12

1990 Words
Wala sa timing kung makikipag-usap ako sa kanya ngayon. Wala itong imik habang bahagyang nakatalikod sa akin at nakatanaw lamang sa labas ng bintana ng aking sasakyan. Natatakot ako... At hindi pa ako kailanman natakot ng ganito. Umalis kami kanina ng hindi nagpapaalam kay Don Alfonso. Siguro nagtataka na ito ngayon. At wala akong pakialam doon. Kung hindi ko lang iniisip si Clea baka inundayan ko na ng suntok ang matandang yun! May kinalaman pala ang matandang ugok na yun sa nangyayari ngayon kay Clea. Kahit sino, alam ko na kahit sino matro-trauma talaga sa nangyari noon. Gusto ko siyang protektahan, gusto ko siyang yakapin. Kaya lang kahit nga sa akin ay takot siya! Parang nababasag ako ng paunti-unti dahil sa pagkakahabag. Masakit pala sa puso, parang sinasaksak ng paulit-ulit. Parang pinapamukha sa akin na wala akong kwenta. Na noon tanging pagnanasa ko lamang sa kanya ang aking iniisip. Virginity niya o kahit anong maruming iniisip ko noon, parang basurang isinampal sa akin. Wala na akong pakialam kung anuman ang meron sa kanya noon. Ang sa akin lang ay maprotektahan siya. Wala na rin akong pakialam sa kung ano ang iniisip niya sa akin. Dahil sa totoo lang, nagising ako sa katotohanang wala nang hihigit pa kundi ang nararamdaman niya. Nakarating kami malapit sa isang water station, bumaba ako sandali at bumili ng tubig. Kailangan niya ito lalo na sumisigok-sigok siya sa kakaiyak kanina. "Cley, uminom ka muna." abot ko ng tubig ng nakabalik ako sa loob. Tumingin ito sa hawak kong mineral water. Namumula na naman siya at namamaga ang kanyang mga mata. Natutukso akong hawakan siya, kaso umaalpas ang takot ko sa aking sarili na baka dahil doon mas lalo kong madagdagan ang sakit na nararamdaman niya. "H-hindi ko po kailangan." mahinang sabi nito at muling nakipagtitigan sa labas. Napahinga ako ng malalim at nilapag sa dashboard na nasa kanyang tapat ang hawak kong mineral water. Ilang minuto akong nag-isip, ni hindi ko inaksaya ang oras para paandarin na ang sasakyan. Hindi ko gustong nagiging ganito siya. Kung pwede lang... "Cle----" "Ihatid niyo na lang po ako sa boarding house. Kung maaari po." wika nito na nasa labas pa rin ang tingin. Napalunok ako dahil sa bumabarang sakit sa aking lalamunan. Habang tumatagal mas lalong lumalayo ang kanyang loob sa akin. "Cley----" hahawakan ko sana siya sa balikat kaya lang medyo humarap ito sa akin at tuloy- tuloy na tumulo ang mga luha nito. Nabawi ko ang aking kamay, na muntik ng kumuyom dahil sa galit! Gusto kong balikan ang matandang yun at talagang pagagapangin ko iyon sa suntok. Kaya lang sa sitwasyon ngayon mahirap iwanan si Clea. "G-gusto niyo po bang malaman lahat? Para pagkatapos nito ihahatid niyo na ako sa boarding house?" tanong niyang nanginginig sa kaiiyak. Umigting ang panga ko sa nagkahalo-halong galit at awa. Talagang babalikan ko ang matandang yun! Hindi pwedeng ganito na dahil sa kanila nagkakaganito si Clea! "W-wala po akong tatay. Anak ako ni Mama sa isang lalaking may pamilya. Alam ko kahit di niya sinabi. At hindi ko kilala ang lalaking dapat ay naging tatay sa akin----" sumigok ito kaya nag- alala ako. Lalo na parang wala na naman katapusan ang iyak nito. Dagdagan pa ng pamumula ng pisngi't ilong niya, at sa pamamaga rin ng kanyang mga mata. "Cley, you don't have to tell----" "K-kahit ngayon lang, makinig po muna kayo. Matagal nang panahon na kinikimkim ko 'to. Hayaan niyo naman po akong huminga." iyak nito. Humigpit ang kapit ko sa manubela. At hinayaan muna siyang huminga. "M-masaya naman kami ni Mama. Nakakaraos naman. Kaya lang, nang tumuntong ako sa highschool. Alam niyo po ba kung anong nangyari?" tanong nito na halatang hindi naman direktang humihingi ng sagot. Itinikom ko na lang ang aking bibig. Hinayaan ko siyang magsalita. Dahil ito naman talaga ang hinihingi niya. Para rin malaman ko ang lahat ng puno't dulo. "Guys... Sakit sa ulo. Kung bakit naman kasi may mga lalaking ayaw kaming tantanan kahit ayaw namin? Hindi ko mabilang kung ilan pa ang nagpupumilit noon. Talagang ayaw ko. Minsan nasasangkot na lang ako sa gulo na wala naman akong kasalanan. Okay lang naman e, nakakaya ko pa naman hanggang sa mag Grade 10 ako. Y-yung Don----" Lumunok pa ito ng ilang beses. Nag-uunahan pa rin ang mga luha sa kanyang pisngi't mata. Nahahabag na ako, at mukhang hindi ko na yata kakayaning marinig pa ang susunod. "Clea, tama na..." Ngumiti siya, "Hayaan niyo naman po sana ako. Kahit ngayon lang. Last na 'to. Please... Sir Fred." Napahinga ako ng malalim. Hahayaan ko ba? "Y-yung Don, isa sa mga sponsors ng pinapasukan kong Highschool noon. Mabait naman ito no'ng una... Sobrang bait na hindi ko nakita ang mga loopholes. Excited na sana ako para sa pagka-college ko last year. Kaya lang may nangyari bago pa man ako gumradweyt." Hindi iilang ulit na lumunok ito. Parang sa tuwing nagsasabi siya ay may bumabarang sakit sa kanyang lalamunan. Ako... May nararamdaman ng sakit. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya. Hindi ko alam... At nasasaktan ako pagkat wala ako noon para protektahan siya. At wala rin akong magagawa ngayon para burahin ang masamang panaginip na yun. "May sakit si Mama, stage 4 lung cancer. Hindi ko nakita. Huli na pero nagbaka sakali ako noon. Nilapitan ko si Don A-Alfonso dahil siya lang ang nakikita kong paraan para doon. Sinubukan ko naman sa mga pang-gobyernong tulong, kaya lang mahirap at napakadami pa ng kailangan. Kailangan na ni Mama, lumalala na talaga. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. Tinulungan nga ako ni Don, pero..." Umiyak ito, hagulhol na nga. Na parang pinaparamdam niya sa akin ang sakit na naramdaman niya noon. Noong wala pa ako para sana protektahan siya. "K-kaso... Kaso, hindi na kinaya ni Mama. Ang masaklap pa..." nahihirapan itong huminga, hindi ko na napigilang hilahin siya at yakapin ng mahigpit. Bakit ganito? Bakit ang sakit? "... Ibenenta ako ng walangyang Don na yun sa Gobernador ng Tarlac na noon pa pala ay pinapasundan na ako! Muntik na akong nagahasa, muntik na akong namatay! Hindi ko na alam kung ano pang gagawin. Kakalibing lang ni Mama. Saan naman ako pupulutin? Yung mga kamag-anak ko mukhang wala namang pakialam sa akin. Ni kahit nga tulong sa pagpapalibing kay Mama wala man lang naiambag. Hinayaan nila ako! Kaya...kaya tumakas ako at napadpad dito. At hindi ko akalain na makakatagpo ko pa pala ang Walangyang Don na yun dito pa mismo." hagulhol nito. "Cley... Listen." tawag ko sa pansin niya nang humiwalay ako upang makausap siya nang maayos. Ngunit nakapikit ito at tuloy-tuloy na tumulo ang luha. Nahahabag ako pagkat tumatagos hanggang sa puso ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. "Clea..." mahinang tawag ko. Tumingin ito sa akin... Na mukhang pinagsisihan ko ng kaunti. Dahil talagang ramdam ko na, at sa tingin ko anumang oras tulad niya ay iiyak din ako sa sinapit niya. At ito na nga... Hindi ako makakapayag na wala man lang akong gagawin para sa kanya. Gusto ko siya, at baliwala 'to kung wala naman akong magagawa. "I'll help you." Umawang ang labi nito. Hindi nga lang alam kung ano ang sasabihin. Maghihintay ako sa magiging desisyon niya. At kahit siguro sumalungat man ang magiging pinal na desisyon niya sa iniisip ko, gagawa pa rin ako ng paraan upang mapahirapan ang mga yun. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng lagi na lang maaalala ni Clea ang masama niyang nakaraan. Alam ko kulang pa sa detalye ang mga sinabi niya... Ngunit ayaw ko nang marinig ang kung ano pang kulang. Dahil talagang baka makakapatay na ako. "Paano... May kapit ang mga yun!" Napangisi ako. Ako ba wala? Kahit walang kapit, magagawa ko lahat ng plano. Maging panatag lang siya. "Ilan ba ang kapit ng mga yan? Katumbas ba sa isang senator, dalawang businessmen at isang army official?" Nanigas siya. Hindi ko alam kung sa takot o ano. Nabigla ko yata. At talaga namang meron akong mga kapit. Ang tatlo sa nabanggit ko ay nakilala ko lang dahil naging minsan ko na ring naging kliyente. Ang huli, tatay ni Venice. "Ano... Nasabi mong wala kang mauuwian. Pwede bang pumayag kang sa Baguio ka muna? Kina Nanay?" tanong ko mula sa mahabang katahimikan. "Hindi niyo naman po kailangang gawin yan. Madadamay kayo. Hayaan niyo na lang po at mukhang wala naman silang alam na magkakilala tayo. Aalis naman na po ako." wika nito na nakayuko. Naikuyom ko ang aking kamao sa pagkakarinig noon. Inalis ko na rin ang braso ko na nasa likod niya. Hayaan? Sinong matinong lalaki ang hahayaan na lang na ganoon? Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang bait niya o sa sa ayaw niya lang ng gulo kaya nasabi niya yun. "I'm doing you a favor, Cley. Let me... Do the right thing." wika ko na nagmukhang bumubulong lamang sa hangin. Nanliit ang kanyang mga mata at basta na lang umiyak. Umiyak siya ng umiyak. Parang sa pakiramdam ko ay pinapalabas lamang niya ang sama ng loob. Hindi ko napaghandaan ang pagyakap niya sa aking bewang. Nabigla ako, ngunit laking tuwa ko nang naramdaman ang magaang pakiramdam na yun. She's letting me. I could feel it. "S-sorry... Sorry." "Why?" kunot noong tanong ko. "I-i'm sorry for judging you." wika nito sa mas mababang boses. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Nararamdaman ko na siya. At nakakatuwang sa ilang oras o araw na naging magkalayo ang aming mga loob. Ngayon hinahayaan niya na ang sariling mapalapit sa akin. Binubuksan niya na ang pintuan. At natutuwa ako roon. Ngunit hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa ng taong yun! "Cley, gusto mo nang umuwi?" tanong ko. Sumisinghot ito, mula pa sa mahabang iyak. Nakayakap pa rin ito sa aking bewang at pwede na siyang humiga sa aking katawan dahil bahagya itong nakahilig sa akin. "Yung trabaho po?" tanong niya. Napangiti ako. Ibig bang sabihin nito ay wala na siyang balak na umalis pa? Nagbago na ba ang kanyang desisyon? "Pwede namang lumiban ka. May bukas pa naman." Tumingala ito, sabog ang ilang hibla ng buhok sa kanyang basang mukha. Nahabag na naman ako. Kaya'y pinunasan ng aking kamay ang kanyang pisngi't inayos ang lahat ng hiblang nagkalat. Gustong-gusto ko talaga ang batang 'to... At gagawin ko lahat ng bagay para sa kanya. Kahit ano pang kapalit. "Yung sinabi niyo pong... Sa Baguio?" nag-aalangan nitong tanong. Napangiti ako roon. Mukhang papayag. Mukha nga. Pwedeng doon muna kami habang ginagawa ko ang trabaho. Pwede naman akong magleave sa Talyer ng isang buwan o higit pa. Kung hanggang kailan niya gusto. Hanggang sa magawa ko ang plano. "Kailan mo gusto? Aalis tayo para doon." Nanlaki ang mga mata nito, sa hindi ko naman malamang dahilan. "Sasama po kayo---- I mean, sasamahan niyo po ako roon?" Napangisi ako. Bakit hindi? Malapit na ang birthday ko, kailangan ko rin namang umuwi at makasama sina Nanay. Alam kong matagal ng panahon na hinihingi nila ang pagkakataon na 'to. At alam kong matutuwa sila sapagkat ngayon nga ay may kasama na akong babae. Babaeng ipapakilala ko sa kanila. "Birthday ko na sa susunod na Linggo, pinapauwi rin ako nina Nanay. Kaya bakit hindi?" Namula ito sa ngising ipinapakita ko sa kanya. Natutuwa ako dahil wala na ang masamang aura sa aking sasakyan. Nagiging magaan na. Ngunit di pa rin naiaalis ang pag-iisip ko kung paano ako makakaganti sa dalawang tao na yun. Sa dalawang tao na nagbigay ng trauma sa batang 'to. Napakainosente niya ngunit dinungisan nila. "Salamat Sir Fred." wika nito. Kinabig ko siya ulit para mayakap. Para-paraan. Natatawa ako pagkat ito nga at sobrang lapit na namin, hindi lang literal kundi pati rin sa aming nararamdaman. "Teka, Sir Fred..." tinulak niya ako, hindi gaanong malakas iyon ngunit nagpatianod din naman ako. "Malapit na nga pala birthday niyo... Yung regalo ko para sa'yo----" Lumunok ito ng isang beses bago dinugtungan iyon. "----magugustuhan mo." Namumula itong nangdampot ng mineral water sa dashboard at sunod-sunod na nilagok. Natulala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD