Lumipas pa ang ilang oras, naging gabi na naman ang hapon.
"Mauuna na po kami Boss. Hinay-hinay. Ang mga tuhod natin diyan!" Ngisi ni Jude. Kinatitigan ko sila na parang punching bag na nakakaengganyong suntukin.
Mabuti na lang na wala ang dalawang babae noon at hindi naririnig ang mga green jokes ng aming mga mekaniko. Tatawa-tawang umalis ang tatlong baguhang mekaniko.
Sina Aldo at Joseff na lang ang naiwan kasama ako.
"Boss, inlove ka na ba?" Nakangising tanong ni Joseff. Tinitigan ko siya bilang sagot. Hindi... Yun ang sigurado ako.
"Pero Boss, bagay kayo no'ng bago. Tsaka natutuwa kami pag nakikita kayong dalawa na magkatabi. Parang models... Iba ang dating. Kaya di naman lugi kung susyutain niyo iyong bago. Napakagandang bata ni Clea, yang mga ganyang mukha at katawan mahirap nang pakawalan."
Napabuntong-hininga ako. Hindi pa naman ako umaabot sa ganoon. Siguro nga nagkakainteres ako kay Clea, at aaminin ko rin na pinagpapantasyahan ko siya. Ngunit hindi pa sapat iyon. Hindi pa tulad ng nararamdaman ko noon kay Venice.
"Oy... Anong pinag-uusapan niyo, a?" biglang sulpot ni Lotti na kasama si Clea na medyo pagod ang mukha. Ngunit di man lang nababawasan ang taglay niyang ganda.
Sa aming lahat, siya itong kumikinang lalo na sa kutis niyang mala-labanos. At sa tangkad niyang hindi normal sa isang dalagang Filipina. Ganoon din ang mukha niyang walang anumang maipipintas. Medyo payat siyang babae ngunit nagmumukha siyang seksi sa hugis at hubog nito. Totoo ngang mukha siyang model. Maganda rin ang bagsak ng kanyang mahaba at kulot na buhok.
"Usaping dapat sa mga kalalakihan lang, Lotti." sagot ni Aldo.
Sumimangot ito sa sagot ni Aldo ngunit di naman nagtanong pa. Pumasok itong hila si Clea patungong kahera, at muling nagbilang ng kita sa araw na yun. Mas mabagal ang kilos ni Lotti ngayon kesa sa noon, at dahil iyon ay tinuturuan niya si Clea.
Nahihinuha kong mabilis matuto ito.
Nagpaalam na ang dalawang chief mechanics na nag-iwan pa nang makahulugang tingin. Inilingan ko ng sa ganoon ay tumigil na ang kung anumang iniisip nila. Hindi pa talaga ako umaabot sa ganoon.
"Kapag tapos ka nang magbilang ng kita sa loob ng araw na yun, pwede ka nang lumapit kay Kuya Fred para sa paglalagay ng pera sa bolt niya roon sa bahay niya." wika ni Lotti. Tinititigan ko naman ang mga ginagawa nila. Tumango-tango naman ito. Napalunok ako.
"O, ayan tapos na! Kuya Fred tara na!" tawag ni Lotti.
Tumayo naman ako roon sa couch na nasa harapan ng kahera. Lumabas na yung dalawa kaya sumunod ako. Na-ilock naman ng maayos lahat ng pwedeng pasukan dito sa talyer kaya di na ako nag-abalang magcheck pa ulit.
Nakabuntot ako sa dalawa at hindi sinasadyang napatitig ako sa pang-upo ni Clea na kumekembot sa tuwing lumalakad siya paabante. Napapikit ako at halos maging visible na ang paghihilot sa buto ng aking ilong. Isa na naman ito sa mga pagkakataon na ayaw akong lubayan ng aking naglalakbay na imahinasyon.
Pinipilit ko naman pakalmahin ang sarili dahil una ayaw ko namang tayuan habang nakikipag-usap sa kanila. Pangalawa ayaw ko ring matulog na masakit ang puson.
Ngunit sadyang naging mailap naman ang pagkakataon dahil saktong pagkatigil ng dalawa sa tabi ng kusina ko ay siyang muntik ko nang pagkakabangga kay Clea. Isang titig ang ginawa ko sa kanya, ganoon din siya sa akin. Halos kasing pula na ng kamatis yung dalawang pisngi niya at sa hindi ko naman malamang dahilan.
"S-sir..." bulong nito na maaaring ako lang ang nakarinig. At basi sa pagkakalingon ko kay Lotti, wala naman itong ideya sa nangyayari.
"Bakit?" kunot noong tanong ko.
Umiling ito at binaliwala ang tanong ko. Basta na lang naglakad na parang hindi alam kung saan papunta, noon ko naman napansin ang pag-iiba ng direksyon ng kamay niyang... Noon ko lang narealize na nasa tapat ng aking pantalon.
Umungol akong ako lang ang nakakarinig. Ungol na may halong inis. Alam ba niya? Paano niya malalaman yun? Maliban na lang kung sanay siyang nakakaramdam ng ganoon. Kung isang inosenteng dalaga ang makakadantay noon, kailangan ng oras para malaman niyang iba na pala iyon.
Di kaya'y...
Nakakagalit!
Tinitigan ko siyang naglalakad sa pintuan patungong living room ng aking bahay. Halos magkahugpong na ang mga kilay ko sa pangungunot. Paano niya malalaman iyon? Lalo na't makapal naman ng tela ng pantalon ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili kong isip kung bakit naiinis sa ideyang agad niyang naramdaman yun. Napakaimposible naman sa isang inosenteng babae. Maliban na lang kung open minded, at talagang nakahawak na noon.
Ipinilig ko na lang ang ulo at sumunod sa dalawa, na si Lotti ay pinangungunahan ang pag-akyat sa ikalawang palapag.
"Combination code: 06-FR-82." pagbibigay impormasyon ni Lotti sa namumula pa ring si Clea. Hindi siya makalingon man lang, ayaw niyang kahit lumingon sa kaliwa. Sadyang alam niya kung anong nangyari sa katawan ko kanina.
Naikuyom ko ang mga kamao at mahinang naglakad pababa mula sa ikalawang palapag. Ilang beses din akong napapikit. Hindi ako pwedeng magkamali sa hula ko. Maaaring... Nakahawak na siya. Ayaw ko namang pangunahan ang bagay na yun, ngunit hindi ko naman makontrol ang sarili.
Napakamakasarili nitong iniisip ko. Anong pakialam ko naman doon sa mga nangyari sa kanya bago siya nakarating dito?
Alam ko naman sa sarili ko na naiinis ako dahil baka may experience na siya sa ganoong bagay. Ngunit hindi ko kayang tanggapin.
Hindi ako ganitong klasing lalaki, na maiinis dahil lang sa baka may experience na ang natitipuhang babae... Pero lahat pala ay may excemption pagdating sa iisang babae.
Isinandal ko ang likod sa malaking sofa sa aking living room. Napapikit ako't napatingala sa kisame. Hanggang sa dilim na aking nakikita, ang inosenteng mukha niya pa rin ang tumatakbo. Ipinilig ko na lang ito at muling tumayo para maglakad sa kusina at uminom ng malamig na tubig para sa pagpapakalma. At sinabayan ko na lang ito ng paghablot ng susi ko sa itaas ng ref.
Maya-maya lang din ay bumaba ang dalawa. At kahit anong iwas ko, sa huli kay Clea rin naman ang bagsak ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan, lalo na't punong-puno ng tanong ang isipan ko.
Ipinilig ko na lang, baka naman ako lang itong nagbibigay ng malaking isyu sa kung anumang nakaraan niya.
Sinigurado ko munang naka-lock ang pintuan ng aking bahay bago sumunod sa dalawa patungong sasakyan ko.
"Pag ginagabi ka, always wait for Kuya Fred dahil talagang naghahatid yan ng tauhan. Well... So far ako pa lang naman ang naihahatid niya, pag gabi lang naman." narinig kong sabi ni Lotti.
Naramdaman ko ring tumango si Clea bago ko minaniubra ang sasakyan palabas sa binuksan kong tarangkahan kanina. Noon kami bumyahe patungong kalsada at paliko sa isang street na naging pamilyar na sa akin. Nasa harapan si Lotti, samantalang nasa likod naman si Clea.
"Sir, thank you." mahinang pasasalamat ni Clea pagkababa ko sa kanila sa harap ng kanilang boarding house. Napatango ako at nilisan na ang lugar. Naiintindihan ko na ang sarili... Galit ito sa mga iniisip kanina. Napakaselfish nga naman kung iisipin, dahil anong karapatan nito?
Pagkarating sa bahay agad akong nagluto ng sinigang na bangus, at sa isang stove ay ang kanin. Habang naghihintay ay napapaisip ako kay Clea. Sa huli mas pinili kong patahimikin ang kalooban. Hindi ko naman alam khng anong nangyari noon para magalit ng ganito... At kung iisipin wala akong karapatang makaramdam ng ganito. Una sa lahat hindi naman niya ako boyfriend, walang espesyal sa amin maliban sa minsan ay pinapapantasyahan ko siya. At sa minsang pag-aalala ko sa kanya. Kung titingnang mabuti, kailan lang ba kaming nagkakilala?
Pagkatapos kong kumain, naglinis na agad ako ng aking katawan at umakyat sa itaas upang matulog. At totoo nga ang sinabi ng isang psychologist... Na pag lalo mong iniisip dadalhin mo iyon sa panaginip. May kaonting nabago lang.
Pawisan ako pagkagising kinaumagahan, at normal na sa aking nadadatnan ang sariling matigas sa umaga. Ngunit iba ang umagang 'to sa lahat ng naging umaga ko.
Hindi ko mawari kung dala lang ba iyon ng desperasyon kaya naging ganoon ang takbo ng panaginip ko? Sadyang iba sa kung anumang iniisip ko kagabi... Ako raw ang nakauna sa kanya?
Halos iumpog ko naman ang sarili sa mga iniisip kaya't bumaba ako at naligo sa bathroom na nasa kusina. At nagtapis paakyat sa itaas. Noon ko naman sinout ang kulay itim na boxer ko bago bumaba ulit at nagtimpla ng kape.
May narinig pa akong nagtitinda ng pandesal sa labas kaya nilabasan ko't bumili ng ilan. Alas singko trenta pa lang naman ng umaga, a? Bakit sa paglingon ko namalikmata yata ako noong nakita si Clea na nakaupo roon sa maliit na upuan sa mismong tapat ng nakasarang talyer?
"Boss kilala mo ba yan? Gandang chics, parang dayo." naagaw ng nagtitinda ng pandesal ang pansin ko roon. Mukhang di na ito malikmata lang.
"Tauhan ko. Masyadong napaaga."
"Ah..." tumango ito ng ilang beses bago tuluyang lumisan sa lugar na yun. Tinulak ko ang tarangkahan na noon ay dinudungaw ko lang. Nilakad ko ang kaunting distansya sa bahay at talyer para maharap si Clea na nakakapagtakang maaga ngayon. Medyo may liwanag naman na sa paligid kaya nakikita ko nang maayos ang ayos niya. Nakapantalon na naman ito at itim na t-shirt na hapit na hapit sa kanyang seksing kurba.
Tumingala siya nang maramdaman ang presensya ko. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo bago ako nagtanong.
"Napaaga ka, a. Alas otso pa magbubukas iyan. Si Lotti? Bakit di kayo nagkasabay?"
Tumayo ito at sinundan yun ng aking mga mata.
"Maaga po kasi akong nagising. Akala ko po nandito na si Ate Lotti madilim po kasi sa kwarto niya. Akala ko maaga rin siyang pumasok. Gusto ko po kasing maparami ang matutunan ko ngayong araw." sagot nito na hindi makatingin sa akin. Tumango ako.
"Mamaya pa iyon dadating. Halika, may binili akong pandesal."
"Naku Sir. Kumain na po ako!" maagap nitong sabi.
"E di samahan mo na lang ako."
Noon naman siya tumango at tila naunawaan ang pinararating ko. Masyado pang maaga at hindi naman ako makakapayag na basta na lang hayaan siyang nandoon.
Naglakad ako ng nauuna sa kanya. Kaya sumunod na lang siya.
Pagkapasok sa loob, nagtimpla ulit ako ng kape at inaya ulit siyang magkape kaso umiling ito at sinabing hindi naman siya nagkakape.
"May milo at gatas ako riyan. Sige na, sabayan mo ako."
Nag-aalangan pa ito no'ng una. Busog daw kasi pero kalaunan napapayag ko naman at pinapili ko sa dalawang lalagyan kung alin doon ang madalas niyang pinagtitimpla. Gatas. Kasing kulay ng kanyang balat.
"Kumuha ka lang." sabi ko pagkapunit ng paper bag na pinaglagyan ng mga pandesal. Tumango ito at kumuha rin ng isa. Naging tahimik ang mga sumunod na sandali. Hindi ko talaga alam kung paano ako magbubukas ng usapin. Lalo na ibang usapin naman ang gusto kong pag-usapan.
Siguro nasa kalahati pa siya noon nang naglipit ako at nilagay sa lababo ang tasa bago yung hinugasan. Nilinisan ko rin ang sink para sa mga nagkalat na kakaunting dumi.
Pagkapihit ko paharap sa mesa, nahuli kong umuubo-ubo si Clea na parang nabilaukan.
Nilapitan ko't tinapik sa likod. Medyo nakahinga naman siya kalaunan ngunit hindi man lang makatingin-tingin sa akin. Nasa tabi niya ako, at sa ayos kong 'to kita ko kung saan lumagapak ang kanyang mga mata. Halos maikuyom ko naman ang mga palad ko dahil sa reyalisasyon.
Naupo muli ako roon sa pwesto ko at pinapakalma ang sarili.
"S-sorry po Sir." halos mangiyak-ngiyak na biglang hingi niya ng paumanhin. Nagtaka naman ako roon.
"Bakit?"
"For making you uncomfortable. Alam ko po na iba na ang tingin niyo sa akin gayung halos mahuli-huli niyo akong nakatingin sa hindi dapat... At no'ng kagabi na naramdaman ko ang----"
"Okay, Clea. That's enough information." tama yata ang hinuha ko. May nakaraan na ang batang 'to. Sa bilis ng paglobo ng populasyon ngayon at sa pagiging agresibo ng mga kabataan sa mga ganitong usapin. Ano pa bang bago? Nakakapanghinayang at nakakagalit lang!
"Pero hindi naman po ako ganoong klasing babae, Sir."
Naiiyak na sabi niyang nagpalingon sa akin, nakatingin lang ako sa kanya na hindi alam kung anong ibig niyang sabihin. At bakit ba napunta kami sa ganitong usapin?
"Wala naman po akong experience pero alam ko po kasi---- pasensya na." nakayukong paumanhin nito.
"Anong ibig----"
"Alam ko po kung anong nangyayari sa inyo Sir. Medyo sanay po ako sa mga ganyang reaksyon. Pero----"
Kunot na kunot na talaga ang noo ko sa pinagsasabi niya. Ano ba ang tinutumbok niya. Kung tama man ang hula ko, bakit kinailangan pang sabihin sa akin?
"---- wala naman po akong experience sa gano'n."
Napaawang ang labi ko't naramdaman ko naman iyong pamilyar na pakiramdam. Tangina! Traydor din itong katawan ko at basta na lang sumaludo!