Pagkatapos nang lahat ng drama, hinatid ko na rin si Clea sa boarding house niya. Hanggang sa loob, gusto kong maniguradong magiging ligtas siya. Kaya sumama rin ako papasok. Walang mga tao dahil nga weekdays at may mga pasok sa klasi o trabaho ang mga boarders doon.
"Thank you, Sir Fred!" Ngiti ni Clea.
Nakakapanibago ngunit nakagagaan ng loob pagkat okay na kaming dalawa. At alam kong nababawi ko na ang kanyang tiwala sa akin. Ngumiti ako, namula na naman ito. Natatawa ako ngunit dahil masyado pang hinog ang mga nangyari, pinigilan ko na lamang.
"A-ano, pasok po kayo." Wika nito nang hindi nakatingin sa akin.
Binubuksan niya na ang pintuan pagkatapos ng screen door. Sinilip ko nga at baka kung ano nang nangyayari sa kanya. Mukhang normal naman. At talagang bumabalik na siya sa pagiging normal.
"Okay lang ba?" Tanong ko nang nakangisi.
Lumingin ito ng isang beses at muling tinuon ang pansin sa binubuksang pinto. Hindi ko mawari kung talaga bang mahirap lang buksan ang doorknob kaya nagtatagal kami dito sa labas. O dahil sa ideyang baka kinakabahan ito kaya nagtatagal. At hindi ko rin maintindihan kung bakit kinakabahan 'to ngayon.
"O-okay lang po!" Maagap na sagot nito, kung maagap pa ang ilang segundong natahimik ang aming paligid.
Tinulak niya ang pintuan sa loob, binuksan niya iyon ng mas malaki kaya naglakad ako ng dalawang beses bago nakipagtitigan sa kanya na nakatayo sa gilid ng pintuan.
Iniyuko ko na lang ang katawan at hinubad ng maayos ang sapatos bago pumasok sa loob ng kanyang bahay. Medyo madilim doon, dala siguro na masyadong enclosed ang kanyang silid. Nakatabing ang transparent na kurtina sa nakasarang bintana. Ngunit agad din namang napalitan iyon ng liwanag mula sa pagkakapindot ni Clea sa switch ng kanyang ilaw.
"A-ano, pasensya na po kung hindi maayos." Wika nito na halatang hindi komportable.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang maliit na tirahan. Malinis. Lahat nakaayos. Lahat nasa tamang lugar. Siguro nga ang ibig niyang sabihin ay ang kakaunting gamit. Wala naman masyadong gamit maliban sa isang gas stove na nakalagay sa itaas ng kanyang sink, dalawang upuang sofa sa sala, at kutson na pang-isahang tao.
"Okay lang naman 'to, a! Ang linis nga!" Wika ko at ngisi-ngising tinitigan siya.
Nakita ko pa ang pag-atras niya ng isang beses at mas lalong pamumula ng pisngi. Natutuwa talaga ako pag lagi siyang gumaganyan. Mas lalong nakikita ko ang kanyang ganda.
"U-upo po kayo, Sir Fred." Lahad niya sa isang mas malapit na sofa.
Tumango ako at naupo roon, naglakad naman ito patungong banyo. Kaya sinundan ko ng tingin. Baka naiihi. Mukha nga dahil isang minuto pa lang ay lumabas na ito at naghugas sa sink.
Lumingon pa ito ng isang beses sa akin at agad ding umiwas. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa akin. Hindi ko maiwasang
paglakbayin ang mata't isipan sa hubog niyang nadedepina dahil sa fit na mga sout. Talagang dalagang-dalaga ngunit higit na mas bata sa akin.
"Magluluto po ako, Sir. U-uhm, dito na lang po kayo kumain, kung okay lang?"
Tumango ako. Bakit hindi? Nakakatuwa nga dahil malalaman ko kung papasa ba itong maging asawa ko ngayon. Natatawa ako sa mga iniisip ko lalo na sa ganoong aspeto. Asawa? Pwede, ngunit hindi pa sa ngayon. Bata pa siya. May mga pangarap pa. At sa mga pangarap niyang yun gusto kong kasama niya ako.
"Bibili lang po ako sa labas."
Sa narinig ay agad akong tumayo. Sasamahan ko siya. Mahirap na.
"S-sir, dito na lang po kayo." Wika nito ng sinundan ko siya mula sa likod.
Ngumiti ako, "Mahirap na, Cley." Wika ko.
Medyo nanigas ito ng kaonti at nagpatuloy naman sa paglalakad. Sumunod naman ako, at sinara ko lang ang ikalawang pintuan at hinayaang hindi naka-lock.
Pantay na ang aming paglalakad nang nasa labas na kami ng tarangkahan. Sinusulyapan ko siya kada may pagkakataon, natutuwa ako pagkat ganito nga at sobrang lapit na namin. Natutuwa ako pagkat naaabot ko na siya. Marahil ito ay dahil sa komprontang nangyari kanina. O dahil nababawi ko na ang kanyang tiwala.
"Boyfriend mo, hija?" Tanong ng matandang pinagbilhan niya ng mga kasangkapan. Nakatitig ito sa akin, na para bang binabasa ako.
Kilala ko siya, sa itsura. Ngunit mukhang nakalimutan na ako nito.
"Oh! Di'ba ikaw yung laging kasama ni Lotti? Hijo, sino bang girlfriend mo sa dalawa?"
Tumawa ako.
"Ale naman! Boss po namin iyan!"
"Oh..." Wika nito, na parang natauhan. Ngumisi rin naman kaagad, na para bang may na-realize.
"E, kung ganoon. Bagay nga kayo, hija!" Wika nito. Halos ipingalandakan na sa bagong dating ang nahinuha niya sa aming dalawa ni Clea.
Ngumisi ako kabaliktaran sa ipinapakitang mukha ni Clea na halos magtago na sa ilalim ng aking sout.
Agad namin kaming umalis, siya na mukhang totoong magtatago na sa likod ko. Hiyang-hiya yata dahil narinig pa yun ng iba. Okay lang naman iyon. Sa totoo nga niyan, natutuwa ako.
Sapagkat di ko inakalang maraming tao ang magsasabing bagay kaming dalawa. Kahit na may barrier na nagsasabing pwede na akong maging batang ama para kay Clea.
"Nakakahiya talaga yung Ale'ng yun." Narinig kong bulong niya habang pabalik pa rin kami.
Natawa ako, hindi ko napigilan. Kaya tumingala siya sa akin at parang tupa na umaamo at namumula na naman.
"Bakit? Ayaw mo ba... Sa akin?" Wika ko ng seryoso. Naaalala ko na naman iyong plano ko na napurnada dahil sa matandang yun.
Hindi ko mawari kung talagang hindi lang siya sanay kaya nagtago sa likod ko at hila niya ang dulo ng shirt ko. Natawa ako dahil umaaktong bata na naman ito.
"I won't deny Clea that I really like you..." Wika ko pa.
Mas lalong humigpit ang kapit nito sa dulo ng shirts ko. Akala ko ba nasanay na ito sa pangungulit ng mga lalaki noon? Ngunit bakit tila nagmumukha itong inosente na hindi malaman kung anong gagawin?
"Yung kanina... Bibigyan sana kita ng bulaklak, magagandang bulaklak upang hingin sa'yo ang desisyong umoo sa panliligaw ko."
Nanigas ito, at naramdaman ko talaga. Natatakot ba siya? Wrong timing ko naman yata!
"N-n-nabibigla ka lang po yata, Sir." Wika niya sa mas mababang boses.
Sinilip ko siya sa aking likod, na talagang tinataguan ako ngunit kita ko pa rin naman. Napapangisi ako dahil ito na naman, at kalat na kalat na ang pamumula sa kanyang pisngi't tenga. Talaga namang bata 'to!
"Never been this sure in my entire life, Clea. Matanda na ako... At wala sa pagpipilian ko ang 'bigla'ng sinasabi mo. I really like you Cley, I really do. You're more than just a precious gem... You're worth every things in this world."
Napaawang ang labi niya, at kasing pula na siya ng kamatis ngayon. Nanginginig din ang pang-ibaba niyang labi dahil sa hindi malamang
dahilan. Napapangiti ako, dahil sa wakas nasabi ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Mabilis nga, ngunit sa wari ko hindi naman sa haba o ikli ng panahon nabubuo ang ganitong katatag na pakiramdam. Talagang hindi ko na namalayan na nahuhulog na ako sa kanya. Hindi dahil maganda siya. Hindi dahil seksi siya. At lalong hindi dahil sa awa. Basta ko na lang naramdaman. Parang... Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito. Sa isang bata pa.
"P-pag-isipan niyo po muna, Sir Fred." Wika nito, na nagtutubig na ang mga mata.
"Hindi, Cley. I am done with that part. Ikaw naman... Pag-isipan mo kung hahayaan mo akong pumasok sa buhay mo." Sinabi ko yun ng
seryoso. Hindi nakaligtas sa aking mga paninitig ang paglaglag ng isang butil ng luha sa kanyang kaliwang mata. Hindi ko alam kung para saan iyon. Takot ba? Wala naman akong iniisip na makakasama sa kanya. Tanging nakabubuti lamang. At wala sa hinagap ko na magkakaganito siya. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong iparamdam sa kanya na wala siyang dapat na ikatakot. Kaya lang... Natatakot naman akong baka mas lalo ko siyang matakot.
"S-sir... Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko para diyan." Pag-amin nito.
Napatango ako roon. Kahit sa pamamagitan no'n nalaman kong hindi naman pala ito takot. Siguro nga nalilito pa siya.
At sa parteng yun, kontento na ako. Dahil ibig sabihin lang noon may pag-asa ako kahit kaunti. Kahit sa maliit na porsyento na yun, magagawa ko naman lahat ng gusto kong gawin para sa kanya. Mahaba pa ang panahon. Marami pa akong papatunayan sa kanya. At ang una roon ay ang gagawin ko sa dalawang matandang naghatid sa kanya ng trauma.
Kakausapin ko mamaya ang tatay ni Venice, at baka meron siyang ideya kung paano namin pahihirapan ang Gobernador na tinutukoy ni Clea.
At huli si Don Alfonso.
"Kung ganoon... May pag-asa ba ako?" Tanong ko kalaunan.
Natulala ito,at natigilan pa. Malapit na kami sa tarangkahan. Ilang hakbang na lang. Ngunit ito nga at parang natauhan siya. Bakit kaya nasabi ko yun? Dapat kinimkim ko na lang nang sa ganoon ay hindi siya nagiging ganito.
Ngunit sa ilang segundong katahimikan, sa huling tinanong ko, hindi ko na pinagsisihan na tinanong ko pa iyon. May patutunguhan namang sagot. At nakakagalak.
"Kung sasagutin ko po iyan ngayon siguradong iisipin niyong napaka-easy to get ko... Pero..."
Nangangatal nitong sabi. Napalunok ako. Kahit walang dugtong... Kahit hanggang doon lang. Ang saya ko na.
"... Gusto rin naman po kita, Sir." Namumulang amin nito, halos napapansin ko na ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Halos manginig rin siya sa inamin.
Natutuwa ako, hindi ko napigilan ang pagngiti. Ngayon lang ako naging masaya tulad nito. At kailanman, sa mga niligawan ko noon, hindi naging ganito kabilis ang t***k ng puso ko. Parang... Nasa ulap.
"Salamat Cley." Wika ko at hinawakan siya sa kamay para hilahin papasok ng boarding house.
Walang nagsasalita...
Hanggang ngayon pinoproseso pa rin ng aking isipan ang sinabi niya kanina. Talagang hindi ako makapaniwala pagkat dumating na kami sa puntong natakot siya sa akin.
Walang pagsidlan ang saya ko.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang naghahanda para sa lulutuin niya. Samantalang ako rito ay nakaupo lang at wala namang
ginagawa.
Naisipan kong i-text si Melchor na kumuha na lang ng pera kay Aldo para sa pananghalian nila. Agad naman itong nagreply.
From: Melchor
'Hm, Boss ang galing ng 'sandali' mo, a! Naku baka pag-uwi mo rito tatlo na kayo.'
Halos humagalpak ako ng tawa sa layo ng itinakbo ng isipan ni Melchor. Hindi ko na lang nireplyan at muling pinanood si Clea na noo'y nakasulyap pala sa akin. Nagkukumahog naman itong tumayo nang maayos at nilagay sa itaas ng kawali ang kamay nito. Parang pinapakiramdaman kung mainit na ba ang mantika. Marunong naman pala.
Hindi na muli itong sumulyap sa akin siguro'y nararamdaman niyang ayaw humiwalay ng aking mga mata sa kanya. Talagang sa paninitig pa lang sa kanya, maayos na ang aking pakiramdam.
Pagkatapos ng isang oras, natapos din siya sa adobong manok na niluluto niya kanina. Umaalingasaw na ang amoy sa boung paligid, at hindi ko napigilang lumunok dahil nakakatakam ang dalang amoy nito.
"A-ano, sandali na lang po ito Sir Fred. Kanin na lang po." Wika nito bago isinalansan ang kalderong maliit. Wala ba itong rice cooker?
Lumingon-lingon ako at wala nga. Hm, ano kaya kung bilhan ko ito? Baka hindi naman niya iisiping sobra-sobra na. Gusto ko lang naman na mapadali ang buhay niya.
Naglakad na ito palapit sa isang sofa na nasa tapat ko. Bago pa man, tumayo ako at naupo roon na ikinakunot ng noo niya. Nagpipigil naman ako ng ngisi bago hinila ang kanyang kamay at ikinandong siya sa akin.
Nanlalaki ang kanyang mga mata, ako naman ay umalpas na ang ngisi sa labi.
"Sir?!"
"Bango mo, Cley. Amoy pinaghalong Adobo at baby cologne." Wika ko sa pagkakaamoy ko sa kanyang leeg.
Lumunok ito ng ilang beses, at naramdaman ko ang tambol ng kanyang dibdib gayun din ang panginginig ng kanyang kamay.
"Nakakahiya..." Bulong niyang narinig ko naman.
Tumawa naman ako. Masanay ka na Clea.