Kung may isang bagay man akong ikinatutuwa ngayon, yun ay ang ngiti ni Clea. Hindi ko akalaing ngingiti siya ng kasama ako. At hindi ko rin inakala na mangyayari 'to ngayon.
Hindi ko mapigilang ngitian siya sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata. Nakakapagtaka nga lang na parang walang nangyari. Parang naging iba. Medyo kakaiba ngunit masaya naman ako.
"Ate... Gwapo po ng boyfriend niyo. Kailan po ang kasal?" inosenteng tanong ng batang nakita lang namin sa tabi ng kalye.
Imbes na sa bata ako tumingin, kay Clea naman tumayming ang mga mata ko. Nahuli kong namula na naman ito. Di na bago. Pagkat sa ilang oras na nakasama ko siya, mabilis pala itong mamula. O tamang sabihin na sa ilang araw na magkasama kami, gamay ko na kung paanong malalaman ang reaksyon niya.
"Di ko naman boyfriend yan, e." bulong niya sa bata. Ramdam kong nagdahan-dahan siya sa mga sinabi. Hindi ko mawari kung dahil ba nag-aalala siya sa magiging reaksyon ko o talagang ayaw niyang malaman ko na ayaw niyang tinutukso kaming dalawa.
"E Ate... Bagay po talaga kayo. Sayang naman po." simangot ng bata.
Ngumiti ako at nag-excuse sandali para bumili ng makakain ng bata. Wala pa naman kaming naibibigay. At hindi ko alam kung sa anong paraan kung bakit nandito kami sa tapat ng batang mukhang magtitinda ng sampaguita sa Simbahan. Basta lang naman akong tumigil noong sinabi ni Clea na bababa siya. At hindi ko napaghandaan itong pakikipag-usap niya sa bata. Wala namang mali. Sa totoo lang, natutuwa akong nakikita siyang nakikipag-usap ulit.
"Isang combo meal." ngumiti ang babaeng nasa cashier pagkatapos kong sabihin ang order ko.
Naging mabilis ang service kaya agad din akong nakabalik. Noon ko naman nakitang nakaupo si Clea sa isang bench at nakapusod ng maayos ang kaninang nakalugay na buhok. Para na naman siyang nagliliwanag. Hindi mapigilang liwanag. Nakangiti itong nakikipag-usap sa batang tatawa-tawa. Nawari kong mahilig nga siya sa bata. At natutuwa akong nakikita siyang nagliliwanag dahil sa klasi ng ngiti niya ngayon. Iba ang dalang galak sa aking puso. Parang mas lalo lang nitong pinapasarap ang t***k ng puso ko.
Matapos ibigay ang combo meal na tinutukoy ko ay umalis din kami. Natuwa ang bata at nagpasalamat pa. Gayun din sa pagbili ko ng mga ititinda niya sana. Doon naman ako natuwa ng sinabi niyang sana kami na nga ni Clea. Mukhang si Clea lang itong hindi natutuwa.
Ala-una ng nakarating kami sa tapat ng boarding house nina Clea. Medyo nakakalungkot ngunit may bukas pa naman. Lalo na't naiisip kong ako nga pala ang nakatukang mag-aalalay sa kanya bukas.
"Salamat Sir. Nag-enjoy po ako." sabi nito.
Walang pagsidlan ang sayang naramdaman ko noon nang sinabi niya iyon. Napakamaliit na bagay lamang ang nagawa ko. Parang kulang pa nga sa effort. Ngunit ito, at ang laki ng balik. Napangiti ako at sadyang nandoon na naman ang padalos-dalos kong gawi.
Hinila ko ang batok niya upang mahalikan siya sa noo.
Noon ko unang naramdaman ang pagdaloy ng dugo ko papunta sa batok. Hindi ko akalain... Na magagawa ko iyon. At kakabahan na naman ng ganito.
"S-sir." tawag niyang napapahinga ng malalim. Namumula na naman ito. Biglang sadlak ng puso ko dahil sa mga iniisip. Minsan di ko na alam kung anong ginagawa ko at sa huli pagsisihan ko rin naman. Nakakalungkot. Ngunit ito na nga ang resulta.
"I'm sorry." hinging paumanhin ko. Ni wala akong nakitang reaksyon mula sa mukha niya. Ayaw niya na sigurong pangunahan ako. Sa simpatha ko ay dahil yun sa kadahilanang ako nga pala ang amo niya. At higit sa lahat, papasa na'kong maging tatay niya.
Nakakainis din pala minsan.
"O-okay lang po. Salamat----" ako na naman ang nabigla pagkat umakbay ito sa akin at medyo nagpabigat para maabot ako't hinalikan sa pisngi.
"Salamat Sir! Salamat po talaga! You made me realize something more important." ngiti nito at namumulang tumakbo papasok ng boarding house.
Napahawak pa ako sa aking pisngi't natawa.
"Oh God! You're unbelievable, Clea." bulong ko sa aking sarili't tumingala.
Kahit sa pag-uwi ayaw mawala noong ngiti ko. Ang lamig ng halik niya't masarap sa pakiramdam. Napakasimple lang noon. Ni hindi man lang masyadong sumayad ngunit iba ang dating sa akin. Masaya sa puso.
"Clea..." wika ko sa pangalan niya't natatawa. Para akong baliw habang pauwi sa bahay.
Di ko mapigilang kagatin ang aking nakakuyom na kamay sa pagpipigil na ngumiti ulit. Nakakabakla na nga talaga!
Kahit sa hapon na naging abala ako sa paglilinis ng bahay at paglalaba ng mga nagamit ng damit. Ayaw pa rin mawala sa isipan ko iyon. Hanggang sa matulog na ako kinagabihan. Ngunit bago yun, sa tagal at dalang ng paggamit ko sa aking f*******:, ilang ulit kong namali ang password noon. Dalawang taon na yata ng huling pagbukas ako nito. Hindi naman ako mahilig sa f*******:, at hindi naman ako ang may gawa nito. Si Venice. Six years ago. Noong kami pa.
At ngayon, iba ang paggagamitan ko nito. Hinanap ko ang pangalan ni Clea sa f*******:.
Clea Fleur Radaza. Walang lumabas.
Clea Radaza. Iba ang lumalabas.
Fleur Radaza. Kumunot na ang noo ko pagkat kahit anong hanap ko ay wala naman akong nakikitang Clea. Kung meron man, kapangalan niya lamang ngunit iba naman ang nakalagay na profile.
Wala bang f*******: iyon? Nakakapagtaka dahil ang alam ko'y sa henerasyon ngayon, mukhang ang mga kabataan ay hindi nabubuhay ng walang f*******:.
Itinulog ko na lang ang paghahanap, kaya maaga akong nagising kinabukasan.
At excited din naman akong makita siya kaagad. Kaya maaga rin akong natapos sa pagluluto at paliligo.
Alas otso ng ako'y lumabas mula sa bahay, at bumungad sa akin ang saradong talyer. Nandoon sina Joseff at Aldo. Pati si Clea at ang ilan ko pang mga tauhan.
"Boss!" tawag ni Aldo.
"Walang nagbukas?" Takang tanong ko na tagos ang titig kay Clea. Kay Clea na hubog na hubog na naman sa sout niyang fit shirt at pantalong yumayakap sa kanyang mahahabang binti at hita. Napalunok ako roon. Lalo na at basa ang kanyang buhok na nadamay pa pati ang kanyang puting shirt. Klaro ko ang kanyang bulaklaking bra, at naiinis ako pagkat bakat iyon at sigurado napapansin na ng ilan.
"E Boss... Nasa kay Lotti ang susi." sagot ni Melchor. Napatango ako roon, at mas lalo pang tinititigan si Clea. Paano ko ba itatago iyan? Alam ba niyang bakat ang kanyang panloob?
"Clea... Nandoon pa ba si Lotti?"
"Ah... Opo!"
Napatango ako roon. May dobleng susi ako ngunit may mas maganda akong plano.
"Hintayin niyo kami rito at kukunin namin----" binalingan ko si Clea, "---- halika na." aya ko.
Tumalikod ako at pinakiramdaman ang pagsunod ni Clea. Mabuti na lang din at sumusunod siya. Gusto ko talagang pagbihisin ang isang 'to at hindi ako natutuwang ibinibilandra niya ang kanyang bakat na bra. Kung ako lang siguro ang nakakakita, matutuwa pa ako.
Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe. Nasasanay na rin akong laging ganoon. At siguro nahihiya itong makipag-usap sa akin dahil sa nangyari kagabi.
Hindi ko na naman napigilang mapangisi at medyo nabigla noong napansin niya iyon. Akala ko hindi siya nakatingin sa akin.
"B-bakit po Sir?"
Sinulyapan ko siya sandali, at namumula na naman ito. Siguro nga magkapareho kami ng iniisip ngayon. Ayaw kong aminin, dahil ayaw ko namang umabot pa sa puntong iiyak na naman siya.
"Wala... May iniisip lang."
"Ah..."
Napangisi ako lalo at pinaglaruan ang ibaba ng labi ko dahil sa pagpipigil na naman ng ngiti. Hindi ko mapigilan. Talagang hulog na hulog na ako sa batang 'to. Hindi ko na mapipigilan iyon. Parang mahirap ng kimkimin.
Pagkababa at pagkapasok namin sa loob ng boarding house nina Lotti ay siyang pagbungad sa amin ng isang pick-up na naglalaman ng ilang pamilyar na gamit. Ngayon ba ang alis ni Lotti?
"Oh! Kuya!" nabiglang wika ni Lotti. Napangiti ako at nilapitan namin siyang pareho ni Clea.
"Yung susi Lott?"
"Ah! Oo nga pala! Pasensya na kuya, ito nga pala!" sabay lagay niya sa kamay ko.
"Mag-ingat ka." huling habilin ko bago sinenyasan si Clea na aalis na kami.
"Who! Excited yung iba diyan e!" huling sabi ni Lotti na ikinatawa ko.
Oo Lotti, nagmamadali ako dahil may sasabihin pa ako kay Clea.
Walang imikan habang nasa byahe pabalik sa talyer. Mas mabuti ngang ganoon upang maisagawa ko ang nakaplano.
"Maghintay ka na lang dito, Clea. Ano... May pupuntahan tayo sandali." wika ko. Nagtataka itong nakatitig sa akin kaya nginitian ko ng hindi nakalabas ang mga ngipin.
Nawala ang pangungunot niya kaya lumabas din kaagad ako upang iaabot kay Joseff ang susi.
"Aldo, ikaw munang bahala sa Kahera. Sandali lang kami."
Nagngisihan ang mga ungas. Alam ko na kung anong tumatakbo sa mga isipan nila. Hindi ko alam kung natutuwa o iba ang iniisip ng mga 'to.
"Boss... Ang bilis a!" lakas loob na wika ni Jude.
Ngumisi ako't umiling bago naglakad pabalik ng sasakyan. Mas natutuwa ako kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Walang asungot sa paligid, at walang kupal na nag-iisip ng kung anong tungkol sa amin.
Mabilis nga naman. Kasing bilis ng pagkakahulog ko sa kanya.
"Saan po tayo?" maya'y tanong ni Clea nang lumihis ako ng daan. Hindi pamilyar sa kanya ito pagkat ngayon pa lamang siya makakarating sa pupuntahan namin.
Kagat ko na naman ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil ng excitement. Hindi ko talaga mapipigilan 'to. Kahit siya, hindi mapipigilan 'to.
"Sa pinakamalapit lang. Tingnan mo na lang mamaya." ngisi ko nang hindi nakatingin sa kanya.
Ilang minuto na lang at nandoon na kami. Sa unang beses, mula no'ng nakita ko ang lugar na yun at nagandahan ako, ngayon pa lang may dadalhin akong babae. Sana matuwa. At sana hindi sumama ang loob nito sa sasabihin ko mamaya.
Sa makipot na daan kami lumiko, madaming pananim sa gilid. Puro mga mais at ilang commercial plants ang nandoon. Sa pinakadulo ay may malaking tarangkahan na may pintang bago. Noon ko naman nakita si Alex, isa sa mga bantay.
Nilingon ko muna siya na nakatingin din sa unahan at bakas ang pagtataka. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa pagkakamangha sa kanyang matangos na ilong at sa ngumunguso niyang labi.
Bago pa man may mangyaring kakaiba, bumaba na ako at nilapitan si Alex. Na nangiti nang nakita ako.
"O, Fred. Nandito ka! Pasok! Pagbubuksan kita." wika nito at nagmamadaling buksan ang nakasarang bakod. Tumango ako at bumalik sa loob.
"Anong gagawin natin dito, Sir?"
Napangiti ako roon. Malalaman mo mamaya, Clea. Sana nga matuwa.
"May ipapakita ako sa'yo." sagot ko na lang para mapanatag ang loob niya.
Hindi naman ito umimik pa. Sinenyasan ko si Alex na diretsong papasok kami sa loob. Tumango naman ito at hinayaan kami.
Hanggang sa nakita ko na ang bahay ni Don Alfonso. Ang bahay niyang gawa ang halos kalahati sa salamin. Noong papasok pa lang ay may nakaparada ng mga bulaklak sa paligid. Malalaki, at hindi ako pamilyar ngunit alam kong magagandahan doon si Clea.
"Anong lugar 'to?" tanong niyang namamangha. Talagang hindi pumapalpak sa pagpapangiti sa akin ang batang 'to.
"Private property ni Don Alfonso. Naging kliyente ko noon at minsan na rin akong inimbitahan dito at ito ang gusto kong ipakita sa'yo." sinulyapan ko siya. Nakangiti na ito, halatang natutuwa. Ngunit nabura nang bumaling sa akin. Nagtaka naman ako roon.
"Don Alfonso?" kunot noong tanong niya.
Bago ko pa man nasagot ay nakita ko nang nakatayo na sa bulwagan si Don Alfonso ng kanyang bahay. Kumakaway ito na para bang nakikita kami sa loob.
"Siya." sabay turo ko sa labas. Sa pagkakalingon ko sa kanya, kinabahan ako nang namutla itong bigla at nanginig. Umaawang ang labi at parang iiyak na.
Pinatigil ko ang sasakyan at hinawakan siya sa braso. Sunod-sunod na ang paghinga niya ng malalalim. Parang hihimatayin na parang maiiyak.
"Clea! Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.
Humikbi ito at bumigay na nang tuluyan. Lumalayo ito at nagsusumiksik sa pinakadulo ng aking sasakyan. Kinalas ko naman ang seatbelt at nilapitan siya. Tinatambol ang puso ko sa kaba. Lalo na at umiiyak na naman ito. Ano na naman ang nagawa kong mali?! Bakit sa tuwing sinusubukan kong pasiyahin siya ay nauuwi sa hindi maganda?! Tangina!
"Clea... Clea..." tawag ko sa pangalan niya. Ayaw niyang makinig. May sinabi siyang nagpaguho sa pangarap ko para sa kanya.
"Pare-pareho lang kayo! I-ilayo mo'ko sa kanya! Kung ayaw mong madamay! s**t! Bakit mo ako dinala sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng mama ko at ang taong halos ipagahasa na ako sa Gobernador ng Tarlac?! Wala kang pinagkaiba! s**t! Maling nagtiwala kaagad ako sa inyo! Iuwi niyo na po ako! Aalis na ako! Hindi na ako magtatrabaho sa inyo!" hagulhol nito at nanginginig na inalis ang kamay kong nanghihina pa sa sinabi niya.
Tangina! Makakapatay na ako ng tao! Tangina! Tangina!