14

1976 Words
Alam kong naiilang siya, ramdam ko iyon. Ngunit hindi ko mapigilang panggigilan siya lalo na at ito nga ay nakakandong na siya sa akin. Masarap sa pakiramdam na ganito siya kalapit ngayon. "S-sir..." Tawag niya sa pansin ko noon. "Hm?" Tanong ko habang nakadantay sa kanyang braso ang aking pisngi. "M-masyado kayong mabilis." Wika niyang nagpagising sa akin. Natauhan naman ako sa sinabi niya kaya niluwagan ko ang pagkakayapos ng aking braso sa kanyang katawan. Medyo inilayo ko rin ang aking pisngi sa kanyang mabango at malambot na braso. Na nakita ko pang namula dahil sa pagbibigat-bigatan ko roon. Kahit maibsan man lang ng kaonti ang pamumula no'n, hinaplos ko ang namumulang parte na yun... Na ikinakislot niya kaya binawi ko na lang. "Sorry." Hinging paumanhin ko sabay ngiti. Ngumiti rin naman ito habang sinisilip ako sa gilid. Ang ganda niya talaga. Parang Anghel. At hindi ko maintindihan kung bakit ginawa nila iyon sa kanya. Talagang may oras ang mga yun! Nakakandong pa rin naman siya sa akin, hindi umaalis. Natutuwa ako kahit papano dahil hindi pa niya naiisipan yun. Magaan siya, hindi sobrang gaan, ngunit kaya kong buhatin. At talaga namang bilugan ang kanyang pang-upo dahil ramdam ko ang lambot no'n sa aking hita. At hindi ko napigilang bumigat ang aking paghinga. Nagsikislot ang mga ugat sa aking katawan, marahil sa malakas na daloy ng aking dugo. Tumikhim ako at pumikit, bumilang pa ng ilang numero ngunit wala ring nagawa nang kusang sumaludo ang aking Manoy. Tumayo na lang ako at muntik ko na siyang naitulak mabuti't nahawakan ko kaagad sa braso. At inalalayan ko siyang maupo sa sofa. Ako na nakatayo, at siya na nakaupo sa mismong tapat ko. Tangina! Hindi yata pwedeng magsama kami sa iisang silid, siguradong ako 'tong mauubusan ng kontrol sa sarili. "S-sir... O... Kay----" hindi sinasadyang napatingin siya sa aking harapan. Nanlalaki ang kanyang mga mata, gayun din ang bilis nang pagkalat ng pamumula sa kanyang boung mukha. Halos panindigan naman ako ng balahibo sa nangyari. Hindi ako makahinga ng maayos. "CR lang ako..." hirap na hirap na wika ko at hindi na hinintay ang pagsang-ayon niya. Kusa na'kong pumasok at pilit na pinapakalma ang sarili. Madalas ginagawa kong hobby ang pagtingala-tingala sa kisame, at bibilang ng mga numerong hindi naman nakikita. Mabigat ang aking dibdib, marahil sa bumabarang hanging ayaw kumawala. Talaga namang... Sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa! Ngayon pa na bago pa lang ang lahat. Ngunit, hindi ko naman masisi ang sarili. Ilang taon na ba ang lumipas no'ng huling ginawa ko yun? At dagdagan pa na kasama ko sa isang silid ang babaeng gusto ko, at napakaganda at seksi pa naman niya. Mahirap yata kapag laging ganito. Lalo na naiiwan kaming nagsosolo. Hindi pwede, pagkat bata pa siya at nagsisimula pa lang kami. Masakit sa puson ngunit sumang-ayon naman sa aking hiling ang isang parte ng aking katawan. Naghugas na lang ako ng kamay at lumabas, saktong kinukuha na ni Clea ang sinaing niya. Lumingon pa nga ito ng isang beses ng narinig niya ang ingay ng pagkakabukas ng pintuan. Nagkatitigan kami ng matagal at ngumuso ito bago nag-iwas ng tingin. Matawa-tawa naman ako at hinayaan siya sa ginagawa. Siguro pwedeng tumulong sa paghahanda ng plato't kutsara't tinidor? Ngunit wala naman akong makitang mesa sa paligid. Maliban sa mga sinabi kong kagamitan kanina. Saan kami kaakain? Walang problema kahit saan. Ako ang nahihirapan sa kanya, at sa iniisip gusto ko siyang ampunin. Ngunit parang ang hirap naman ng gusto ko. Ngayon pa nga lang na nandito kami sa pader niya, hirap na hirap na akong kontrolin ang sarili. Paano pa kaya kung... Sa sariling bahay ko na? Parang binabahay ko na siya noon. Masarap sa pakiramdam na iniisip kong nasa akin siya, ngunit ayaw ko namang pangunahan ang kanyang dignidad. Pag-uusapan siya, malamang. Ayaw ko nang ganoon. "Ako na..." wika ko nang kinukuha niya ang mga pinggan sa itaas ng sink. May cabinet doon, doon niya nilalagay ang mga gamit niya sa kusina. Nasa likod niya ako, kaya amoy na amoy ko na naman siya. Napatikhim ako at lumunok pa ng dalawang beses. Saktong umalis din ito at tumagilid para hayaan ako. Pinapanood niya lamang ako habang kumukuha ako ng apat na pinggan at dalawang kutsara't tinidor, dalawang serving spoon. Pagkatapos nilingon ko siya. "Saan ko ilalagay?" "A-ah..." kanda taranta nitong baling sa paligid. Wala namang mesa doon, saan ko ba ilalagay? Iniisip ko pa lang, naiisip ko na agad ang sitwasyon niya kung paano ito kumakain ng walang mesa. "S-sandali po." wika nito at nagmamadaling pumunta doon sa bahagi kung nasaan ang kanyang nakaayos na higaan. May kinakapa siya sa ilalim, at dahil bahagyang nakaupo siya o patuwad ay hindi ko na naman nakontrol ang sarili. Kulang na lang aatakehin na ako sa puso dahil sa abnormalities ng pagdaloy ng dugo sa aking mga ugat. Iniiwas ko na lamang ang paningin at hinintay siyang tawagin ako. "D-dito po..." wika nito kaya napalingon ako. May kalakihang thick pad siyang nilagay malapit sa kanyang higaan. Lumapit ako at dala ang mga kinuha ko sa cabinet. Nilapag ko ang dalawa at hawak ko naman ang dalawa pang pinggan. Bumalik muli ako sa sink at nagbukas ng kaldero. Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin. Naramdaman ko na lang nang naamoy ko siya, at saktong nagkaumpugan ang aming mga braso. Nilingon ko siya, sa hindi ko naman malamang dahilan. "Thank you." sabi niyang nagpatigagal sa akin. Bakit? Anong pinagpapasalamat niya? "Thank you dahil nandiyan ka. I felt alone but you made me think that I am not really alone. Thank you, Sir Fred." wika niyang halos magtubig na ang mga mata. Nahabag ako sapagkat ramdam ko ang hugot ng kanyang pasasalamat. Isang taon, sa pagkakabilang ko, na namuhay siyang mag-isa. Ngayon hindi na siya mag-iisa dahil nandito na ako. Hindi ko siya hahayaan. Gagawin ko lahat ng nararapat. At ibibigay ko ang mundo ko sa kanya. "Hindi ka naman dapat magpasalamat. Gusto kita, kaya nararapat lang sa'yong ibigay lahat ng gugustuhin mo.... Clea." ngumiti siya. Ngiting kasing gaan ng nararamdaman ko ngayon. Unti-unti, ang nagkalamat naming samahan noo'y nabubura na ngayon. "Ako na po." sabay lahad niya ng kanyang kamay sa isang pinggang paglalagyan ko sana ng ulam. "Di----" "Please, Sir? Paano na lang kung... Uhm... Ako na po riyan." Inagaw niya sa akin ang pinggan, hinayaan ko na lang. At ayaw ko namang makipaghilahan sa kanya. Bumalik ako sa thick pad at hinanay sa mga plato ang kanin. Umupo na muna ako roon habang hinihintay siyang bumalik. Nakatitig naman ako sa higaan niya, sa kulay puting bulaklaking punda at sa nakatuping maayos na kumot. Malinis na babae, pagkat nakaayos lahat ng gamit. Hindi naman sa gusto kong lahatin, ngunit sa panahon ngayon, iilang teenager na lang ang marunong maglinis at mag-ayos talaga. "Kain na po tayo." Wika niya habang nakaupo sa lapag. Inunahan ko na siya sa pagsandok ng kanin, kaya naghintay pa siya ng ilang segundo bago ko naman binalingan ang adobong manok na niluto niya. Mukhang masarap, at mabango rin. Nasa pangatlong sandok na siya ng kanin nang binigay ko sa kanya ang akin. Kumunot ang noo niya... Hindi siguro sanay. Ewan. "Sige na, Cley. Para talaga sa'yo yan." Ngiti ko. Bahagyang yumuko at napaatras ito. Sigurado akong dahil sa hiya. Napangiti pa ako lalo. Hindi ko aakalain na ganito rin ang epekto ko sa kanya. Muli ay inilapit ko iyon sa kanya ng ilang segundo na ay ayaw pa rin niyang kunin. Kalaunan, kinuha na rin niya at kinuha ko naman yung hinanda niyang may kaning pinggan. At ako ang sumandok ng para sa akin. Nagsimula na kaming kumain, kada minuto ay sinusulyapan ko siya. Na ginagantihan niya rin ng sulyap. Kung may pagkakataon nangngingitian kami. Yung ngiti niya ay may halong hiya kaya minsan ay hindi ko mapigilang ngumiti ng nagpipigil. Hindi ko inakalang dadating kami sa puntong 'to. Lalo na sa mga problema niyang sobra akong naapektuhan. Pagkatapos naming kumain, siya ang nagligpit pero syempre tinulungan ko naman at nilapag namin sa sink ang mga pinagkainan. Nagbukas ako ng gripo para hugasan iyon. At dahil magkasama lang naman kami, napatingin siya sa akin lalo na at magkatabi lang naman kami. "Ako na po, Sir." Sabi niya na may kasamang agaw sa pagkakahawak ko sa basong ininuman ko kanina. "Cley, ako na..." Napaatras ito ng isang beses at bahagyang sumimangot. Napangiti ako pagkat nakyu-cutan ako sa pagsimangot niyang ganyan. Kung hindi lang basa ang aking kamay ay baka kinurot ko na ang maputi at makinis niyang pisngi. "Alam mo, Sir... hindi mo naman kailangang magpaka-gentleman para lang maturn on mo ako." Sabi nito nang nakatalikod sa sink at medyo malayo sa tabi ko. Ngumiti ako. Ginagawa ko lang naman ang dapat. At hindi ito dahil sa kung anong iniisip niya. Sanay naman ako sa gawaing bahay... labing dalawang taon akong namuhay na mag-isa. Normal na sa akin ang ganito. "Hindi naman sa ganoon, Cley..." tinitigan ko siya ng mataman habang inaayos ang mga pinggang huhugasan ko pa. Naiilang itong palipat-lipat na naman ng tinititigan. Natawa ako... talagang hindi sanay. Ano kayang ginawa ng mga lalaki noon at mukhang hindi naman ito sanay na tinititigan pabalik? Kulang ba sa diin? "Cley..." tawag ko nang patapos na ako at ganoon pa rin ito. Humihilig siya sa sink at nakatuko ang mga kamay sa dulo no'n. Mukha siyang naglalaro habang nagpapabigat saka bubuhatin ang sarili. Nakakatuwa siyang panoorin. Kung hawak ko lang ang bawat oras, mas gugustuhin kung manood na lang habang hinahayaan siyang gawin kung anumang gustuhin niya. "Date tayo..." naisatinig ko. Napabaling siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. Napangisi ako. "Clea... payag ka bang e-date kita?" Napaawang ang labi niya at biglang tumayo ng maayos at nanginginig ang kamay na itinago niya sa kanyang likod. Mas lalong lumawak ang ngisi ko. "A-aah..." "Oo at hindi lang, Clea." "S-sandali po." Tumalikod na lang itong bigla at naglakad patungong CR. Sinaraduhan niya ako ng hindi ko alam kung bakit. Hinintay ko siyang lumabas, medyo matagal din at nang lumabas ito ay halos matawa ako sa tuwa ng medyo basa ang kanyang mukha at namumula na naman. Apektadong-apektado. "A-ano, bihis lang po ako, Sir... A-ano... pwede po bang sa labas na lang kayo maghintay?" Tanong niyang hindi naman nakatingin sa akin. "Okay." Simpleng sagot ko at lumabas na. Sumipol pa ako sa tapat ng silid niyang nakasara ang pangalawang pintuan. Nasa loob ng akong bulsa ang dalawang kamay at hindi ko maiwasang tumingala at umawang ang labi dahil sa antipasyon. Excited ako. Sa totoo lang. At kinakabog na ang puso ko sa kaba. Maya-maya lang din ay lumabas siyang... nakabihis. At talagang napasinghap ako ng nakitang nakalugay ang kanyang buhok, at labas ang kanyang balikat sa sout niyang 'off-shoulder' yata... at bakit nakamaikling shorts pa ito? Hindi ko napigilang tambulin ng kaba at panginginig ng aking mga kamay dahil sa nasisilayan kong ganda sa aking harapan. Alam kong seksi siya, ngunit hindi ko napaghandaan ang ayos niya ngayon. Napalunok pa ako ng ilang beses, at pasensya naman kung talagang pinasadahan ko ng tingin ang mahahaba niyang binti't hita na kasing puti na ng labanos. Makinis, at wala man lang peklat o kung ano. Talagang...napakakinis. "S-sir..." tawag niya sa aking pansin kaya inilipat ko ang mga mata sa kanyang mukhang namumula na naman. Nginitian ko siya gayung alam naming pareho kung saan mas nagtagal ang aking paninitig kanina. Kung hindi lang walang tao sa pupuntahan namin, pinagbihis ko na 'to! "Halika na." Wika ko. "Po?!" Gulantang niyang tanong. Napakunot ang noo ko at nang marealize ang sinabi ko, humagalpak ako ng tawa. Gasgas nang usapin 'to ngunit natatawa talaga ako na iba ang pagkakarinig niya noon. "Let's go... before I might forget and kiss you instead." Biro ko na ikinapula niya. "Sir naman..." nahihiyang yumuko ito dahil sa sinabi ko. Natawa na naman tuloy ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD