwala." nanginginig na sabi niya. Kumunot ang noo ko. Mabilis magtiwala? Anong koneksyon noon? "M-marami po kayo." Umawang ang labi ko. Marami? Ang alin. "N-na... Na... Pinagsamantalahan ako." Tuluyan na itong bumigay. Parang isdang dumulas sa bisig ko at umiyak sa sahig. Natulala ako. Hindi makapaniwala. Ganoon din ang puso kong parang tumagas ang dugo. Pinagsamantalahan? Sinong mga gagong lalaki iyon?! Makakapatay yata ako! Ngunit sa ngayon, mas uunahin ko muna si Clea... Dapat malaman niyang wala akong planong ganoon. Oo nga't pinag-iisipan ko siya ng ibang bagay ngunit alam ko naman kung hanggang saan lang ako. Lumuhod ako sa tapat niya at idinantay ang kamay ko sa balikat niya. Noon naman ito tumingala. Malamlam ang mga mata at namamaga na iyon. "I'm not like what you're thinking I am, Cley. I am..." I sighed. "... Concerned with your welfare. Sana wag ka nang matakot sa akin." lakas loob na sabi ko noon. Ngumiti siya. Kaso ngiting may halong pait. "Ganoon po ba? Parang sinasabi niyo lang po iyan para maniwala kaagad ako sa inyo. Alam niyo na po kasing mabilis akong magtiwala." nanghihina nitong sabi. Nahabag ang loob ko sa sinabi niya. May dalang pamimintang iyon ngunit hindi naman ako nakaramdam ng pagkaka-offend. Siguro nga mas lumamang sa akin ang nararamdaman niya kesa sa nararamdaman ko. "Hindi ko gagawin iyan, Cley." hinaplos ko ang leeg niyang nabasa rin dahil sa iyak niya. Napalunok ako. At mas pinili na lang na titigan siya sa mga mata. Umiling siya ng isang beses, ayaw niyang maniwala. Okay lang... Papatunayan ko naman. "Mahirap... Kung... Hinalikan mo na ako." wika niyang nagpalaglag sa aking panga. Tumayo siya kaya nabitawan ko ang kanyang leeg. "Ano pong gagawin ko?" Tanong nito, habang lumilinga-linga. Hindi ako makapagsalita. "Ano po, Sir... Anong gagawin ko po? Siguradong nagugutom na po iyong mga tauhan niyo." sabi nito habang humihinga ng malalim. Gayun din ang pagpunas niya ng ilang luhang naiwan. Tumayo ako pagkatapos kong bumuntong-hininga. Ayaw ko naman siyang pilitin. "Dalhin mo na lang ang ilang pinggan at kubyertos. Akong bahala sa kanin at ulam." Sabi ko. Tumalima kaagad ito, nauna pang naglakad kesa sa akin. Halatang umiiwas. Napabuntong-hininga na lang ako't hinayaan siya. May mga pagkakataon pa naman. Doon ko narealize na kailangan ko nga talaga siyang alagaan. Mahina si Clea... At sa mga sinabi niya, natumpok ko na kung bakit ganito ang inaakto niya. Hindi kami nagkatagpo pagkalabas ko mula sa dirty kitchen. Mukhang nauna na ito. "Boss..." tawag ni Alfred pagkalabas ko mula sa connecting door. Akala ko may sasabihin, wala naman kinuha lang ang malaking kaldero na naglalaman ng kanin. "Melchor!" tawag ko sa pinakamalapit na tauhan. "Bakit Boss?" "Pakibilhan mo ko ng apat na boteng softdrinks."utos ko. Hindi ko na napansin ang pag-oo niya pagkaabot ko ng pera. Hinahanap ko si Clea... Kaya lang, hindi ko mahanap. Maliban na lang kung nasa common restroom. Lumalapit na si Lotti dito, at hindi naman niya kasama si Clea. "Si Clea?" tanong ko kay Lotti. Ngumisi ito... Talagang walang alam sa nangyari kanina. "Nasa CR... Miss mo kaagad?" Hindi ako sumagot, hindi rin ako nakangiti. Ngumisi lang itong lalo at inayos ang mga kutsara't tinidor na nasa mahabang mesa. Wala namang customers kaya okay lang na sabay-sabay kaming kumain. Mga naka-sched na mga sasakyan ang nandito ngayon... Himalang walang nadayo na magpapaayos pa. Lumabas si Clea mula sa isang bukas na pintuan, yung pintuan na direkta sa common restroom... Unang nagkatagpo ang aming mga mata ngunit wala ni isang ngumiti. Pagkat umiwas din naman siya. Hindi lingid sa aking kaalaman, pinagtitinginan kami ng aking mga tauhan. Ramdam yata nilang may kakaiba. Paano... Ayaw niyang tumabi sa akin. Sinubukan ko kanina, ngunit umiwas siya't naupo sa kabilang banda katabi si Lotti. Hinayaan ko na lang muna na lumamig ang sitwasyon. Mas tinuon ko na lang ang pansin sa pag-aayos ng mga sasakyan. Hanggang sa hindi ko namalayan na gabi na pala. Ginabi na naman kami... Isa lang ang ibig sabihin nito. Kailangan kong ihatid ang dalawa. Parehong palipat-lipat ang tingin ni Lotti sa aming dalawa ni Clea. Na noo'y nakaupo sa likod. Hindi ko magawang sulyapan siya... Sa takot na baka matakot ko na naman. "Kuya..." tawag ni Lotti. "Hm?" "Next week na po ang alis ko pauwi sa amin. Yung usapan natin, sa Lunes na. Okay lang po ba na humingi ako ng kaonting pabor?" tanong ni Lotti. Ang bilis ng panahon. Sa Lunes na nga pala. Aalis na si Lotti. "Oo naman. Ano ba yun?" na sa tingin ko hindi ko na lang dapat tinanong pa. Alam ko ayaw niya... Pero gusto ko. Gusto kong mapalapit sa kanya at baguhin ang kung anumang iniisip niya sa akin noon. Hindi ako tulad ng ibang lalaki. Oo madali akong naaapektuhan, malibog, ngunit normal naman sa isang lalaki iyon. Nasa kanila kung paano nila dadalhin iyon... Ako alam ko kung paanong kontrolin ang sarili. "Kayo na po sana ang mag-guide kay Clea. Kaonti na lang po pwede niyo na siyang hayaan. Medyo pahirapan din kasi yung ibang history ng mga dating kliyente." Lumunok na nga ako't lahat minamalat pa rin ako. Paano... Si Clea? Sinulyapan ko siya sa likod at nagkasalubong ang aming mga mata ngunit ako na ang unang nag-iwas. Gusto ko siyang komprontahin muna. Hindi alam ni Lotti na may kaonting lamat sa sitwasyon namin ngayon ni Clea. Wala naman siyang ideya. Kaya sigurado hindi niya nais na ganito ang kahahantungan. Maliban na lang sa usapang trabaho. Tumango na lang ako. Ako ang amo, pero wala naman akong magagawa roon. Sa tingin ko... Pagkakataon ko naman ito. Naging mabilis ang byahe. Hindi tulad noon, ayaw niya talagang tumingin sa akin. Wala na ang 'thank you' na lagi kong naririnig sa kanya. "Paano ba yan Kuya? Malapit na birthday mo, a! Hindi ako makakaabot." nguso ni Lotti pagkababa. Ngumiti ako, kaya lang hindi abot hanggang mga mata. Sinilip ko si Clea na nasa labas na. Sa sinag ng ilaw na nanggagaling sa poste... Mukhang malungkot pa rin ito. Kahit na tinted naman ang sasakyan ko, ayaw niya pa ring i-baka sakali ang pagkakalingon dito. Tuluyan na akong tinalikuran. Lumunok ako at sinagot si Lotti. "Dalawang Linggo pa, Lotti. Pwede ka pa namang humabol." Sumimangot ito, "Hindi na Kuya, aalis na ako next week para sa schooling." Napatango ako at muling sinilip si Clea, ayaw talaga. Kahit isang lingon lang. "O edi, pag-uwi mo na lang." "Good idea!" Hindi ko na napansin ang naging reaksyon ni Lotti. Nakatutok lang ako kay Clea na kanina pa nakatalikod. "Mag-ingat ka Lotti. Yung sweldo mo at bonus ibibigay ko sa'yo bukas." Nilingon ko siya, na noo'y ngumiti at pumasok sa loob ng sasakyan na nakatuko ang dalawang kamay sa kaninang inupuan niya. Agad akong napaatras sa pagkalapit niya. Sumeryoso ang mukha niya... Hindi ako nakaimik kaagad. Kinabahan ako sa iniisip. Si Lotti... Parang kapatid ko na iyan. Nakababatang kapatid. Umiwas ako ng tingin at sumulyap sa labas. Noon ko naramdaman ang malamig na halik sa aking pisngi. Saktong lumingon dito sa Clea. Tinambol ang ang dibdib ko sa kaba kaya bahagyang naitulak ko si Lotti. Nando'n pa rin ang mga mata ko kay Clea. Na halatang nagtataka. Kinakabahan ako dahil baka nakikita niya kami dito sa loob. Baka kung anong isipin niya. Wala naman talaga 'to sa akin. "Lotti... Bakit mo ginawa yun?" Sumimangot siya, "Wag ka ngang nega... Kiss for appreciation lang iyon. Sa sobrang bait niyo po. Deserve mong mahalin Kuya." ngumiti ito pagkatapos sabihin yun. Napanatag amg loob ko ngunit nagrarambulan ang mga organs ko sa loob dahil kay Clea na ngayo'y ayaw nang tantanan ang pagkakalingon dito. Bakit pakiramdam ko nakikita niya kami rito sa loob? "Ow..." narinig kong sabi ni Lotti kaya siya na naman ang binalingan ko ngayon. Saktong umatras na ito. "Takot na baka maging iba ang tingin sa'yo ni Clea, Kuya?" ngisi nito. Umiling ako at pinaandar na ang makina. "Pumasok na kayo." Ngumiti ito bago sinara ang pintuan ng sasakyan. Ewan ko nga ba, at dahil sa pagkakataranta at sa biglang bugso ng konsensya agad na akong umalis. Kinabukasan, maaga akong nagising at kumuha ng pera sa bolt para sa sweldo at bonus ni Lotti. Naligo rin ako pagkatapos at nagsout ng kulay itim na bottom down shirt at maong na pantalon. Nagsapatos din ako para sa mamayang misa. Alas otso nang ako'y natapos kaya maaga rin akong nakarating sa boarding house nina Lotti at Clea. Pagkapasok ay siyang pagkakita ko kay Rose na nakasout ng bestida at mukhang papalabas na ng tarangkahan. Lumingon ito sa akin, ngumit, at sanay na akong lagi siyang ganoon. Di na nakakapagtaka kung ubos na naman ang pagiging hyper. "Good morning Frederico! Oh Gosh! Ang gwapo mo! Hala!" tili nito. Naging hilaw
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD