Kabanata 2 - Hiling ng mga Bata

1205 Words
Hindi umiimik si Ecka kahit maraming sermon na ang kanyang narinig mula sa kanyang pinsan, si Lou. As usual ay tinatanggap na naman niyang siya ang nagkamali. “Nag-aalala `yong tao. Hindi ka nagpaalam na umalis ng bahay. Ano bang pinag-awayan niyo?” Tulala lamang si Ecka habang mayroong nakapatong na icepack sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ang binibiyak ang kanyang ulo sa sakin. Inaalala niya kung ilang bote ang nainom niya sa convenient store. Bigla itong umiling. “Now what? Nakikinig ka ba o hindi?” Nag-angat siya ng tingin sa kanyang pinsan. “Nasobrahan ka na ba sa alak? Tuyo na ba ang utak mo? Don’t tell me, nagda-drugs ka na rin?” “No. Baka pagod lang talaga ako. Pwede na ba akong umalis? Hindi naman na ako lasing.” Nahilot ni Lou ang kanyang sentido. Hindi na nito alam paano ang gagawin para mag-open up si Ecka sa kanya. Ramdam niyang mayroong silang pinagdadaanang mag-asawa, ang nais lamang niya ay dito mismo manggaling ang kwento. “Where are you going? Dala mo ang ilang gamit mo. What’s gotten into your mind? Come on, Ericka! Mauunawaan ko naman kung ano ang problema niyo.” Nilapag ni Ecka ang icepack sa mesita. “It’s about my family. I can solve this. No worries. I just messed up last night.” Tumayo na siya and was about to lift her bag. “Sa isang relasyon hindi pwedeng “I can solve it” lagi, Ecka. I can sense you two are having hard times. Mag-usap kayo.” Tumango lang siya saka isinukbit ang bag. Nilahad niya ang kanyang kanang kamay. “Susi ng motor ko?” “Ipapahatid na lang kita.” “Please? Hindi na ako bata, Ate. I can handle myself. Give me my key.” Walang nagawa si Lou kung hindi ibigay sa pinsan ang susi. “Dalawin mo ang mga bata. Siguradong nami-miss ka na nila.” --- Nasa tapat na siya ng bahay nina Belle. Nagdadalawang-isip siya kung tutuloy siya o hindi. Hindi naging smooth ang relasyon niya sa mga in-laws niya. They never liked here. They are only being civil to her dahil sa mga bata. She missed her kids so much. She pressed the doorbell button thrice and patiently waited for the guard. Agad siyang pinapasok nang guard nang makilala siya. She parked her motorcycle and immediately asked for the kids. “Kararating lang po nila, Maam. Kasama po si Senyorita Belle.” “Pwede mo bang sabihin sa kanya na nandito ako?” “Si Ma`am, parang ibang tao e. Pasok na po kayo. Siguradong matutuwa ang mga bata.” Pero namilit pa rin siyang maghihintay na lang kaya walang nagawa ang guard kundi tawagin si Belle. Lumabas na ito kasama ang mga bata. Mahigpit na yakap ang salubong sa kanya ng dalawang chikiting. Anim na taon ang kanilang panganay, si Euricka at apat na taon naman si Mirabelle. “We miss you, Mama.” Malambing siyang pinaghahalikan sa pisngi ng kanilang panganay. “Where have you been? Looking kami ni Mommy sa`yo. Sad si mommy tuloy.” Pinisil ni Ecka ang pisngi ng dalawa. “Nag-mission ang Mama. `di ba sabi ko sa inyo parang superhero ang Mama? Daming nililigtas?” “Aalis ka ulit po?” tanong ng bunso. “Pwede tayo bonding po? Kasama mommy?” Tumingin si Ecka sa asawa. “Kung hindi busy ang mommy niyo. Pwede naman.” Tumingala ang mga bata kay Belle. Nangungusap ang mata ng mga ito na wari kinukumbisi ang kanilang mommy. “Kahit anong oras para sa inyo. Saan niyo gustong pumunta?” Sabay na sinigaw ng dalawa ang movie saka sila tumakbo papasok ng bahay. Sinundan lamang sila ng tingin ng dalawa. “Magbihis ka muna. Iwan mo na lang ang motor mo dito.” --- Bumuntong-hiniga si Ecka habang nakatingin sa malaking salamin. The spark between them is gone. She knows and she feels it every day. That’s the worst part of it. “Naghihintay na ang mga bata.” Hinarap niya si Belle. “Saglit lang.” Nilagay niya ang pinagbihisan niya sa kanyang bag. “Don’t tell me, hindi ka dito uuwi mamaya? Anong iisipin ng mga bata?” “Na nasa mission ako? They’ll get used to it.” “Look, I know were not okay, but can you please be nice sa harap ng mga anak natin?” “Okay. If you say so. Dito ako uuwi mamaya and tomorrow na lang ako sasabak sa mission.” She quotes and quote as she sets aside her bag. “Tara na.” --- Hindi maubos-ubos ang kwento ng mga bata sa byahe. Nakikisakay naman si Ecka sa mga imaginary friends ng mga bata. “Mommy, let’s buy doll house po,” Euricka requested. “`Yong malaki po sana.” “Sure. Ano pang gusto mo?” tanong ni Belle. “Ang you little one? Anong gusto mong ipabili?” “Wala po,” umiiling na sagot ng bunso. “Christmas na. You deserve gifts. Come one bebe kong cute, ano ang gusto mong gift? I’ll buy anything na gusto niyo.” “Wala po. Pero saan po tayo magki-christmas ngayon? Miss ko na po `yong house natin. Ayoko na ng Christmas vacation po. Gusto ko na laging umuuwi doon. Boring po kena Lola. Secret po natin ha?” tinakpan ni Euricka ang kanyang bibig. Nagkatinginang saglit sina Ecka at Belle. “Ask your mom kung saan niya gusto.” Sagot ni Ecka habang ang atensyon niya ay naka-focus sa pagmamaneho. Mukhang naghihintay ng sagot ang mga bata. “Gusto niyo bang mag-celebratate somewhere? Like sa beach kaya?” sabi ni Belle sa mga bata. “Let’s have vacation. Pwede tayong magpa-reserve na ngayon. What do you think?” Ecka loves to see the kids’ excitement after hearing vacation from their Mom. Nag-high five pa ang dalawa at nag-suggest ng mga gusto nilang puntahan. Kung saan naman ang gusto ng mga bata ay malugod niyang pagbibigyan. Nag-ring ang phone niya. Pinasak niya ang headset sa kanyang tainga. She then slide answer icon. “Hoy! Ericka!” Si Ella ang nasa kabilang linya. Kilalang-kilala niya ang boses nito at kapag tinawag siya nito sa kanyang pangalan ay siguradong hindi maganda ang hatid nitong balita. “Hmm.” “Ano `tong kumalat na picture mo sa internet? Naglasing kang gaga ka! Sa convenient store ka pa naghilata! Nakakahiya!” “What? Teka. You took it down. Right?” “Oo naman. Buti nakita ni Gia agad e. Pumunta ka dito kung kailangan mo ng kausap. Bye! Love ka namin Ecka.” “Bye. Thank you, Ella.” She’s again a fool. Inisip talaga niyang magtatanong si Belle kung ano ang pinag-usapan niya like how she used to. Ilang beses siyang huminga nang malalim para pigilan ang kanyang luha. She can see Belle in her peripheral view looking outside. She has always admired her beauty. She held on her wife’s left hand for a while. She’s taking the advantage of their kids’ presence. Napatingin si Belle sa kanya. “Just a sec,” sambit ni Ecka. Ilang sandali lang ay binitawan din niya agad ang kamay ng asawa. Saka muling nagfocus sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD