Nakatayo lang ako sa tapat ng salamin, at pilit na iniisip na wala lang iyon.
Ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong klasing babae na kayang umamin ng hindi tinatanong, lalo na't may inosenteng mukha na tulad ng kanya.
At mali ko naman talaga dahil nag-isip kaagad ako ng iba. Tama lang na inosente ang kanyang mukha gayun din ang boung pagkatao.
Hindi naman ako ganito... Na biglang magagalit na lang at magcoconclude na ganoon ang isang tao. Sa unang punto, sino ba ako para mangialam?
Naghilamos ako't lumabas sa bathroom ng aking bahay. Noon ko naman nasilip ang ginagawa ni Clea na panatag na nanonood sa aking tv. Wala man lang bakas ng pagkapahiya o kung ano.
Ipinilig ko na lamang ang ulo't tinitigan ang orasan sa itaas ng aking pinto. Alas syete na pala, isang oras na lang at magbubukas na ang talyer. Isang oras din para katestiguhin ang sarili. Bakit naman...
Naglakad ako paakyat ng aking bahay, hindi rin lingid sa aking kaalaman na sinusundan ako ng tingin ni Clea. Malakas yata ang aking pakiramdam ngayon.
Sa kalagitnaan ng pag-akyat nilingon ko siya nang mahigpit ang pagkakahawak sa barandilya ng hagdan. Isa lang aking nararamdaman, nahihiya ako pagkat nag-isip ako ng ibang bagay tungkol sa kanya.
"Pasensya ka na... Clea." lakas loob kong sinabi. Nandoon pa rin naman siya, at nanonood lang. Hindi man pang nabakasan ng kahit anong emosyon. Hindi ko mawari kung nagalit ba o hindi. Hindi ko naman alam kung paanong tatanungin.
Sa tingin ko hindi na problema iyon. Ngumiti siya, ngiting naghalo ang kagandahan at kainosentihan. Pakiramdam ko ay lumiit ang tingin ko sa aking sarili. Sa susunod... Mas mabuting wag pangunahan ang mga bagay-bagay.
"Okay lang, Sir." ngiti nito at muling nanood ng tv.
Hindi ko tinigilan ang pagsulyap sa kanya. Akala ko okay lang... Akala ko wala na lang iyon sa kanya.
Bakit biglang nawala ang ngiti nito? Parang naiiyak, o talagang paiyak na. Noon naman ako bumaba at nilapitan siya.
Bakas ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Hindi niya malaman kung sa paanong paraan itatago ang nararamdaman niyang sakit, o insulto. Kasalanan ko. Wala man akong sinasabi sa kanya, alam niya yon, nararamdaman niya. Paano kaya? Siguro nga sanay siyang iniisipan ng ganito noon. Alam niyang hindi na magbabago ang tingin ng mga tao sa kanya. May mga pagkakataon bang naaapakan ang pagkatao niya dahil lang sa iniisip ng iba? Sino naman ang mag-iisip ng ganoon? Teka... Paanong hindi rin iisipin ng iba gayung ako mismo nag-isip din ng masama sa kanya.
Guilt. Kinakain na ako ngayon ng sarili kong konsensya. Lalo na't nahuli ko sa akto ang pagkakalaglag ng isang butil mula sa kanyang isang mata.
Marupok. Oo marupok si Clea. Madaling masaktan. Hindi ko akalain na sa maling paratang ang masasaktan ko siya ng ganito.
"Sorry." hinging paumanhin ko at lumuhod sa tapat niya. Noon naman bumuhos ang mga luha niyang kahit anong punas ko ay ayaw matigil.
Ikinawit ko ang aking braso sa kanyang likod at hinila siyang payakap sa akin. Kinakain ako ng sariling konsensya ko. Akala ko... Malaki pala ang epekto nito sa kanya. Sobrang laki.
"Sorry, Cley. Hindi na mauulit." sabi ko nang walang maisip na paraan para tumigil siya.
Nahahabag ang puso ko, sa kaunting ingay na nanggagaling sa kanyang pag-iyak. Parang tumagos ito patungong puso ko.
"Wag ka nang umiyak, pakiusap." muling wika ko.
Humihikbi ito, malamang ay dahil sa pilit nitong pinipigilan ang sariling umiyak. Ngunit mas lalo pa yatang lumakas. Inilayo ko siya sa aking katawan at nalaman kong sobrang pula nito na nakakunot ang mga kilay dahil sa sobrang iyak. Nakaawang din ang kanyang labi. Kung sa ibang pagkakataon, baka kung anong kamanyakan na ang naiisip ko ngayon, kaso mas malakas ang hatak ng aking konsensya.
"S-sorry... Sorry. Sorry po! Ang korni ko!" umiiyak na tawa nito. Humapdi ang aking mga mata sa nasasaksihan. Nasasaktan ako.
"A-akala ko kasi... Hindi ka tulad ng iba..." iyak nito.
Para pinunyal ang puso ko sa narinig. Hindi ka tulad ng iba... Ganoon ba? Nagihing katulad na ba ako ng mga lalaking sinaktan siya noon?
"S-sorry... Sorry po kung nasabi ko sa inyo iyon! Nasasaktan lang po ako... Akala ko kasi... Akala ko makakahanap na ako ng Kuya na magiging sandalan ko kapag nasasaktan. Sorry po!"
Nakagat ko ang pang-ibaba labi dahil sa mga sinabi niya. Pinunasan ko ang mga luhang nangangalaglag sa kanyang pisngi. Nasasaktan ako. Kailan ba ang huling pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito?
"Akala ko kasi..." napapikit ito at mahinang humikbi hanggang sa medyo lumakas ang kanyang iyak.
Parang binibiyak ng paulit-ulit ang puso ko. Paulit-ulit, hanggang sa wala nang natira.
"Bakit, Cley? Ano bang nangyari noon? Pasensya ka na kung nasaktan kita ngayon. Sorry, Cley. Hindi na mauulit. Hindi na." niyakap ko siyang muli.
Nararamdaman ko ang pagkakabasa ng aking sout. Ayaw niya pa ring tumigil. Hindi ko na alam kung paano ko siya pakakalamahin. Wala akong maisip na paraan. Tanging ang sinserong paghingi ko ng paumanhin.
"S-sorry po! Sorry!" tawa nito at nilayo ang sarili sa akin. Pinupunasan nito ang mga naiwang luha. Nakangiti ito pero alam kong nasasaktan pa rin.
Kumunot ang noo ko. Bakit parang may ibang pinaghuhugutan ang batang 'to?
Hindi ko alam kung bakit biglang nilukob ng katahimikan ang aming sitwasyon. Basta na lang nagjng tahimik ang paligid.
Namumula pa rin ang kanyang pisngi, ngunit sa tingin ko ay maayos na rin naman ang kanyang kalagayan. Kaya lang... Ayaw mapanatag ng kalooban ko.
"Are your still mad at me?" tanong ko kalaunan.
Kumunot ang noo niya. Ayaw ko pa ring lubayan ng titig ang kanyang napakakinis at namumulang pisngi. Gayon din ang tuktok ng kanyang ilong.
"S-sorry po sa nangyaring pagdadrama ko kanina. Nakakahiya." mahinhing wika nito. Halos pabulong na nga.
Napangiti ako, hindi man gaanong sinsero yun ay alam kong medyo napanatag na ang aking loob.
"Ako dapat ang humingin ng tawad. Pasensya na... Kung iniisip mong napakababa ng pagtingin ko sa'yo. Pinagsisihan ko lahat ng yun, lalo na't nasaktan kita."
Umawang ang labi niya sa narinig mula sa akin. Kahit sa ganitong sitwasyon, iba pa rin ang epekto ng kanyang mga reaksyon sa akin. Hindi ko napigilang titigan ang kanyang namamasa at namumulang labi. Napakanipis pa noon... Na parang nakakaengganyong malaman kung paanong humalik ang labi ng isang inosenteng bata. Ngunit ipinilig ko ang mga iniisip. Hindi tama. Lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
"Hindi niyo naman po ako sisisantihin? Di'ba po Sir?" puno ng pag-aalalang tanong nito. Ako na naman ang napaawang ang labi. Halos muntik ng natawa.
"Hindi! Bakit mo naman naisip iyan?"
"Dahil... Dahil... Sa mga paratang ko po." nakayukong sabi nito. Natahimik ako. Gaano ba kalalim ang rason niyang pagpaparatang sa akin sa noo'y pagparatang ko sa kanya?
"Hindi... Ako..." napabuntong hininga ako at idinantay ang aking kamay sa kanyang balikat.
"Hindi kita sisisantihin dahil lang doon. Kasalanan ko naman kung bakit nasabi mo iyon. Hindi kailanman magiging tama ang pag-iisip ko ng masama tungkol sa'yo."
Nagkatitigan kaming dalawa, nang medyo matagal. Siya ang unang bumitaw. Napabuntong-hininga ako nang dahil doon.
"Sige, aakyat lang ako." sabi ko kalaunan. Tumango ito kaya hinayaan ko ang sariling bitawan siya upang magbihis na.
Pagkatapos ay bumaba ako upang bistahan kung nandoon pa ito. Noon ko naman siya nakitang nakaupo at nanonood lamang ng tv.
Ilang buntong hininga na ang nagagawa ko sa loob ng isang araw.
Iniisip ko pa rin ang pag-iyak niya, at sa mga mata niyang napuno ng sakit. Kasalanan ko naman talaga. At hindi ko alam kung sa paanong paraan ko iyon babawiin pa.
"Cley, lumiban ka muna." sabi ko nang nakaisip ng paraan. Sa tingin ko yun lang ang paraan para maialis ang sakit na nakikita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong nangyari noon, ngunit sa mga inisip ko tungkol sa kanya ang siyang nagpaapekto sa kanya ngayon.
"Po?" tanong niya kalaunan, medyo nagtataka.
Ngumiti ako at inayos ang ilang takas na buhok sa noon. Medyo nanigas siya roon. Binawi ko naman ang kamay ko.
"Lumiban ka muna... Ako nang bahala. Gusto ko----" napabuntong hininga ako.
"---- may gusto akong puntahan ngayon. Isasama kita..."
"P-pero..." alangan nito at naging malikot ang mga mata na noo'y palipat-lipat ng direksyon.
"Ako naman ang amo mo, kaya okay lang yan. Sige na, isasama kita." sabi ko.
At hindi na hinintay ang sasabihin pa niya. Agad na akog pumasok sa sa kusina at hinablot ang susi sa itaas ng ref. Bumaba rin ang titig ko roon sa cellphone kong nasa bulsa.
Tinext ko si Lotti na liliban ako ngayon at sila nang bahala sa talyer... Ganoon din Clea. Na siguradong iisipan nila ng malisya.
Binalikan ko siya noon sa Sala na mukhang hindi mapakali at hindi malaman kung sa paanong pwesto siya magiging komportable. Napangiti ako... Parang bata talaga.
"Halika na.." tawag ko sa pansin niya.
"Po..." hindi ko alam kung sa anong aspeto niya gustong ipaalam sa akin ang paggalang na yun. Pero mas pinili kong maglakad sa pinto ng bahay, ramdam ko rin naman na nakasunod siya.
Ni-lock ko ng maayos ang pintuan bago naglakad sa sasakyan na nasa gilid lang ng aking bahay.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at agad naman itong tumalima. Pinagmamasdan ko suya ng maayos, kahit sa pag-upo niya sa loob. At sa namumula niyang pisngi.
Umikot din ako at sinulyapan siya bago bumyahe palayo sa lugar na yun. Kung noon madalas na pa-North ako... Ngayon bound to South na naman. Kung saan may malapit na dagat.
Tatlumpong minuto ang byahe, tatlumpong minuto ring naging tahimik ang loob ng sasakyan. Napahinga lang ako ng naging pamilyar na sa akin ang daan, mga nagtatayugang niyog at talahib sa paligid bago ang mismong entrance ng isang public beach resort. Pababa ang daan kaya medyo tanaw na ang kalawakan ng dagat. Nilingon ko siya, at nahinuha kong tama lang pala ang desisyon ko. Nagustuhan niya... Ayun sa nagniningning niyang mga mata. Tama nga ako.
Iniliko ko pa ng isang beses ang sasakyan. Paakyat ito sa mas mataas na lugar, kung saan may mataas na banging tanaw na tanaw ang maliwanag na karagatan.
Itinigil ko ito malapit sa b****a ng aakyating pang bangin.
"Baba na tayo." sabi ko at lumabas para pagbuksan siya.
Hindi ito makatingin sa akin, kundi roon lang sa karagatan. Namamangha... Parang ngayon lang ito nakakita ng dagat. Natutuwa ako pagkat nakakalimutan na nito ang nangyari kanina.
"Mas maganda kapag doon tayo sa itaas." sabi ko sa mas mababang boses. Lumingon siya, nakangiti. Totoong ngiti. Namangha ako pagkat kakaiba ang ngiti niya ngayon.
Sumisingkit ang kanyang mga mata, binat ang pisngi sa pagkakangiti. Para siyang nagliliwanag. Aminin ko man o hindi, natulala ako. Kinabahan. At nabubuhay ang loob. Hindi ko akalain na may ikakaganda pa ang batang 'to.
Higit na mas matanda ako sa kanya at dapat nasa matinong pag-iisip ako ngayon. Ngunit kabaliktaran ang nangyari.
Kinabahan ako. Tinatambol ang puso ko sa sobra-sobrang emosyon. At hindi ko na kayang magpigil.
Ang kaba ang siyang nagpalakas ng aking loob para hulihin ang likod ng kanyang ulo at mabilis na tinulak patungo sa akin.
Nanlalaki ang kanyang mga mata. At ako... Ako... Kinakabahan ng sobra-sobra. Unang dampi pa lang, halos ipikit ko na ng madiin ang mga mata ko.
Hapit na hapit ko ang kanyang ulo, gayun din ang isang kamay ko na noo'y hinila ang kanyang maliit na bewang patungo sa akin.
Matamis ang kanyang labi... Hindi tulad ng mga labing nahalikan ko noon. Manipis, at halos sakupin na ng aking labi ang kanya. Namangha ako, naging mapangahas. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko't pinasadahan ng dila ang kanyang manipis na labi. Nanginig siya, ramdam ko sa aking brasong nakapulupot kanyang bewang.
Walang lipstick. Natural ang pagkakapula ng kanyang labi. Nauulol ako... Hindi ako alam... Pero kung hindi ko titigalan 'to ngayon baka kung saan ako dalhin ng kapangahasan ko. Kaya't humiwalay ako.
Iniwan siya ng aking halik na nakaawang ang labi, at nanlalaki ang mga mata. Napanood ko rin ang pagdaloy pamumula mula sa kanyang dibdib, pisngi at tenga.