Kabanata 4 - Caught in the act?

1026 Words
“You did what?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Lou sa pinsan nang ipagtapat niya ang plano nilang hiwalayan ni Belle. “Tell me, this is just a joke. Ecka ha? Nasosobrahan ka na sa pagpa-prank.” “Kung prank `to hindi ikaw ang pinagsabihan ko.” “And you’re okay with it?” Umiling si Ecka. “Tangina naman Ate. Sinong tanga ang okay lang na hiwalayan ng asawa? Sa totoo lang hindi ko na rin alam ang gagawin ko pero baka kapag kumapit pa ako sa kasal naming pareho lang kaming mabaliw?” “Tangina ninyong dalawa!” Hindi na napigil ni Lou ang emosyon. Wala siyang pakialam kung mangiyak-ngiyak ang kaharap. “That’s what you get for marrying too soon! Hay Naku! May babae ka ba? O may iba siya? I need to know Ecka! Whose fault is it? Who’s having an affair?” “Sinong may affair?” Parehong napatingin sina Lou at Ecka sa may hagdanan. Si Aica— wife siya ni Lou. “Anong pinagtatalunan niyo?” “Maghihiwalay na daw sila ni Belle.” Kaswal na sagot ni Lou. “Would you believe it? Sila pa `yong atat na atat magpakasalan noon e.” Mukhang hindi na nagulat si Aica sa balita. “Really? And sino ang may kabit? Or wala? Na-bored lang kayo sa isa’t-isa?” Hindi umimik si Ecka. Alam niyang panibagong sermon na naman ang maririnig niya sa tono ni Aica. “Have you considered counselling? You better think twice. Isipin niyo ang mga bata.” “Mas magsa-suffer pa sila kung ipipilit namin. Ayaw na ni Belle. And this time, wala na akong iwi-win back. I know, malakas ang kutob ko. Wala nang natitirang pagmamahal para sa akin.” Nagkatinginan ang mag-asawa. Ayaw nilang pakialaman si Ecka pero naaawa rin sila dito. “Why don’t you go on a vacation with the kids? Baka pwedeng pang ayusin,” Aica suggested. “Do you want us to talk to her?” Umiling ulit si Ecka. “Kaya ko na po ito. Buong buhay ko naasa na ako sa inyo. Angdami ko nang abala sa inyo.” “Hindi ka abala.” Kalmado nang sabi ni Lou. “Ayaw mo bang ilaban ang custody ng mga bata? If ever maghiwalay nga kayo.” “Hindi ko alam. Parang wala rin akong direksyon kung sakali. Kawawa lang ang anak namin. Pero gusto kong humingi ng pabor, Ate.” “Tangina mo. Walang favor-favor dito. Alam ko ang takbo ng utak mo, Ecka. At hindi magandang idea `yan. Ayusin mo ang buhay mo. Hindi lang si Belle ang babae sa mundo.” “Ai, hindi mo naman kailangang murahin si Ecka. Malungkot na nga e. Ihanapan ko nga ito ng bagong asawa. Haha!” “Ewan ko rin sa`yo. Huwag mong demonyohin ang utak ng batang yan.” Lumabas ng bahay si Lou. “Anong plano mo ngayon? Give up ka na talaga?” Tanong ni Aica. “It’s too early to let her go. Why don’t you try to win her back? Jealousy schemes never gets old. Why don’t you try it?” “Ako na ang parang mamamatay sa selos, Ate.” Naikwento na niya ang mga hinala niya. Hindi niya magawang magkwento kay Lou dahil ayaw niyang madiin sa sitwasyon si Belle. “Huwag mong sabihin kay Ate. Mas magwo-worry siya. Saka ayokong masira si Belle sa kanya. Hinala lang naman `yon e.” “Hinala na takot mong i-confirm kahit napakadali naman `yong gawin para sa`yo.” She was caught off-guard. With her skills as a double agent, napakadali nga namang malaman kung mayroong ibang nagugustuhan ang kanyang asawa. Konting kibit lang sa phone nito ay mako-confirm niya kung sino ang palagi nitong kausap. She can even put a bug on it. She smiled bitterly. “I can’t spy on my own wife. Hindi kaya ng konsensya ko.” “You’re just a damn coward. But I total understand you. I’m still hopeful maayos niyo ang hindi niyo pagkakaunawaan. In the first place, siya ang pumikot sa`yo.” May dumating na sasakyan. Bumusina ito nang tatlong beses. Natawa si Aica. “Good mood si Leigh ngayon. Magpalibre tayo.” Si Leigh Aira Criseth ay anak nila ni Lou. “Ayos mukha. Alam mo namang abot bumbunan ang curiosity n`on.” Ecka composed herself. Pinahid niya ang luha niya. Inayos din niya ang kanyang buhok. Si Aica na ang nagbukas ng pinto. “Mom, may kabit ba si Tita Ysabelle? Sino `yong kasama nilang lalaki sa Rectica? Magkahawak-kamay pa. Nag-i-spy kasi ako doon—” Makailang beses na tumikhim si Aica bago pa mahalata ni Leigh ang presence ni Ecka. “Oh s**t. Tita...” Napahilamos siya sa kahihiyan. “Me and my big mouth. Nandito na rin lang e. I-todo ko na? Na-picture-ran ko kasi sila.” --- Napamura sa isip si Ecka nang makita ang picture. Ang kasamang lalaki ni Belle ay `yong lalaking kinuha nilang sperm donor! “How on earth did they met?!” bulalas ni Lou. “Nakita ka ba ng Tita Ysabelle mo?” Umiling si Leigh. “Nagtago ako agad, Mommy. Lumabas din ako agad e. Buti malinaw `tong kuha ko ng picture. Hindi ko tuloy natikman `yong inorder ko,” panghihinayang pa niya. “3000 binayad ko doon.” “Do you have any idea kung paano sila nagkita ulit? Akala ko ba once niyo lang siya na-meet?” baling ni Lou kay Ecka. “Masyado ka bang abala sa mga missions mo kaya napabayaan mo ang family mo?” Umiling si Ecka. “Hindi ko alam. Gulong-gulo na ako! Please, huwag niyo nang dagdagan pa ang iniisip ko! Kung may pagkukulang ako at ito ang kapalit, fine. Tanggap na tanggap ko na. Okay?!” “Hey. Calm down. Wala kayong maayos kung magsisigawan lang kayo.” Away ni Aica sa kanila. “Walang iso-solve na problema. If this is true, Belle cheated on Ecka. At hindi ko papayagang mapunta sa kanya ang custody ng mga bata,” pagmamatigas ni Lou. “Ang problema kasi sa`yo, Ecka, masyado kang mabait. Iniiputan ka na nagpapakatanga ka pa rin.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD