Ginawa ko na namang awkward ang sitwasyon. Lahat nang dahil sa kagagawan ko. Hindi siya makatingin. Ni ayaw niya akong sulyapan. Samantalang ako, halos sa pagkakatitig ko gusto ko na siyang tunawin.
Naging tahimik kami ng sa tingin ko ay higit isang minuto kanina. Walang nagsalita. Nabitawan ko siya. Kaya dalawa kaming nakatayo roon. Naputol lang noong naglakad siyang wala na naman sa sarili. Hindi niya kabisado ang lugar na 'to ngunit dala ng pagkakataranta natunton niya ang daan patungo sa pinakamataas na bahagi.
Sinundan ko siya, sa takot na baka maiwala ko. Napapikit ako ng mariin, at pilit na pinapakalma ang sarili. Dahil talaga 'to sa akin! Tangina! Ano ba namang... Hindi ko na nakontrol ang sarili. Isang kahibangan!
Saktong pagkakaakyat nakita ko siyang nakatayo sa mismong b****a ng bangin. Tinambol ang dibdib ko sa kaba... Pabuka pa lang ang bibig ko at pahakbang pa lang patungo sa kanya, nang tumigil ako at tinitigan na lang ang pag-upo niya roon, pa-squat. Napahinga ako ng malalim. Akala ko... Akala ko lang pala.
Dahan-dahan at mabibigat ang lakad ko patungo sa kanyang pwesto. Tumabi ako sa tahimik na si Clea... Alam niyang nandoroon ako, sigurado ako, ngunit ayaw niyang magsalita, o sulyapan man lang ako.
Masama ba ang loob niya?
Baka...
Baka hindi...
Dahil sa pwesto kong 'to, kita ko namang hindi siya galit. O nandiri. O nagtampo. Hindi man nakangiti ay alam kong hindi masama ang kanyang loob. Siguro nga hindi pa nagsisink in sa kanya ang nangyari.
"Sorry." bulong ko, saktong narinig niya kaya lumingon siya. Mababa lang naman ang boses ko, parang hangin na nga. At hindi ko inakala na maririnig pa niya iyon. Naitikom ko ang bibig ko. At hinintay siya na magsalita.
Ngunit ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Tumayo siya, doon na ako nabahala. Tumingala ako upang makita ang kanyang reaksyon.
Hindi naman galit o masama ang loob, pero bakit ganoon? Bakit ayaw niyang umimik?
Tumayo rin ako tulad niya. Sinundan niya ako ng titig. Ayaw ko rin namang lubayan siya, kaya kahit sa pagkakatayo ay hindi ko pinutol ang pagkakatitigan namin.
Ngayon na normal na ang kulay ng kanyang balat. Sa tingin ko hindi na siya apektado sa nangyari kanina.
"Sir..." tawag niya.
Makasalanan nga talaga ako. Komplikado na nga ang sitwasyon at ang husay pa nang pagkakatakbo ng isipan ko. Parang magnetong agad na bumaba ang titig ko patungo sa kanyang mas mapulang labi.
"Yung nangyari----"
"Are you apologizing again?" kunot noong tanong niya.
Parang nabahag ang buntot ko sa tanong niya. Oo... Humihingi ako ng tawad dahil baka sumama ang loob niya. Ngunit... Kung ang kalooban ko mismo ang tatanungin... Humihinga ba ako ng tawad? Mali! Hindi naman talaga!
"Hindi..." malakas ang loob na wika ko noon.
Naitikom niya ang kanyang labi... Mas mahigpit ngayon. Napalunok ako.
Umawang din ito kalaunan. Hindi nga lang tuluyang nagsalita. Parang nag-aalangan.
Bakit kaya naging ganito ang sitwasyon namin ngayon?
Walang dapat na itanong... Ako ang nag-umpisa kaya nandito kami ngayon.
"I like the kiss, Cley... And I am sorry for taking advantage in the situation. That's what I apologize."
Mas lalong umawang ang labi niya, parang anumang oras ay pwede na siyang panglaglagan ng panga.
I like her....
Siguro nga. Kaso paano ba malalaman yun?
Lalo na ilang araw pa lang kaming nagkakilala. Ang bilis naman masyado. Hindi ito kasing bilis ng mga girlfriend ko noon.
Ngumiti siya. Hindi ko lang mabasa kung anong klasing ngiti iyon. Baka galit o sama ng loob, o kaya'y wala naman talagang kahulugan.
"Gusto kita Sir... Bilang Kuya." malungkot na ani nito pagkatapos mawalan ng ngiti sa labi.
Naiwan akong hindi alam kung anong gagawin. Parang sa isang iglap, nawalan ng saysay ang lahat ng magandang tanawin dito. Kung kailan naisip kong baka may gusto na ako sa kanya. Doon pa biglang naging... Ganito?
"Wag niyo na po sanang haluan ng malisya 'tong pagiging sunod-sunuran ko sa inyo, Sir." matigas na wika niya.
Umurong ang sikmura ko... Bakit? Hindi ko siya mabasa.
Akala ko noon, may iba na ring pinapahiwatig 'tong papaging malapit namin sa isa't isa. Akala ko lang pala... Wala namang naidulot na maganda.
"Cley..." tawag ko.
Ngumiti siya, ngunit ngayon ay iba ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Ngiti na naiinis... Naiinis! Totoo bang naiinis ang isang batang katulad niya? May rason naman para mainis siya ng ganyan. Hindi ko lang napaghandaan ang ganitong reaksyon niya.
"Wag naman po sana kayong maging katulad ng iba..." huling sinabi nito bago naglakad pababa ng bahaging yun. Naiwan akong nakatulala.
Napalunok din ako ng ilang beses.
Wag maging katulad ng iba?
Bakit? Anong ibig niyang sabihin doon? Tanggap ko namang mababasted ako ngayon, pero pursigido naman akong ligawan siya kapag lumalim pa ng husto itong nararamdaman ko. Ngunit... Napapaisip ako sa huling winika niya.
Iba?
Sinong 'iba'? Wala akong alam sa naging buhay niya noon, at hindi ko naman sana pakikialaman pa. Pero kung ganitong naaapektuhan ang mga nangyayari sa kasalukuyan dahil sa kung sinong 'iba' na yan na mula pa sa nakaraan niya... Baka nga aalamin ko pa.
Wala na sana akong pakialam sa mga nangyari sa kanya noon. Pero dahil sa nangyari ngayon... Sa tingin ko kailangan kong baguhin ang pananaw niya tungkol sa akin.
Papakita kong hindi ako tulad ng 'iba'ng sinasabi niya. Hindi ako mapaglarong lalaki. Lahat ng babaeng nakarelasyon ko noon. Sineryoso ko naman. Kaya pag sigurado na ako sa dadamin ko ngayon... Papakita kong sinsero ako sa kanya. At hindi rin ako tulad ng sinasabi niyang 'iba'
Sumunod ako pababa at naulinigan ko kaagad siyang nakatayo malapit sa passenger's seat. Nakatingin pa rin sa malawak na karagatan.
Clea...
Ngayon ko naisip na ang batang 'to ay may nakaraang di niya malimot-limot... Kaya... Kailangan kong malaman yun. Para mangyari kami, kung sakali.
Hindi na nakakapagtaka kung ang byahe namin pabalik sa talyer ay naging tahimik. Marami na sana akong balak. Tulad nang bababa kami mamaya para bumili ng makakain malapit sa bayan, at ilang kasangkapan sa binabalak kong piknik. Kaya lang... Napakaimposible na ngayon.
Gusto ko siyang kausapin... Wala naman akong masabi. Hindi dahil hindi ako marunong magbukas ng usapin, kundi dahil nag-aalangan ako sa pagiging tahimik niya.
Malapit na kami... At nakakapanghinayang. Wala man lang akong masabi, hindi ko man lang siya makausap. Hindi kami umusad. Bumuntong hininga ako at niliko ang sasakyan ng malapit na kami sa talyer.
Ramdam ko kaagad ang pagbaling niya sa akin. Nagtataka na siguro ito ngayon. Bago pa man, sinagot ko ang bumabagabag sa kanya.
"Bibili lang tayo ng pananghalian para sa atin." wika ko at lumunok.
Hindi ito sumagot. Walang kahit ano. Kahit man lang sana umimik man lang siya kahit konti. Hindi ko na alam. Bumabagabag na sa akin lahat ng nangyari kanina. Kinakabahan ako sa mga pwede pang mangyari. Hindi ko alam na pwede pala akong maapektuhan sa ganito. Hindi naman ako ganito noon, a?!
Tumigil kami sa isang chicken house. Bumaba ako at pumasok para bumili ng maramihan. Hindi naging mabilis ang negosasyon dahil medyo maaga pa nga at noon pa lang nagluluto ang kusinero.
Medyo umabot na hanggang trenta minutos gunit kalahati pa lang ang luto. Nilingon ko ang sasakyan. At muntik ko nang sugurin ang nangyayari sa labas. Sanay naman akong nililingon siya, ngunit kailanman hindi yata ako masasanay na nilalapitan siya ng kung sino. Bakit lumabas 'to?
"Babalikan ko lang." sabi ko sa cashier.
Normal ang paglalakad ko palabas. Minamata ko pa rin ang dalawang lalaki na natutuwang kinakausap si Clea. Samantalang ang huli, halos umiwas na para lang matigil na ang pakikipag-usap nitong dalawa. Hindi man halata ngunit alam kong ayaw makipag-usap ni Clea.
"Any problem here, pare?" tanong ko nasa nguso pa lang ng sasakyan.
Napalingon ang dalawa, mukhang mga totoy pa. Mga mapapayat, at dapat matakot sila sa nakita nilang lalaki sa tapat nila. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paglingon ni Clea. Medyo namumungay ang mga mata nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging panatag ang loob niya, o dahil humihingi siya ng tulong mula sa akin.
"Ah... Pasensya na. Nagtatanong lang naman kami kay Miss." sabay lingon nito kay Clea. Umigting ang panga ko. Isang lingon pa...
"S-sige alis na po kami Kuya." sabi ng isa pa. Kumaripas din sila. Nilingon ko si Clea na nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung galit o ano. Habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapan siyang basahin. Siguro nga, nilalayo niya ang kanyang sarili.
"Thank you." mahinang wika nito. Binuksan niya ang pintuan sa passenger's at pumasok doon. Nakatingin lang ako sa salamin na hindi ko naman kita ang loob. Bakit parang lumalala?
Naging tahimik na naman ang byahe. Mas mabilis ngayon kaya wala pang limang minuto ay nasa talyer na kami. Iginarahe ko muna ang sasakyan sa loob ng bakuran at sabay kaming bumaba. Nagpaiwan ako sa bahay samantalang siya lumabas sa tarangkahan at lumipat sa talyer.
Nasa likod bakuran ako, nasa dirty kitchen para magluto ng kanin. Mas pinili kong tumambay muna rito bago hinayaan at pumasok sa loob ang sarili nang luto na.
Naligo ulit ako't lumabas sa talyer. Medyo abala ngayon, ngunit hindi tulad noon na halos sakupin na ng mga sasakyan ang space sa boung talyer ko.
Nilingon ko muna ang kahera kung saan abala ang dalawa. Napabuntong-hininga ako at pumwesto sa usual na spot ko noon. Katabi ko si Alfred kaya di na nakakapagtakang kinausap kaagad ako nito.
"Akala ko po ba aabsent kayo ngayon, Boss?" ngising tanong niya. Alam nang may kahulugan.
Napailing ako, "Akala ko nga rin..."
Akala ko nga mapapasaya ko si Clea... Palpak. Mas pinalala ko pa.
"Maganda yung bata, Boss... Umusad na ba?" tanong pa nito.
Natigilan ako sa pagtitig sa SUV na nasa tapat ko. Tinitigan ko siya na parang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon.
Kumibit balikat ako at chineck ang boung katawan ng sasakyan. Hindi na naman nagtanong 'to. Pero alam kong mamamatay-matay ito sa gusto pang malaman.
Sa akin na lang iyon. Lalo na't kumplikado.
Hindi ko mapigilang lingunin si Clea kada oras. At sa mga pagkakataon na yun, ni minsan hindi ko siya nahuling nakatitig din sa akin. Ramdam ko na may nag-iba. Hindi ako mapakali. Gusto ko suyang kausapin. Ng masinsinan. At wag naman sanang ganito.
Alas onse trenta nang tumayo ako at naglakad papasok sa common restroom para maghugas ng kamay. Tsaka lakas loob na nilapitan ang kahera.
Napatingin sa akin si Lotti, si Clea... Alam niyang nandirito ako ngunit ayaw niya akong sulyapan man lang sana. Nakatitig ako sa kanya. Sa kurba niya, sa haba ng buhok niya, at sa maputi niyang batok. Nakaipit na ang kanyang buhok. Kaya kita na naman ang ganda niya.
"Bakit, kuya?" nagtatakang tanong ni Lotti. Tinititigan ko muna si Clea na wala namang ibang ginagawa kundi magbuklat ng notebook. Hindi busy. Nagbubusy-busyhan lang.
"Clea..." tawag ko. Nanigas siya ng kaunti at lumingon sa akin. Hindi tulad noon... Hindi ito nakangiti.
"Sir?"
"Samahan mo'ko. Maghahanda tayo ng pananghalian." wika ko.
Narinig ko ang tikhim ni Lotti kaya nilingon ko siya. Sinalubong niya ako ng ngisi. Kaya tumitig ulit ako kay Clea na medyo namumutla.
Natatakot siya... Anong ginawa ko?
Ganoon na ba ang nararamdaman niya ngayon dahil sa ginawa ko sa kanya kanina?
Umusad naman ito at lumabas ng kahera. Naglakad ako papasok sa connecting door. Ramdam ko na nakasunod siya sa akin. At pagkapasok, halos manigas ako ng marinig ang hagulhol niya.
Sa pagkakalingon ko halos pigain naman ang puso ko sa sunod-sunod na pagtulo ng luha niya. Nakatakip ang kanyang palad sa bibig niya, nagpipigil. Noon ko unang nakita kung paanong umiyak ito na parang natatakot at para namatayan.
Dapat bang... Dapat bang umiwas na lang ako para hindi siya nasasaktan ng ganito?
"S-sir... S-sir! Parang awa niyo... Naman po." muli itong humagulhol.
Natigagal ako. At sumakit ang dibdib sa nakitang estado niya.
Ano ba talagang nangyari... Noon? Bakit ganito?