Kabanata 3 - Bitaw

1010 Words
Si Ecka ang pumila para sa tickets at popcorn. Sa hindi kalayuan ay tanaw niyang inaayos ni Belle ang ponytail ng dalawa. Nagpabili ang mga ito ng mga ipit na mayroong desinyong pangpasko. Naaliw din ang dalawa sa kanilang sombrero na may umiilaw na mga bituin. Naiinip na siya sa pila. Malayo-layo pa siya sa cashier. Naiinis siyang bigla sa mga dagsa ng tao. Muling nag-ring ang phone niya. Si Ella ulit ang tumatawag. Sinagot na lang niya ito kaysa naman kulit-kulitin siya na aabot pa sa pagpunta sa kanyang bahay. “Hmm? Bakit ka napatawag?” “Just checking kung hindi aparisyon `tong nakikita ko. Haha! Family bonding pala kayo e! Hindi na ako mag-aalala.” Nagpalinga-linga siya. “Pinapasundan mo ba ako? Ella naman! Off limits tayo sa mga ganitong bagay `di ba? We don’t spy on each other.” “Hindi ako nag-i-spy. Nagki-care lang ako sa kaibigan ko dahil parang tangang naglasing sa convenient store! Haha! Ibaba ko na. Enjoy the fambam, Ecka! We have new mission next week!” Enjoy tapos may mission naman pala. Bumaling siya ulit sa mag-iina. Hindi napalampas ni Ecka ang nakita niyang ngiti kay Belle habang nakatingin siya sa kanyang cellphone. Agad niyang binawi ang kanyang tingin. Paranoid na siya para isipin na mayroong ibang nagpapangiti sa kanyang kabiyak. Huminga siya nang malalim. Uminom pa siya ng tubig upang mapakalma ang sarili. “Hindi magagawa ni Belle `yon.” Inulit-ulit niya ito sa kanyang isip. Subalit parang tinatraydor siya ng kanyang isipan. Kung ano-anong eksena na ang pumapasok dito. “Uhm, Miss, ikaw na.” nabalik siya sa kanyang diwa kinalabit siya ng babae sa likuran niya. “Are you okay, Miss? Namumutla ka.” “Huh? Oo. Okay lang. Thank you.” --- Nasa loob na sila ng sinehan. Pinagitanaan niya ang mga bata. Sumandig sa kanya si Euricka saka humawak sa kanyang braso. “Hindi mo ba gusto ang movie?” bulong niya dito. “O inaantok ka?” “Inaantok po.” Kinalong niya si Euricka. Inabot niya kay Belle ang hawak-hawak nitong cellphone. “Move ka upuan, Mama” malambing na request ng anak. Ginawa naman niya. Isang upuan na lang ang pagitan nilang mag-asawa. She tucks Euricka to sleep. Mabilis na nahimbing ang bata. Kinuha naman ni Mirabelle ang kanyang kanang kamay. Pinaglakip niya ito sa kamay ni Belle saka ilang beses na tinapik-tapik at saka hinalikan. Binaling niya ang kanyang pansin sa pelikula. Ayaw niyang umiyak. Baka magtaka ang mga anak nila. --- Nag-tantrums si Mirabelle kaya pagkalabas nila ng sinehan ay dumeretso na sila sa bahay nina Belle. Labag man ito sa loob ni Ecka ay wala siyang magagawa dahil kung sa kanilang bahay sila uuwi ay siguradong mahihirapan ulit si Belle na kumbinsihin ang mga batang bumalik dito sa bahay ng kanilang lolo at lola. Iniiwasan niya ang kanyang mga in-laws pero sadyang minamalas siguro siya dahil pagkalabas niya sa kwarto ng mga bata ay bumungad sa kanya ang kanyang father-in-law, si Ariston. “`Pa… Good evening po.” “Hija, kumusta ang inyong date? Buti at nadalaw mo ang mga bata. Hindi pa ba matatapos ang mga trabaho mo?” “Hindi ko po alam.” Matamlay niyang sagot. “Baka hindi na po.” Saka ito pilit na ngumiti. “Depende po.” “Halika ka at kwentuhan mo ako.” Sinundan niya ang biyenan sa mini-office nito. “Sound proof itong opisina ko. Pwede mong ilabas lahat ng nararamdaman mo, Hija. Nararamdaman kong mayroong kayong hindi pagkakaunawaan ng anak ko.” “Wala naman pong problema, `Pa.” “Hindi naman magbabakasyon nang matagal ang mga bata dito kung okay kayo ni Belle.” Binigyan siya ng matanda ng wine saka ito naupo sa kanyang swivel chair. “Marami nang tanong si Euricka. Nagtataka na rin siya. Kung ano man ang problema ninyo ay pag-usapan ninyo.” “Baka po maghiwalay na lang kami, `Pa.” Nakayukong pagtatapat ni Ecka. “Hindi ko na rin po alam kung ano ang nangyayari e. Basta po walang kasalanan si Belle.” Natigilan si Ariston sa tinuran ng kaharap. “Are you okay with it? Gan`on gan`on na lang ba, Hija? Angdami niyo nang pinagdaanan.” Mapait ang ngiti ni Ecka nang maalala kung paano rin sila pinaghiwalay ng pamilya ni Belle noon. “Kung `yon po ang hihilingin niya `Pa. Ibibigay ko na siguro po. Kaysa mag-suffer siya sa pakikisama sa akin.” --- Gising pa si Belle nang pumasok sa kwarto si Ecka. Nakatutok siya sa kanyang laptop. Hindi na siya nag-abalang magpaliwanag kung saan siya nanggaling. Kumuha na lang siya ng pamalit sa kanyang bag saka dumeretso sa banyo. Huling malinis na pares na ng damit `yon. “Angpangit ko na.” Bulong niya sa kanyang isip habang nakatingin sa salamin. “Hindi na rin ako sexy.” Bagamam ang kanyang pangangatawan ay masasabing batak sa pagsasanay hindi maipagkakaila ang malaking pagpayat niya. “Mukha na akong adik, Gago.” Kinabahan siya nang makita niyang tapos na si Belle sa paggamit ng laptop at parang inaabangan siya nito. Nakahalukipkip siya sa may study table na parang may malalim na iniisip. Iniayos ni Ecka ang pinagbihisan niya sa kanyang bag bago naupo sa kama. “Pwede naman akong matulog sa sofa kung hindi ka komportable na katabi ako.” “Hindi ko na kaya, Ecka. Itong relasyon natin. Nasasakal na ako. I’m handling the company. Angdaming criticisms. Hindi ko na kaya.” “Sana pala inisip natin `to noon `no? Mapusok kasi tayo.” Pigil-iyak na sabi ni Ecka. “Ako din kasi. Parang nauupos na. Nagpadalos-dalos kasi tayo noon.” Malaking kasinungalingan! Sigaw ng kanyang isip. Gusto niyang isipin ni Belle na pareho sila ng sitwasyon. Na pareho silang nagkamali. “Mag-file ka na ng annulment ng marriage natin. Do any legal thing na kailangan,” saad ni Ecka. “Just give me enough visiting time sa mga bata. I guess co-parenting is better kaysa maipit sila sa sitwasyon. Sa kwarto ng mga bata muna ako matutulog.” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD